Share

Chapter 3

Nemesis'POV

Hindi ko naman kailangan pumunta diba? Birthday lang naman nya iyon. Saka just because he apologized Nemesis. Hindi ka pwedeng maging tanga ngayon. Not now, not ever.

Pero bakit ako naliligo ngayon?

Napabuntong hininga nalang ako. Tanga ka ba talaga Nemesis? Hindi porket gwapo yung nag invite sayo ay bibigay kana kaagad sa invitation nya.

Hindi porket gwapo yung nag apologize sayo ay papatawarin mo na agad. Hindi ka ipinanganak na bobo at tanga Nemesis.

Pinatay ko na ang gripo at saka lumabas sa banyo para magbihis. Great, kahit anong pagtatalo ang gagawin ko ngayon sa sarili ko ay ginawa ko parin ang salungat sa mga desisyon ko sa buhay.

Tinignan ko lang ang salamin ko. Siguro ayos na tong suot ko.

Tutal wala naman ang mga so called amo ko ay pwede akong lumabas at kelangan ko lang bumalik bago mag alas singko dahil patay ako kapag naabutan ako ng curfew.

Palabas na ako ng gate ng marealize ko na hindi ko alam ang address niya.

Ang bobo! Nag effort pa ako na mag ayos tapos hindi ko alam ang address nya. Sabing may mali talaga eh.

Napa padyak nalang ako sa inis.

Babalik na sana ako sa loob nang may pumaradang kotse sa harap ko at bumusina.

Hindi lang kotse ha pero limousine pa.

" Nemesis, hop in!" Sigaw nya sa loob at dumungaw pa.

" Anong paandar to?" Nakakunot ang noo ko na humarap sakanya.

" I'll explain on the way. Good thing nasa labas kana."

" Ah Oo, galing ako 7/11." Pagsisinungaling ko.

" Halika na."

" Saan?"

" Sa birthday ko. Tara na. I seriously have to leave the house to fetch you."

" Bumalik kana. Hindi ako pupunta. Saka baka masira mood ng mga bisita mo." Sabi ko at pumasok sa loob ng gate.

Hindi na ako pupunta. Ang tanga ko naman para magbihis. Umuurong na ako sa desisyon ko na pupunta. I'd be a complete laughingstock in there.

May biglang humigit sa kamay ko na ikinagulat ko naman. "Teka lang naman, nandito lang din naman ako. Sumama kana." Sabi nya. Hindi ko pala nailock ang gate.

" Hindi mo ako mapipilit kung ayaw ko. Wag mong ipahiya ang sarili mo." Sabi ko at sabay bawi ng kamay ko.

Nakita kong bumuntong hininga sya.

" Please, I want you to come with me." Sabi nya sa harap ko na aakalain mong isa akong santo na pinagdadasalan nya sa posisyon nya ngayon.

" Bakit? Hindi ba dumating yung inorder nyong mascot at pagdidiskitahan mo ako? Ano?"

" Hindi sa ganon. Pero kasi-

" Ah yung stand up comedian na binayaran nyo hindi sumipot? Ano ka ba naman HEZEKIAH."

" Patapusin mo nga muna kasi ako sa sasabihin ko." Sabi nya na bigla kong ikinatahimik.

Huminga muna sya ng malalim at tumikhim.

" I'm gay. The reason I'm inviting you and is desperately taking you with me right now is because of my neice. She saw you sa mall while you're buying something and you're wearing a uniform. She knows that you're at the same school as mine and unfortunately she took a liking to you. The truth is, hindi ko birthday ngayon. It's my niece at saka wag kanang magreklamo bakla. Ipapakilala kita sa kuya ko sige na." Sabi nya

Nagulat ako sa sinabi nya. Which Brother? Donovan? Hiro?

Both rich and famous sons of the ALLARD family. Bakit ngaba ako nakiki involve dito. Saka in fairness hindi ko nahalatang bakla si Hezekiah. Yung most respected na President. I salute him for doing a very good job.

" Which Brother?" Tanong ko

" Walang nakaka alam nito but I trust you with this kind of information na hindi mo sasabihin sa kahit sino. No one knows that my Brother Donovan has a daughter at gusto ko syang baguhin thru my niece. At saka nakursunadahan ka ng bata."

" Hindi mo ako kilala bakit mo ako pagkakatiwalaan. Nahihibang kaba? Saka gago kaba. Bakit mo ako ipapakilala kay Donovan?"

" I just trust you. Tayo na, naghihintay na sila. Wag kanang magreklamo tulungan mo nalang akong baguhin si kuya."

" Ayoko parin, I had enough humiliation sa school. I won't let myself being the laughingstock. Saka close ba tayo?"

" Ang sakit mo namang magsalita. Close na tayo, ako na magsasabing close tayo makapal naman mukha ko." Sabi nya

" Promise there won't be any visitors. Family ko lang ang nandun." Sabi nya.

" Sigurado ka?"

Tumango lang sya at saka hinila na ako papuntang sasakyan.

First time kong sumakay sa ganito. I didn't know meron nito sa pilipinas. Siguro they have to go through some measures para maipasok ang sasakyang to sa bansa.

" Hindi ko alam na may limousine pala kayo." Puna ko

" Some things doesn't need to be flaunted you know. I'm rich but that's it."

I kinda admit, he's humble.

Napahanga ako nang makita ang malaking mansyon. So dito pala sya nakatira?

Nakita ko ito dati sa isang news paper habang finifeature ang Allard family.

" Hoy gaga natulala ka jan." Nanlaki ang mata ko at halos mahulog sa kinauupuan ko nang mag iba tono nya. " Haha, ang seryoso mo kasi jan. At Oo ganito ako magsalita dito sa bahay. Kaya masanay kana. Sa Front Door lang kami Mr. Villa." Sabi nya sa nagdadrive.

Pagparada ng sasakyan ay nauna syang lumabas. Agad syang sinalubong ng bata na sa tingin ko ay nasa kinder pa at yumakap sa paa ni Mr. President.

" Look who's here." Sabi nya sa bata at tinuro ako.

" Yung babae sa mall!" Excited nyang sabi at saka pumasok sa loob ng limo at hinila ako." Hello miss! Ako si Adelaide Frinzse Allard. Pero Frinzse nalang ha. Thank you Tito!" Pakilala nya sakin.

Ngumiti ako sakanya at bumati." Happy birthday Frinzse."

Lumabas kaagad ang dimple nya at saka hinila ako sa palabas.

" Let's go! My birthday is about to start. Ipapakilala kita kay Dada! "

Pumasok kami sa loob at lumusot sa may pool area kung saan nakita ko na may mga unfamiliar guest din akong nakita and a few kids. Great. Akala ko ba family lang.

" I'm sorry for not telling you honestly." Sabi ng boses sa likod.

" Save your apologies."

" I-

" It's okay, alam kong ginawa mo yun para sumama ako. It's obviously for your niece diba and you almost practically drag me here para sumama ako. " It's a children's party after all. Anong ineexpect ko na mangyayari. Niloloko ko lang sarili ko.

" She really wants you to become her mother."

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko pagkarinig ko.

" Ano? Eh diba sabi mo bakla ka?" Bulong ko, ayaw ko naman na ma makarinig lalo na at may bisita sila.

" Siraulo Kang tarantada ka ah hindi ka sakin magpapakasal. Kay Donovan." Umubo pa sya

" Ay oo haha gago sorry." Sabi ko. Kinakabahan ako bakit ba.

" Kapag pinikot mo kuya ko, bibigyan kita ng pabuya." Bulong nya

" Siraulo ka pala eh. Paano ko sya mapipikot eh ang taba taba ko."

" Lagi namang in Heat yang si kuya. Lasingin lang natin saka pwede na. Besides Frinsze really wants a stepmother. That's why and she insisted you and that's why you're here. Kahit ngayon lang. At the very least, ito lang ang magagawa ko ngayon. " paliwanag nya sakin.

" Ngayon lang to ha." Sabi ko. Ay s***a pipikutin ko ba talaga si Donovan?

He shake my hands.

" Thank you."

" Iha, I'm glad you made it here. I'm Romary, Hezekiah's mother and this is Hiro and Donovan." Pakilala nya sakin.

" Nice Meeting you all po. Ako po si Nemesis Lopez." Napa full name ako dahil sa kabog ng kaba ko.

Yung titig ni Donovan sakin parang nandidiri. Tarantado ka talaga Nemesis, natural.

Kumain muna kami. Habang kumakain ay panay ang daldal ni Frinzse about how good looking I am and yes I'm hoping na hindi nagsisinungaling ang bata.

" Lola, I want this Lady to become my mother. Allow dada to marry her okay." Sabi nya

Napaubo naman ako at ganun din halos din si Donovan.

" Marunong ka palang magbiro Frini" sabi ko pero sa totoo lang halos lumipad na ang kaluluwabko sa sobrang hiya.

" He had me when he's young, there's no reason for him not to marry anyone can't he? Besides, para matigil na ang pagdala nya dito ng mga unwanted guest which I find so horrifying just like these lady in from of me who wears make up and so much silicone. Don't ask me why I knoq those things. I don't read book for no reason."

" That's enough Frinzse. Let the adults decide on that one." Singit ni Tita Romary na salamat naman at pinatigil na si Frinzse. Mukhang magigisa ako nito sa sarili kong taba.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko silang magligpit ng pinagkainan.

Lumapit sakin si Frinzse at niyakap ang kamay ko.

" Ano nga ulit pangalan mo miss?" Bulong nya sakin.

" Nemesis." Sagot ko

" Pwede ba muna kitang matawag na Mommy? K-kasi yung ibang mga bata meron silang mommy. Ako lang yung wala." Naka puppy eyes pa sya habang nakatingin sakin.

Tumango nalang ako at ngumiti ng pilit kahit medyo awkward.Parehong pareho sila ng features ng daddy nya.

Hinila na nya ako sa mga bisita at nagsimulang ipakilala ako.

" Sya ang bago kong Mommy. Mommy Nemesis ang pangalan nya. Ang ganda ng mommy ko diba?"

Ngumiti yung mga nanay, may ibang napangiwi. Yung ibang mga bata ay nagbulungan at naghagikhik. Great. Sino nga ba kasing lalaki ang magkakagusto sakin. Sa appearance ko bang ito may magkakamali?

" Buti naman at nag asawa na ang Daddy mo Frinzse."

Ngumiti lang sya at bumalik na sa loob ng bahay.

Nakita ko naman si Hezekiah na kumakain ng salad.

" Tito, can you send them home. They're making fun of miss Nemesis. The next time I'm having a birthday. I don't want any guest except her." Sabi ni Frinzse at nag bow sakin. " Thank you for coming po! This is the best present my tito gave me so far. I'm sorry for those people. I'll see you next time." Dagdag nya at saka umakyat na sa hagdan. " The next time we see each other I hope your Dada's new girlfriend." Sabinjya

" Oh no." Sabi nya na ikinalingon ko.

" Bakit? Anong nangyari kay Frinzse?" Tanong ko

" She's pissed. And if she went to her room. She's probably crying and felt bad for you. " sagot nya

" How do you know?"

" She may not my daughter but I raised her. What do you expect." Pabalang nyang sagot sakin.

" I'm sorry for that iha. Since Frinzse got out of her mood. Can you stay here for a while and wait for her?"

" Ah, ano kasi po. May curfew po ako kapag ganitong araw ng linggo. Kaya hindi po ako magtatagal." Sabi ko

Sa totoo lang ayoko na magtagal dito. Nakaka suffocate.

" I'll have the Donovan send you home."

" Hindi na po, nakakahiya naman at maglilimousine nanaman ako para akong pinanganak na mayaman non eh." Sabi ko. " May bus stop po just outside the Gate nyo. Pwede naman akong mag bus nalang. I can manage."

" Pero."

" Maraming salamat po sa pag invite at sa pag alok ng service vehicle nyo sakin pero hindi na po kailangan na ihatid ako. I'm sure I can manage." Sabi ko. " Mauna na po ako." Nag bow lang ako at saka lumabas.

Paglabas ko ng gate ay medyo malapit lang ang highway mula sa bakod nila kaya naglakad pa ako ng ilang minuto.

Hinanap ko yung bus stop na sign at napanganga nalang ako dahil nasa kabilang intersection pa pala yon kaya tumawid muna ako at naglakad ulit papunta don.

Bigla nalang umulan ng malakas at kung kelan ka naglalakad ng napakahaba saka pa bubuhos ang ulan kasabay ng malakas na hangin. Parang sinadya lang ang pangyayari

At ngayon, parang may bagyo pa yata kasi ang lakas ng hangin na parang kahit na anong oras, magkakaroon ng ipo-ipo. Mabuti na lang at hindi masyadong posible yun sa bansa kasi kung hindi, matagal na siguro akong tinangay ay sobra naman hindi pala ako matatangay ng hangin. Kahit Malaking ipo ipo pa siguro hindi ako makakalipad. Ang nakakapagtaka lang talaga, bakit kasi umuulan ngayong mainit naman kanina. Kinuha ko yung payong na nasa tote bag ko. Buti nalang lagi kong dala yung mga necessary na bagay lalo na yung common sense.

Lumakas na naman kasi yung hangin. At habang kasalukuyang naghyhysterical ang panahon eh sakto namang bumaliktad yung payong ko pagkabukas ko palang. Lintek na yan.Buo pa ang payong pero bumaliktad. The innards become outer. At dahil nga sa lakas ng ulan, naipon na yung tubig sa payong kong nakabaliktad. Sinasalo na nito lahat ng tubig mula sa itaas katulad ng pagsalo ko ng lahat ng kamalasan sa oras na to. Ang init kanina take note ha tas mgayon babagyo.

Nung nagpaulan ng kamalasan, nasalo ko siguro ang lahat lahat.

*Splash*

Sasabihin ko paba ang nangyari?

Bumigay yung payong! Napunta lahat sa akin ang tubig bago pa ako makaiwas. Basa na rin yung bag ko. The temptation para maglupasay is really tempting ano.

Bagsak na ang balikat ko habang naglalakad ng maramdaman ko na tumigil yung ulan. Ang goal ng ulan ngayon ay sirain ang araw ko.

May bumubusina sa likod ko kaya feeling ko ako na yung binubusinahan. Lumingon ako at nakita ko yung isang pamilyar na sasakyan.

Bumaba ang bintana katabi ng driver. At guess what kung sino. Si Donovan ang nasa passenger at Hezekiah ang driver.

" Get inside. Mababasa ka." Utos ni Hezekiah sakin.

" Basa na nga eh!" Bulyaw ko.

" Pumasok kana miss, Don't make things difficult." Sabi ni Donovan na of course naka porker face lang.

" Ayoko, kaya ko na sarili ko."

" Kapag nagmatigas kapa jan kakaladkarin nalang kita." Pagbabanta sakin ni Donovan.

Medyo nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Donovan.

" Alam mo tama nga ang sabi sabi. Napaka antipatiko mo Mr Donovan Allard. " Sabi ko" Kaya ko na to bumalik kana sa mansion nyo." Sabi ko at patuloy na naglakad.

Natigilan nalang ako nang bigla nya akong hinigit. At dahil nabigla ako ay hindi ko natantya ang balanse ko ay natumba ako. Ang masama pa don ay nadaganan ko sya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa hindi sinasadya ay aksidenteng nagkalapat ang labi namin.

Oh Gosh! Ano ba tong pinaggagawa ko!

I just Kissed the Town's Casanova! And I saw how HEZEKIAH'S jaw dropped. Nakakahiya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status