Share

Ikalabing-dalawang Kabanata

“G-Gusto kong puntahan si daddy sa hospital!” saad ko habang nakatulala.

“Sige, hintayin mo ako rito at kukunin ko lang ang susi ng sasakyan.” Pumasok na si Maxwell sa loob ng bahay at napaupo naman ako rito sa gilid ng kalsada.

Anong gagawin ko? Kung kailan masaya na ako, saka naman may darating na panibagong problema. Akala ko magiging maayos na ang lahat. Hahanap ako ng doktor para mapagaling ang ama ko at maayos ang kumpanya namin.

“Naomi? Halika na.” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Maxwell kaya naman ay tumayo na ako at tumungo sa sasakyan.

“Gusto mo bang bumili muna tayo ng makakain bago pumunta sa hospital? Bumili na rin tayo ng bulaklak para sa iyong ama.” Tumango lamang ako kay Maxwell at humarap sa bintana. Pakiramdam ko, ang tamlay ng katawan ko.

Nang makabili na kami ng pagkain ay tumungo naman kami sa isang flower shop upang bumili ng bulaklak. Ang bango ng mga bulaklak, ang sarap nilang tingnan, ang gaganda.

“Magandang umaga po ma’am at sir! Tulungan ko na po
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status