Share

13 - Makikipaglandian

Gillian's POV

Paggising ko kinabukasan ay nagulat ako nang nasa kama na ako. Literal na kinapa ko ang damit ko suot ko pa. Nakahinga ako nang maluwag nang makapa ko na suot ko pa rin naman yun.

Nilibot ko ang tingin ko, nasaan naman kaya siya?

Mabilis akong lumabas para tignan kong nasaan ang boss ko, ngunit imbes na ang boss ko ang makita ay ibang tao ang nadatnan kong naka apron at may hawak ng kutsara

Tulad noong una ko siyang makita ay kumaway at ngumiti ulit ito sa'kin. Napasulyap ako sa labas at halos manlumo ako nang makitang may araw na, mataas na din ito.

Paanong napasarap ang tulog ko? Dahil ba subrang lambot ng kama? Haist!

"Hala, Sir Zeyo, sorry. Napasarap yung tulog ko," nahihiyang sambit ko nang maalalang sa kanya pala itong condo. Nakakahiya, ako na nga u***g nakikitulog.

Hinintay ko ang sasabihin niya, pero hindi siya nagsalita at pinagpatuloy ang paglapag ng kutsara sa maliit na bilog na mesa. Nang matapos ay tinanggal niya ang suot niyang apron. Muli siyang ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status