Celina's Point of View
Napalingon ako sa paligid at kitang-kita ko ang mga matang nakatingin. Ang iba pa ay nagbubulungan sa likod ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari sa unang araw ng pagsasagawa ng plano.
Halos magkakalahating oras na kaming nandito, at kalahating oras na rin akong nagtitiis sa mga bulungan at tingin ng lahat. Para kaming show na kasalukuyang inaaliw sila habang kumakain.
"What are you doing?" prangka kong bulong kay Darwin ngunit sumandal lang ito sa upuan at nginitian ako.
"Ginagawa ang trabaho ko," sabay turo sa direksiyon nila Renz, 'di kalayuan sa table na iinuupuan namin. Abala sila sa pagkain at hindi man lang kami binigyan ng atensiyon.
"Oo nga naman," maikli kong sagot. Nakakainis! Alam kong mangyayari ang bagay na 'to ngunit nage-expect pa rin ako na magwo-walk out sila palabas sa oras na makita nila kami.
"Say ah!" Nabalik muli kay Darwin ang tingin ko. Sadya niyang nilaksan ang
Celina's Point of View Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang kisame at pilit inaalala ang buong detalye ng mga nangyari kahapon. Napahilamos na lang ako dahil sa pagkadismaya, hindi kasi gano'n kalinaw ang lahat sa aking isipan. Natatandaan ko ang kahihiyang natamo ko sa loob ng mall, at ang paglapit ni Renz habang inaantay ko si Darwin sa parking lot at nagkaroon pa ng kaunting sagutan sa pagitan nila ngunit matapos akong isakay ni Darwin sa kotse ay wala na akong magaanong maalala. Napagpasyahan kong bumangon na para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho. Malakas na laguslos at malamig na tubig ang gumising sa aking natutulog na diwa. Saglit akong napatulala sa repleksiyon ko sa salamin, at kapansin-pansin ang lumalaking itim na balat sa baba ng aking mata. Para akong pagod na pagod sa itsura ko. Muli akong napabuntong hininga at minabuting bumalik na sa ginagawa ko. "It's not you Celina," bulong ko sa aking sarili at saka lumabas sa CR. "You
Darwin's Point of View Inalalayan ko si Celina hanggang sa marating namin ang ikapitong palapag kung nasaan ang office niya. May kutob ako na may nangyari sa pagitan nila ni Renz bago pa siya pumasok dahil napakaseryoso niya mula pa kanina. Ni hindi man lang nga niya nagawang batiin pabalik ang ibang empleyado na nakakasalubong namin samantalang hindi naman siya ganito kasuplada noong unang beses akong tumapak sa building na 'to. O baka naman ako ang dahilan kung bakit mainit ang kan'yang ulo? Palihim akong napatingin sa salamin para tingnan ang aking itsura o para siguraduhin kung maganda ba at maayos ang pagkaka-suot ko ng damit. Pasimple ko ring inamoy ang aking sarili dahil baka sa gamit kong pabango nagkaproblema. "Pag-usapan natin ang sinasabi mo kani-. What are you doing?" Napatigil ako sa pag-amoy ng aking kili-kili at napasulyap kay Celina na nakapako ang tingin sa akin. Agad akong ng umiwas ng tingin at dali-daling inayos ang aki
Celina's Point of View Napangiti ako ng malapad nang makita kong papalapit sa'kin si Darwin. Suot na niya ang kulay asul na jacket na may maliit na bear sa kaliwang bahagi bilang design. 'Di maipagkakaila na nangingibabaw siya sa iba pang taong nagdaraan dahil sa suot at itsura niya. Itinaas ko ang aking hinlalaki para sabihing bagay na bagay sa kan'ya ang jacket, at nasuklian naman iyon ng isang munting ngiti. Hindi ko alam ang tumatakbo sa kan'yang isipan, maski ang kwento ng kan'yang buhay. Ngunit sa tuwing ngumingiti siya, parang pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. "Bagay sa'yo," saad ko nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Tumango naman siya kaya napatawa na lang ako. Sa tingin ko, dapat hindi ko na lang sinabi ang bagay na 'yon dahil parang matagal na niya iyong alam. "Isa lang ang dahilan kung bakit, iyon ay dahil mula 'to sa'yo!" pagmamalaki niyang bigkas sa'kin, na para bang kaming dalawa lang ang nandito.
Celina's Point of View Tila may magnet sa aking kinauupuan na humihila sa akin para 'di makagalaw. Ngunit kahit na gano'n ay may isang bagay akong nagawa at iyon ay ang pagmasdan kung paano prinotektahan ni Darwin si Diane mula sa malakas na pagbuhos ng tubig. Walang nakakaalam kung saan at kung paano iyon nangyari dahil sa biglang pagsara ng mga ilaw. Katulad ng mga madalas nating makita sa mga palabas, dumating ang isang lalaki para sagipin at tulungan ang bidang babae habang ang isang kasama niya ay walang nagawa kun'di titigan sila. Kung titingnan ang mga nangyayari ay maihahalintulad ito sa isang impromptu na stage play. Nakakulong sa mga bisig ni Darwin si Diane at mahigpit itong yakap. Lahat ay nakanganga at tulala dahil sa kanilang nakita. Itinulak ni Diane si Darwin upang kumawala sa pagkakayakap nito. Nang makadistansya siya ay malakas niyang sinampal si Darwin na nanatiling tahimik. Unti-unting bumalik ang ingay s
Celina's Point of View "So, saan mo ba talaga ako dadalhin Darwin? Akala ko ba iuuwi mo ako?" Sumuko ako sa kan'yang pamimilit. Masakit siya sa mata kaya wala na akong magawa kun'di hayaan siya ang besides mas makakatipid ako ng energy. Ngunit saang lupalop ng mundo niya ba ako balak dalhin? Nginitian niya lang ako, as he usually do at saka nabalik sa kalsada ang tingin. "Wait and see," sagot niya. "Kapag malungkot ka, yakapin mo lang si Happy. Mapapakalma ka niya. Kapag hindi mo matagpuan si Happy, tawagin mo lang ako. Okay? Akoang magpapasaya sa'yo, munti kong prinsesa." "Mama, mama, mama!" Sa pagkakaalala ko, nakangiti kong tinawag ang pangalan niya. Kita ko ang saya sa mga ngiti niya. Pero iyon ang huling beses na nagpakita siya kahit ilang beses ko siyang tawagin. Pasasayahin ba kamo? Kasinungalingan! At saka, bakit ba sumagi sa utak ko ang mga alaalang 'yon? Halos 15 years na din siyang nawala, wala na rin nam
Darwin's Point of View "G-Glisea?" Iyon ang unang beses kong narinig na tinawag ni Celina ang sarili niyang ina gamit ang pangalan nito. Alam kong mangyayari ang bagay na katulad nito pero pinilit ko siyang pumasok kahit na alam ko rin na pagagalitan ako ni Tita Glisea na dinala ko siya dito ng walang pasabi. Ito lang ang naiisip kong pagkakataon na makatulong! Dahil alam ko din ang pangungulila niya sa ina sa mahabang panahon na nagkawalay sila at alam kong mapapatawad niya ito. Hindi ko hahayaang hindi sila magkaayos ngayong araw. Alam kong hindi ako ang kailangan ni Celina para mabawasan ang sakit na dinadala niya. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na 'yon! Hindi ako makatingin ng diretso sa mga titig ni Tita Glisea na gulat din sa mga nangyayari. "Celina..." Kitang-kita ang pagkalito at inis sa mga tingin ni Celina. Sinubukang lumapit ni Tita sa kan'ya ngunit mas lalo lang bumibilis ang hakbang niya paatras, palayo sa bis
Celina's Point of View Rinig na rinig ko ang pagkabog ng aking puso, ramdam ko ang pagkatuyo ng aking lalamunan, dama ko ang pangingilig ng aking tuhod at halos habulin ko na ang aking hininga pero hindi ko magawang tumigil sa pagtakbo. Isa lang ang dahilan, wala akong balak na tumigil at ayokong ibalik ang nakaraan. Mas bumibigat lang lalo ang aking pakiramdam at hindi ko alam ang dapat kong gawin. Tumigil ako sa pagtakbo nang matagpuan ang malaking batong malapit sa may ilog at mukhang magandang pahingahan. Hindi ko na matanaw pa ang aking pinanggalingan at sigurado akong hindi na nila ako masusundan papunta rito. Pinunasan ko ang natuyong luha sa aking pisngi at saka inakyat ang itaas ng bato. Naibsan ang init na nararamdaman ko dahil sa dalang lamig ng nagmumula sa kinauupuan ko. Nasa lilim kasi ito ng isang puno kaya hindi nakapagtataka na hindi ito gaanong naiinitan. Maliban pa roon, matatanaw rin ang mga kabahayan sa kabilang banda ng ilog na hindi mas
Celina's Point of View"Miss, nandito na tayo." Napamulat ako sa marahang pagyugyog sa aking balikat. Nakarating na pala kami sa terminal. Madilim na ang paligid ngunit buhay na buhay ang kalsada dahil sa mga taong nagtitinda ng pasalubong at kakanin at mga pasaherong uuwi galing sa trabaho. Sunod-sunod na umaalis ang iba at ang iba naman ay naghihintay pa.Nabaling ang tingin ko kay kuyang driver na nakatayo sa 'di kalayuan habang bumibili ng maiinom. Ngunit mabilis ko ring binalik ang aking atensiyon at itinuon sa nakapilang mga sasakyan."Saan ako sasakay?" bulong ko sa aking sarili at isa-isang sinilip ang mga plaka sa unahan kung saan nakasulat ang lugar na pupuntahan nila."Mama," saad ni Miki na mahimbing na natutulog sa aking hita at mahigpit na hawak ang aking damit. Hindi ko napigilang haplusin ang kan'yang buhok at pasimpleng nangiti."Wait ka lang baby, makakasama mo rin ang Mama mo." Marahan kong iniangat ang katawan ni Miki sa a