Share

Chapter 12

Kinabukasan ay nakapag-excercise pa kami bago kami nagpunta sa simbahan. Alam kong hindi maganda ang tingin ni Señor Manuel kay Lino pero mukhang hindi iyon iniisip ni Lino. Relax lang siya hanggang sa matapos ang misa kahit na aware siyang napag-uusapan sila ni Catalina sa buong bayan ng San Adolfo.

"Magandang umaga po," bati ni Lino kina Señor Manuel at Señora Rosana na nakasalubong namin palabas. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hindi makatingin si Miranda kay Lino. Diretso lang ang tingin niya sa labas at nang mapatingin ako kay Agustino, agad siyang kumaway na parang hinihintay niyang tingnan ko siya kaya natawa ako. Masaya siya kasi maganda ang takbo ng love life niya.

"Sa tingin mo'y maganda ang aking umaga gayong alam ko ang pinag-uusapan nila tungkol sa inyo?" poker face na tanong ni Señor Manuel kaya nabalik ang atensyon ko sa kanila. "Napakalakas ng iyong loob upang magpakita pa sa amin."

"Nais ko rin po kayong makausap

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status