Share

Dreams

"Sheena, will you be okay?"

Isang tango ang ibinigay ko kay Laide para makaalis na siya sa table na iyon at makapagsayaw na siya kasama si Antonio Cendera - ang date niya para sa Junior at Senior's Prom night na iyon. Sino ba naman ang hindi gugustuhing isayaw si Laide? Isa siya sa pinakamagandang babae ngayon sa lugar. Hindi man nakaayos ay talagang napakaganda na niya. Iniisip ko na dahil iyon sa dugong kastila niya - kaya lalo siyang namumukud-tangi sa lahat.

Habang nakaupo doon ay tinitingnan ko si Adelaide. Masayang-masaya siya habang nakikipag-sayaw sa mga batch mates namin. Habang ako, nakaupo doon, tahimik at hinihintay na matapos ang gabi. Hindi ko alam kung bakit walang kahit isang lumalapit sa akin. Siguro ay hindi ako ganoong kaganda para sa kanila Siguro ay hindi sapat na inayos ko ang sarili ko. Ordinaryo pa rin siguro ako para sa ilan. Hindi sapaat ang kagandahan ko para isayaw ng kung sino.

Nakadama ako ng pagkainip kaya tumayo ako at naisipan kong maglibot sa venue. Nasa isang hotel kami noon. Lumabas ako ng function room at naglibot sa garden ng hotel. Gabi na at bilog na bilog ang buwan. Naupo ako sa gilid ng fountain at saka huminga nang napakalalim.

Bilang isang sixteen years old na babae, wala akong iniisip sa ngayon kundi ang kung paano ako pagkatapos ng high school, kung magkasama pa rin kaya kami ni Laide, kung makakapasok ba ako sa eskwelahan na inaa-apply-an niya at kung paano si Lukas Consunji.

Pimikit ako. Muling bumalik sa akin ang mga sinabi niya noong nakaraang araw. Kung gaano niya kagusto na ialis ako sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanya. Ang alam ko lang ay ayaw kong mag-isa si Lukas. Alam ko ang sinasabi niya na si Nanay at ako lang ang pamilyang itinuturing niya. Ayoko siyang iwan pero kung sasama naman ako, maiiwan ko naman ang buhay na nakasanayan ko.

"Sheena..."

Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses na nakakapagpalimot sa akin nang lahat. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa fountain na iyon at dahan-dahan ko ring nilingon ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Halos lumuwa ang buong puso ko at ang buong kaluluwa ko nang makita ko si Sancho Consunji na nakatayo sa aking likuran. My mouth fell open - very wide as I look at him looking back at me. Hindi ako makapaniwala. Anong ginagawa niyta dito? At bakit naka-suit and tie siya?

"Si... Laide?"

I closed my eyes. Sino pa ng aba ang hinahanap niya. Tiningnan ko ang relong suot ko. Alas onse nap ala ng gabi. Siguro ay sinusundo niya si Laide. Malapit na kasi ang curfew na namin.

"Ahm, Sir, nasa loob pa siya, nagsasayaw pa." Muli akong naupo sa fountain at tumingala sa mga buwan. Napapangiti ako. Matagal ko na kasing gusto ang kapatid ni Laide. Simpleng crush lang naman. Hindi naman masama iyon. Sa isipan ko bumubuo ako ng buhay kasama siya. Iniisip ko na magkakaanak kaming dalawa sa hinaharap at ang ipapangalan ko sa mga bata ay nagsisimula sa letrang Y - I love the letter Y. I don't know why - No pun intended. I chuckled. Sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayang tinabihan niya pala ako. Inches na lang ang pagitan namin at amoy na amoy ko na siya.

"Gusto mo ba si Lukas?" Nabigla ako sa tanong niya. "Sasaktan ka lang niya, Sheena. Babaero si Lukas at wala kang magandang kinabuksan sa kanya. He's eighteen and yet he doesn't know what he wants yet."

Bakit, ikaw ba alam mo na ang gusto mo? Gusto ko sanang itanong iyon sa kanya pero nanahimik ako.

"Hi-hindi ko alam." Ngumiti ako. "Mabait si Lukas sa akin, Sir." Wika ko pa. "He takes care of me in his own way. Maybe like a little sister."

"Walang kapatid na gustong itanan ang kapatid niya." Binalingan niya ako. "Iwasan mo si Lukas, Sheena, 'wag mong saktan ang sarili mo."

Mariib ang mga salitang binitiwan niya. Pagkatapos noon ay umalis siya. Iniwan niya ako sa fountain. Gusto ko sanang itanong kung anong problema niya. Hindi naman siya dapat ganoon umasta. Isa pa, wala naman akong nararamdaman para kay Lukas. Magkaibigan lang kami at gusto ko siyang alagaan dahil iyon ang hinahanap niya, pag-aalaga.

Nakadama ako ng lungkot.

Ang buong akala ko ay isasayaw ako ni Sancho Consunji kahit na hindi siya ang date ko. I closed my eyes again and looked up. I wished for the stars to bring me back Sancho because I still want to be with him - I still want to chitchat with him kahit na napakasungit niya and maybe my fairy godmother was listening because when I opened my eyes, he was there, holding a very pretty rose. He gave that to me.

"Sayaw tayo." Nakangiti na siya sa pagkakataong iyon. Tila ba nahihipnotismo akong tumayo at iniabot ang kamay niya. Inilapat niya sa baywang ko ang kamay niya habang hinawakan naman ng isa niya pang kamay ang kamay ko. Hinapit niya ako papalapit sa kanya.

Hindi ako makahinga. I never imagines I'd be this close to him. My heart was beating so fast. Nanginginig ako.

It's amazing how you can speak right through my heart...

Napapikit ako. I was shaking. Sancho being this close makes me believe that dreams do come true...

The smile on your face

Lets me know that you need me.

There's a truth in your eyes

Saying you'll never leave me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status