VANCE'S POVNAKATULALA akong nakatitig sa nagliliyab na apoy. Nakaupo ako ngayon sa malaking punong kahoy na nakatumba sa harap ng bonfire. Nakapagpalit na rin ako ng bagong damit. Bumagsak ang mata ko sa suot kong tsinelas. Lahat ng suot ko ngayon ay binigay sa akin ng mga taong nagligtas sa akin kanina."Excuse me," lumapit ang isang lalaki sa bonfire at binawasan 'yon ng apoy para daw hindi masyadong malayo ang maabot ng liwanag nito.Napansin ko ang umbok ng maiksing baril na nakasukbit sa bewang ng lalaki. Oo, kasama ko ngayon ang mga taong nakita kong may mahabang baril kanina. Humugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ko maiwasang mag-alala. Sila ang tinatawag na rebeldeng grupo dito sa probinsya na binisita namin.Kanina narinig ko sa usapan nila, na kailangan naming mag-ingat dahil may balita sila na nasa malapit lang ang isang grupo ng mga militar na nag-iikot sa gubat. Hindi daw ito ang oras para magkasagupa sila dahil may mga kasama silang sibilyan at kami 'yon ni Steve
VANCE'S POV“NO NEED but thank you Wena,” tanggi ni Steven nang mag-alok si Wena na susunduin kami. "Sabi ng tinanong namin. Masyado kaming malayo sa activity area natin. So we decided, na dito na lang matulog sa bahay ng mga katutubo na nadaanan namin tapos bukas ng umaga magpapahatid kami sa activity area."Noong una ay hindi pumayag si Wena. Gusto niyang makasigurado na nasa maayos kaming kalagayan. Kaya naman sinigurado ni Steven sa kanya na nasa maayos kaming kalagayan para hindi na sila masyadong mag-alala sa amin.Nagpasalamat din si Steven kay Wena at sa lahat ng mga naghahanap sa amin. Kinamusta din niya ang naging kalagayan ng aktibidad namin ngayon. Sinabi naman ni Wena na naging maayos naman ang naging paglulunsad ng medical mission sa unang araw, bagamat nabawasan ang bilang ng mga taong nag-aasikaso sa aktibidad dahil sa paghahanap sa amin.Lalo tuloy akong nahiya..."Steven pwede ko bang makausap si Vance?" Narinig ko sa boses ni Wena ang pag-aalala para sa akin.Umali
VANCE'S POVTUMAYO ako at saka pinuntahan si Steven sa kusina. Napangiti ako nang makita kong naghahanda siya ng sandwich para sa akin."I'm sorry Vance, medyo matagal," sinenyasan niya akong maupo sa counter table.Umupo ako sa high chair at naghintay ng ihahain niya. Hindi ko maiwasang titigan siya habang abala siya sa ginagawa niya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng ma-realize ko ang sitwasyon namin ngayon. 'Yong mga bagay na pinapangarap ko lang noon ay nangyayari na ngayon."Can we eat this first?" Lapag ni Steven sa platong puno ng sandwich. "Mamaya magluluto ako ng heavy meal para sa hapunan."Tinikman ko 'yon. Hindi ganon kasarap ang sandwich na ginawa niya pero ipinakita kong sarap na sarap ako matuwa siya na nagustuhan ko 'yon.Kita kong natuwa siya sa naging reaksyon ko. Matapos niyang maghanda ng juice ay sinabayan na niya akong kumain. Tahimik kaming kumain habang nakatitig lang sa isa't isa. Hinayaan namin mag-usap ang mga mata naming maraming gustong ipa
VANCE'S POV"GUSTO na kitang pasukin Babe," pabulong ko, para akong mabubulunan sa kaba. Ramdam ko ang bigat ng kahilingan kong iyon.Nagkatitigan kami. Nagsusumamo ang titig ko sa kanya.Pilyo siyang ngumisi at saka niya ako biglang inatake ng mainit na halik. "Of course... I'm yours..." hila niya sa akin pahiga sa sofa. "I'm ready to be used by you..."Nanginginig ako sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko.Humiga kaming magkatagilid ni Steven sa sofa. Nakatagilid akong nakaharap sa kanya habang nakatalikod siya sa akin. Inabot niya ang labi ko ng lingunin niya ako. Habang naghahalikan kami ay may hinila siyang maliit na drawer sa bandang ibaba ng sofa. Nakita ko mula doon ang mga condoms at lubricant gel. Kumuha siya ng mga 'yon. Kukunin ko na sana sa kanya ang condom para ako na ang magsuot niyon sa pagkalalaki ko ng bigla niyang punitin ang lalagyan niyon gamit ang ngipin niya. Mabilis ang kilos ni Steven na para bang mas nasasabik pa siya kaysa sa akin. Napatitig nalang
VANCE'S POVNARAMDAMAN kong saglit na humigpit ang hawak ni Steven sa kamay ko habang tinatanaw namin ang ganda ng kabilugan ng buwan. Nakaupo kami ngayon sa tabi ng dagat. Nakayakap sa likod ko si Steven habang nakaupo ako sa pagitan ng mga hita niya. Magkayakap kaming dinadama ang init ng aming mga katawan sa gitna ng malamig na gabi.Kani-kanina lang ay mayroong bonfire sa harap namin pero pinatay na namin 'yon nang sakupin ng liwanag ng buwan ang paligid. Mas ginusto namin na ang buwan nalang ang magbigay liwanag sa amin. May mga sandaling hinahayaan namin na manahimik ang isa’t isa at hayaang pagmasdan lang ang buwan. Mga sandaling tila napagod na kami sa dami ng mga kwentuhan namin na parang walang katapusan. Sabay kaming napasulyap sa mga kaibigan ko sa di kalayuan nang marinig namin ang tawanan nila. Naglalaro sila habang nakapalibot sa bonfire. Nangingibabaw ang boses ni Wena na halatang inaasar na naman siya ng mga kaibigan kong lalaki. Napangiti ako pagkatapos ay muli k
VANCE'S POVSINALUBONG nina WENA at Braxton si Steven at sa inaya na lumayo sa karamihan.Tipid akong ngumiti at tumango nang akbayan ni Braxton si Steven at saka sumenyas sa akin na hihiramin muna nila ito at silang tatlo lang muna nila Wena ang mag-uusap.Humugot ako ng malalim na paghinga ng hindi nagtama ang mga mata namin ni Steven. Nag-aalala ako dahil mahahalata sa mukha niya ang pag-aalala pagkatapos niyang kausapin ang Tita niya sa cellphone.Nagsasalit-salitan ang tingin ko kina Wena at Steven. Hinintay kong lingunin nila ako pero hindi nangyari.Tinawag ko si Wena pero hindi na niya ako napansin, parang lumulutang ang isip niya habang nagbabasa at nagta-type ng messages sa cellphone niya."Vance,” tawag sa akin ni Davion, dinig kong may galit sa tono niya.Nadatnan kong pinapakalma niya ang sarili nang lingunin ko siya. Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin."Hayaan muna natin silang mag-usap.""I think so." Lapit sa amin si Xiana, ang girlfriend ni Davion."
VANCE'S POVNANATILI lang silang nakatingin sa akin. "Tulad ni Wena mga human rights advocates sila," pa-uulit ko, "mga aktibista lang sila at hindi armaduhan!""Wala silang pakialam," agad na sagot ni Braxton bago niya ibuga ang usok ng sigarilyo, "at alam mo dapat 'yon," madiin pero maingat niyang sabi.Para akong sinampal sa sinabi ni Braxton. Blangko akong napatitig sa kanya.Ah! oo nga pala. Kilala ko ang Tito at ang Daddy ko.Tinatawag silang tagapaglingkod ng bayan pero humihinga at umaakto sila na pag-aari nila ang lahat ng meron sa probinsya namin pati na ang mga tao, pati ang mga buhay nito. Kahit na iniluklok sila ng taong-bayan para magsilbi, gampanan ang posisyong sinumpaan nila at tuparin ang mga pangako nila tuwing eleksyon.Ang totoo, umupo sila sa posisyon para sa pansarili nilang interes at kapakinabangan, para sa pera at kapangyarihan. Posisyon na magbibigay proteksyon sa interes nila at magbibigay katuwiran sa mga mali nilang desisyon na ikinapapahamak ng mamamaya
VANCE'S POVNAPAPIKIT ako. Napapikit ako para hindi na tumatak pa sa alaala ko ang pag-alis ni Wena tulad ng pagtatak sa isip ko ng pag-alis ni Steven kanina na sumusugat ngayon sa puso ko.Umawang ang labi ko nang gumuhit ang sakit sa puso ko. Napahagulgol ako ng iyak. Napakasakit. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko may nakatarak sa puso ko na hindi ko kayang tanggalin.Kumuyom ang mga kamao ko. Napadilat ako. Tumingala sa kalawakan at saka sumigaw.Sumigaw ako ng napakalakas. Ibinuhos ko sa pagsigaw ang bigat sa dibdib ko na hindi ko kayang bitbitin ng matagal.Sumuntok ako sa lapag. Ibinuhos ko sa pagsuntok ang galit, takot at sakit sa puso ko. Umasa akong mababawasan ang nararamdaman ko pero hindi. Habang nasa alaala ko kung ano ang sitwasyon namin ngayon, lalo lang akong nahihirapan. Lalo kong nakikita kung gaano ka-komplikado ang lahat."Tang-nang buhay to!" sigaw ko ng ibwelo ko ang kamao ko para sa pinakamalakas na suntok na kaya kong ibigay sa lapag. Nang biglang m