Nilagyan ko nalang ng petroleum jelly ang mga lapnos ko sa kamay at paa.Hindi naman na masyadong masakit, naglinis nalang muna ako ng bahay at siyaka ako naligo at nag bihis. Binaliwala ko nalamang ang pananakit ng buong katawan ko. Umupo ako sa kama at binuksan ang libro na hindi ko pa natatapos, galing pa to sa Library at kailangan matapos ko na to para maibalik ko na kaagad.Ilang oras din akong nagbabasa at nakaramdam na ng gutom. Agad akong tumayo at tinungo kusina, pagtapos kong kumain agad akong pumasok sa kwarto, dinalaw ako ng antok kaya natulog nalang muna ako. Nagising ako sa lakas ng kalabog, kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at umupo sa kama parang gusto ko pa ulit matulog. San galing ang ingay na yun? Dumating naba si mama? Tumingin ako sa wall clock at ala singko na ng hapon, ganun ba kahaba ang tulog ko? Sa pag kakaalam ko ala una ako natulog kanina. Mukang ilang oras din akong nakatulog. Narinig ko nanaman ang kalabog sa baba. Bumuntong hininga ako at nag lakad pa
Lunes na ngayon at hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari sa bahay. Buti nalang at dumating kaagad si mama, kung hindi baka namatay nako dahil sa takot. Sabi niya narinig niya daw akong nagsisisigaw kaya agad siyang pumasok sa bahay. Narinig niya daw ang malakas na pag sara ng pinto ng kwarto ko kaya agad niya akong pinuntahan.Tinawag daw niya ako ng ilang beses pero diko siya sinasagot kaya binuksan niya na ang pinto ng kwarto ko. Nakita niya akong naka talukbong ng kumot at agad niya akong hinawakan,Sigaw lang daw ako ng sigaw. Akala ko talaga yung bata na ang pumasok sa kwarto ko at humawak saakin. Binaliwala ko nalang ang mga studyante dito sa hallway dahil sa lalim ng iniisip ko. Sawang-sawa nako sa kanila. Agad akong pumasok sa classroom at umupo sa upuan ko. Hindi ko man lang ma tingnan ang mga classmate ko, bahala sila diyan. Napatingin ako sa taong nasa harap ko. It's Vibian. Ano nanaman ang kailangan nito saakin? Bubullyhin niya nanaman ba ako?"Hi, ahm... can I tal
Agad kong kinuha ang baseball bat na nakita ko kanina sa isang baseball room. Magagamit ko ito mamaya. Ngumisi ako, sinilip ko ang nurse na humihingi ng tulong. Nilagay ko Muna ang dalawang kaibigan ni Aurora sa harap ng clinic, agad naman silang nakita ng nurse. Sa susunod ko nalang sila papatayin. Uunahin ko muna ang mag babaeng yun.Umalis nako dala ng baseball bat. Tumila na rin sawakas ang ulan."My turn."Tinungo ko ang hide out ng mga bumugbug kanina kay Aurora at mga kaibigan nito. Hindi ako magdadalawang isip na patayin sila. Na eexcite nakong makita silang duguan at wala ng buhay. Akin na ang kaluluwa nila.Hindi ako nakita ng ibang studyante dahil nag umpisa na ang klase.Pag dating ko sa hide out, nag hanap muna ako ng ibang mapapasukan. Hindi ako pwedeng pumasok sa main door dahil baka may maka kita sa akin. Iisa-isahin ko sila para naman ganahan akong kunin ang mga buhay nila.Pumasok ako sa maliit na bintana, mabuti nalang at medyo payat ang katawang ito at hindi naako
Naalimpungatan ako ng may narinig ako na parang umiiyak. Nasisilawan ako sa ilaw ng pilitin kong imulat ang nga mata ko. Napakurap-kurap ako at agad na tumingin sa kisime, nasaan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko? Nasa langit naba ako? Biglang may naramdaman akong humahawak ng mahigpit sa kaliwang kamay ko, naka yuko ito at umiiyak.Si mama."Ma?" nahihirapang tawag ko sa kanya.Agad itong tumingin sa akin, napa laki ang mga mata nito ng makita ako."Anak... Diyos ko salamat at gising kana...." Umiyak nanaman ito, mugtong-mugto na ang mga mata niya kaka iyak."Pinag alala muko anak... akala ko mawawala kana saakin. Sino ang gumawa sayo nito? Sabihin mo saakin at ipapakulong natin sila!" Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko."Mama....." tawag ko sa kanya. Hindi ko na napigilang umiyak. Humagulhol nako at mahigpit siyang niyakap. Umiyak na rin ito."Mama....... binugbug nila kami.... wala silang awa m-ama......" iyak lang ako ng iyak. Bumuhos na ang lahat ng emosyon ko."Shhh....
Nagsinungaling ako. Masama akong anak, nagawa kong magsinungaling sa sarili kong ina. Ayoko siyang mag alala sakin, alam ko naman na imahinasyon ko lang ang nakikita ko sa salamin at walang katotohanan roon, dahil lang siguro sa pagod o sakit na nararamdaman kaya kung ano-ano nakikita ko. Kagaya nalamang ng reflection ko nung binugbug kami. Diko alam kung namamalik mata lang ba ako o baka dahil sa ulan kaya nag ka ganun ang reflection ko.Nung tinanong ako ni mama, natakot ako. Hindi ko alam pero parang may alam si mama tungkol sa pagtingin ko sa salamin. Kailangan kong malaman iyon, pero hindi muna ngayon kailangan ko munang mag pagaling.Nandito ako labas ng ospital at hinihintay ko si mama dahil uuwi na kami ngayong araw. Halos limang araw rin akong na admit sa ospital. Hindi ko man lang nabisita sina Ali at Vibian dahil nauna na silang na discharge. Nakatingin lang ako sa mga kamay ko na puno ng sugat. Magaling na ang mga lapnos ko sa kamay pero ang mga sugat patuloy parin sa pag
Agad akong niyakap ni Ali ng makita niya ako. Alam kong pupunta siya dito sa cafeteria kaya dito nalang namin siya hinintay ni Vibian."Oh my gosh, akala ko talaga Dina kita makikita. Nag ooverthink talaga ko gabi-gabi. Baka kasi mag transfer ka ng school tas iiwan muko." Kumalas na ito, may mga luha sa mga mata niya. Ganun ba ako ka importante sa kanila?"Nako Ali, halata naman sa muka mo na overthinker ka." sabat ni Vibian. Sinamaan siya ng tingin ni Ali."Che! Totoo naman e, mawawalan ako ng kaibigan pag nag transfer si Aurora sa ibang school. Anyway kamusta kana?"Umupo na kami at naka harap silang dalawa saakin. Si Vibian na rin ang bumili ng pagkain ko, treat niya daw ako ngayon. Bumait na nga talaga siya."Okay na, medyo gumagaling na ang mga sugat ko." mahinang sabi ko."Nagtataka nga ako eh, puro pasa lang naman ang nakuha namin ni Vibi tapos sayo may mga sugat," Kahit ako nagtataka din. Wala naman talaga akong naaalala na sinugatan nila ako. "Napansin ko nga rin."Napaisi
Nandito na kami sa bahay ng albularyo na sinasabi ni Ali. Kasama ko silang tatlo, nag skip kami para lang dito, sana hindi malaman ni mama itong pinanggagagawa ko.Kumatok na si Ali sa pintuan nito. Agad naman itong bumukas, lumabas ang medyo may katandaang babae. May bandana itong pula sa noo at mga kwentas na mula sa mga ngipin ng mga hayop. Nakakatakot' siya."Ah, magandang umaga Aling Mari nandito po---" Naputol ang sasabihin ni Ali ng magsalita ang babaeng albularyo na ngayon ay naka tingin saakin."Alam ko ang pinunta ninyo dito. Halika kayo pumasok kayo." Nagdadalawang isip pako kung papasok bako. Parang may pumupigil saakin.Hinila nako ni Vibian papasok. Medyo madilim at puro kandila ang tumambad saamin. Napalunok pako dahil sa mga nakakatakot' na naka sabit sa dingding.Umupo ito at ganun din kami. Kaharap namin siya ngayon sa isang bilog namesa."Hindi basta-basta ang kaaway mo iha," Agad na sabi nito habang nasaakin parin ang mga tingin."P-po?" Takang tanong ko. "Malapit
Byernes ng hapon at nandito kami sa labas ng bahay ni Aling Mari, ang albularyong pinuntahan namin noong isang araw. Sa kanya ako humingi ng tulong. Sinabi ko lahat sa kanya.Nasabi din saamin ni Ali na espiresista din si Aling Mari, kaya nakakaramdam siya ng mga kululuwa sa paligid.Hinihintay nalamang namin ito sa labas ng bahay niya, maya maya ay lumabas nadin siya at may dala na itong bag. Madami ba dapat ang dalhin niya? Hindi ko nalang pinansin at pumasok na sa kotse ni Vibian. Pinapauwi ko na nga silang dalawa ni Ali pero ayaw nila, ang tigas ng ulo nang dalawang to. Naghihintay naman si mama sa bahay. Hindi kalaunan ay nakarating na kami sa bahay. Pag baba namin sa kotse agad napa tulala si Aling Maria. Parang may sinasabi ito,"Itim na aura... malakas at nakamamatay. Maraming ligaw na kaluluwa." dinig kong sabi niya.Agad kaming pumasok sa bahay. Nagulat si mama ng makita niya si Aling Mari."Ikaw......" turo ni mama kay Aling Mari. "Ikaw ang nagsabi saakin noon, hindi ako