Pahina 9 -WARNING (RATED SPG )
Mga iilang minuto na ba akong nakatunganga rito sa kinatatayuan ko? Walang lakas ang mga paa kong humakbang pabalik sa clinic na pinagdalhan sa akin ni Greg. Sa halos ilang minuto kong pag-iisip may biglaan akong napagtanto.
"Isa ka rin pala sa mga taong mapanlinlang Greg. Simula ngayon, ikaw ang pinakaunang taong nakalista sa mga paghihigantihan ko sa tamang panahon. Sa ngayon, ako muna ang lalayo sa 'yo. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong makasakit ng isang lalaking traydor! Na akala kong matino. Pero mas matindi pa pala sa isang sinto-sinto. At anong sabi niya? Dinudugyot ni mama ang papa niya? Pwe! Hindi na nakatutuwa ang kanilang mga pasaring patungkol kay mama, lalo na pati ako'y naagrabyado na!" mahabang pagkausap ko sa aking sarili at nang may narinig akong mga kaluskos na nanggagaling sa mga lantang dahon na naapakan.
Kaya halos mabaliw sa pagkabog ang aking puso. Paano kong sina Greg at Reya itong naglalakad papalapit sa pwesto ko? Baka malaman nilang alam ko na ang kanilang mga plano.
Pero teka! Bakit parang ako yata ang natatakot? 'Di ba dapat sila ang magulat dahil nandito ako? Iniling-iling ko naman ang aking ulo. Hindi! Dapat hindi na muna nila malaman na alam kong pinagpaplanuhan nila ako. Dapat- napahinto ako sa mga naiisip nang biglang papalakas ang kaluskos dulot ng mga lantang dahon papalapit sa pwesto ko. Kaya kaagad akong tumalikod at saka nagyuko't nagtago para sa kung sino man ang taong iyon ay hindi ako agad mamumukhaan.
Nang biglang wala namang kumalabit sa akin. Pero nandoon pa rin ang mga yabag. Baka nagtatago rin sila? Kaya mas pinagbuti kong marahang humarap pabalik at maingat na inihakbang ang mga paa palapit sa daanan nitong pinagtatagoan ko.
Sa mga oras na ito ang maririnig ko na lang ay ang malakas na pagkabog ng aking puso. Ito na, ito na talaga. Nang biglang napatalon na lang ako sa gulat dahil biglang tumakbo ang isang aso at nilihisan lang ako. Nang akala kong wala na ay may aso pa palang sumusunod.
Yayks. Aatakehin ako sa puso nitong dalawang asong ito. Grr! Pinakiramdaman ko naman ang buong paligid at nang wala na akong marinig kaya mas minabuti kong bumalik na sa loob ng clinic at doon na muna umupo. Mamaya rin ay aalis na ako. Hindi ko na hihintayin pa si Greg na makita at maabotan ako. Ang na sa isip ko ngayon ay makauwi na muna at gusto kong komprontahin si mama sa mga pasaring nila patungkol sa kanya.
Ayaw ko ng mag-isip pa ng kung anu-ano. Gusto ko malaman kung ano ang totoo. Nakapapagod na ring parati na lang ganito ang papel ko sa buhay. Ang laging nahuhusgahan sa mga bagay na wala naman talaga akong alam at kinalaman.
Kung noon, ayaw kong magtanong kay mama, pwes ngayon. Magtatanong na ako.
Nilapitan ko na kanina ang nurse at saka nagdesisyon ng umuwi. Na sa sakayan na ako ng jeep nang biglang may nahagip ang mga mata ko.
Isang babaeng makapal ang labi dahil sa mapula nitong nilagay na lipstick. Naka-stockings na itim na may butas-butas. May pang-ibabaw na itim rin na shorts. Ang na sa ibabaw naman niyang suot ay isang tubeless na may nakapatong na denim jacket. Ang kanyang sandal ay iyong may matatas na takong. Kulay itim rin. Hindi ako maaring magkamali sa nakita ko. Kahit na nakatirintas ang buhok niya at naka-heavy make up ay alam na alam kong siya nga iyon.
"Si Tita Dina iyon ah? Sino iyong kasama niyang matandang naka-tuxedo? Parang mayaman ang matanda. Pero, nagyoyosi pala si tita Dina?" kaagad naman iyong nadagdag sa mga iisipin ko ngayong araw. Kahit anong gawin kong pagtaas ng aking ulo para hagilapin ang nakita ko kanina ay hindi ko na magawa pang makita nitong aking dalawang mata.
Nakatunganga lang ako buong byahe at hindi alam kung paanong bungad ang gagawin ko mamaya kay mama. Sisigaw ba? Bubulyawan ko ba siya? Mahinahon? Ano? I mean, paano? Argh! Napasabunot na ako ng ulo.
Hindi ko napansing nandito pa pala ako sa loob ng jeep. Nang biglang naging pamilyar na sa akin ang buong paligid. Kaya nagpara na ako, at mabuti na lang at sakto talagang nahinto sa mismong gate namin ang jeep. Ibinigay ko na ang bayad at bumaba na. Mas pinili ko ng sa malapitan ako ng driver umupo para hindi na ako mahirapan pang ibigay ang aking pamasahe.
Dahil sa nangyari sa akin noon kada sakay ko ng jeep. Kung tricycle e, okay lang dahil sa harap naman ako sasakay at malapit lang kapag ibibigay ko ang pamasahe ko sa driver.
Nang nakababa na ako ay mabigat na pagbuntong-hininga na ang aking nabitawan at nag-inhale-exhale na rin para magkalakas ang aking loob na magtanong kay mama, mamaya.
Kaagad na akong nagbukas sa gate namin at isinarado ulit ito. Habang nag-iisip sa mga salitang dapat na sabihin kay mama kapag nagtatanong na ako sa kanya. Ngayon kinuha ko naman ang susi ko sa loob ng aking bag. Pagpihit ko kasi kanina ay nakalock ang pinto. Baka umalis si mama o baka nilock lang niya dahil natutulog siya.
Maaga pa rin naman kasi kaya baka natulog nga si mama. Alas tres pa ng hapon. Hindi na rin kasi ako nag-abala pang pumasok sa last subject ko. Baka makita ko pa ang dalawang traydor.
Na-unlock ko na ang pintoan kaya ipinasok ko na sa bag ko ang susi at ngayo'y naghubad na sa aking sapatos para hindi madumihan ang sahig namin.
Tahimik ang buong bahay, baka tulog nga si mama.
Kaya sinarado ko na ang pinto at ni-lock ulit for safety. Naglalakad na ako papunta sa aking silid at nang nakapasok na ako'y nagmadali na akong magbihis ng pambahay.
Natapos na akong magbihis kaya nagpasya akong lumabas sa kwarto ko at nag-isip muli sa maaari kong itanong kay mama. Kung totoo ba ang mga hakahaka nila patungkol sa kanya? May relasyon ba talaga sila ni Mayor? O paano ko ba kasi siya tatanungin? Nakakalito naman!
Ah! Mabuti pa, pupuntahan ko na lang si mama sa kwarto niya at tatabihan siya hanggang sa magising siya at doon maglalambing ako para makapagtanong na ako sa kanya. Oo nga ano? Ang galing ko talaga e! Natuwa naman ako sa aking naiisip kaya magaan akong nagpatalon-talon papunta sa silid ni mama, ang silid ni mama ay na sa likurang bahagi pa nitong kusina. At ang sa akin naman ay itong malapit lang sa salas.
Nang na sa harap na ako nang pinto ni mama ay walang anu-ano'y pinihit ko ang siradora at kaagad na binuksan ito na may ngisi pa sa aking mga labi, dahil sa mga naiisip kong ideya patungkol sa kung paano ko tatanungin si mama mamaya kapag nagising na siya.
Pero sa kasamaang palad ay biglang napalis ang napakaganda at napakatamis kong ngiti nang naririnig ko ang mga mapupusok na ungol at pagdaing na sumasakop sa buong silid. Hindi ko naiwasang makita ang mga mababangis nilang kalmotan sa kanilang katawan.
Hindi ko magawang sumigaw, dahil nakabibingi ang kanilang mga halinghing dahil sa mararahas nilang pag-indayog sa ibabaw ng kama ni mama. Isang lalaking may edad na nakahubo't hubad! Si mama ay nakapatong sa ibabaw. Habang ang lalaki ay sapo ang dalawang malulusog na dibdib ni mama. Ayaw ko na, ayaw ko na! Tama na!
"Mama! Anong ibig sabihin nito? Mga baboy! Walang respeto!" dahil sa kahihiyan at naiisip na mga pasaring ng karamihan kay mama at ngayon ay nasagot na! Kahit na hindi ako magtanong! Alam ko na! Alam na alam ko na! Pwe! Nakasusuka!
Pahina 10Galit ako! Galit na galit! Sobrang galit ang namumutawi sa aking puso't-isipan! Para akong sasabog sa labis na puot na nararamdaman. Hindi ko mawari ang nais na gawin simula nang makita ko ang mga kahayupang pinaggagawa nila mama at no'ng hinayupak na matandang manyak! Malalakas na katok ang aking naririnig sa likod nitong pintuan sa aking silid. Matapos ko kasing makita ang mga kawalang moral nilang ginagawa ay hindi ko maatim na ipagkanulo ko an
Pahina 11Okupado ang utak ko sa kaiisip nitong mga nakaraang araw no'ng nagkasagutan kami ni mama dahil sa nakita ko ang kanyang ka walang hiyang ina. Ano nga ba ang magagawa ko? Kapag naglayas ako, paano na ako makakapagtapos ng pag-aaral? Kung lalayo ako kay mama, paano ko naman tutuparin ang pangako ko sa sariling makamit ang aking mga pangarap. I am only a fourteen years old girl, and I don't have any money to spend? Kaya tiis-tiis na lang muna ako sa ngayon. Nawala ang pag-iisip ko nang may tumawag sa pansin ko.
Pahina 12Kay bilis lumipas ng mga araw, linggo at buwan. Sa loob ng mahabang oras na ginugugol ko ay siya namang pagiging malapit namin ni Greg sa isa't-isa. Mas lalo pa siyang lumalapit sa akin. Hinahatid sundo na niya ako at pinupuntahan sa bahay kapag weekends. Para raw masulit namin ang mga araw na nagkikita pa kami. Baka raw kasi, kapag gumraduate na siya sa highschool ay roon na siya papag-aralin ng kanyang parents sa states. Iba rin talaga kapag may
Pahina 13Matapos kong maihatid sa address ang pinapabigay ni mama ay kaagad naman akong inihatid pauwi ni Greg. Dahil hapon na raw at hindi maganda kung gabi na uuwi. At sabi rin niya sa akin na may importante siyang gagawin sa kanila. Sino ba naman ako para makapag-demand 'di ba? E siya na nga ang nag-offer sa akin na samahan niya ako kanina sa address na iyon. "Ah, kumusta pala ang study mo Ellen? Hindi ka ba nahihirapang e maintain ang marka mo sa pag-a
Pahina 14Linggo ngayon at kailangang maagang gumising dahil magsisimba ako. Ilang beses ko ng sinusulyapan ang aking telepono at naghihintay na may magtext. Kasisikat pa lang ng araw pero ngayon ay na sa kusina na ako at naghahanda ng agahan. Si mama ay hindi pa nagigising kaya ako na lang ang naghanda. Hotdog, itlog at fried rice lang ang niluto ko. Nag-init na rin ako ng tubig gamit ang aming maliit na electric heater. Matapos makapaghanda ay binalikan k
Pahina 15 Sobrang bagal ng oras simula noong nagsimula ang misa hanggang sa punto kong saan naghahawak-kamay na at kakanta ng Ama Namin. My goodness! Ramdam ko talaga ang pamamawis ng aking kamay, at sa bawat pagluwag ko sa pagkahawak sa kamay niya ay siya namang magpapahigpit sa paghawak sa akin.Kung may ilong lang ang kamay ko, baka hindi na 'to makahinga sa labis na pagkakuyom. At dahil nga na sa simbahan ka
Pahina 16Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa ni mama at Greg na kanina pa nag-uusap habang si Tita Dina naman ay bisi sa pagyupyop ng kanyang isang kahang sigarilyo. Tinatantya ko ang bawat galaw nila mama at Greg, at batay sa mga napapansin ko ay parang seryoso ang usaping kanilang pinag-uusapan. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ako ni mama o minsan ni Greg. Kaya sa palagay ko talaga ay tungkol sa akin ang kanilang palihim na pinag-uusapan. Ano ba talaga
Pahina 17Maraming nangyari sa loob ng isang taon. Si Greg nakapagtapos na sa senior high at ako nama'y na sa huling taon na sa highschool. A great pleasure to feel na sa wakas nagawa kong makaabot sa panghuling taon. Sa dami ba namang nangyari sa buhay ko. Kahit na sa totoo hindi pa rin kami nagkakaayos ni mama. Sa bahay, lagi pa rin kaming walang imikan. Nag-uusap man, pero saglit lang. Kauusapin lang ako ni mama kung kauusapin ko siya. Kung hindi naman importante ang aking sasabihin sa kanya ay hindi niya ako kinikibo.