Share

CHAPTER 20

HILLARY'S POV

Kahit na nanginginig ang buo kong katawan at nanghihina ang mga tuhod, tumakbo pa rin ako nang mabilis na para bang may humahabol sa 'kin.

As I run fast, the memory of the past came back.

*6 YEARS AGO*

"Manong pakibilisan naman po oh..."

Hindi ako mapakali habang pabilis nang pabilis ang takbo ng taxi papunta sa hospital. Tumawag sa akin si Yaya kanina habang na sa campus ako. Nasabi niyang sinugod daw sa hospital si ate at hindi naman mahagilap si Daddy.

"Diyan na lang po manong sa gilid. Salamat po ng marami." Mabilis kong inabot sa driver ang bayad at hindi na nag-abalang kunin pa ang sukli.

Nanginginig akong tumatakbo papunta sa emergency room number na sinabi ni Yaya. Madaming bagay ang gumugulo at tumatakbo sa isipan ko to the point na hindi ko na alam ang uunahin ko sa mga iyon.

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status