Share

Chapter Four

"Iba ka ring magplano, Boss. Kapatid niyang mismo ang ipapatumba mo sa kaniya. For what reason?" tanong ni Faustino.

"Well, wala namang ibang dahilan kung bakit may ipinapatumba ako kay Lance. Sagabal sila sa plano kong pag-usad. Hindi naman lingid sa kaalaman ko kung gaano kayaman ang angkang pinagmulan ng taong iyon. Sa kayamanang inaakala niyang makukuha niya ay barya lamang iyon sa yaman ng tunay niyang pamilya. Kaya nga kahit naiinis na ako minsan sa kaniya ay tiniis ko. Dahil alam kong mas malaki ang makukuha ko at mas maganda ang maidudulot sa akin," pahayag ni Boss Howard.

"Sabagay tama ka nga naman, Boss. Matalino pa ang batang iyon. Kung sa ibang bata siguro ay naglupasay na sa galit. Subalit tandang-tanda ko pa noong sampung taong gulang siya. Mas pinili niya ang maging praktikal para maka-survive. At hanggang ngayon ay professional na siya, isang professional Navy Seal at submarine official." Sang-ayon na rin ni Faustino. Dahil aminin man niya o hindi ay humahanga talaga siya sa binatang si Lance Steven Morgan.

"The blood flowing through his veins never abandoned it's origin, Faustino. Isang matapang na lawyer ang ama niya at hindi basta-basta lawyer dahil sa Madrid court ito nagtatrabaho bukod sa negosyo nila sa buong Espanya. At kung talagang kilala mo ang pamilyang pinagmulan ng taong iyon ay half American din. Hindi lamang iyan, nagmula siya pamilya ng mga alagad ng batas. If I'm not mistaken he has a family in Interpol Harvard and now his siblings are on their tracks as Interpol officials kaya't huwag ka ng magtaka kung bakit gamay na gamay niya ang pakikibakbakan," muli ay wika ni Boss Howard.

Hindi na nga naitago ang ngiti sa labi. Paano siya hindi mapapangiti? Aba'y abot kamay na niya ang lahat. Ilang taon din siyang nagtiis sa kaunting ambag mula sa ari-arian ng mga Morgan. Hindi naman siya naghihirap subalit kahit paghaluin pa niya ang kayamanan niya at pag-aari ni Lance Steven Morgan ay barya pa rin iyon sa kayamanan ng pamilyang pinagmulan nito.

"Ngunit paano kung malaman niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya? Paano kung ilaglag ka niya? I mean, paano kung isuplong niya ang tungkol sa atin," muli ay saad ni Faustino.

"Don't worry about it, Faustino. Dahil walang mawawal sa atin kung malalaman niya ang katotohanan sa pagkatao niya. Why? Oras na mangyari iyon ay mga kapatid niya mismo ang papatay sa kaniya dahil ang bunso nilang kapatid ang sangkot. Kapag hindi siya magtagumpay sa misyon niyang ito ay sa akin naman siya malalagutan ng hininga. Alam mo iyan, Faustino. When you fails to fulfill your mission, you wil as well. Kaya't huwag mo nang alalahanin ang bagay na iyan."Tumango-tango siyang napatingin sa tauhan.

Ang tauhan niyang matagal na niyang gustong patayin ngunit binigyan niya ng pagkakataon. Dahil aminin man niya o hindi ay talagang kawalan ito sa negosyo niya. Bukod sa daldalera ito ay wala na siyang makitang ibang dahilan upang linisin niya ito sa pangkat niya. And besides his damn mouth is his assets by the way.

As the days goes on!

"Hi, Bro. Kumusta ka na? Hindi kita masyadong nakikita sa mga nakaraang araw ah." Pagbati ni Miguel sa kaibigan nang nalapitan niya ito.

Nasa iisang departamento silang dalawa subalit sa mga nakaraang araw ay talagang hindi sila nagpang-abot. Kasapi silang dalawa sa Interpol Madrid at nagkakilala sa training nila as Navy Seal subalit sa Interpol Madrid sila napadpad. Subalit wala namang kaso iyon dahil hindi naman sila nalayo sa pinag-aralan.

"As you can see, Bro, I'm alive and kicking. Umuwi ako sa bahay kaya't kamo hindi mo ako masyadong nakita sa mga nakaraang araw. Bukod doon ay nabusy na rin tayo sa trabaho." Pagkakaila ni Lance Steven.

Ngunit sinadya niyang umiwas sa kaibigan niya dahil nakokonsensiya siya. Napakabait nito sa kaniya simula't sapol. Noong nag-aaral sila sa maritime academy hanggang sa napadpad sila sa Navy Seal Training hanggang sa kasalukuyan na nasa Interpol Madrid sila. Si Miguel ang kauna-unahang nakipaglapit sa kaniya. Alam niyang seryoso ito sa pakikipaglapit sa kaniya kaya't mas nakukunsensiya siya sa gagawin.

"Hey, Bro. Sabi mo ay alive and kicking ka subalit kasing lalim na yata ng karagatan ang lalim ng buntunghininga mo ah. May problema ka ba?" dinig niyang tanong nito.

"Sa pagkakaalam ko ay mga Interpol officials tayo subalit mukhang mind reader ka na, Bro. Problem? Not that much, I still can handle. May kaunting bagay lamang kaming hindi pagkakaunawaan ni Uncle," pahayag niyang hindi naikailang mayroong bumabagabag sa tinig.

Alam niyang kasalanan ang pagsisinungaling lalo at mabait itong tao subalit wala siyang pagpiliian. Dahil kung hindi niya gagawin ang huling misyon niya ay ang ari-arian ng mga magulang niya ang mawawala ng tuluyan. And the worst is baka siya rin ang ipapatumba ng demonyong keeper niya. He need to be stronger than before in order to survive.

"Oh, ngayon alam ko na kung para saan ang malalim na hininga mo. By the way, Bro, since that it's already afternoon and time to go home, can I invite you to our home? Naikuwento kasi kita sa mga magulang at kapatid ko at iyon nga ang sabi nila. Bakit daw hindi man lang kita maimbitahan sa bahay. But lately, halos hindi kita malapitan kaya't ngayon lang kita maaya sa bahay for dinner." Tumingin si Miguel sa gawi ng kaibigan. Pilit niyang inaarok kung kung ano nga ba ang problema nito.

"In your home, bro? Hindi ba nakakahiya iyon? Alam kong sensero ka sa pakikipagkaibigan sa akin subalit hindi ba nakakahiyang pati family dinner n'yo ay isasama mo ako? I do really appreciate that, bro. Kaso nakakahiya naman yata..." Hindi na niya tinapos ang sinasabi dahil hindi pa siya handang makita ang magiging misyon niya. 

Hindi nga alam kung bakit mukhang hindi niya kaya ang dukutin at patayin ito. Kaya nga siya umiwas dito dahil kahit ilang beses niyang binasa ang files ng misyon niya ay ayaw pa rin manoot sa isipan niya dahil kapatid ito ng kaibigan niya. Wala pa siyang nakita in person sa pamilya nito ngunit sa kuwento pa lamang nito ay napakabait nila.

"Huwag mong isipin na nakakahiya, Bro. Dahil ang pamilya namin ay hindi nakikialam kung sino-sino ang magiging kaibigan o kaibiganin namin. Sigurado akong matutuwa sila Mommy at Daddy na may isasama ako sa bahay na kaibigan. Kahit nga katrabaho ay wala pa akong naisama. Kaya't huwag kang mag-alala dahil alam kong masaya silang makilala ka." Tinapik-tapik pa ni Miguel ang balikat niya.

Ayaw niyang magtampo ito dahil iyon ang kauna-unahang pagyaya nito sa kaniya na sasama sa kanilang tahanan. Kaya't kahit may pag-aalangan siya ay wala rin siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. At hindi nga siya nagkamali dahil pagsang-ayon pa lamang niya ay agad itong tumawag sa bahay nila. Talagang idinagdag siya sa dinner nila. Hindi tuloy niya maiwasang kabahan.

Samantala...

"Mukhang hindi ka mapakali, my dearest? May problema ba ang mahal ko?" masuyong tanong ni Aries Dale sa asawang halatang hindi mapakali.

"Hindi ko nga maunawaan ang sarili ko, my dearest. Bigla na lamang akong kinabahan. Nandito na ba lahat ang mga anak natin?" patanong nitong tugon.

Hindi siya agad nakasagot dahil tiningnan niya kung nandoon ang mga sasakyan ng mga anak nila.

"Wala pa si Miguel, my dearest. Baka sinundo iyong sinasabi niyang bisita niya ngayong gabi. Kasama yata natin sa dinner." Inabutan niya ng tissue ang mahal na asawa dahil hindi lang kaba ang nakabalatay sa mukha nito. Pinapawisan pa talaga ito. Napaisip tuloy siya kung bakit bigla na lamang itong nagkaganoon.

Marahil ay sasagutin pa siya nito dahil ibinuka ang labi ngunit agad ding nanahimik dahil dumating ang taong pinag-uusapan nila. May kasama itong lalaki ngunit hindi niya masyadong maaninag dahil nakatalikod ito.

"Bro, halika ipapakilala kita kina Mommy at Daddy," dinig nilang wika ni Miguel sa kasama nito.

Then...

"Oh my God! Tama ba ang nakikita ko? He looks like Princess Aries Eleonor! No, he looks like Grandpa Terrence. No... I'm seeing myself when I'm on his age..." hindi magkandatuto niyang bulong. Samantalang ang asawa niya ay napatitig lamang sa dalawang lalaking papalapit sa kanila.

Nais namang manliit ni Lance Steven dahil nakatitig sa kaniya ang mga magulang ng kaibigan niya. Kaya't natigilan siya ngunit agad siyang hinarap ng kaibigan.

"Come, Brother. Let's get near to my parents. Masaya lamang sila kaya't nakatitig sila sa guwapo natin. Don't worry because they are happy to meet you too," anito.

Kaya naman kahit kabado siya ay sumabay siyang muli sa paglakad. Kaso hindi pa sila tuluyang nakalapit sa mag-asawang nakatitig sa kanila ay may dalagita namang lumapit. Iyon nga lang ay high pitched tone.

"Kuya Miggy!!! I miss you, Kuya!" Patakbo itong lumapit sa kanila saka yumakap dito.

"Oh, I'm sorry. May bisita ka pala, Kuya. Who is he?" tanong pa nito.

"Halika rito, Princes, at doon sa kinaroroonan nina Mommy tayo nagkakilanlan," tugon ni Miguel. Kaso iba rin mang-trip ang kapatid niya

"Hi, Mr, my name is Princess Aries Eleonor. Parang nakita na kita ngunit hindi ko maalala. By the way, welcome to our home," anito.

"Baka kamukha ko lang, Miss. Taga Madrid ako ngunit nakatutok ako sa trabaho kasama ang Kuya mo kaya't alam kung nakita mo na ba ako o hindi. By the way, I'm Lance Steven Morgan, Miss," agad niyang sabi saka inilahad ang palad na agad ding sinundan ni Eleonor.

Iisa lamang nasa isipan ilang sa oras na iyon! 

Their visitor has a secret.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status