Share

Ikasampung Kabanata

Aid

It was still a shock for me to personally confess my feeling to Yves at a most unexpected place. It was like in a replay button mode. Hindi parin ako makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayari kanina. Ilang oras ko ring dinibdib ang kahihiyan na iyon bago ako tuluyang nakatulog sa kakaisip.

Kinaumagahan, matamlay akong pumasok sa school. I was expecting that Leticia won't lay her eyes at me. Tanggap ko na naman iyon. Pero hindi. Sobrang nagkamali ako.

Sinalubong niya ako ng mataginting na yakap nang makita niya akong naglalakad. Gulat na gulat ako na napatigil sa hallway sa engrandeng salubong ni Leticia. Naagaw namin ang atensiyon ng mga dumadaan sa gilid namin.

"U-hh..." iyon lamang ang nasambit ko sa gulat.

Sa sobrang higpit ng yakap niya ay hindi ako makahinga. Ilang minuto rin bago kumawala siya sa yakap. Naiwan lamang akong nakanganga sa biglaang ginawa niya.

Hinarap niya ako nang nakangiti. Bakas sa itsura niya ang galak at ngisi.

I don't know but I find it weird.

"L-leticia.."

"I'm sorry sa nagawa ko. Mali ako dapat hindi kita ginanon." tumulo ang luha niya. Doon ako mas nagulat. Is this for real? That rift was settled? Not that I'm doubtful with her. Pero may kung ano akong mga naiisip.

Sinuri ko siya. Walang bakas ng pagkamuhi sa mukha niya. Ang tanging nakikita ko ay nakangiting Leticia.

"Hindi ka na galit?"

Tinampal niya ang braso ko. "I was just overreacting. Tsaka magkaibigan tayo."

Napangiti ako sa sinabi niya. Mas sinuri ko ulit siya ngayon. I can't see pretententions on her face.

Napabuntong hininga ako ng malalim. "Pasensya na rin. Alam ko namang may mali rin ako. Sana sinabi ko sa iyo na niyaya lang si Yves ng pinsan ko."

Hinawakan ko ang braso niya. Sincere si Leticia. So why would I think skepticism against her? Tsaka handa naman ako magreach out sa kaniya para lang magkaayos kami.

Sumulpot bigla si Winona sa likuran. Kaagad na napabaling ako sa kaniya. Her brows is perfectly shaped. At kitang-kita ang maldita niyang aura.

"What is this Leticia?" nang nakita niya akong nakatingin sa direksiyon niya ay tinaasan niya ako ng kilay.

Leticia then shifted a gaze at her. "A prank." nagulat ako sa biglaang pagtawa niya. Bumunghalit siya ng tawa kasabay ni Winona. Napakunot noo ako sa pinagsasabi niya.

"A-ano?" marahasang iwinaksi ni Leticia ay hawak ko sa braso niya. Biglang nanuot ang sakit dahil sa pagtama nito sa metal na parti ng bag ko. Hinawakan ko kaagad ito.

Hinarap ako ni Leticia na nakataas na rin ang kilay. What just happened? Pilit kung inaabsorb ang nangyari. At may natanto. Gusto kung maiyak sa panloloko niya sa akin.

"Sa tingin mo ba talaga ganoon lang ako magpatawad? Hindi mo ako madadali sa isang simpleng hawak at mga peke mong mga salita." si Leticia. Doon ako mas nasaktan. This is too much.

Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mata. Nanginginig narin ang labi ko sa kataksilang nasisilayan ko. Tang ina!

"Really? A prank? You're really witty Leticia. No wonder you've outsmart your beastfriend slash itchfriend."

Hindi ako nakapagsalita. Kahit na marami ng tao ang nakatingin sa amin ay parang sila lamang dalawa ang nakikita at naririnig ko.

Nilulukob na ako ng emosiyong ngayon ko lang naramdaman. At pakiramdam ko sasabog na ako sa galit.

"Serves her right!" bumelat sa akin si Leticia. Inatake ako ng pagkarindi.

"Totoo ba iyon? Niloko mo ako Leticia?" sobrang pinipigilan ko ang pag-iyak. My heart is throbbing hard and sinking with rage and bitterness.

"Of course. Ilang ulit ko ba ipapamukha sa iyon na ang pinakaayaw ko sa lahat ay mang-aagaw ng gusto. Territorial na kung territorial. Malas mo, binangga mo ako. I'm sorry I won't stoop down easily with you." mahabang lintanya niya na nagpainit ng ulo ko. Kahit kaibigan ko siya hindi ko na kayang marinig ang mga pinagsasabi niya.

"Tang ina mo." hindi ko na nakayanan ang pinag-iisip ko kung kaya naisambit ko ang pinakaayaw kung pakawalang salita. I was in awe when I heard it clearly coming from my mouth.

Umawang ang bibig nilang dalawa sa lutong ng pagmumura ko. Dahil sa gulat, umalis ako ng walang pasubaling at iniwanan sila.

Tinahak ko ang daan patungo sa soccer field. I can still remember what I had just said a while ago. And somehow, I'm proud with it and scared. I can't believe it. Mas nagulat ako sa pinakawalang salita ko kaysa sa prank ni Leticia. Dapat talaga hindi ako masyadong nagtiwala kanina. Kasi huli, wala parin namang sense kung madalian kang magtitiwala.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko pa si Piettro. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Hindi ko siya pinansin at dumiretso ng lakad.

"Uy, Pastel." napatigil ako sa may hardin. Sa posisyong ito ay natatanaw ko na ang soccer field na kasalukuyang may lumalarong players.

Narinig ko yapak niya sa likod kung kaya nilingon ko siya.

"Hmm."

"Is there a problem? May pupuntahan ka ba?" ani niya.

Alam niya ba na hindi kami magkaayos ng pinsan niyang si Leticia? Pero mukhang wala naman siyang pakielam kung magkaayos kami o hindi.

"Wala naman. Medyo stressed lang sa school works." I immediately pursed my lips.

He held his chin. At napatango.

"I heard you and Leticia are not in good..state."

I nodded at him. There's no point to deny it. Malalaman niya naman dahil magkasama ngayon sina Winona at Leticia.

"Pagpasensyahan muna ang pinsan ko. Talagang may pagka-immature siya minsan at brat." seryoso niyang sabi. Mukhang hindi niya ata alam ang rason kung bakit nagkaganito kami ni Leticia.

"Naiintindihan ko. Pero ngayon ko lang nakita ang totoong ugali niya. At hindi ako sanay." I lowered my gaze.

Nalulungkot ako sa kinahinatnan namin. If only we could exclude this issue. Siguro nagliliwaliw kami ngayon ni Leticia. 

"Ano ba kasi ang rason? It might be personal though." napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"Basta Piettro." he nodded at me.

"Siya nga pala. Saan ka pupunta?" nilibot ko ang tingin ko. I think I will just skipped my class. Mukhang late na naman ako.

"Sa soccer field."

Napangisi siya. "Pupuntahan mo ako siguro no?" natawa ako.

"Hindi." nawala ang ngiti niya nang parang bula at naging seryoso. Doon ako natakot. May nasabi ba akong mali?

He cleared his throat. "Samahan na kita. May game din kasi kami ngayon." napatango na lamang ako.

Pagdating namin sa stadium ay medyo marami ng tao. Medyo maalinsangan ang panahon pero buhay na buhay ang field. Dahil kasama ko si Piettro, doon ako nakapuwesto sa lower bench malapit sa field.

Kaagad na nahagilap ko si Yves na nagsisipa ng bola sa gitna ng field. He stopped when the ball was on his possession. Ngayon ko lang napansin na nasa laro pala siya. There was an on-going tension happening between him and his opponents.

Ang nasa unahan niya ay may mga nagbabantay na kalaban. May kung ano'ng sinasabi siya sa dalawang nagbabantay para siguro i-distract sila. Patuloy naman ini-entertain nila si Yves.

I was a bit thrilled to witness a near mind games in soccer. I put my bag below the bench. At nanood ulit.

Patuloy lamang si Piettro na nagsasalita at nagkukwento sa mga bagay bagay. Hindi ko siya masyadong napagtuunan ng pansin dahil ang mata ko ay nakasentro kay Yves.

Sumagi sa isip ko na mali na naman ito. But I'm not doing anything wrong. I was just adoring Yves from a far. It's not even a sin to do this. Hindi ko lang mapigilan.

Naagaw ang atensiyon ko at pansamantalang nawaglit ang iniisip ko.

It was swift when he flawlessly mislead his opponents through that conversation.

Napapalakpak ako sa tuwa. Naghiyawan din ang mga tao.

Halos bumilib ako sa angking galing niya. Because of he showcased tight endurance and presence of mind he goaled it. Kita sa mukha ng mga kalaban niya ang pagkainis sa taktikang ginawa niya.

He just smirked to them and grin.

"Are you listening to me, Pastel?" si Piettro.

I didn't know Piettro is still speaking until now. Nangapa ako ng isasagot.

"Oo naman. Okay naman ako medyo busy lang sa school." napatikom ako ng bibig sa walang katuturang sagot ko.

Nangunot noo siya. He's confused right now. What did just I said?

"O-okay." nalilito niyang tugon.

Mabuti na lamang ay may nakita akong mga kaklase sa ibabaw ng stadium kaya napagtanto kung walang class.

They took a break in the middle of the second half. Lahat ng mga players ay nagsipuntahan sa mga benches para magpahinga.

Pumunta muna si Piettro sa changing room. Maghahanda narin kasi siguro siya para mag-sub sa isang player nila. May iilang babaeng napababa sa ilalim na bench para magpahid ng pawis sa kakarating na mga players.

I just looked at them. Hula ko mga girlfriend nila iyon. Nasulyapan ko si Yves na kasalukuyang nagpupunas ng sariling pawis. Maraming nakaabang sa likod at unahan niya na mga babae pero hindi niya minsan pinagtuunan ng pansin.

I smirked. Choosy pa. Gusto niya rin naman ng atensiyon ng iba.

May nag-atubiling pumahid. Binigyan niya lamang ng masamang tingin at tumayo papuntang kabilang benches malapit sa akin.

"Hey, can I hydrate you?" rinig ko sa kabila. Parang pamilyar na boses. Doon ko lang namalayan si Leticia iyon na may dalang Gatorade at snacks. Sa likod niya ay si Winona.

Pasimple akong nakinig sa pinag-uusapan nila.

"No thanks." si Yves. Nanlaki ang mata ko sa tugon niya kay Leticia. Halatang napahiya siya. Narinig ko pa ang tawanan ng iilang nakarinig sa sagot ni Yves sa kaniya.

"Kuya you're being rude." pagtatanggol ni Winona. Hinawakan lamang niya ang kamay ni Leticia para aluhin.

Iminuwestra ni Leticia ang Gatorade at snacks sa harap ni Yves. Tanging tiningnan lamang ito ni Yves at hindi kinuha.

"I can afford it. You better keep it for yourself." sa seryosong tono na sabi ni Yves.

Hindi makapaniwalang napatingin si Winona at pinaypayan ang sarili.

"Do you have any appreciation Kuya? Nag-effort na nga ang tao."

"Okay, I appreciate it. Happy?" supladong sabi niya.

Umalis si Yves patungong CR. Gusto pa sanang sundan ni Leticia si Yves pero pinigilan na siya ni Winona. Nahagilap nila ang direksiyon ko. Inirapan ako ni Leticia at madramang napaupo doon sa ibabaw na parti ng stadium.

Kahit papaano naaawa ako kay Leticia. Pinahiya siya ng harap harapan ni Yves at higit sa lahat kasama pa si Winona. 

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas narin si Piettro sa changing room. He has changed on his usual soccer attire with kneepads.

Kasunod niya si Yves. His hair is a bit damp. Bakat na bakat din ang magandang hubog ng katawan niya dahil sa basa ang damit niya sa pawis.

Nahagip niya ang posisyon ko. Gusto kung mabilaukan sa intensidad ng titig niya. Bahagyang nag-init ang mukha ko at napaiwas ng tingin. Bakit ganon naman siya makatingin? Para akong natutunaw palagi.

Tinawag ako ni Piettro. At may ibinigay ng snacks. I accepted it and said thank you. Nag-usap din kami patungkol sa gaganaping Journalism Contest sa susunod na linggo.

"What do you think Yves?" hindi naman sa tsismosa ako pero talagang rinig ko pa ang usapan nila sa kabilang bench.

"I'm okay with it. Make sure to guard Eusebio. Magaling siya."

"Sige. Teka lang...Piettro." natigil ang pag-uusap namin sa tawag ng kausap ni Yves. Binalingan siya ni Piettro.  Hindi ko na napigilang mapatingin na rin.

"Op..dude." si Piettro.

"Ikaw na bahala kay Eusebio mamaya." si Yves.

"Sure." tsaka binalingan ako ni Piettro.

"Marunong ka bang magmassage?" turo niya sa namamanhid niyang kamay na kanina niya pa inirereklamo. Marunong naman ako kung kaya pinaunlakan ko ang gusto niya. Balak ko na sanang idampi ang kamay nang tinawag siya ni Yves.

"Dude, start na."

"Okay." ani niya. Nilingon niya ako. "Mamaya nalang Pastel. Kill joy ni Yves. Tsk!"

Tumango na lamang ako. Umalis narin sila dahil nagstart na ang laro.

Sa mga unang mga minuto medyo light ang takbo ng laro. Walang nakagoal dahil sa astig na depensa ng bawat kupunan. Alam na alam mo talaga na gitgitan ang laro at walang may nagpapatalo.

Piettro goaled. Doon mas naging intense ang laro. Naging pisikalan ang dating ng laro at sobrang daming fouls ang nagagawa ng bawat team.

Kahit ako'y nararamdam ko ang extreme excitement. Yves is seem distracted. Minsan pa ay naaagawan na siya ng bola. Ano'ng nangyayari?

Ang kalaban nila ay nakagoal din kalaunan. Napainom ako ng Gatorade sa kaba. Kahit hindi naman ako naglalaro ay parang nasa field din ako kasama nilang umaagaw din bola.

May break munang nangyari. Panay ang sisihan nila dahil sa nakapasok na goal. With pressure and intensity of the game, kaya siguro nagkakaroon ng misinterpretation ng pasahan ng bola. Iyun ang napansin kong naging problema nila sa kasagsagan ng laro. Hindi rin maikakaila na magaling ang kabilang kupunan at may ibubuga sa laki ng mga katawan nila.

Tagaktak ang pawis ko dahil sa ilang minuto na lang. Medyo nadidisappoint ako ngayon sa laro ni Yves. Mukhang wala siya sa focus dahil pinapasahan niya ng bola ang kalaban nila. Mabuti na lamang ay na blocked ni Piettro ang muntikang goal ulit.

"Go Yves!" nakisali ako sa sigawan nila gamit ang maliit kung boses. I even made a small banner using a ballpen with the name of Yves and Piettro. Bahala na kung makita ni Leticia. Hindi naman siguro mali ang sumoporta sa laro.

Umingay ang buong field. Ewan ko kung guni-guni ko lang ba pero nasulyapan ako ni Yves na iwinawagayway ang munting banner habang nakaupo. Bahagyang kumunot ang noo niya at nagpatuloy sa paglalaro.

My mind went crazy because of his stares.

Ilang sandali pa ay naging mabilis ang oras at kaunti na lamang ang nalalabi. Naagaw ni Yves ang bola. Binunggo siya ng dalawang players pero hindi tinawagan ng foul. Nafrustrate ako dahil napainda siya sa hampas ng dalawang braso sa dibdib niya.

Sobrang bilis ng pangyayari. Someone from their opponent blocked Yves using a solid legs that made him stumbled in the grass. Nanlaki ang mata ko sa biglaang paghandusay ni Yves sa damuhan.

Nagkagulo ang field at natigil ang laro. Nagkumpulan ang mga tao doon. Hindi ko na napigilang makiusyoso. Nang makarating ako ay nakita ko si Yves na namimilipit sa sakit habang nakahawak sa binti niya.

"Sino marunong magfirst aid dito? Yung trained." ani ng isa sa mga nakapalibot na tao. 

"Kung narito lamang kayo para makichismis, dumistansya muna kayo. Walang maitutulong iyang mga tingin at dada niyo."

Napalunok ako sa sitwasiyon ni Yves. Dapat kaagaran siyang bigyan ng first aid para maiwasan ang severe complications. Pero mukhang walang nagvovolunteer kahit isa.

Gusto kung magpresenta pero nahihiya ako.

Actually, I was a trained responder. Nagtraining ako sa Red Cross Philippines. I've attended several training in first aid. Kahit papaano alam ko ang mga basics at magresponde sa iilang emergency.

Subalit nawiwindang ako dahil kahit naman siguro soccer player kayang magbigay ng first aid. Tsaka palagi naman nila itong nararanasan.

Nang makitang walang nagpresenta ay tinatagan ko ang sarili ko at nagsalita.

"Ako na." napalingon silang lahat sa akin. Ibinaba ko lamang ang tingin ko. Nagsinghapan pa ang iilan. Ang iba naman ay napatango.

"Trained ka ba? Baka hahaplos kalang sa katawan ni Yves." buwelta ng babae habang nanunuya. Napahiya ako.

"Will you shut up? Gusto mong baliin ko ang bunganga mo riyan at nang madislocate ng tuluyan. Wala ka na ngang naitulong rito pinapairal mo pa ang kabobohan mo." may nagtanggol sa akin. Natahimik ang babae.

"Sige na Pastel. Huwag mo nang pansinin."

Napatango ako.

Kaagad na dinaluhan ko si Yves. Pinagmasdan ko muna ang sitwasiyon niya. I think it was a muscle cramp.

Normal na nangyayari ito sa mga atleta. This far light than other injuries. Mayroon pa ngang nangyayaring dislocation of bones,  fracture sa bone and worst severe than that.

He's biting his lips right now. Kahit na malaki siyang tukso ay hindi ko hinayaan na maapektuhan ako. Itinaas ko ang jersey niya at nasilayan ang makinis at mabalahibo niyang binti. Natigilan muna ako kakatig dito bago nagpatuloy.

I swallowed hard, concealing my unfocused self.

Dinampi ko ang kamay ko sa binti niya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang minamasahe ang namamagang parti ng binti niya. I applied what I learned.

Napaigik sa sakit si Yves. Parang naaawa na ako sa ginagawa ko.

I didn't know but I felt his vulnerable side right now. Ramdam ko ang kirot ng masahe ko. Nakita ko rin ang paglandas ng butil ng luha sa mata niya. I badly wanted to wipe it.

"Dito ba? Sorry kung medyo masakit. Just endure it." kinagat niya labi niya at napatango. Sinunod ko ang gusto niya. I can even hear a moan-like sound when I pressed it slowly.

"I will press it para hindi magclip ang muscles mo. Mag-iingat ka kasi sa susunod."

Hinawakan ko ng maayos ang binti niya para iwasan ang pagpupumiglas ng paa niya. I also applied herbal oil. Sa mahinang pagdampi ng daliri ko ay unti unti ko ulit minasahe habang tinitingnan ang reaksiyon niya.

"Kuya, what happened?" sumulpot ang natatarantang si Winonabsa gilid. Nang nadatnan nila ako ni Leticia ay nawala ang pag-aalala nila at napalitan ng inis. Tinaasan ako ng kilay ni Leticia.

Kinausap lamang ng ibang players si Winona at ipinaliwanag ang nangyari.

"Is he okay?" walang may pumansin kay Leticia.

Pinagpatuloy ko ang pagmamasahe kay Yves. Nagulat ako nang nagsalubong ang tingin naming dalawa. Nagkatitigan kami. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Tapos na." nahihiyang sambit ko. "Doon ka na muna sa clinic. Para mas matingnan ng maayos." ang huling salita ko ay may halong pag-aalala. Nagulat siya sa sinabi ko.

Kaagad na inalalayan siya ng mga kasamahan niya. Pinagpagan ko ang kamay ko at mariing sinuri ang kalagayan niya. Tumayo ako sa gilid. Mabuti at nakakalakad din naman siya ng kaunti.

"Teka..." si Yves.

"Dude, dadalhin kapa namin sa clinic. Huwag matigas ang ulo." ani ng isang nag-aalalay sa kaniya. Kasalukuyang, nakatalikod na sila ngayon sa amin.

"Where is she?" tanong niya.

"Sino?"

"S-si Pastel." mahinang bulong niya. Napantig ang tenga ko. Hinahanap niya ako?

Nilibot ng isa ang paningin niya sa likod. Kinabahan ako. Nababaliw na siguro ako pero nagtago sa kumpulan ng mga tao.

"Umalis na ata. Hindi ka man lang nagpasalamat ah?" rinig kung sambit ng kasamahan niya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para akong hinahabol sa isang kompetisyon.

"She's cute and fierce. Imagine nagpresenta siyang tulungan ang aroganteng katulad mo?" kantiyaw ng isa pa. Ngayon ay medyo hindi ko na masyadong naririnig ang sinasabi nila.

Nagtawan sila. Ang hula ko'y nagsalita si Yves pero hindi ko klaro naintindihan ang sinabi niya.

Umalis ako pagkatapos non. Napahawak ako sa kamay kung dumampi sa binti ni Yves kanina. It's still fresh. The warmth of his skin and his masculinity.

Napangiti ako. Kahit na sa ganoong interaksiyon lang ay nakaramdam ako ng saya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status