Kyoko POV“Mahal mo ako? Are you sure, Paeng? Hindi mo ba sinasabi yan dahil ayaw mo lang may kahati ka sa atensyon? Anong rason rason mo para masabi mo na mahal mo ako?” Sunod-sunod ang tanong ko. Hindi ako makaisip ng rason bakit sinasabi ito ni Rafael ngayon sa akin. Naguguluhan ako sa mga pinakita niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Alin doon ang totoo?“I’m sure!” giit niya. Bakas sa mukha ni Rafael ang frustration. “Hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula na minahal kita. Basta, isang araw nagising na lang ako na mahal kita! Hindi mo ba ‘yon ramdam, Misis?”“Baka na-overwhelm ka lang sa mga ginagawa natin para bumuo ng bata. Maybe it’s just lust!” rason ko.Tumayo na si Rafael at hinuli ang mukha ko. Marahan niyang pinagdikit ang mga noo namin at pumantay ang aming tinginan. Iniwas ko ang aking mukha. “No! Look at me, Misis. It’s not just lust!” Hinuli niya ang kamay ko at dinala iyon sa tapat ng kanyang kaliwang dibdib. Dama ko ang init ng kanyang katawan at ang pagti
Kyoko POVOur relationship changed drastically after Rafael’s confession. A week after Kaito arrived, he returned to Japan and he was overall impressed with Hacienda Esmeralda’s performance.Narito kami ngayon sa People’s Park. Naglalakad kami nang magkahawak ang kamay ng asawa ko.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at nagyaya na mamasyal kami.“Do we look weird, Misis? Bakit andami nakatingin sa atin?” tanong ni Rafael. Papasok pa lang kami sa facade ng park that looks like a durian peel with its’ magnificent thorns pero maraming nakatingin sa amin, especially girls. May ibang kaedaran ko lang siguro dahil sa suot nilang uniform from one of the well known colleges. Mayroon ding ibang may edad na tumaas ang kilay dahil siguro akala nila ay menor de edad. In as much as I wanted to laugh, baka ma-offend lang ang asawa ko.“Weird? No. Odd? Yes. Siguro dahil I look like a teenager and you are like a pedo to those who have no idea about our relationship.” Napahinto sa paglala
Kyoko POVKumislot ako nang naramdaman ko ang mabigat na hita ni Rafael na nakadantay sa akin. Babangon sana ko nang pakiramdam ko ay umiikot ang paligid.“Paeng! Gising ka! Bakit umiikot ang paligid?” Niyugyog ko na si Rafael habang napapikit ako sa sama ng pakiramdam ko. Umungol lang siya at mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.“Maaga pa, Misis. Matulog pa tayo.”“Gising! Nasusuka a-ako!” Hindi ko na napigilan ang masuka. Sinapo ng aking kamay ang aking bibig pero umalpas pa rin ang malapot na laway.“What the heck is that? . . . .” Sukat sa sinabing iyon ni Rafael, umatungal ako ng iyak.“Layas!” Itinaboy ko ang asawa kong naalimpungatan at napatalon sa kama.Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ako naiiyak. Naghalo na ang laway at luha ko sa inis sa asawa ko. Hanggang sa lumabas siya ng silid namin na nakasuot lang ng boxers.Patuloy ako sa pag-iyak hanggang sa muling bumukas ang pinto at pumasok si Mama Margarita at Nanay Celina.“Juskopo! Napano ka anak?” ani Nanay.Dali-
Rafael POVI feel ecstatic. I never thought that I could be this happy in my life. Indeed, fatherhood is one of my best experiences so far. Hindi ko alam kung paano maging mabuting ama. Matagal pa bago manganak ang asawa ko pero tatay na tatay na ang pakiramdam ko.“Ano ngingiti-ngiti mo dyan, Paeng?” pukaw ni Kyoko sa akin. Abalang kumakain ang asawa ko ng white chocolate na binili ko sa kanya. Nilapitan ko siya at pinahid ang nagkalat na chocolate sa gilid ng kanyang bibig bago siya halikan. Tiningnan niya ako ng masama at tumalikod na siya. Napailing na lang ako sa trip ng asawa kong buntis.Hindi ko na kinulit ang asawa kong cute na mas gumanda pa yata sa aking paningin. I am excited to see her baby bump the soonest, especially that we are expecting twins. I can proudly say, I am a sharp shooter.Kung hindi lang galit sa akin si Kyoko ay kanina ko pa sana siya lalambingin. But, I don’t wanna stress her out. Maghihintay ako kung kailan niya ako hahanapin. But, for now I will give h
Kyoko POVHindi ko alam kung bakit palagi akong naiiyak. I am so dramatic. Kung dahil man ito sa hormonal changes dahil sa pagbubuntis ay ewan ko na lang. Basta, masarap ang ube ice cream kainin habang pinapanood ako ni Rafael.“Don’t look away. Gusto kong pinapanood mo ako habang inuubos ko ang ice cream.” Ewan ko kung bakit gustong gusto kong pinapanood ako ni Rafael na kumakain ako ng ice cream. Gusto kong makita ang matangos na ilong n’ya. Maghintay ka lang ilong ka! Mamaya ka sa akin, pagkatapos kong lantakan ang ice cream na ito.Inabot ko na kay Rafael ang naubos kong ube ice cream. Gusto ko pa sanang humirit kaso tumutol sya.“Masama ang sobra, Misis. Imagine ang liit-liit mo tapos ang laki ng baby sa loob. Remember, kambal ang pinagbubuntis mo. Gusto mo biyakin ang tiyan mo kapag nanganak ka na?” pananakot niya sa akin.Kaya, kahit labag man sa loob ay pinigilan ko ang sarili kong ubusin ang isang tub ng ice cream. Masarap pa sana kumain pero naiisip ko pa lang na bibiyakin
Kyoko POVNapakislot ako nang maramdaman ang mainit na bagay sa aking pisngi. Nang imulat ko ang aking mata, ang mukha ni Rafael ang aking nasilayan. Puno ng pag-aalala ang nakabakas sa kanyang kulay tsokolateng mata.“Bakit nandito ka? Di ba may trabaho ka pa, Paeng?” tanong ko. Nang ilibot ko ang aking paningin, hindi pamilyar ang silid na iyon.“Nasa clinic ka. Dinala ka kaagad nila Papa matapos kang mawalan ng malay. Ano ba kasi ang nangyari, Misis?” tanong ni Rafael sa akin.Kumunot ang aking noo at napatango na lang. “Nag-aaway kasi si Bebang at Ate Fiona kanina. Muntik na akong saktan ni Ate Fiona pero sinalo ni Bebang ang away lalo at pinintasan niya ito,” paliwanag ko.Pumasok ang isang doktor at nagpayo na iwasan akong ma-stress. Okay naman daw ako at walang dapat ipag-alala.“Umuwi na tayo, Paeng. Marami pa akong trabaho na aasikasuhin. Nakakahiya na kay Ninong Augustus.”“No. Hindi ka muna magtatrabaho. Kailangan mo mag-relax. May pansamantalang hahalili sayo habang nagpap
Kyoko POVMatuling lumipas ang mga araw. Tatlong buwan na ang aking tiyan and every time na schedule ng check up, hindi pwedeng hindi kasama si Rafael. Hindi ko na nararamdaman ang morning sickness at hindi na rin ako naglilihi ng kape. Tanging ang white chocolate na lang ang pinanggigilan ko pero kontrolado pa rin ang pagkain ko since nakakataas ng blood glucose ang mga sweets.Super maalaga si Rafael. Wala na akong mahihiling pa. Pampered kung pampered ako. Tuwing gabi, palagi pa niya akong pinapahiran ng warming oil para daw wala akong lamig sa katawan. He insisted that I should start to wear maternity dress kahit nag-uumpisa pa lang naman akong magkaroon ng baby bump. Gusto kong mairita sa asawa ko pero nakabantay ang mga ina namin. Okay si Mama Margarita at natatawa kay Rafael. Pero, si Nanay Celina ay pinandilatan ako ng mata.Nagtataka man kung bakit hindi na nanggugulo si Fiona sa amin, hindi ko na inungkat pa iyon kay Rafael. And just when I think everything runs smoothly b
Kyoko POVNaalerto ako sa sinabing iyon ni Mr. Mori kay Nanay Celina. Lumapit ako sa kanya at puno ng katanungan ang aking mga mata. “Mori-san, ohisashiburi desu,” ani Nanay Celina. Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nanay. Alam ko naman na nakakaintindi siya ng wikang hapon pero bakit parang kilala niya si Mr. Mori?“Watashi wa anata ga koko ni iru to wa omotte imasen deshita,” sagot naman ni Mr. Mori. Tumiim ang bagang niya at mas naging singkit ang mata nito. May kung anong kaba ang bumundol sa aking dibdib.“Nay, ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” tanong ko. Maraming tanong ang nagpaligsahan na dumadagsa sa aking isip. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Rafael sa balikat ko at ang mahinang pagtango niya. Inakay niya ako palayo sa dalawa. Maging si Ninong Augustus ay pansamantalang binigyan ng space si Nanay at Mr. Mori.Nang makalayo na kami kay Nanay at Mr. Mori. “Misis, let them talk first, okay?”At ganun nga ang nangyari. Nag-usap sina Nanay at Mr. Mori. Limang minuto rin na