"Bakit ba kaylangan mo pa akong dalhin rito? Sobrang effort naman nang pang a-asar mo at paninira sa araw ko. Sinabotahe mo usapan namin ni Clyde. Do you really think—-" Hindi ny'a na ako pinatapos. Ganito naman s'ya kapag gusto akong suplahin. Palibhasa alam n'ya kasing wala akong laban eh. Lalo pa at nasa gitna kami nitong karagatan. "Ang mahalaga sa akin ka parin sumama," nakangising sabi niya. "Hindi ka man lang naawa kay Peachie!" Galit na dinuro ko s'ya. Kawawa naman ang baby ko. Naiwan na nga, tiyak na gutom pa. Maitim talaga budhi ng lalaking 'to. Sukdulan na galit ko sakaniya dahil pati aso ko idinadamay n'ya. Sino nalang mag aalaga kay Peachie? Paano nalang iyon kakain? Magugutom ang baby ko, at hindi ko s'ya mapapatawad. "Welcome." Walang emosyong sabi niya.Natahimik ako ng makita ko si Peachie na inilabas niya. Akala ko kasi ay iniwan n'ya talaga si Peachie. Kasi di'ba ayaw nila sa isat-isa? Ayaw n'ya sa cheap dog ko. At para sabihin ko lang rin sakaniya. Kahit askal
Kanina pa si Monti nakatunganga pero wala parin kahit isang isda ang gustong mag pahuli sakaniya. Kayabangan kasi inuuna eh. Napapailing s'ya at problemadong tinitignan ang pain kong may kumagat na ba, pero talagang malas s'ya. Natatawa nalang tuloy ako habang minamasdan ang naiinis na si Monti. Napakayabang kasi, buti nga sakaniya haha."Hindi kasi lahat nang isda gustong mag pahuli sayo," basag ko sa katahimikan. Hindi ko kasi matiis na tignan lang s'ya."What do you want me to do? Hindi naman pwedeng lundagin ko 'yan basta, syempre I need to wait. Kaylangan kumagat sila sa pain." Naiinis na sabi niya, na parang ako na naman may kasalanan kung bakit malas s'ya ngayon. "Hindi naman kasi tanga ang isda haha." Natatawang sabi ko bilang pang a-asar sakaniya. Binigyan n'ya ako nang masamang tingin. "Just wait." Inis na sabi pa niya bago umirap at tinuon na naman sa tubig ang mata n'ya. Wala sana siyang mahuli haha. "Bakit parang nawala yata yabang mo? Gamitin mo sa isda 'yung panana
Bangungot!Ganito ko mailalarawan ang sinapit ko dito ngayon kasama si Monti. Imbis na nasa bahay ako nag e-enjoy o nag wo-work ay nandito ako kasama si Governor na gusto yatang takasan ang mundo. Dami n'ya obligasyon kaya bawal ang enjoy lang ang alam. Kinuha n'ya ang position n'ya gusto kong panindigan n'ya iyon! Ako talaga stress na ako kay Monti noon pa man. Ganito talaga s'ya kakulit sa lahat nang bagay. Hirap pigilan kapag gusto n'ya talaga. "Bakit gising ka pa?" Napakurap-kurap ako bago napatitig sa kisame at sumagot kay Monti. "Wala ako sa mood matulog. Hindi pa ako dinadalaw nang antok dahil sa halimaw ang kasama ko." Inis kong sagot. "Pero sa kama lang naman ako halimaw." Depensa ni Monti na agad kong inilingan dahil hindi ako sang-ayon. "Akala mo lang 'yon Monti. Nalulungkot na nga si Peachie e, gusto na n'ya umuwi." "Wala akong pake sa aso mo. Hanggat gusto ko dito manatili. Dito lang muna tayong dalawa, at dahil secretary kita ay obligasyon mong samahan ang amo mo."
Kinuha ako ni Clyde. Pumayag na ako kasi gusto kong makauwi narin upang maipahinga ang isipan ko sa mga bagay na nakakapag palito sa akin. "Sigurado kabang ok lang na nandito ako?" Dumaan muna kasi kami sa bahay nila Clyde upang ikuha ako nang damit. Luminga-linga ako sa paligid. Malaki ang bahay nila, maraming katulong at halatang mamahalin lahat ng nasa loob. Kapag nga yata nakabasag ako. Kahit isang taong sweldo ko hindi ko sila mababayaran agad. Nahihiya rin ako sa parents n'ya. Halatang boto ang mga 'yon kay Breanna. Kahit naman mahirap at ganito lang akong babae ayaw ko parin na inaalipusta ako. Kasi kahit paano deserve ko 'tong kinalalagyan ko ngayon. Iginapang talaga ako nila Mama at Papa sa putikan mapag tapos lang ako. Kaya hindi nila masasabing kinuha lang ako sa squatter o sa kanto. "Who's that?" Tanong ng babaeng dahan-dahang bumababa sa hagdanan. Elegante at maganda s'ya kahit na may edad na. Palagay ko s'ya ang Ina ni Clyde. "Mom," lumapit si Clyde at humalik sa i
"Bakit mo ako itinataboy? Anong dahilan?" Umiiyak na tanong ko. Hindi ko maintindihan kasi bakit ngayon pa? Bakit hindi pa noon? Kasi kung bibitawan n'ya ako ngayon sirang-sira na buhay ko eh. Sana noon pa di'ba?"Bakit ka umiiyak? I thought this is what you want?" Pagak siyang tumawa. "Naguguluhan kana ba? Litong-lito kana ba kong sino 'yung gusto mong lumaway sa katawan mo?" "Umiiyak ako kasi wala akong alam na dahilan bakit ganyan ka! Dati ok lang naman sayo ah? Hindi mo naman ako gusto kaya bakit? Bakit?!" Sinuntok ko s'ya sa dibdib. "Gago ka talaga! Maayos akong nag ta-trabaho sayo hayop ka! Ngayong sira na buhay ko tsaka mo ako aalisin. Dapat masira ka rin bago ako umalis para patas," pinahid ko ang luha ko. "Bayaran mo ako nang sampong milyon tapos aalis na ako," hamon ko. "Bakit ko sasayangin ang pera ko sa gaya mo? Babae kalang na pwedeng palitan. Nakakasawa kana e, kaya ayoko na sayo." Ang babaw talaga ng tanginang 'to!"Kapag tuluyan mo akong binitawan hinding-hindi na a
"Shower kana," mahinahong utos nya ng mailapag nya ako sa sofa. Agad akong tumayo dahil baka mabasa ko yung sofa nya. Mahirap pa namang labahan 'to kasi makapal at malaki. "It's okay.""Ayos lang ako," sabi ko bago lalabas na sana ng hawakan nya ako sa braso. "Uuwi na ako, baka gutom na si Peachie. Tiyak umiiyak na yun sa lungkot at sa gutom. Kasi sya na nga lang meron ako diba?" Pinahid ko ang luha ko."Gutom kana ba? Tahan na," mahigpit nya akong niyakap. "About kanina kay Bianca," huminga sya ng malalim. "Lahat ng sinabi ko sayo hindi totoo. Anak sya ng sikat na news anchor kaya kinaylangan kitang sabihan ng mga bagay na yun. Nag hihinala na kasi sya na iba ang trato ko sayo." "Bakit sinasabi mo sakin 'to ngayon?" Tanong ko bago humiwalay sa yakap nya."Shower kana." Imbis na sumagot sa tanong ko ay ito na naman ang sinabi nya. "Nabasa tayo ng ulan, baka lagnatin ka." Dagdag pa nya.Basa rin naman sya. Dalawa kaming basa sa ulan, at sya rin ang driver. Napayuko ako at muling hinay
HANGGANG NGAYON INIISIP PARIN NI MONTI NA BASTED SYA. Hindi nya kasi ako kinikibo kahit nasa office na kami. Wala rin syang tanong about sa schedule nya ngayong araw, as in wala. Kahit mapanis laway ko hindi ko sya kakausapin. Wala naman akong kasalanan sakanya eh. Padabog na binagsak ko ang ballpen sa table ko at tumayo para lumabas. "Mark," tawag ko rito na prenteng nakaupo at sumisimsim ng kape. "May chika ako sayo Jewel," hinila nya ako palayo sa office. "Abah, marites kana rin pala ngayon? Make sure may sense yan Mark," banta ko sakanya. "Kasi si sir minura ako ba naman ako kagabi hahaha. Basted yata sa dapat na liligawan nya. Buti nga sakanya hahahaha, excited yata kasi eh." Napailing si Mark. "Bakit?""Kasi ilang beses na syang humihingi ng idea paano ipadama yung pag-ibig nya sa isang babae, pero syempre hindi ikaw yun hahahaha. Kaya sabi ko maging mabait sya tapos damayan nya lagi, bago umamin." Napapalakpak pa si Mark. "Kaya lang basted hahahahahahaha!" "Mark ako yung
"Anong sabi ni Mom?" Agad na tanong ni Monti ng puntahan ko na sya. "Pera ang pinili ko," malungkot na sabi ko bago yumuko para itago ang tawa ko. "Mom! You can't do this! I love her! Mooooooooooooom!" Susugurin na sana nya Mommy nya ng natatawang pigilan ko sya. "Laugh trip ka hahahaha!" Napapalakpak pa ako sa sobrang tawa. "Ginagago mo talaga ako?" Bumalik sa dati ang expression nya. "Hindi porket alam mong gusto kita gaganyanin mo na ako," seryosong sabi nya kaya natigilan ako. "Dapat nilalambing mo ako tulad nito," hinalikan nya ako. Akala ko talaga seryoso na sya. Iiwanan ko talaga sya at hindi na papasok sakanya. "Mom!" Galit na sigaw ni Jonathan ng makita kami sa ginagawa namin. "Nakakairita sila! Ang ganda sana ni ate Jewel e, sayang lang sya kay Kuya. I'm seventeen years old, can I?" Tanong nya sa Mom nya."Kahit kapatid kita hindi ako mag da-dalawang isip na suntukin ka Jonathan," banta ni Monti. "Pasensya na po," nahihiyang sabi ko sa Mom nila. "Uuwi narin po ako. Ma