Saglit akong natigilan. Huminga muna ako ng malalim para maka-recover. Hindi naman ibig sabihin nun na titigil na ako. Pwede pa rin naman sigurong sumubok kahit ayaw niya. Tiningnan ko siya sa mga mata pero wala akong mabasang reaskyon doon. Kukulitin ko pa sana ito ulit pero natigil ako nang may kumatok sa bintana sa bandang likuran ko. Paglingon ko kung sinong ang nandun, nakita ko ang lalaking kamukha niya. Isa sa mga lalaking nakasakay sa kabayo kanina. "Fuck! What is he doing here?" Narinig kong mura ni Hunter at ang pagtunog ng lock ng pintuan. Kung masungit tingnan ang mukha ni Hunter mas masungit pa tingnan itong lalaking nasa labas Mas mukhang pormal at strikto din ito. May suot na itong puting t-shirt ngayon pero bakat ang katawan dahil basa ng pawis. Tiningnan ko kung saan banda ang pipindutin sa sasakyan niya pero bago pa man ako makagawa ng kilos binalaan na ako ni Hunter. "Don't open." Hindi rin naman alam kung paano ito buksan. Iba kasi ang button ng sasaky
Naiwan akong mag-isa sa kalsada, mabuti na lang at hindi na ganun kalayo ang lalakarin ko papunta sa main gate. Paglingon ko sa sasakyan niya, nasa malayo na ito pero nakahinto na. Hunter - 1 point Sky- Zero Bakit kaya siya huminto? Akala ko ba aalis na siya? Naghintay ako saglit, baka magbago ang isip niya at balikan ako. Ngunit ilang minuto na akong nakatayo doon pero hindi ito bumalik. "Ikaw kasi ang tigas ng ulo mo!" Paggalit ko sa aking sarili. Pagkapos malungkot akong ngumiti kahit alam kong hindi niya naman makikita. Sige lang. Okay lang. Ganun lang talaga siguro siya. Hayaan na lang natin. Baka hindi lang siya sanay sa ganung klaseng biro. Kasalanan ko rin naman, nag-feeling close agad ako. I crossed the line, nasobraan ang pagiging maligalig ko. "I'm sorry Senyorito." Mahina kong sabi. "Thank you din po sa bayad." Kahit malayo siya kumaway pa rin ako sa kanya para magpaalam. Parang tanga lang. Pagkatapos tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. "Hindi pwedeng
Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Si Paul na nakapansin din ay buti hindi umalma. Nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho ng kalmado at nanatili sa lane niya. Mabuti na lang din malapit na kami ni Paul sa bahay. Pagkarating namin sa tapat ng tindahan agad akong bumaba. Hindi ako lumingon sa sasakyan ni Hunter pero kita kong huminto ito sa bandang unahan. "Bayad ko, Paul." Sabi ko sabay abot ng isang daang peso. "Kahit hindi ito namamasahero nakakahiya pa rin sa pang-aabala ko sa kanya. "Special mo na Paul kasi ako lang naman mag-isa." Fifty ang bayad kapag special. Twenty five naman kung hindi. Kampante na ako dahil nandito na kami sa harap ng bahay. Siguro mahihiya naman na si Hunter na awayin pa ako pati dito.Tsaka wala akong kasalanan sa kanya dahil siya naman ang nagpababa sa akin sa sasakyan niya. "Wag na, Sky para ka namang others." Nakangiting tanggi ni Paul. Hindi niya tinanggap ang pamasahe ko pero syempre nag-insist ako. "Sige na, ano ka ba! Sige ka 'pag di mo 'to ti
"Sky naman eh, bakit ganyan na naman ang color combination mo?" Napatingin ako sa salamin para pasadahan ulit ang suot kong damit. Bloody red skirt paired with bright yellow ruffled blouse and blue doll shoes. Hapit sa balakang ko ang skirt tapos ang blouse naman ay humuhulma sa hubog na aking katawan. Pupunta akong presinto ngayon. Wala sana akong balak eh kaso nagmessage sa akin si Hunter kagabi. Take note, siya ang nagmessage sa akin. Wala namang masyadong sinabi pero halos hindi ako makatulog.Nagtext lang para ipa remind sa akin na magkikita kami alas nwebe ngayong umaga. "Tsaka anong doll shoes yan Sky, bakit blue? Nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin? Parang kang bandila ng Pilipinas na naglalakad. Kulang na lang maglagay ka ng star dyan sa pagmumukha mo. Magpalit ka nga!" Napanguso na ako na ako kay Lotlot na mukhang namo-mroblema sa suot ko. Wala namang mali sa damit ko. Ang ganda ko nga tingnan eh. Ang ganda nung pagkatingkad ng kulay nila, mas nae-emphasize ang kul
"You're coming with me Harriet, period." Hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi pa.. Pagkatapos nagpaalam na kami kay Lola. Dinala ko na lang ang suman na agahan ko. Nagsimula na itong magmaneho nang makaramdamn ako ng gutom. Tiningnan ko ito, diretso lang ang tinign niya sa kalsada. Kahit sa pagmamaneho hindi man lang nagbago ang expression ng mukha nito, masungit pa rin. "Kain ako ha? Di pa ako nag-agahan." Pinakita ko sa kanya ang puto maya. Sinulyapan niya ako pero hindi ito sumagot. "Masarap sana 'to kung may mainit na sikwate eh kaso nagmamadali na tayo. Kain tayo susubuan kita." Binuksan ko ang puto maya at kumagat. " Ang sarap, the best talaga itong puto maya ni Lola Valeria." Humarap ako sa kanya at nilapit sa bibig niya ang puto maya. " Kumagat ka." Offer ko pero tiningnan niya lang ako. Walang balak na kagatin ako...I mean, kumagat sa puto maya ko. "Sayang di ako nakadala ng kiki—' pero di ko tinuloy ang gusto kong sabihin dahil lalong nagkasalubong a
"Aamin din naman pala papahirapan pa ako." Inis kong bulong habang papalabas na kami ng presento. Inamin na ng tatlo na sila talaga ang kumuha ng card ni Hunter sa bag ko. Aamin din pala pinatagal pa.Hindi na ako nagsampa ng reklamo. Una ayoko ng stress pangalawa magastos at wala akong pambayad. Hindi ko alam kay Hunter kung magsasampa ba siya. Kinuasap niya lang abugado niya kanina bgao kami umalis at ito na ang nakipag-usap doon sa loob. Nakalabas na kami pero si Hunter ay tahimik lang. Sinabihan ko na itong ako na ang bahala sa sarili ko pero sabi niya ihahatid nya daw ako. Hunter is a cold gentleman I must say. He is so reserve yet I can feel that deep inside he is gentle and sweet. Parang facade niya lang yung pagiging masungit niya. "Why are you quiet? Anything wrong?" Tanong niya agad nang makapasok kami sa loob ng sasakyan niya. Nagulat pa ako nang inabot niya ang noo ko gamit ang likod ng palad niya. "Nabigla lang ata ang utak ko Bebeluvs pero choks lang, keri ko 'to."
"I'm not staying for long, Harriet. I told you I'm just here for vacation." It's still a no. Ilang araw ko na siyang kinukulit pero hanggang ngayon hindi pa rin ito pumapayag na ligawan ko siya. On week after that incident inside his car, ngayon lang kami ulit nagkita. Nandito ako sa hacienda nila para sa part time job ko sana bilang taga sort ng mangga pero pinatawag niya ako para sa ibang trabaho. Yun ay ewan ko ba kung trabahong matatawag ang pagsama sa kanya mag-tour dito sa hacienda. Nandito kami ngayon sa mataas na parte ng hacienda nila. Mula dito kita ang malawak na taniman ng mga mango farm ng mga Sandoval. Sa kaliwang side naman kita ang madaming baka ng kanilang dairy farm. Dito sa pwesto kung nasaan kami ay may maliit na kubo. Dito niya ako dinala kasi dito daw ang pinaka gustong parte niya. Ang sabi niya sa akin, lahat daw sila magkakapatid may kanya-kanyang kubo dito sa hacienda at ang kanya ay napili niyang dito ipagawa. "Don't look at me like that. Just eat." N
Napasinghap ako. Napahawak pa ako sa aking dibdib. Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Walang emosyon ang mukha niya pero nakatitig din ito sa akin. Omg! Si Hunter Cole nagseselos? Ibig sabihin— "Joke." Biglang bawi nito pagkatapos muling naging seryoso at masungit ang mukha. "Just eat, you're so loud." "Wee? Talaga ba? Nagseselos lang eh." Mahina kong sinundot ang tagiliran niya at mukhang nandun ang kiliti niya dahil napaigtad ito. Sinundot ko ito ulit hanggang sa mahawakan niya na ang aking kamay. "Stop." "Kung ayaw ko anong gagawin mo?" Naghahamong kung tanong sa kanya. "Kiss mo 'ko? 'Ge nga kung matapang ka kiss mo 'ko?" Pinahaba ko ang nguso ko pero hindi ito gumalaw. Nakatingin lang ito sa mukha ko, sa mata ko hanggang sa labi ko pero walang ginawa. "Weak ka pala eh!" Sabi ko para e-povoke siya pero mukhang matigas din ang paninindigan niya. Sa halip na halikan ako pinasakan niya lang ng sausage ang aking bibig. Muntik pa akong mabulunan. Nakabusangot akong tuming