“Anong ginagawa mo dito?” Gulat kong tanong at napaupo sa kama. “Ive been waiting for you, Avern. Seems like you were busy with men again,” Kunot-noong giit nito at lumapit sakin. “Teka bakit ka ba nandito? Pano ka nakapasok?” “That's for you to find out,”“Quit kidding around, Cairo,” Nagtagpo ang kilay ko at tinulak ko siya palayo pero hindi ito natinag. Natigilan ako nang naamoy ang alak sa hininga nito. “Your drunk, you should get back to your cabin,” Napapitlag ako nang isinandal nito ang baba nito sa balikat ko at nilibot ang mga braso nito sa katawan ko. “Umalis ka na, baka ano pang mangyari,” Hinarang ko siya gamit ang mga kamay ko upang ipaglayo ang palapit nitong mukha sa mukha ko. “A little longer, please. I promise I'll behave,” Pagmamakaawa nito, natigilan ako nang nakaramdam ng pamamasa sa leeg ko. Ilang minuto ay nakarinig ako ng mahihinang paghikbi mula sa kanya at unti-unting nanginig ang katawan nito. Mahinang hinahagod ng mga palad ang likod nito at hinayaang
Nang nabalitaan ng Papa ni Jie ang nangyari ay agad kami nitong pinabalik, wala kaming nagawa dahil baka sa susunod hindi na makakasama ito samin. Panay ang paghingi ng sorry kay Manong, pinagbigyan naman kami nito at sinabihan sa mga bawal na kainin ni Jie para sa susunod hindi na ito mapapahamak. Balita namin ay hindi pa nakabalik ang mga Villagracia at baka sa susunod na linggo pa ito makakauwi. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa ako handang harapin si Cairo. I know I'm acting like a high school girl na kakatanggap lang ng first kiss niya pero hindi ko mapigilang magbalik tanaw sa nangyari kagabi. Cairo was childish, baka mas gusto ko pa ang side na yun kaysa sa normal at masungit niyang sarili. The way he pleaded broke my heart, may mga nababasa kasi ako sa mga libro na hindi porket mayaman na sila ay magiging masaya ang buhay nila. Kinuha ko ang selpon ko at nagtipa sa pangalan niya, karamihan bio ang lumalabas. Natigilan ako nang makita ang picture nitong nakayakap sa kas
“Ano po ang ginagawa niyo dito, Maam Quira? Hindi po ba umalis ang pamilya niyo at matatagalan pa bago bumalik dito?” Naguguluhang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga braso niya sa beywang ko. “Oh, sweetie. You're right pero sila lang ang umalis, ayokong masaksihan ang panglalandi ng higad na yun sa kapatid ko. Sa totoo lang kung di lang ako natatakot kay Mamà ay matagal ng napalitan ng mukha ng aso ang mukha ng bruhang yun. Asa pa naman siyang magugustuhan ko siya para sa kapatid ko,” Irap niya at nag-hairflip pa. “Diba Hector?” Nanlaki ang mga mata ko na bumaling kay Hector, pano niya alam ang pangalan ng isang to?“Quira is my friend, yung bibilhan ko sana ng mga damit but it looks like hindi na niya kailangan to. Sayo nalang to dahil ikaw din naman ang pumili siguradong babagay to sayo,” Natatawang pang-aasar niya at tinaas-baba pa ang mga kilay. Walang pasabing lumipad ang bag ni Ma'am Quira patungo sa mukha ni Hector pero bago pa man iyon dumapo ay nasalo niya ito. Bu
“Anong ginagawa mo dito, Cairo?” Tanong ko at agad na luminga-linga sa paligid. Baka makita siya ni Ate Helia malalagot na naman ako! Nagkibit-balikat lamang siya at tumingin sa mga mata ko, kinuha niya ang mga dala ko. Kumunot ang noo niya at sumilay ang misteryosong ngiti sa labi tila nasiyahan sa nakita. “It’s not important, pumunta dito si Dom kaya sumama nalang ako,” Tugon niya at naglakad papunta sa kusina. Akala niya naman sa kanya ang bahay no! Iba ah! Kapal ng fes! Sayo 'to?! Nakatira ka dito?! Gusto kong isigaw sa mukha niya. Sumunod ako sa kanya at nagtagpo ang kilay ko nang makita siyang naghihiwa ng lasagna. Aba! “Hoy, Cairo! Hindi mo pamamahay ‘to para manghalungkat ka diyan! Itigil mo yan o ako mismo ang puputol sa mga kamay mo!” Bulalas ko at hinablot ang kutsilyo mula sa kamay niya. “Babe naman hindi ko pa nga nasubukan ang ligayang hatid ng mga kamay ko puputulin mo na?” Panunudyo niya at pabirong tinusok ang gilid ko. Wala sa sariling hinampas ko ang bali
Wala sa sariling nag-iwas ako ng tingin nang mahuling nakatingin sa akin si Sir Cairo, matapos ang nangyari sa aming dalawa sa motel ay umiwas muna ako sa kanya bago pa lumala ang sitwasyon. Alam kong binayaran ako ni Ma'am Helga para akitin ang anak niya at eto na nga ang oportunidad na mapalapit at maakit ko ang anak niya pero mukhang nagdadalawang isip na ako. Kawawa naman si Sir Cairo dahil wala siyang kaalam-alam sa ginagawa ng Mommy niya. Pero ayun nga ano ba naman ang pake ko eh binayaran niya lang ako. Muntik akong masamid nang marinig ang tinig niya mula sa gilid. “Why are you avoiding me, Avern? Did I do something wrong?” Tanong ng isang baritonong boses na nakakapanindig balahibo. Kung pwede ko lang ibuhos ang kape na iniinom ko sa kanya ng hindi ako mapupunta sa kulungan ay kanina ko pa ginawa. Nakakaasar na ang dimunyung 'to ah! Puwera nakatikim lang ay namimihasa na. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko nang maalala ang mainit na halik na pinagsaluhan namin. May kah
Hindi ko na alam ang maramdaman ko, halos hindi ko na naalintana ang mga sinasabi ni Sir Cairo na agad akong dinaluhan nang bumagsak ako sa sahig. Parang baliw na humalakhak ako habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha ko habang nanginginig ang buong katawan ko. Bakit ba laging ganito nalang? Ano ba ang ginawa ko para umabot sa sitwasyong 'to? All I wanted was to give my grandma the life she deserves pero bakit ang hirap-hirap abutin iyon? Mariin akong napapikit at humagulgol habang nilalasap ang pakiramdam ng suportang binibigay ni Sir Cairo. “Hush, Ve. I'm here,” Wika niya habang hinahaplos ang buhok ko at nanatiling nakayakap kahit nababasa na ang damit niya sa mga luha ko. For the short period of time Sir Cairo proved that men could support women somehow, alam kong hindi dapata ko magtiwala sa kanya pero parang nag-iiba na ang tingin ko sa kanya — focus Avern trabaho lang 'to! You're here because of money. Mas lalong dumami ang pagtulo ng mga luha ko at nanikip ang dibdib ko sa
“Ayos na 'to, teh. Kanina ka pa nakatingin sakin, ano ang mali sa suot ko?” Nagtatakang tiningnan ko si Helia na kanina pa nangangalikot sa mga damit ko. Sinamaan ako nito ng tingin bago nagpatuloy sa ginawa. “Lahat! Naku mars tingnan mo nga Ang suot mo! Jeans at tee sa tingin makakapasok ka sa building ng ganyan ang suot mo?! Nakaka-highblood ka gurl,” Her eyes lit up and threw pieces of clothes before she pointed one of her heels. “Yan ang suotin mo para magmukha kang tao, alam ko namang maganda ang lahi natin teh pero hindi sapat yun para makuha mo ang atensyon ng boss natin. Isa sa mga natutunan ko nang lumuwas ako dito ay dapat matuto kang manamit ng pormal, ibang-iba ang mga pamamaraan dito at sa probinsiya kaya kung gusto mong matulungan natin si Nanay ayusin mo ang sarili mo. Lalagyan pa kita ng make-up,” Bahagyang tumaas ang kilay ko sa tinuran niya. “Bakit may pa ganun pa?” “Gaga kailangan yun para magmukhang katanggap-tanggap ka, may tiwala ako sayo Avern. Bilisan m
Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang aking puso. My hand clutched the fabric parallel to my chest as if imagining na literal na pinipiga ang puso ko. Ang sarap sumigaw! Ang sarap manumbat! Alam ng Poong may Kapal kung anong klaseng pagpipigil ang ginawa ko bago pa ako tuluyang mawalan ng respeto sa kanya bilang anak.Marahas akong humugot at pinuno ng hangin ang sistema ko para maibsan ang galit na naramdaman ko, bumaba ang tingin ko sa mahigpit na pagkakakuyom ng kamao ko. “Hello, nak? Nandyan ka pa ba?” Malambing niyang tanong na tila inalagaan niya ako mula pagkabata. Nagdilim ang paningin ko at mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Gusto kong magtanong, manumbat at ibuhos ang lahat ng hinanakit ko pero mukhang hindi na makakaya ng katawan ko ang pag-da-drama lalo na hindi pa nakabalik si Lola sa bahay. Tila nahihirapan akong huminga dahil sa sikip ng dibdib ko, wala sa sariling napakapit ako sa dulo ng armrest sa sofa. Mukhang napansin ni Sir Cairo ang pagkab