“My light.” Bulong ni Jiro at mabilis na yumukap ang mga braso niya ng mahigpit sa bewang ni Danica at ang mainit nitong labi ay patuloy sa paghalik sa labi ng dalaga, lasang-lasa ni Danica ang alak doon na wari’y pati siya ay nalalasing na rin.“Jiro… Please stop.” Sinubukan ni Danica na itulak ang lalake ngunit masyadong mahigpit ang yakap nito sa kaniya.“Why are you trying to escape? I just want to hug you.” Ang ngarag na boses ni Jiro habang binubulong ang mga katagang iyon sa tenga ni Danica ay nagbibigay ng kiliti sa buong katawan niya. “I miss you, I really miss you.”Paulit-ulit iyon na sinasabi ni Jiro, andoon ang desperasyon ng lalake na maipahatid ang pagka-miss niya sa babae. Ngunit para kay Danica ay parang mga kutsilyo ito na paulit-ulit siyang sinasaksak, hindi niya akalain na may minamahal na ang lalake.“Jiro, please hindi ako ang girlfriend mo kaya bitawan mo ako.” Pilit pa rin na sinusubukan ni Danica na kumawala sa lalake ngunit mas humigpit lang ang pagyakap nito
Naalimpungatan si Danica ng humalimuyak ang mabangong amoy ng kape sa kaniyang ilong, agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang lalake pero wala na ito sa sofa kung saan ito nakahiga kagabi.“Are you looking for me?” Tanong ni Jiro habang binabasa ang nakasulat sa hawak na papel at sumisimsim ng kape.“Hmm. Anong oras na? Pinapunta mo ako rito kagabi pero lasing ka, hindi mo naman siguro ako i-text ng ganoong oras para lang panuorin kitang matulog?” Sarkastikong sabi ni Danica dahilan para mapangisi si Jiro.“You mean, pinanuod mo ako habang natutulog?” Hindi nawawala ang mapang-asar na ngiti ni Jiro sa mga labi, minsan talaga ay hindi kayang itago ng dalaga ang totoo. Totoo nga ang sabi ng iba na sa bibig nahuhuli ang isda.“W-what? Hindi iyon ang ibig ko na sabihin!” Pagtangi ng babae.Tumango-tango si Jiro ngunit halata sa mukha nito na hindi siya naniniwala dahilan para mas lalo lang makaramdam ng hiya si Danica.“I told you, hindi kita pinanuod matulog! Bakit hindi ka ba naniniwal
Mula sa paglabas ng hotel hanggang sa byahe ay tahimik lamang si Danica sa tabi ni Jiro na ikinabahala naman ng lalake, bigla tuloy itong nagsisi sa pang-aasar na ginawa niya rito kaninang umaga. Hindi niya kasi maiwasan na tumawa dahil sa itsura ng babae, hindi dahil napapangitan siya kundi para sa kaniya ay napa-cute nito sa gulo-gulong buhok.Hindi alam ni Jiro kung tama ba ang desisyon niya na magpanggap na wala siyang alam sa nangyari sa babae at kung sino ang may kasalanan kung bakit nasira ang career nito, ang mahalaga ay maibalik niya ang dating kasikatan nito hanggang makalimutan na ng tao ang issue.Pagkatapos noon, wala na siyang pakealam sa mga susunod na mangyayari, pwedeng patuloy siyang maging sponsor o maghiwalay na muli ang mga landas nilang dalawa.“Are you really not going to talk to me?” Tanong niya kay Danica.“Wala naman tayong dapat pag-usapan, Mr. Jiro kaya hindi ko alam kung may anong dahilan para magsalita ako o meron ba akong karapatan.” Nakangiti at magalan
Pilit pinipigilan ni Danica na maging emosyonal, anong kalokohan ang naririnig niya mula sa lalake na kaharap? Pagkatapos nilang alisin siya sa cast ng series ay kinuha ulit siya para gawin supporting actress?Hindi niya alam kung bakit ginagawa sa kaniya iyon ng mga taong nakapaligid sa kaniya, pero akala ba ng mga ito ay aaatras siya dahil lang gusto siyang makita ng mga itong unti-unting bumabagsak? Nakakalimutan ba ng mga tao na iyon na doon siya nagsimula dati at hindi siya magdadalawang-isip na magsimula ulit sa mababa para maabot ulit ang spotlight?“Sorry, I should think before I give you the new project. As your sponsor, I think it’s better for you to be part of that series again to make them regrets their decision to cast you out.” Jiro explained himself, iyon naman talaga ang plano niya. Mas mapapadali ang pagkuha ng atensyon ng tao kung parte pa rin siya ng series.Gustong ipakita ni Jiro sa mga tao na hindi lang dahil sa mukha niya at sponsor sumikat si Danic kundi dahil
Pagkatapos ng celebration na ginawa ni Jiro at Danica, ay nagsimula rin kumalat ang picture nilang magkasama at ang balita na muli siyang babalik sa series kung saan siya tinanggal ng lumabas ang isyu tungkol sa kaniya.Hindi ganoon kalaki ang issue tulad ng inaasahan nila, hindi akalain ni Danica na may iilan na mag-congratulations sa kaniya ngunit mas marami pa rin sa mga ito ang tinatawanan siya dahil bumalik siya sa pagiging supporting actress.“Are you ready, Danica?” Tanong ni Isaac, ngayon na magsisimula ang shooting para sa series, unang scene pa lang ay pinapunta na siya sa venue.“Yes!” Sabi niya at pumasok na sila kung saan gaganapin ang scene, wala man lang bumati sa kaniya pagpasok. Marami ang nabago simula ng lumabas ang issue ngunit pinagsawalang bahala na lang niya iyon, una pa lang naman ay alam na niyang plastic lang ang mga pinapakita ng staff sa kaniya.“Good morning, Isaac!” Bati ng assistant ng direk at tumingin lang kay Danica na parang nahihiya, “sa tingin ko m
Palipat-lipat ang tingin ni Danica sa dalawang lalake na parehong nakahawak sa braso niya at wala kahit isa sa mga ito ang balak bumitaw, sa totoo lang ay naguguluhan siya kung meron ba na dapat pag-agawan sa paghahatid sa kaniya.“Wait guys!” Pigil niya sa dalawa, tumahimik nga ang dalawa pero hindi naman nawawala ang masasakit na tinginan nang mga ito sa isa’t-isa. Tumingin si Danica kay Jiro, “hindi mo naman ako kailangang ihatid, alam ko na busy ka at may kailangan ka pa na gawin kaya ka nagpunta dito kaya mauuna na kaming umalis.” Sabi nito dahilan para mapangisi si Isaac.“What? No, I think you misunderstand bakit ako andito.” Mabilis naman na sagot ni Jiro, pilit niyang pinipigilan ang sarili na magpaka-childish pero dahil sa pagngisi ng lalake sa harap niya ay hindi niya hahayaan na matalo siya sa paghatid kay Danica, “nagpunta ako dito para talaga sayo.”“Hayaan mo na Danica, sya na ang maghatid sayo tutal gusto ka naman niya na ihatid. Susunod rin naman ako sa inyo dahil mar
“Chairman.” Pagtawag pansin ni Jiro sa matanda na nakayo sa tabi ng veranda, hawak nito ang isang baso na may lamang alak.“Mabuti naman at andito ka na, lumapit ka rito.” Sagot nito kay Jiro na hindi manlang nagawang tumingin sa kaniya.Humakbang palapit si Jiro sa ama, alam niyang umabot na sa matanda ang balita ng bawat ginagawa niya at kung hindi siya nagkakamali ay sigurong galit ito sa kaniya.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Jiro?” Mababa ang boses nito habang sinasabi iyon, dinampot nito ang isang folder sa gilid at hinagis sa mukha ni Jiro.Ang mga picture mula sa loob ng folder ay kumalat sa sahig, iba’t-ibang anggulo ng mga mukha nilang magkasama ni Danica ang makikita doon hanggang paglabas nila ng hotel.“Ang sabi ko sayo linisin mo ang kalat ng kapatid mo, hindi ko sinabi na lumandi ka at tulungan ang babae na iyon para makabalik sa series kung nasaan ang kapatid mo!” Sigaw nito at hinagis ang baso sa gilid ni Jiro.Nakatayo lang si Jiro at walang emosyon na nakatingin
“Go no, Jiro. Tell her that I am the who brought the drugs that night, but don’t forget that you are the one who clean it. More or less, it’s your fault why she’s in that situation right now.” Mayabang na sabi ni Daniel.Alam nito na hindi kayang gawin ni Jiro ang banta sa kaniya lalo na kung madadamay ang pangalan niya, ngayon ay mas lalong gustong malaman ni Daniel kung sino nga ba ang babae na iyon sa buhay ng step-brother niya.~“Mr. Daniel is here!” Sigaw ng isang staff na maging ang atensyon ni Danica ay nakuha ng lalakeng papasok sa venue kung saan gaganapin ang susunod na scene na kasama siya.Makikita ang inosente na ngiti ng lalake na dahilan kung bakit madami ang nagkakagusto sa kaniya, dalaga man o matatanda ay gustong-gusto siya dahil sa mabait ito at gentleman.Lumingon -lingon si Daniel sa paligid hanggang dumapo ang tingin sa pwesto ni Danica, kita ang kasabikan sa mata nito at naglakad palapit sa babae.“Wow! Totoo nga ang balita na kasama ka ulit sa casting Ms. Dan