ANG DAMING kuwento ni Kibaweg habang nagkakape sa patio. Sari-sari, kung anu-ano, pero ang higit na kinatutuwaan ni Guen ay yaong tungkol sa paghahabulan nina Melba at Amihan sa gitna ng sagradong ritwal sa Ampico.
“Kumekerengkeng...,” tumatawang ulit ni Guen. “ Si Melba talaga, oo… Andaming
ILANG saglit pa at umingit ang mga baitang ng hagdan. Kasunod niyon ay ang tunog ng tila akyat-panaog na mga tsinelas, wari’y may mga naghahabulan. Nakakatuwa pakinggan ang bawat pagtili ni Guen, ramdam na ramdam sa buong paligid ang kanyang kasiyahan. Para silang mga bata ni Kibaweg na masayang nagkikilitian.“Huli ka!”“Ay!”Mula sa hapag-kainan ay sinutsutan sila ng pilyang maid. Isinesenyas nito ang kanilang magulang.“Good morning po, “ nahihiyang bati ni Kibaweg.“Ikaw kasi…” pasimpleng kurot ni Guen.
DAHIL sa nangyari sa mga ari-arian ng minahan ay naging tahimik tuloy si Kibaweg sa harap ng wedding coordinator. Nakatingin siya sa mga ito pero parang wala siyang nakikita. Naririnig niya ang pinag-uusapan pero parang wala siyang naiintindihan. Malayo kasi ang isip niya, nandoon sa Cordillera. Kaya nang ihain sa kanya ni Guen ang kontrata, pati na ang ginawa nilang authorization letter para makuha ng mga ito ang dokumento nila, saka pa lang niya namalayang pagsang-ayon na lang pala niya ang kulang at tapos na ang meeting nila.
KINAUMAGAHAN ay agad nilang pinuntahan ang mga nasaktang tauhan ng minahan. Inalam ni Kibaweg ang lagay ng mga ito, binigyan ng panggastos hanggang sa makabalik sa trabaho, sabay latag na rin niya ng imbitasyon sa bawat tribo. Kumbidado ang lahat.“Talaga po?” tuwang-tuwa, hindi makapaniwala ang buong komunidad. “Lahat kami? Hindi lang ang mga may katungkulan, pati kaming mga ordinaryong mamamayan? Pati mga anak namin?”“Opo!” tugon ni Lakay. “Gusto kasi ni Kibaweg na makilala nyo ang babaeng bumihag sa kanyang puso.”“Bumihag po talaga?” biro ng isa. “Ang lalim, hindi namin maarok! Kulang na lang dugtungan nyo pa ng: datapuwat, ngunit, subalit…”Tawanan, pati matatandang walang ngipin ay naghahagikgikan.Masayang-masaya ang lahat.Umaalingawngaw sa buong kapaligiran ang masigabong halakhakan.Aligaga tuloy sa ginagawa ang pinakamatandang
KASUNOD niyon ay umatikabo ang masayang tuksuhan, kantiyawan at biruan. Namula kasi ang pisngi ni Guen. Talagang nag-blush siya. Kundangan naman kasi may spark pa rin siyang nadama. May kuryente ang halik, nandoon pa rin ang magic. “Uyyy,” sabi ng isa. “mukhang may magkakabalikan, a!”Ngumiti si Guen. Pagkuwa’y umiling siya. Itinanggi sa sariling naapektuhan siya. Mali kasi. Kahit saang anggulo niya tingnan, mali ang matukso pa siya sa iba. Ikakasal na siya. Unfair kay Kibaweg. Napakabuti nitong tao para saktan niya.“So sweet!”“Langgam,,” patuloy na tukso. “andaming langgam!”“Wait,” singit ng isa pang ballerina. “ Teka lang, guys, wag muna kayong maingay.... Narinig nyo yon?”“Ang alin?”“Wedding bells! Kumakalembang!”Tawanan. Lalong sumaya ang tuksuhan.“Actually…” pigil niya sa
ANG siste, nanganganib na nga ang buhay ng mga nakulong sa loob ng kuweba, dumagdag pa sa problema ang mga kabataang rallyista. Gumawa sila doon ng barikada, iminuwestra ang mga dalang plakard, sinamantala nila ang isyu habang nandoon ang media.“Isara! Isara ang minahan!” paulit-ulit na sigaw. “Isara!”Sa litanya ng isang aktibista gamit ang megaphone ay ipinahayag nito na ang nangyari ngayon dito ay isang patunay lamang na ang minahan ay nakasisira sa kalikasan.“Isara! Isara ang minahan!”Pero hindi sila pinapansin ng mga tao sa loob ng napakalawak na bakuran. Abala ang mga ito sa pasa-pasang paghahakot ng bato palabas ng kuweba. Nagmamadali ang kilos, bawal mapagod, puwedeng tumigil sandali para humingi ng tubig kila Melba at Aliw-iw, pero hindi puwedeng maputol ang momentum. Sayang ang oras, buhay ang nakataya sa bawat segundong lumilipas.“Apo Dulay,” nag-aalalang tawag pansin ni Aliw-Iw. &ldquo
ANG dami nilang inikutan na ospital. Sa La Trinidad, Benguet, Itogon, Baguio, at kung saan-saan pang karatig na bayan. Pero pawang wala silang malapagan ng helicopter. Nag-aalala na tuloy si Guen. Sayang ang oras kakalipad nila habang patuloy na nauubusan ng dugo si Kibaweg. Pag nagtagal pa sila sa ere nang walang tiyak na patutunguhan ay posibleng manganib na ang buhay nito.“Sa Clark po, Doktora,” mungkahi ng piloto. “ sigurado tayo doon.”Saglit na nag-isip si Guen. Tinantiya niya ang distansiya ng Pampanga sa Maynila. Ilang minuto lang ang diprensiya. Mas kumportable siya sa pag-aari nilang ospital. Mas maaasikaso niya ito doon, mas mabibigyan ng prayoridad.“Sige po, Doktora,” sang-ayon ng piloto. “coordinate ako sa base para pagdating natin doon ready na ER.”“Thank you, Capt.,” aniya “thank you!”Takot na takot si Aliw-Iw habang lumilipad ang helicopter.Lalo na s
ANG kulit ni Aliw-Iw. Hindi pa man ay excited na agad siya. Ang dami na agad niyang pangarap. Siguradong pag-uwi niya sa Cordillera ay magugulat ang lahat, tapos pag magaling na ang kanyang paa’y makakalangoy na ulit siya sa lawa, hindi na siya mapapatid ng mga alagang baboy sa tuwing nililinisan niya ang kural ng mga ito, hindi na siya mahihirapan magdala ng panindang rice wine sa kooperatiba, napakarami na ulit niyang puwedeng gawin pag nakakalakad na siya.“At hindi lang ‘yon,” dugtong ni Guen.” makakatakbo ka na rin pag ayaw mo sa manliligaw mo!”“Oo nga,” aniya “pero pag may dalang pinikpikan, kukunin ko muna yung mangkok bago ko siya takbuhan!”Tawanan.“Infairness, masarap talaga yung pinikpikan, ha!” ani Guen. “Lalo na kung si Kibaweg ang nagluto!”“Syempre,” sang-ayon ni Aliw-Iw. “si Kibaweg pa!”“Tse! Bakit, ipina
ANG kulit ni Kibaweg. Walang tigil sa pag-iinarte, maya’t-maya ang daing nito, andaming masakit. Kesyo masakit daw ang ganito kailangan ng kiss, masakit daw ang ganoon pero ang hinihinging gamot ay kiss, lagi nitong itinuturo ang labi. Laging masakit, kailangan ng kiss.“Heh!” pakikipagharutan ni Guen. “Nakakadami ka na, ha! ““Aray, ” patuloy na paglalambing nito, inginunguso ang labi. “hindi ko matiis, Doc Guen. Gamutin mo ko, please…”Nakikipaglokohan na kumuha ng injection si Guen, pabirong itinutok iyon sa labi ni Kibaweg.“Ay,” biglang iwas nito. “wala ng aray!. Hindi na masakit, Doc! Ang galing mo!”Lalong natuwa si Guen. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na panggigilan ito ng halik. Sa pisngi, sa ilong, sa kabilang pisngi, sa labi, sa noo, sa tenga…“Saan pa?” aniya. “Saan pa may masakit? Gagamutin ko la