Danie POV
Maingay ang buong kwarto. Aligaga ang lahat para sa ngayong gabing performance nila. Rinig na rinig ko ang kanilang mga boses habang nakapikit ako ngunit mas malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako dumilat at hinayaan lang sila. Hindi mapakali ang mga daliri ko kakapisil sa isa’t isa sa aking kandungan.
“Dilat ka nga, ganda!” anas ng babaeng tinatawag nilang Bebang. Siya ang assistant ng lahat dito. Taga-ayos ng mga damit at mga kalat na iiwanan ng lahat para mamaya.
“A-ate, tulungan niyo po ako. . .” mahinang pagmamakaawa ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakatapat sa akin. May hawak siyang brush na ginagamit sa mukha ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Luminga siya sa paligid at ganoon din ang ginawa ko. Pagbalik sa kanya, malamlam na ang mga mata nitong nakatunghay sa akin. Ibinaba niya ang hawak na compact sa lamesa kaharap ang malaking salaming may mga umiilaw na bumbilya sa gilid. Hinawakan niya ang kamay ko sa aking kandungan.
“Ineng, huwag ka nang umasa pang makakaalis ka dito. Wala nang atrasan ito, lalo na’t ang case mo pala ay iba kaysa sa . . . kanila.” Turo niya sa ibang mga babaeng abala sa pagkokolorete ng kanilang mga mukha.
“Makinig ka.” Hinagilap niya ang dalawang kamay ko. “Gawin mo na lang ang best mo ngayong gabi. Gawin mo lahat ng mga itinuro ko sa iyo. Manunuod ka muna ng mga gagawin nila sa labas bago ka isalang. Sa una lang naman nakakakaba, e. Masasanay ka rin kalaunan. Umasa na lang tayo na may prince charming kang darating at babayaran lahat ng pagkakautang mo. Doon, baka sakaling makaalis ka pa dito.”
Nanlumo ako sa kanyang sinabi. Yumuko ako, hinayaan ang luha kong agad niyang pinunasan gamit ang kanyang daliri. Wala na ba akong pag-asa? Ito na ba talaga ang kapalaran ko?
“Okay, girls! Be ready. Mag-start na tayo in five minutes.” Pasok ng babaeng masungit. Pumalakpak ito para maagaw niya ang pansin ng lahat. Naka-dress din siya ng kulay itim na may kumikinang na aksesorya sa kanyang katawan. Inirapan niya ako bago lumabas ng pintuan.
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Nagmadali ang iba, nagtatawanan, parang excited pa nga na kabaliktaran ng nararamdaman ko. Bumuntong hininga ako sa kawalan ng pag-asang makaalis dito.
Ang alam ko kasi, at base sa mga naririnig ko. . . magiging isang babaeng bayaran ako. Gaya nila. Pero ang pinagkaiba lang namin, free sila umalis kung gustuhin nila. Ako, binenta ng pinagkakautangan ni tatay sa may-ari ng bar na ito. At kailangan ko iyon kitain kung gusto kong makaalis sa lugar na ito. Kung magkano? Hindi ko alam.
Ilang araw na ako dito sa lugar na ito. Hindi ko mabilang dahil walang bintana ang kwartong pinaglagakan nila sa akin. Kinulong nila ako doon. Hindi gaya nang nauna, mas maayos iyon at may sariling banyo. Pinapakain din nila ako ng tatlong beses sa isang araw, doon ko nalalaman ang oras sa umaga, tanghali at gabi.
“Ganda, kaya mo ‘yan! Nandito lang naman kami sa likod ng stage. Hmm?” Tinapik niya ang pisngi ko bago ipinagpatuloy ang ginagawang pag-aayos ng buhok ko. Inayos niya din ang mga nilagay niyang aksesorya sa aking leeg.
Nakasuot ako ng isang fitted red dress. Maikli ito. Inihila ko ito pababa ngunit lumalabas naman ang dibdib ko kakababa ko. Wala akong suot na bra para itakip sa aking dibdib. Ang sabi niya, hindi ko na daw kailangan. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko sumasabay ang sahig sa ikot ng mga ilaw. Hindi ko rin maituwid ang aking lakad sa taas ng heels na pinasuot nila sa akin.
“Oh? Kamusta naman iyan?” tanong ng babaeng masungit. Tricia daw ang pangalan niya sabi ni Aling Bebang. Masungit daw talaga ito at feeling boss sa lahat. Dahil siya raw ang may pinakamataas na kita sa lahat ng mga babae dito. In demand nga daw siya sabi nila. Malaki daw ang kita niya bawat gabi at marami pang regalo mula sa parokyano niya na taga-ibang bansa.
Kumapit ako sa kamay ni Aling Bebang. “Ikaw, bakit nandito ka pa?” sikmat niya sa kanya. Hindi sumagot ang magandang babae at nagpamaywang lang.
“I’m just asking! E, kung magkalat iyan dito? Damay pa kami.” Umirap siya at tinaasan ako ng kilay. Yumuko ako dahil sa takot sa kanya.
“Bumalik ka na lang doon at baka hanapin ka pa ng matanda mong costumer.” Hinarap ako ni Aling Bebang, ibinigay niya sa akin ang susuutin kong mask mamaya. “Maganda ka na. Be confident lang sa body and face mo.” payo niya sa akin.
“Ate . . .” Nanginginig ang labi ko sa takot, “ba-baka. . .” Naputol ang sasabihin ko nang magsalita muli si Tricia.
“Sus, better be. Walang space dito ang mga panget.”
Maingay siyang umalis sa kinaroroonan namin. Gumegewang ang balakang niya habang naglalakad. Para siyang isang modelo.
“Kung hindi lang malakas kay Boss Z iyan, matagal ko nang sinungalngal sa bibig niya mga brushes ko. Kairita!” Nagpagpag siya ng kanyang mga kamay. “Kung ikaw naman ang maging biggest star dito, maging mabait ka, ah! Kung hindi, lalasunin kita.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumawa siya nang makita ang naging reaksyon ko.
“Good evening, gentlemen! Are you ready to get your pants wet!?”
Rinig namin ang malakas na palakpakan ng mga bisita sa harap ng stage. May mga humihiyaw at nagsisipulan. Sinasabing simulan na ang magandang palabas.
Pinapasok niya ako sa isang kwarto na may mga itim na sofa sa loob. Malamig dito at amoy na amoy ang usok ng sigarilyo. Napaiwas ako ng tingin nang mabaling sa isang sulok ang paningin ko.
“Mando, Alis d’yan! Anak ng . . .”
Binato ng isang lalaking kasama namin ang tinawag nilang Mando. Naka-upo ito sa isang sofa sa pinakasulok. Sa ibabaw niya may babaeng nakakandong sa kanya paharap. “Ikaw, pumunta ka na sa spot mo. Tang ina! Malaman lang ni Boss pinaggagawa mo, ‘di ka na sisikatan ng araw bukas, hayop ka!” Pilit niyang pinaghihiwalay ang dalawa.
Yumuko ako ng dumaan ang babae sa harapan ko, humahagikgik siya. “Panira ka naman, ‘tol. Malapit na, oh!” Ika ng tinawag nilang Mando, tinuro niya ang kanyang pantalon. Isinara ito.
“Ulol! Inunahan mo pa ang mga costumer na ‘tin.” Nagbangayan ang dalawang lalaki. Kapwa sila malalaking bulas. Ang lalaki ng mga muscle at ang lapad ng mga balikat nila.
“Ganda, halika dito. Sabi ni Boss Z, dito ka muna daw at manuod. Mamaya, pupunta siya dito para tingnan ka. Umayos ka, ah? Ngiti lang lagi at ayusin mo tayo mo. Mage-enjoy ka mamaya.”
Inaalis niya ang hawak ko sa kanyang kamay. Iniwan nila ako dito, kasama ang dalawang lalaking matitikas din ang mga katawan. Fit na fit ang mga suot nilang itim na t-shirt na may tatak sa kanilang kanang dibdib. Lumitaw ang tattoo ng isa, may mga kulay ito at mukhang larawan ng isang diwata.
Napapanganga ako sa nakikita ko, dim ang ilaw dito sa kinalalagyan ko ngunit kitang-kita ko ang nangyayari sa labas ng kwartong ito. Marami nga ang mga bisita. Karamihan ng mga nakikita ko ay mga kalalakihan. Umiinom sila at nagtatawanan. Nang magsimula ang isang palabas, halos ‘di ko iyon matingnan. Maging ang ilang lalaking hawak ang kanilang mga ibaba at hinihimas iyon habang pinapanood ang dalawang babaeng sumasayaw na unti-unting nagtatagal ng kanilang mga saplot sa katawan.
Napahawak ako sa aking bibig. Gagawin ko din ba ito?
Agad akong napalingon sa bumukas na pintuan, pumasok ang dalawang may edad na lalaki at isang babaeng ‘di gaanong katandaan.
“Oh! My new star. Kamusta ka?”
Napatingin ako sa dalawang lalaking kanina ko pa kasama dito. Gaya sa labas, may paminsan-minsan silang usapan paukol sa mga babaeng sumasayaw sa labas. Wala silang emosyon ngayong may ibang tao na kaming kasama sa malamig na kwartong ito. Bahagya silang yumuko at binati ang mga bagong dating.
“Ikaw hija ang kinakausap ko.”
“Po?”
Ito siguro ang tinatawag nilang Boss Z. Naka-polo siya ng puti at slacks. Ang babaeng kasama niya ay nakangiti at inubo sandali bago lumapit sa akin at inikutan ako. Sinisipat ang buong katawan ko.
Ngayon ko lang makakaharap ang lalaking tinatawag nilang Boss. May hawak siyang isang kulay brown na matabang sigarilyo sa kanyang isang kamay.
“Okay na sa akin ito, Boss. Maganda at bata pa. Virgin ka pa ba, Hija?”
Napanganga ako sa tanong niya. Kumurap-kurap ako at umiling.
Tumawa sila. Para akong nanliliit sa presensya nila at sa kanilang mga tingin. Gusto kong lumuhod para magmakaawa, tumakbo hanggang sa makalabas. Ngunit, malabo iyon.
“Okay lang iyan. Lahat kami dito virgin din.” sabi ng babae.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pasimple silang sinulyapan sa ilalim ng mga pilik mata ko. Lahat sila nakatingin sa akin. Taas-baba.
“Kikita tayo sa kanya, boss. Virgin man o hindi, sure ako sa ganda niyang iyan. . . maganda din ang kulay tan niyang kutis. Siguro dahil taga-probinsiya siya kaya maganda ang kutis niyang kayumanggi.” saad ng babae, iniipit ang kanyang ubo.
“Oo nga, boss! Tingnan mo ang legs,” turo ng isang lalaki sa aking hita. Hinila ko ang laylayan ng aking dress pababa. Sumipol ang isa pang lalaki. Sinaway sila ng Boss Z nila at hinarap ang babae.
“Sige! Lenita. . . ikaw na ang bahala sa kanya. Pakainin mo na rin pagkatapos mo. Mukhang mahihimatay na. Nandyan na ang mga VIP na ‘tin sa taas, pupuntahan ko lang sila. Kayo na bahala sa kanya.” bilin niya.
“Yes, Boss!” sabay ng tatlo.
“A-ano pong gagawin niyo sa akin?” Natatarantang tanong ko. Umatras ako.
“Easy, hija. Doctor kwak ako, iche-check lang kita. Higa na.”
Ibinaba niya ang hawak na storage box sa sofa. May inilabas doong sa tingin ko alcohol at puting gloves.
“P-po? Ba-bakit po may ganyan?”
“Tsk! Lumabas na nga muna kayo. Nahihiya ang pasyente ko sa inyo.”
Binalingan niya ang dalawang lalaking lumapit sa kinaroroonan naming sofa.
“Manunuod lang naman ako.” ani ng isa. Pumuwesto sa gilid ko.
“Tsk! Kakakita ko lang ng sampung ganyan. Walang-wala ‘yan sa akin, babae.” Humalukipkip ang may tattoo sa kanyang braso. Sumandal siya sa pader habang nasa akin ang mga mata.
“Labaaas! Dami niyo pa sinasabi.” Sigaw ng babae.
“Ate, a-ano po ba ang gagawin niyo sa akin? Maawa po kayo.”
Itinaas ko ang dalawang kamay ko sa aking harapan. Pinipigilan siya. Inayos niya ang hihigaan ko. May pinindot siya sa isang remote na nasa aming harapan. Umilaw nang mas maliwanag ang buong kwarto kaysa kanina. May hinalungkat siya sa kanyang bag na dala, inilabas doon ang isang tube. Para iyong langis at amoy mabango.
“Higa ka na para matapos na tayo agad. Gabi na. Mamaya lang isasalang ka na.”
“Saan po ba? Ano po ba ang gagawin niyo sa akin?” nagtataka ako. Mamasahiin ba niya ako kaya niya ako pinapahiga? May oil siya, e!
“Titingnan ko kung 100% ka ba talagang berhen.”
“O-opo, berhen pa po ako.” Walang duda iyan. Ang bata ko pa.
“Kailangan ko makita ‘yan for assessment, Hija. Kailangan ko din masiguro na healthy ka. Aba, mahirap na baka may kung ano pala na tumutubo d’yan sa ari mo, ireklamo pa kami ng bibili sa ‘yo.”
Itinulak niya ako sa sofa kaya napahiga ako. Ilang beses kong sinangga ang kamay at mga paa ko para ‘di dumapo sa akin ang kamay niya. Napamura pa siya ng tumapon sa hita niya ang langis na nasa kanyang kamay. Nakikita ko ang iretasyon sa kanyang mukha. Nagagalit na ito sa pagpupumiglas ko.
“Isa pa! Itatali na kita. Huwag mo ako pagurin.” banta niya. Napansin ko rin na nahihirapan siya sa kanyang paghinga kaya napapa-ungol siya sa kanyang lalamunan.
“Aray ko po. . .” Umiyak ako sa takot sa gagawin niya. Ibinaba niya ang pinasuot nilang panty sa akin. Malakas niyang pinaghiwalay ang dalawang hita ko. Agad kong naramdaman ang kamay niya sa kaselanan ko. Mariin akong napapikit. Kumapit ako sa leather na sofa. Impit na napapaaray sa sakit na nararamdaman. Huminga ako nang malalim gaya ng sabi niya.
Ito na yata ang pinakamatagal na sigundo ng buhay ko. Hinahagod niya ako doon. Kinakapa. Hinawakan ko ang kamay niya nang maramdamang ipinasok niya ito sa akin.
Umiyak ako. “Tama na po. . .” pakiusap ko. Ramdam ko bawat galugad niya sa loob ko.
Danie POV Dinala niya ako sa isang pasilyo. Madilim dito at panay lakad ng mga waiter. May dala silang tray sa kanilang isang kamay. Iba’t ibang kulay ng inumin ang madalas na nakikita kong hinahatid nila sa loob ng isang kwarto. Tanging led lights lang sa baba ang meron para maaninag namin ang aming dadaanan. Ang naririnig ko, ito ang VVIP room na sinasabi nila. Kung saan nangyayari ang auction sa mga babaeng baguhan. “Ready ka na ba?” “Ale. . . maawa po kayo. H-hindi ko po talaga kaya.” “Hija, ano na nga ulit pangalan mo? Wala ka pa palang code name.” Napatampal siya sa kanyang noo. “And that Ale, eww. . .ganda ko kaya!” “Danie, ho. . .” May sinenyas siya sa isang waiter. Huminto kami sa isang pintuan. “Makinig ka, kung gusto mo maka-survive ngayong gabi, ayusin mo. Tumayo ka lang doon, mas maganda huwag ka ngumiti. Mas okay magmukha kang natatakot. Patok ‘yan dito karamihan ‘yan hinahanap. Mga baguhan sa ganitong klase ng kalakaran.” Hinagilap ko ang braso niya. “Huwag niy
Danie POV “Okay, girls. Kembot pa! That’s right. To the left and right— oh, spacing!” sigaw ng taga-turo ng sayaw. Nasa akin lagi ang mga mata niya. Naiinis na siya sa paulit-ulit kong mali. Halos alam na ng dalawang kasama ko, maging si Marga ang step. Ginagawa ko naman ang kaya ko pero ang hirap ikimbot ang bewang ko. Parang nag-uunahan ang mga paa ko kung sino ang unang gagalaw. “Stop!” sigaw niya. “Danie, ikaw nga lang mag-isa.” Pumalakpak siya. Ito ang ginagawa niya kung nagmamadali. “A-ako ho? Ay, hindi ko ho kasi maiganire ang balakang ko. . .” reklamo ko. Inimustra ko sa kaniya ang step na hindi ko makuha. “Kaya nga ikaw muna mag-isa. Atsaka, lahat ng step hindi mo talaga makuha.” Pumalatak siya’t umakyat ng stage. Ang ganda niyang babae, kay puti at payat ng legs. Hindi nga lang matangkad pero cute naman sa height niya. Hindi siya nagta-trabaho dito sa bar. College student daw ito at nakatira sa kabilang kanto. Cheerleader daw siya kaya malambot ang katawan. Libre pang
Danie POV Look in the mirror. I'm not surprised.I sympathize, ah.I can't deny. Your appetite, ah. Hinagod ko ang balakang ko paakyat sa leeg ko sabay inikot ang ulo ‘gaya ng sinabi nila. Sinabay ang katawan ko sa bawat halinghing ng babae sa kanta. Mabagal. . . Pumikit ako, dinama ang bawat lyrics. Pagdilat ko, tumitig ako sa unang taong makita ko. Tinignan ko siya ng masama. Sa una, hindi ko nagawa ng tama. Sa sumunod, humiga ako. Ipinitik ang mga daliri sa hangin, nilingon siya at giniling ang balakang. Tinuro siya bago ang sarili, pinapahiwatig ko na sa akin siya tumingin. Sa akin lang. Nagpalakpakan sila. Sinigaw ang mga bago sa pandinig ko. Tumalikod ako sa kanila’t tumuwad. Ini-slide ang isang paa ko and looked at them. “Fetish for my love. . .” “Grabe!” Pumapalakpak siyang pumasok sa dressing room. Napalingon ang lahat sa pagpasok niya. “Good luck sa inyo!” Bati niya sa mga lumalabas na babae. Sila ang susunod na magpe-perform sa labas. “I-beat niyo ang sigawan sa l
ELECTRA POVSa ilang buwan na nagdaan, hindi ko makita ang dating Danie Manalo. Wala na siya, I guess. The new version is more way darker than the night. Ako man ang bituin ng gabi, ako man ang matatawag na bituin ng sarili kong mundo, hindi mo makikita ang kaliwanag nito. Lalo na’t mas malawak ang dilim kaysa sa kining ko.Isa lang akong palamuti para sa mata ng iba. Pero ang mundo ko, hindi na kayang kuminang pa sa gusto ko. Nag-uumpisa pa lang akong umilaw nang kunin nila sa akin ang pagkakataon para magawa ko iyon.Dilim na lang ang nasa paligid ko. Walang katapusang dilim.“Kayo nga magtino nga kayo! Aba, ang mamahal niyang mga make-up ko. Wala naman nagbabago sa mga itsura niyo. Palibhasa mga chakabells ang mga biribumbum niyo kaya pati mga mukha niyo mukhang bumbum.”Dinilat ko ang isang mata ko, naririndi na sa mga sinasabi ni Bebang. Nilagay niya ang lashes ko at ina-adjust ang dikit nito. Kumurap-kurap ako bago siya nag-proceed sa isa ko pang mata.“May favorite ka lang. Beb
Electra POV “Mang-aagaw.” Naibaba ko ang s********p na milktea sa bibig ko. Binalikan ko siya ng tingin. Obvious naman nagpaparinig siya. Nasa hallway ako papunta sa kwarto ko nang makasalubong ko siya. Hindi ko siya pinansin nang magkalapit kami, sinabi niya ito sa mismong tenga ko. Kunwaring dumura pa sa daraanan ko. Hinarap ko siyang nakangisi sa akin. “What?” Nakataas na kilay na tanong niya. Pinaikot-ikot ang kulot niyang buhok. “Anong what?” balik tanong ko. Tinignan ang dala niyang malaking bag. “Oo nga pala hindi ka nakakaintindi ng basic English. Ang sabi ko ba—” pinutol ko ang sasabihin niya. “Ano na naman bang problema mo, Tricia?” Pinanliitan ko siya ng tingin. Sumasabay siya sa mga problema ko. Dinadagdagan pa nga. “It’s Orion. Don’t call me by my name. Hindi tayo close.” Mataray na aniya. Tumaas ang kilay ko sa kanya. “Orion, tutal nandito ka na. . . gusto ko lang sabihin sa ‘yo na pwede ba, tama na mga pinaggagawa mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin na sa ganit
Electra POV Hindi pumasok si Tricia matapos ang away namin kaninang umaga. Ang sabi nila, may sakit daw siya at kasalanan ko. Nagagalit ang ibang mga kaibigan niya sa akin at panay ang pagpaparinig nila ng kung ano-ano. Sa parteng iyon, alam kong mas maraming kaibigan si Tricia dito dahil sa tagal na niyang nandito. Kahit naman ganoon ang ugali niya, mas marami pa rin ang mga pinagsamahan nila kumpara sa amin ni Marga na wala pang-isang taon. Masama daw ang pakiramdam niya sabi ng isang kaibigan niya. Ang isa naman, baka daw dalhin pa sa ospital si Tricia at dapat lang daw na sagutin ko ang pagpapagamot sa kanya. Hindi ko na lang sila pinapansin. Sabi nga ni Marga, O. A naman. Sana nga daw magka-rabies ang babaeng iyon sa mga kalmot ko. “So, may rabies ako ganoon? Aso ako?” Sinamaan ko siya ng tingin. Kagigising lang namin pareho. Nakaligo na ako at kakain na lang. Siya naman nabusog na daw sa tinapay na kinain. “Ito naman! Hindi. Sana lang. . .” Inirapan ko siya. “Sana, matuluya
Electra POV “May kailangan ka pa ba? Alis na ako?” tanong ko kay Marga na nakahiga sa kama niya. Nanghihina pa siya at masakit ang lalamunan. Pinauwi din kami matapos gawin ang mga ilang test sa kanya kanina. Katatapos ko lang siyang pakainin at handa nang pumasok ngayong gabi. “Kailangan ko malaman kung sino sa kanila naglagay ng tinapay na iyon dito sa kwarto na ‘tin at paano sila nakapasok.” Aniyang nakatitig sa kisame. Huminga ako ng malalim. “Pareho tayong tulog nang time na iyon. Wala naman ‘yon bago tayo natulog, ‘di ba?” “Hmm. . .Halatang sinadya. Sinong mag-aakala na may mani ang eggpie. Ano iyon bagong recipe?” “Kung sino man ‘yon, alam na allergy ka sa mani. Dapat na ‘tin tingnan mga pagkain dito baka may hinalo sila.” Bigla ako kinabahan, paano kung hindi lang pala mani nilagay nila? O, baka— “Nagawa ko na ‘yan kanina bago natulog. Sa tingin ko, wala naman. Pa-refill na lang tayo ng tubig. Sa mga stock naman, wala na maliban sa mga noodles at in-canned. Hindi naman
Electra POV “Teka, ano bang nangyayare dine?” Hinawi ko ang dalawang babae sa daraanan ko. Pagdating ko dito sa bahay, sinabi sa akin ng isang kasamahan namin na nasa office daw ni Boss Z at si Marga. Kaya dali-dali akong nagtungo doon para malaman kung bakit. “Ang kapal din ng mukha ng babaeng ‘to! Boss Z, ganoon na lang ba ‘yon?” Dinuro niya ang mga kaharap. “Sinong may pakana nito?” naiinis na tanong ni Boss. Sumilip ako sa nakaawang na pintuan. “Nagkaroon na naman ng rambol kanina sa kusina. Nasugatan ni Marga sa mukha si Tricia. 3 vs 1 nga ang laban.” Napasinghap ako. Tumingin muli sa loob ng opisina. Nakaupo si Boss Z sa kanyang desk, nakapanjama pa at halatang wala pang sapat na tulog. Sa gilid niya si Polaris, samantalang nakatalikod sa amin si Marga, kaharap ang tatlong nanlilisik ang mga mata sa kanya. Nakahawak si Tricia sa pisngi niyang may puting benda. “Boss, sinira niya mukha ko. Paano pa ako nito ngayon?” naiiyak na aniya. “Dapat magbayad siya! Paalisin niyo na a