Share

04

Hindi pa ako agad nakakilos ng iwanan niya ako sa kuwarto. Sinandal ko ang aking ulo sa headboard ng kama at sandaling nag-isip.

Wala na. Wala na ang virginity ko na iniingatan ko. Kahit naman magaslaw ako at bulgar magsalita, pinapahalagahan ko ang virginity ko. 

Bumuntong hininga ako. Ngayon ko lang lubos naunawaan si Camila sa kaniyang ginawa. 

Para sa pamilya at mahal mo sa buhay magagawa mo talaga ang mga bagay na ni sa panaginip ay hindi mo magagawa. 

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito na. Ang perang ito ang magpapabago sa buhay namin. Sa buhay ng pamilya ko. 

Sabi ko isang beses lang. Sabi ko hindi ako gagaya sa iba na hindi na nakaahon dahil mas pinili nilang mamuhay nang marumi. Pero ano 'to at nakigaya din ako. Katulad na ako. Pumayag ako na masadlak sa lusak para sa pera. 

Huminga ako nang malalim saka dahan-dahan nang umalis ng kama. Nagpunta ako ng banyo para maghilamos at makapagbihis na din. 

Nilagay ko ang paper bag na naglalaman ng pera sa loob ng aking mumurahing bag. 

Paglabas ko ng kuwarto, may isang malaking mama ang naghihintay sa akin. Wala syang imik na giniya ako hanggang sa elevator, hanggang sa labas ng building.

Naglakad siya hanggang sa taxi na nakaabang sa labas. 

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nang makasakay ako, sya na din mismo ang nagsara. Lumapit siya sa driver ng taxi at nag-abot ng isang libo. 

"Pakihatid siya nang maayos sa pupuntahan niya," bilin niya dito. 

Bilin kaya ito sa kaniya ng lalakeng iyon? Malamang! Tauhan niya ito kaya malamang na ang ginawa nito ay utos ng kaniyang amo. 

Kinilig ako. Hindi ako naniniwala sa sinabi niyang masama siya. Mabuti siyang tao. Ang sweet pa niya. 

Hindi kaya may gusto siya sa akin? Binayaran na niya ako. Bakit kailangan pa niya akong ipahatid sa kaniyang tauhan. 

Hindi na mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang nasa biyahe ako. 

Mag-uumaga na ng makarating ako sa bahay namin. Tulog pa ang mga kapatid ko, samantalang si nanay naman ay naghahanda na sa pagpasok sa palengke. 

Hindi ko alam kung tutuloy pa siya sa palengke kapag naiabot ko na sa kaniya ang pera. 

"Inumaga ka na yata," sambit niya habang ang kaniyang mga mata ay nasa tasa ng kape na hawak niya. 

"Naghanap po ako ng pera," sagot ko naman. Doon pa lang niya ako tinignan. 

"May nahanap ka bang pera?" 

"Opo, saglit lang po at magbibihis lang ako."  Ang laki ng ngiti niya sa mga labi nang marinig niya ang sagot ko. 

Pumasok ako ng banyo para magbihis at para na din kumuha ng pera. Hindi niya puwedeng makita ang malaking pera na hawak ko. 

Paglabas ko, inabot ko kay nanay ang one hundred fifty thousand.

Umiyak si nanay habang nakatingin sa pera na hawak niya. 

"Aalis na ako," paalam niya. Hindi na niya inubos pa ang kaniyang kape. 

Umalis siya ng bahay para magpunta na ng prisinto. May nasaksak si tatay nang nakaraan na makipag-inuman ito, kaya nasa kulungan siya ngayon. 

Ang iba sa pera ay para sa bail ni tatay at ang iba naman ay ibibigay doon sa nasaksak niya. 

Tinignan ko ang natirang pera. Para ito sa bibilhin kong bahay para sa kanila. Hindi na sila puwede dito. Lalo na si tatay. Baka kasi balikan siya ng ilan sa mga kamag-anak nang sinaksak niya. 

Nahiga ako pero hindi ako dalawin ng antok. Sobrang sakit ng aking katawan lalo na ang aking panggitna. Pero hindi naman ako makatulog, lalo at naiisip ko ang malaking halaga ng pera na nasa ilalim ng aking unan. 

Kaya imbes na magpahinga pinili ko na lang na makipagkita doon sa kausap kong nagbebenta ng bahay. Rights lang ang bahay kaya abot kaya ang presyo. 

Una kong pinuntahan ang barangay para i-check kung iyong kausap ko ba ang totoong may-ari ng bahay. Sinigurado ko na din kung wala bang ibang may-ari katulad na lang kung may napagsanlaan itong iba. 

Nang sabihin ng punong barangay legit ang kausap ko, nakipag-deal na ako at agad binayaran. Ang kasulatan na nilagdaan namin ay pinanotaryo din namin. 

Bukas puwede nang lumipat sina nanay dito. Hindi ako sasama sa kanila dahil maghahanap ako ng trabaho sa Manila. Malayo kasi ito doon. Sasakay pa ng tricycle saka apat na beses na sasakay ng jeep. May tindahan ang bahay kaya ito ang napili ko. Magtinda-tinda na lang sina nanay at tatay para may pagkaabalahan sila at pagkakitaan kahit paano. 

Hindi sa bahay matutulog si tatay mamayang gabi, dahil baka sumugod ang mga kamag-anak ng sinaksak niya. Gusto naming makasigurado. Kahit naman lasenggo siya, ayaw naman namin na mapahamak siya. Mabait naman si Tatay huwag lang talagang kakantiin.  

"T-Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni nanay nang sabihin ko sa kaniya na nakabili ako ng bahay na lilipatan nila ng mga kapatid ko. 

Gaya kanina hindi man lang siya nagtanong at nagtaka kung saan galing ang pera. 

Masaya silang nagligpit ng mga gamit namin, para bukas madali na lang maghakot pagdating ng sasakyan na maghahakot ng mga gamit papunta doon. 

Hindi amin itong bahay na tinitirhan namin. Illegal settler kami dito at ide-demolished na din ito sa susunod na buwan. Wala daw relocation site dahil hindi ito sa gobyerno. 

NAGING abala ako hanggang sa sumunod na araw. Nag-text ako kina Camila at Amanda na hindi muna ako makakadalaw sa kanila. 

Magugulat ang mga iyon kapag sasabihin ko na doon na ako makikitira sa kanila. Wala kasi silang alam sa nangyari sa akin. Ayaw ko silang bigyan ng stress lalo at nagpapagaling pa lang si Amanda. Si Camila ay buntis din. 

Nilalagnat ako at sobrang sakit ng aking katawan pero hindi pa muna ako puwedeng magpahinga. Sinigurado ko muna na maayos na at komportable ang mga magulang at kapatid ko. Bumili ako ng mga kutson para sa kanila. Bumili ako ng refrigerator at nag-grocery ako para sa tindahan ni nanay. 

"Salamat, Anak..." Niyakap ako ni tatay. Umiiyak siya. Samantalang si Nanay naman ay nakatayo lang sa sulok at hindi man lang ako niyakap katulad ni tatay. Ang mga kapatid ko ay walang humpay din na nagpapasalamat sa akin. 

"Salamat sa malambot na higaan, Ate."

"Salamat sa bahay, Ate."

"Salamat sa tinadahan."

"Salamat sa komportableng bahay."

Pero si nanay wala man lang sinasabi. Nakakasama talaga ng loob. Hindi ko alam kung anak ba niya ako. 

Mabait naman si Nanay. Hindi naman niya ako sinasaktan. Hindi lang talaga niya kami pantay-pantay kung ituring. 

Kung bakit ko binenta ang aking sarili, iyon ay dahil plano niya akong ibenta doon sa matandang lalake na may-ari ng palengke. Desperada na marahil kaya hindi na siya makapag-isip ng tama. Kaya pati anak niya kaya niyang mapahamak. 

Kaysa ang matandang iyon ang makinabang sa aking katawan, pinili kong lapitan iyong may-ari ng club noon na pinuntahan namin ni Camila. 

Galit na galit ito nang makita niya ako. Nilunok ko na lang ang pride at hiya ko at sinabi ko na kailangan ko ang tulong niya. 

Tinawanan lang niya ako. Ang sabi'y bakit di ko na lang daw pinatulan iyong may-ari ng palengke. Hindi ako makapaniwala na pati siya ay alam ang bagay na iyon. 

Pinaalis lang niya ako. Halos ipatapon pa niya ako sa labas ng kaniyang tanggapan. 

"May dala kang malas! Umalis ka dito!" sigaw niya sa akin. 

Sakto namang paglabas ko ng bahay aliwan, may lumapit sa akin na babae. Nasa kaniyang twenties ito. Maganda ang kurba ng katawan, may suot na sexy na damit at makapal ang kaniyang make up sa mukha.

"Gusto mo ba ng pagkakakitaan?" tanong niya sa akin. 

"May alam ka ba?" 

"Oo naman. Malaki sila magbigay." Naengganyo ako sa sinabi niya kaya sumama ako. Desperada na din ako. 

Nagpunta kami sa isang club. Hindi siya mukhang club o sadyang iba lang talaga ang club ng mayayamang tao. 

Pinakiusap niya ako sa magandang babae na sinasabi niyang manager. 

Sakto namang kulang daw sila ng babae ngayong gabi kaya kinuha niya ako.  Pinaayusan niya ako at pinagsuot ng sexy na damit. 

Pagkatapos ay pinahelera kami sa labas. Nakakahiya! Nakabalandra ang aking mukha sa labas kung saan dumadaan ang ilang mga sasakyan. 

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Kapag may humihintong sasakyan, agad silang lumalapit dito. 

May unang huminto na sasakyan sa tapat ko pero nang makita ko na matanda ito, tinanggihan ko. Iyong babae na kasunod ko ang sumama. Goodluck sa kaniya. 

Ayaw ko ng matanda! Baka mamatay pa siya sa ibabaw ko. 

"Magkano?" tanong ng sunod na huminto sa tapat ko. Lumapit ako at kinapalan ko na talaga ang aking mukha. 

"Two hundred thousand," sabi ko na kinangiwi niya. "Virgin ako." 

"Sorry, ayaw ko sa virgin at walang kuwenta sa kama." 

Ano?! Halos umusok ang aking ilong sa kaniyang sinabi. 

Nawalan na ako ng pag-asa. Mag-iisang oras na akong nakatayo pero wala pa ding kumukuha sa akin. 

May isa kanina nag-alok ng fifty thousand. Hindi ko pinatos. 

May huminto ulit na sasakyan sa tapat ko. Tamad ko itong nilapitan. Nagbukas ang passenger seat pero hindi muna ako agad pumasok. Kailangan muna naming magkasundo sa presyo. 

Yumuko ako at sinilip ang driver. Napasinghap ako nang makita ang kaniyang mukha. 

Kuwatro, singko, sais, siyete! Ang guwapo! Ang macho-macho pa! 

"Hop in," tamad niyang utos. 

Tamad siyang tumingin sa akin nang hindi pa ako agad nakakilos. 

"Hindi ka ba puwede?" tanong niya ulit sa seryoso at masungit na tono. 

"Kaya mo ba ang presyo ko?" tanong ko naman. 

Pagak siyang tumawa. "How much?" taas kilay niyang tanong. 

"Two hundred," nakangisi kong sagot. 

"One hundred, " tawad naman niya na kinanganga ko. Mukhang ito na ang hinihintay ko. 

"One hundred eighty," nakanguso kong sambit. 

"One hundred five," hirit naman niya. 

"Virgin pa ako..." Nagtaas siya ng kilay saka ako pinasadahan ng tingin. 

"One hundred fifty," aniya. Napanganga na naman ako. 

"Papasukan na ng langaw ang bunganga mo. Sasama ka ba o hindi? You're wasting my time."

Ang sungit, huh? 

"Heto na nga!" Sumakay ako at agad na din niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan. 

Mabuti na lang at naging choosy ako kanina. 

Sabi ng kasama ko kanina puwede ko naman daw kitain ang one hundred fifty thousand. Sa tatlong lalake daw. Dios ko! Isang beses ko lang 'tong planong gawin! 

Nawalan ako ng gana sa aking ginagawa nang maalala ko ang lahat ng nangyari, pati na din sama ng loob ko para kay nanay. Maayos na ang buhay nila ngayon, pero ni minsan hindi ko man lang narinig na nag-thank you siya Pero kahit masama ang loob ko sa kaniya, buwan-buwan pa din akong nagpapadala ng pera sa kanila. 

Ang lagi lang niyang sinasabi, huwag daw akong mag-aasawa muna. Pag-aralin ko daw muna ang mga kapatid ko.

Pagtatapusin ko naman talaga sila sa kanilang pag-aaral. Kahit mag-asawa ako hindi ko pa din sila pababayaan. 

Pinulot ko ang aking celphone nang may mag-text. Galing ito kay Kevin. Mamaya na daw ang kasal nila ni Camila. 

Agad-agad! Parang kanina lang siya nag-propose, a? 

Sana all na lang kay Camila. Nakatuluyan niya ang lalake na kumuha sa kaniya para maging baby maker. 

Napakagat labi ako nang maisip ko din ang lalake na unang karanasan ko. Nagkita kami ulit at magkikita pa ulit. 

Hindi kaya siya na din ang destiny ko? 

Napangisi ako. Paano nga kaya kung siya na ang nakatakda para sa akin? 

Thank you na agad, Lord. 

"Hindi ka ba dadalo?" tanong ko kay Amanda. Nasa harap siya ng kaniyang laptop at gumagawa ng report. 

Dumaan muna ako dito sa shop para kunin ang pera na idedeposito ko sa bangko. 

"Tignan ko," iyon ang sagot niya. Hindi ko na lang din siya pinilit pa. Naiintindihan ko kung bakit. Tiyak na mauunawaan din ito ng kaniyang kapatid kung hindi siya dadalo. 

"Hintayin kita doon," sabi ko sa kaniya bago ako umalis ng shop. Tipid lang siyang ngumiti. 

PAGKATAPOS ko sa bangko, nagpunta na ako sa mansyon ng mga Antonio. Habang nasa biyahe ako, nagsimula nang kumalabog ang aking dibdib. 

Hindi naman ako ang ikakasal pero bakit ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon. 

At napagtanto ko kung bakit nang makita ko ang lalake na nasa unahan, katabi ito ni Don Antonio. 

Nandito din siya! Bakit siya nandito? 

Kamag-anak ba siya nina Kevin? Pinsan? Tiyuhin o ano? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status