KINABUKASAN ng hapon ay nakaabang na si Miguel sa labas ng gate ng eskuwelahan. Nakasuot ito ng puting T-shirt na pinatungan ng black leather jacket at hapit na kupasing maong, prente itong nakaupo sa itim na motorsiklo. Nakapatong ang kanan nitong paa sa footrest ng motorsiklo at ang kaliwa naman ay nakatukod sa lupa. Ngumiti ito nang makita sila.
Parang gustong pulutin ni Annabelle ang puso niyang nahulog sa lupa nang mapagmasdan ang guwapo nitong mukha.
“Whoa, Annabelle! Tama ba ang nakikita ko? Si ano ’yan, ’di ba?” usisa ni Jenny.
“Si Miguel,” pagkumpirma niya at gumanti ng ngiti sa binata.
Mataman siyang tinitigan ni Jenny. “Ba’t parang may naalala akong sangkatutak na paalala at babala tungkol sa mga taga-Maynila? Sino nga ba’ng nagsabi niyon?”
“Tigilan mo nga ako. Nagmamagandang loob lang ’yong tao. Baka may babaeng nakababatang kapatid, na-mi-miss lang kaya mabait sa akin.”
“Asus! Iba, e! Iba. Tingnan mo nga ’yang ngiting ’yan,” anito na sinulyapan ang binata. “Ngiting tagumpay!”
“Shhh! Baka marinig ka. Nakakahiya. Baka isipin niya kinikilig ako.”
“Bakit? Hindi nga ba? Naku! Tigilan mo nga ako, Annabelle,” sabay sundot sa tagiliran niya. “O sige, magta-traysikel na lang ako. Ayoko namang maging chaperone.”
“Sigurado ka? Puwede naman tayong dalawa sa motor niya, e,” nag-aalala niyang tanong dito.
“Ay, huwag na, oy! Three is a crowd. Marami naman akong kilalang driver d’yan,” anito.
“Pasensiya ka na, sis, a?”
“Ayos lang ’yon. Puwede naman akong sumabay kay Papa o mag-traysikel. Mabuti nga at may progress na ’yang love life mo. Hindi puro pag-aaral lang ang inaatupag mo. Sige na, babush na! Mag-iingat kayo, ha?”
“Mag-iingat ka rin,” paalam ni Annabelle at lumapit kay Miguel.
“Good afternoon, Sir.”
“Good afternoon. Saan na nagpunta ang kaibigan mo? Hindi ba siya sasabay?”
“Hindi na daw po.”
Tumango ito. “Nagugutom ka ba? Meryenda muna tayo. Maaga pa naman.” Sumulyap ito sa relo.
“Ikaw po ang bahala,” nahihiya niyang sagot.
“Marunong ka bang umangkas dito?”
“Medyo po. May motor kasi ang tito ko.” Ang totoo’y dalawang beses lang siyang nakasakay sa ganoon. Hindi niya alam kung naaalala niya pa kung paano.
“Halika.” Nakatagilid itong humarap sa kaniya para tulungan siyang makaangkas. Kinuha nito ang bag ng dalaga at sinabit sa kaliwang manibela. Napakislot si Annabelle nang hawakan nito ang binti niya para iapak sa footrest.
Ramdam niya ang init ng mga palad ni Miguel nang dumaiti sa balat niya.
“Sorry. Basta huwag mong likutan ang mga paa mo. Apak ka lang d’yan. At kumapit ka nang maigi sa akin. Mahirap na, baka kung saan ka pulutin,” nakangising sabi nito.
Nang paandarin ng binata ang motorsiklo, napayapos si Annabelle sa baywang nito sa takot na baka kung saan na nga siya pulutin. Ang sarap hawakan ng tiyan nito, flat and firm. Naisip niya kung ano kaya ang pakiramdam ng hubad nitong katawan. Mga matitigas na brasong nakayakap sa kaniya habang bumubulong ng mga salitang masarap sa tainga.
“Annabelle?” untag nito sa kaniya.
“H-ha? Bakit po?”
“Okay ka lang ba d’yan?”
“A-ayos lang po, Sir.” Nahihiya siya sa sarili. Ang landi ng isip niya! Pagpantasyahan ba naman si Sir? Nagpokus na lang siya sa pagkakahawak sa baywang nito.
NAGING routine na nila iyon araw-araw. Mas nagiging close na rin sila. Nakilala na niya ito nang maigi at nalaman niyang palabiro din pala ito. Taliwas sa akala niyang napakaseryoso.
Nakilala rin ni Annabelle ang malapit nitong kaibigan na kasamahan din sa trabaho, si Rudy. Ito ang maputing sundalo na type ni Jenny. Sumama itong magmeryenda isang hapon. Mapagbiro ito, madaldal, at palakuwento, iyong tipong hindi nauubusan ng paksa.
Umalis sandali si Miguel para magpagasolina kaya naiwan sila ni Rudy.
“Alam mo, magaling na sundalo ’yang kaibigan ko. Kapag may bakbakan, siya lagi ang nasa frontline,” pag-uumpisa nito.
“Ano pong frontline?” Interesadong nakinig si Annabelle.
“Frontline, ’yan ang tawag sa mga sundalong nasa first line. Sila ang pinakamalapit sa lugar kung saan may barilan. Sila ang unang humaharap sa mga kalaban.”
Napasinghap siya sa narinig. “Pero masyadong delikado ’yon, ’di ba?”
“Oo naman. Pero bilib ako d’yan sa kaibigan ko. Hindi pa ’yan napuruhan kahit kailan. Parang kinakain niya lang ’yong mga bala ng kalaban. Kaya nga kahit bata pa, naging officer na,” pagmamalaki nito.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng paghanga at higit sa lahat ay pag-aalala kay Miguel. Kahit sabihing magaling ang lalaki, hindi ibig sabihin ay lagi itong ligtas sa panganib.
NASA hapagkainan si Annabelle kasama ang mga magulang.“Annabelle, nabalitaan kong madalas kang hinahatid ni Miguel dito sa bahay galing eskuwela.” Nagulat siya sa biglaang pagtatanong ng ama.Kahit ine-expect niya ng malalaman ng mga ito ang bagay na iyon ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan.Paano niya iyon sasagutin at ipaliliwanag sa ama?Baka mag-isip ito ng masama.“O-opo,” nakatungo niyang sagot.Namayani ang katahimikan sa buong kusina. Tanging kalansing lamang ng mga kubyertos ang naririnig. Si Mrs. Cora ay nakamasid lang din.“Aba’y maganda iyan,” hindi inaasahang sabi nito. Biglang naitaas ng dalaga ang tingin. Nasorpresa siya, pati ang ina niya ay hindi rin makapaniwala.“O, bakit ba? Mas mabuti iyon. May bodyguard na ang anak ko, opisyal pa ng s
NAGPATULOY ang pagsundo ni Miguel kay Annabelle. Iyon nga lang ay may pagbabago. Naging ‘mas’ na ito sa maraming bagay. Mas maalaga, mas maaalahanin, mas malambing, at higit sa lahat, mas protective. Minsan, nagiging strikto na rin ito, lalo sa mga isinusuot niya. Imbes na mainis, kinikilig siya sa ideyang iyon.Siniguro nito sa kaniya na pormal itong aakyat ng ligaw. Na nagsimula nga nang gabing iyon.Guwapong-guwapo ito sa suot na light blue jeans at black polo shirt. Traditionally, gaya ng ipinangako nito, may bitbit itong bugkos ng white roses at malaking teddy bear. Hindi mahilig sa matatamis si Annabelle kaya hindi rin ito nagdala ng tsokolate. Minsan naman, hindi lang siya ang may pasalubong, pati ang mga magulang niya. Mainit ang pagtanggap ng mga magulang niya sa binata, lalo na ang ama niya na halatang botong-boto rito. Minsan nga ay parang ito na ang nililigawan ng binata dahil silang
MARTES ng umaga. Kasalukuyang nagbibigay ng instructions si Miguel sa grupo. Nakahilera ang mga itong nakatikas-pahinga sa harap niya. Full geared na silang lahat at handa na para sa pag-alis.“At exactly ten hundred hours dapat ay nandoon na tayo sa area. Further instructions for this assignment will be given by Captain Francisco. Naghihintay siya doon,” wika niya sa malakas na tinig.Lumapit si Rudy mula sa likod niya.“Your precious angel is here, bud,” bulong nito. D-in-ismiss na niya ang grupo at nagtungo sa kubong tanggapan. Nakatayo si Annabelle roon at may bitbit na maliit na paper bag.“Annabelle?” sambit niya rito.Lumingon ang dalaga sa gawi niya at patakbong yumakap. “Miguel . . .”“Bakit ka nandito?”“Gusto lang kitang makita
KASALUKUYANEKSAKTONG alas-dose ng tanghali nag-landing ang eroplanong sinakyan ni Annabelle. Sinundo siya ng kapatid niyang si Rene sa airport. Bumiyahe sila nang araw ding iyon papuntang Bansalan. Hapon ng alas-singko na sila nakarating ng bahay. Mainit na sumalubong si Mrs. Cora kasama ang hipag niyang si Rosana at ang anak nito.“Kumusta ang biyahe mo, Annabelle? Mas lalo kang gumanda!” Nakilala ito ng kapatid sa Digos kung saan ito nagtatrabaho. Nang makasal ay lumipat ang mga ito sa Magsaysay malapit sa kanilang bahay.“Mabuti naman, Rose. Salamat.”“Nagpaitim ka yata ng buhok? Sa pagkakatanda ko, brown ang buhok mo noon, ’di ba?” Naisipan nga niyang ibahin ang kulay ng buhok niya noon sa Amerika para maiba naman ang dating ng mukha niya.“Oo, nagpa-ha
BUMABA ng taxi si Annabelle pagkatapos magbayad. Tiningala niya ang gusali sa kaniyang harapan. Magkahalong kaba at galak ang nararamdaman niya.Humugot siya ng isang malalim na hininga bago humakbang papasok sa isang electronic sliding door. Tila doon siya makakakuha ng lakas para ituloy ang nais gawin. Bumungad sa kaniya ang dark gray interior. Sa gitna ay may pader na kulay krema. Binasa niya ang malalaking letrang kulay itim na nakapaskil doon, STEEL SECURITY AGENCY. Sa kanang bahagi ay may isang itim na leather couch at oblong-shaped glass center table. The interior looks elegant and clean. Nag-complement dito ang isang palm plant na maayos ang pagkakalagay sa isang sulok.“Good afternoon, Ma’am. How may I help you?” bati sa kaniya ng receptionist. Nakatayo ito sa likod ng counter. Petite ang babae, maputi, at alon-alon ang brown na buhok. Nakasuot ito ng white Chinese collared blouse na pi
NAGPAKAWALA ng mahabang hininga si Miguel nang tuluyang naglapat ang pintuan pasara ng office. Ngayon lang niya napagtanto na kanina pa niya pigil iyon.Bakit ito nandito? Bakit ito bumalik? Kung kailan maayos na ang buhay niya. Kung kailan nasanay na siyang mamuhay ng wala ito. At bakit pa ito nakipagkita sa kaniya? Para guluhin ulit ang buhay niya? Higit sa lahat, may asawa na ito. Alam ba ng asawa na nagpunta ang babae rito?Tila eksena sa pelikula na nag-flashback sa kaniya ang mga pangyayari. Pitong taon na ang nakalipas. Pangyayaring nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya.Masyado siyang naapektuhan sa biglang pagkawala nito kaya nawala ang focus niya sa trabaho. Isang taon matapos tuluyang natuldukan ang ugnayan niya rito, nangyari ang pinakamalaking biro ng tadhana. He was shot with a rifle straight to his chest. Buong akala niya ay katapusan n
BANDANG hapon na humupa ang mga tao. Hindi na rin masyadong busy si Jenny.“Okay ka lang ba, Anna? Pasensiya ka na, sis, ngayon lang ulit kita na-accomodate.” Lumapit ito sa kaniya na may dalang dalawang kopita ng wine.“No worries, sis. Okay lang ako. Maya-maya uuwi na din ako.” Hindi na niya namataan si Miguel simula noong engkuwentro nila. Naiwan na lang ang lalaking kasama nito na ngayon ay kausap si Rudy.Ilang sandali ay lumapit ang mga ito sa mesa nila. “Bud, I want you to formally meet Annabelle Reñedas, Jenny’s best friend. Kararating lang niya from the States three weeks ago,” pagpapakilala nito sa kaniya. “Anna, this is our friend Anton dela Cerna. He was with us in the battalion before, kung naaalala mo. Kasama din namin siya sa SSA.” Inilahad ni Anton ang kamay sa harap niya. Tinanggap din niya iyon nang nakangiti. Pero ang totoo ay awkward sa kaniya
“WHAT was that, Miguel?!” hindi makapaniwalang tanong ni Rudy. “Are you out of your mind?”Nanatiling walang imik ang binata. Nakaupo lang siya sa swivel chair. Hindi man lang nag-atubiling ayusin ang nagulong buhok.“Hindi ako makapaniwalang nagawa mo ’yon!” Rudy ranted. “For God’s sake, wake up, buddy. That was Annabelle! ANNABELLE,” pagdidiin nito, nagbabakasakaling hindi pa nag-si-sink in sa utak niya iyon. “Hindi siya isa sa mga babaeng napulot mo lang sa kung saan. Bud, she’s the love of your life.”“Was,” pagtatama niya rito.“Alam kong galit ka, at may karapatan kang maramdaman ’yon. But, bud, not like this. Huwag kang gumawa ng kalokohan na pagsisisihan mo lang sa huli.”“It’s none of your business.” Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Ang alam lang niya ay galit siya at kailangan niyan