Share

CHAPTER 03: FASHION SHOW

I visited my employees who's sewing the clothes that we will use at the fashion show. I'm making sure that the fabric and thread they will use are high quality.

All people here are buckling down on their priorities, the fashion show is already next week. It will be held in Paris, that's why ang dami ko pa talagang dapat asikasuhin. YSABELLA should stand out.

Sampung designs ang napili ko, ten models kasi ang required sa fashion show. My models will represent ball gown, silk dresses, evening gown, cocktail dresses, and mermaid gown. Kilalang kilala talaga ang YSABELLA sa mga unique and high quality gowns and dresses.

Habang nagsu-supervise sa mga staffs ko na nagtatahi ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang casting director ko na si Mia. “Good afternoon, Ms. Ynna” bungad pagbati niya sa akin.

“Good afternoon, how's our models?” tanong ko, sinisigurado ko ring nasa mabuti silang kondisyon bago ang fashion show.

“They are doing good Ms. In fact, our scouts are practicing them now.” Rinig ko rin sa background niya ang scouts na nagsasalita.

“How about their papers?” I am asking sa papeles ng mga models papunta sa Paris.

“Naayos na rin po Ms.” after no'n ay nagpaalam na rin ako sa kaniya at pinatay ang tawag.

I feel so exhausted, drained, and pressured. Ito rin kasi ang pinakamalaking fashion show na dadaluhan ng YSABELLA. All big companies in the clothing industry will be there, I'm sure naroon din ang pugong iyon.

“You look so stressed, do you want some coffee?” I looked at Maureen who's walking beside me. Umupo ako sa swivel chair ko at dumukdok. “Yes, broad coffee and less sugar, please."

After a few minutes ay inilapag n'ya sa table ko ang mainit na broad coffee. Kumuha rin siya ng upuan at umupo sa tabi ko. “You're stressing yourself too much Ynna,” she commented with full of concern tone of voice.

“I was swamped, this is the first ever biggest fashion show that the YSABELLA will attend to so...” I sighed and humigop ng mainit na kape.

“But you don't need to be that pressured. Chill okay? I am talking to you as your concerned best friend not as your secretary. You are doing good, trust me we will rock this fashion show.” Humawak siya sa kamay ko na nakapagpakalma sa akin. It gives me a lot of comfort.

I mouthed, “thank you” and smiled at her. I am really thankful to have this person in my life. Maureen is also the one who stayed by my side when my parents died.

“Are there any appointments or errands for today?” I asked.

“Well, nothing much since pina clear mo ang week na ito to focus on the preparation. Tomorrow, you need to get your personalized gown from your personal tailor.”

Nagpa-customized din kasi ako ng design for my gown that I will wear for the fashion show. It should be elegant, dagdag akit din kasi ng investors kung mags-stand out ang YSABELLA sa fashion show. It will give us more opportunities and who knows? Baka lalo pang dumami ang branch namin sa ibang bansa.

YSABELLA have thirty branches on the Philippines and more than fifty branches worldwide. Napalago ko kasi ang clothing business namin dahil na rin sa mga turo sa akin ng mga business teachers na ini-hire ni auntie Lauren.

Hapon na rin nang makauwi ako, wala roon si auntie Lauren ngunit may iniwan siyang note sa lamesa na nagluto raw siya at nakalagay ito sa ref. Mamaya ko nalang siguro ito kakainin.

Pumanhik ako sa kwarto at nag-ayos, pagkatapos ay nahiga ako sa aking kama. Naisipan ko munang magbukas ng social media saglit. Pagbukas ko ng I*******m ay dumaan sa newsfeed ko ang post ni Pogo, nagcomment din kasi ang ilan sa mga naka follow sa akin.

Isa itong picture niya na nakasakay sa yate habang may caption na “Luxurious. Not a cheapie.” Napataas naman ang kilay ko, halata naman kung sino ang piparinggan niya sa cheapie na iyon.

While scrolling in the comment section, naisipan ko mag-post ng bago kong biling Dior bag na gagamitin ko sa fashion show. Nilagyan ko ito ng caption na 'Ready!'

Ilang saglit pa ay biglang nag-notif sa akin na ini-mention ako sa new post ni Pogo. Nag-post siya ng Domenico Vacca Travel Bag with a caption na 'worth $58,000. How 'bout yours?.'

Ilang netizens ang nagme-mention sa akin, asking if ako raw ba ang pinaparinggan ng lalaking iyon. Hindi ko nalang ito pinansin at pinatay ang phone ko. Minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko nga ba pinapatulan ang isip bata na iyon?

My phone rang, tumatawag sa akin ni Maureen na agad ko namang sinagot. “Girl! Ang Mr. Pogi mo pinaparinggan ka yata sa social media!”

I rolled my eyes. “Hayaan mo, bwisit 'yan eh.”

“Omg, what if kayo talaga? What if matuloy yung---”

I cut her off, “Anong kami? Anong matuloy? Tigil ka nga Mau, buryong-buryo na ako sa lalaking 'yan. My gosh, lahat nalang ginagawang kompetisyon.”

I can hear her cackles on the other line. Tuwang-tuwa talaga siya kapag nagsasalpukan kami ng lalaking iyon. Simula talaga noong umangat at naging matunog ang YSABELLA ay lagi na siyang nakikipag kumpetensya sa akin. Parang takot malamangan, obvious naman.

I ended our call dahil sa sobrang inis. Umayos na ako ng higa at pumikit. I still have some errands tomorrow.

WHEN I woke up, I prepared myself to be all set. I woke up at 11am, I don't have office works today because I am having my good rest for next week; however, I still need to pick up my gown on my personal tailor.

Exactly 1 in the afternoon I arrived at my college classmate's boutique. I also hired her to be my personal tailor, we both graduated in Bachelor of Fashion Design.

“Ynna, you're here! Wait, I'll get your gown. It's already done.” She is Althea, one of my college close classmates before. Kinuha niya ang gown ko at iniabot sa akin. “Go, try it on!”

It's a golden mermaid gown with white fur coat as its partner. It is actually one of the exclusive designs of YSABELLA. Pumasok ako sa fitting room at isinukat ito.

It fits on my body so well, I love how golden it is. Bagay ito sa maputing balat ko, umikot-ikot pa ako. Maganda rin ang pagkakakinang ng maliliit na dyamante rito.

Lumabas ako ng fitting room. “What do you think?” tanong ko sa kaniya. I know that it looks good on me but hearing compliments boost my confidence so much. “O.m.g! You look gorgeous, I mean you're always gorgeous. But that gown makes you more stunning!'' She has always been this hyper since then, wala pa ring pagbabago.

I already paid for that gown, so after some chitchats I went home to rest early. Hindi muna ako bibisita sa kumpanya ngayon, I let Maureen to handle things since hindi naman siya sasama sa Paris.

Pag-uwi ko ay hindi ko muling naabutan sa bahay si Auntie Lauren, pansin ko rin na lagi siyang busy this past few days. Minsan naman ay busy siyang may kausap sa phone. She's already retired naman na, hindi ko alam ang pinagkakaabalahan niya but I let her do whatever makes her happy. She deserves it anyways.

TIME flies so fast, ilang araw na ako rito sa Paris and today is the day. Tanghali palang ay nagdatingan na ang mga stylist ko.

“Good afternoon ma'am, let's start?” tumango lamang ako sa make-up artist. I don't have any social battery right now, sine-save ko ito para mamayang gabi.

While they're doing my hair and make-up ay nags-scroll scroll ako sa I*******m. Hindi naman ako naka follow sa pogong ito pero daan nang daan sa news feed ko. I cock a brow when I saw his post.

“High-class." ang nakalagay sa caption niya. He is wearing a black tuxedo. Habang kine-curl nila ang buhok ko ay biglang nagsalita ang Parisian na nag-aayos sa akin.

“M. Thymoteo est si beau. j'espère avoir un copain comme lui(Mr. Thymoteo looks so handsome. I hope I have a boyfriend like him).” Napasamid naman ako sa sinabi niya, kausap niya yata ang nag m-make up sa akin.

“Arrête de te faire des illusions. ce genre d'homme a un haut niveau(Stop being delusional. That kind of man has a high standard .”

Gusto kong matawa sa kanilang dalawa pero hinayaan ko nalang. Few hours have passed ay natapos na rin. Isinuot ko na ang gown at jewelries ko. I am nervous to be honest.

May sumundo sa akin, sumakay ako sa isang limousine. Pagbaba ko palang ay marami na agad camera ang nakatutok sa akin. Ngiti at kaway ang paulit-ulit kong ginagawa. Naglakad ako sa red carpet at huminto saglit para sa picture. Karamihan dito ay may partner but I chose not to have one.

“Ms. Cynnamon, we're glad to have you here,” pagbati sa akin ng isa sa mga naga-assist. Inalalayan niya ako papunta sa assigned seat ko.

“Can we take a picture?” tanong sa akin ng babaeng foreigner na katabi ko. “Sure!" Ngumiti naman ako sa camera. Pansin ko na suot niya ang isa sa gown collection ng YSABELLA. We also have a branch here in France.

All lights went off. “Bonsoir mesdames et messieurs!(good evening ladies and gentlemen!)” Isang lalaki ang lumabas sa stage at bumati sa akin. “I am your host, Gabriel François. Tonight, we will witness the different cloth collections and designs of the well-known clothing companies all over the world!”

Nagpalakpakan lahat, unang ipinakilala ang collections and design ng DIOR since they're the one who is managing this fashion show. Dior models ang mga naunang rumampa, I can't help but to be mesmerized on Dior's designs. All looks unique and elegant.

Sumunod naman ang JEREMÍE na pag-aari ng isang Italian business owner. Their theme is very colorful, I can say na they also have unique ideas for their collections. Sunod-sunod din lumabas ang mga model ng iba't iba pang kumpanya.

Inilibot ko ang aking paningin. Pansin ko kasing hindi ko pa nakikita si Thymoteo, don't get me wrong. I'm just checking kung kukulo ba ang dugo ko ngayong gabi. He likes to brag about everything that's why I'm surprised na hindi ko pa siya nakikita rito.

“Let's now welcome LUNA's collection owned by Madame Laluna Windward. A greek designer who's already in the clothing industry for Thirty-five years!.” Pagkatapos rumampa ng mga model ay lumabas ang isang babaeng sa tingin ko ay nasa 60's na.

Her designs always have seashells on it, it is full of beach cloth designs. I am so amazed by other company's different ideas and designs to make their collections unique and absolutely gorgeous.

After more collections and designs of other companies, it's finally our turn. “Let's now welcome YSABELLA's collection! Owned by one of the youngest business tycoons Ms. Cynnon Nadezhda. A Filipino-Russian designer. YSABELLA is also one of the hottest topics in the clothing industry nowadays.”

Sunod-sunod naglabasan ang models ko, maraming nagv-video at kumukuha ng litrato. Pumukaw sa atensyon ko ang ilang guest na nakasuot ng collection ng YSABELLA. I felt so very proud when they look fascinated on the gowns and dresses that our models is wearing.

Pumwesto na ako sa backstage, dahil after ng models ko ay ako naman ang lalabas. Tumutok sa akin ang ilaw, bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba.

Paglakad ko ay inabutan ako ng isang bouquet, kumaway-kaway ako sa mga tao at ngumiti. Marami ang nag palakpakan at kumukuha sa akin ng litrato. Naglapitan sa akin ang models ko at sinenyasan kami ng photographer upang mag pose para sa picture.

Bumaba na rin ako sa stage matapos ang picture taking at naupong muli sa assigned seat ko. Marami ang pumuri at nag congratulations sa akin. Nagpatuloy ang event at hindi ko pa rin nakikita si Thymoteo. Biglang naputol ang flow nang may lumapit sa host na isang lalaki at may ibinulong.

Nagulat ako nang may humawak sa akin at hinila ako, it is Thymoteo. “We need to talk.” kalmado ngunit may bahid na galit sa mukha niya. What have I done?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status