Share

Chapter 21

"Okay ka lang pre?" tanong ni Rustom at inabutan ako ng tubig. Na-miss ko tawagan naming pre.

"Oo, okay pa naman. Malayo sa bituka," sagot ko.

Nandito kami ngayon sa apartment niya na malapit lang sa school na pinapasukan ko.

"Kung hindi ko pa malalaman, walang planong sabihin sa'yo ni Tita Merly ang lahat," saad nito.

"Paano mo nga pala nalaman?"

"Inalam ko, kinausap kasi ako ni Tita pagkaalis n'yo noong Linggo. Sabi n'ya, huwag ka na raw namin guluhin. H'wag na raw ako umeksena sa inyo ng boss mo dahil malapit mo na raw makamit ang gusto mo. Syempre nagtaka ako, pero hindi naman sabihin sa'kin ni Tita ang ibig niyang sabihin. Kaya naman sinundan ko na lamang s'ya kinabukasan."

"Tapos?"

"May pinuntahan s'yang fancy restaurant, pa-simple akong sumunod. Doon din ako umupo kung saan maririnig ko s'ya at ang kausap n'ya."

"S-Sinong tinagpo n'ya?" tanong ko.

"Isang may edad na babae pero sumisigaw sa karangyaan ang awra. Puta pre, kumikinang yung ale. Dinaig ang ngipin ko sa kinang- aray
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status