Share

Chapter 14 Stalker

MARCUS:

HANGGANG HOTEL ay ngiting tagumpay akong tila hindi nangangawit ang mga labing nakangiti.

Napapailing na lamang si Denzel at Kuya sa akin na hindi ko maitago ang saya ko sa araw na 'to! Araw-araw na kaming magkikita at magkakasama ni chubs! Sinong hindi magdidiwang!?

"Mukhang iba na 'yan ah," ani Kuya habang naghahapunan na kaming tatlo.

"Tinamaan ng arrow ni kupido, Kuya." Nakangising sambit ni Denzel na ikinahagikhik nila.

"Hindi kaya. Natutuwa lang ako sa kanya. Ang sarap niyang asarin lalo na kapag pinandidilatan na ako ng kanyang mga mata at nagngingitngit ang mga ngipin sa inis sa akin," kaila ko.

Napataas naman ng kilay si Kuya na nagdududa ang tinging ginagawad sa akin.

"Marcus, huh? Hwag kang sumobra. Baka naman mamaya niyan akala mo biro lang pero, nakakasakit ka na pala," paalala ni Kuya na nagseryoso na ang mukha.

"Alam ko naman 'yan, Kuya. Hindi naman ako sumusobra sa pang-aasar sa kanya," sagot kong matamis na ngumiti at kumindat dito.

Napahinga ito ng malalim
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status