CONTINUATION
DACE KAIRON'S POV
"KAI, ano handa ka na ba sa unang araw mo sa school? Balita ko may transferee ah," sabi ni Jayeib sa kabilang linya.
"Oo naman Jayeib, by the way kamusta na pala si Wexan? Wala akong naging balita sa lalaking yun simula ng mag bakasyon." Tukoy ko sa isa pa naming kaibigan. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya na mahina kong ikinatawa.
"Aba wala din akong alam dun tol, alam mo namang napaka-tahimik ng taong yun eh." Sagot ni Jayeib na mas lalong naging dahilan ng walang humpay na tawa ko.
"Haha loko ka talaga. Bababa ko na to ah? Kailangan ko ng magmadali dahil baka malate pa tayo sa unang araw natin,"
"Para namang may pakialam ka kung ma-late o hindi. Sige Kai, kita-kita na lang tayo mamaya sa university." Huling narinig kong sabi niya bago ibinaba ang linya.
Agad akong kumilos. Ginawa ko ang aking mga karaniwang ginagawa. Naligo ako, pagkatapos ay nagbihis ako ng simpleng damit sapagkat hindi pa naman namin kailangang magsuot ng uniporme o kung ano pa dahil unang araw pa lang naman ng pasok ngayon, at kahit naman kailan hindi kami nagsusuot ng uniporme. Inayos ko ang mga gamit ko pagkatapos ng aking mga ginawa. Nang handa na ang lahat ay bumaba na ako sa sala. Nadatnan ko naman si Mom na naka apron pa.
"Oh anak, handa na ang pagkain. Kumain ka muna bago umalis." Alok nito na tinanguan ko naman. Lumapit ako dito at hinalikan siya sa pisngi. Nakita ko naman ang pagsilay ng munting ngiti sa labi nito dahil sa naging kilos ko.
"Good morning, Mom." Bati ko rito.
Nagsimula na akong kumain ng mga hinanda ni Mommy. Marami pa itong tinanong at ibinilin sa akin na agad ko namang tinanguan.
Pagkatapos kumain ay agad rin akong tumayo at nag paalam na kay Mommy na aalis na.
Kinuha ko ang kotse sa garahe at agad itong pinaharurot patungong university. Buti na lang at hindi pa ganoon kasikip ang daloy ng trapiko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrive ng may biglang tumawag sa telepono ko. Agad ko itong sinagot ng hindi inaalis ang paningin sa kalsada.
"Kai, nandito na kami ni Wexan sa parking lot ng university. Nasaan ka na?" Bungad na tanong ni Jayeib.
"Nag-da-drive ako tol, malapit na rin ako dyan." Sagot ko rito at binaba na ang tawag at hindi na ito hinayaan pang magsalita.
Mas pinabilis ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan, at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa university.
Agad akong naghanap ng bakanteng lugar kung saan maaari kong ma-igarahe ng maayos ang sasakyan. Nahagip ng mata ko si Jayeib at Wexan na kinakawayan ako at itinuturo ang bakanteng lugar katabi ng sasakyan nila.
Nang maayos ko ng maiparada ang sasakyan ay bumaba agad ako at lumapit sa kanila.
"Wexan, tol, anong balita sayo? Walang paramdam ah." Pabirong wika ko at nakipag apir sakanila.
"Busy lang tol." Sagot nito na ikinatawa ko.
"Busy? Tol, bakasyon yun paanong nangyari at naging busy ka?" Natatawang tanong ko. Narinig ko din si Jayeib na tumawa.
"Ba't ba ako ang pinag uusapan niyo eh kung maglakad na kaya tayo papasok noh?" Pag-i-iba nito sa usapan.
Naglalakad kami sa corridor habang nagkukwentuhan. Kita ko ang mga matang nakamasid sa bawat galaw namin.
Tinatanong ko si Jayeib tungkol Sa GA ng biglang----
May nabangga akong babae, Hindi man lang nakuhang mag sorry? Bweset sino ba yun?
Napakaganda ng mood ko sisirain lang ng pangit na babaeng yun tsk. Siya na nga yung may atraso siya pa ang may ganang magalit!
Akalain mong imbes na siya ang sumalampak sa sahig ay ako yung natumba!? Nang minsang dumapo ang tingin nito sa akin ay nakita ko ang pagkawalang emosyon ng kanyang mga mata.
Napaka misteryosa niya, at kung makapagsalita siya ay para kang lalamigin sa sobrang lamig ng kanyang boses.
Sino ang babaeng yun?
By the way ako nga pala si Dace Kairon Hashton, 18 years old.
Call me Kairon but never call me Dace if you want to stay alive.Nasa akin na ang lahat
Mayaman, may itsura, tanyag sa campus, kung tawagin ay campus crush, leader ng isang gang group, kinatatakutan dahil wala pang kahit sino ang makatalo sa amin.Pero bakit hindi man lang natakot ang babaeng yun?
Humanda ka, gagawin kong miserable ang pag-aaral mo sa paaralang ito.Nang makabawi ako sa pagkakatumba ay dumeretso na kami sa classroom at nagpanggap na parang walang nangyari. Buti wala pa yung professor.
"Tol, anong plano mo dun sa babae kanina?" Tanong ni Jayeib
"Oo nga, tsk nakakakilabot ang tingin niya wala kang makikitang kahit anong emosyon, tsaka yung boses niya ang lamig!" Sang-ayon ni Wexan habang uma-aktong nilalamig at natatakot.
"Tsk, tumigil ka nga Wexan. Hintayin lang ng babaeng yun makikita niya kung sino ang kinalaban niya." Sagot ko habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa 'rin mawala sa isip ko kung paano ako tignan at sago-sagutin nung babaeng yun.
"So ano ngang plano mo?" Ulit ni Jayeib
"Malalaman niyo rin tsk." Sagot ko sa kanilang dalawa.
Tumahimik na ang mga tao sa classroom dahil sa biglaang pagpasok ng adviser namin at may kasamang babae...
Wait yung babae! Siya yung babaeng bumangga sa 'kin kanina! Tadhana nga naman.
Napangisi ako dahil parang sumasangayon ang pagkakataon.
"Good morning class, we have a new student. She's the transferee," ani ni ma'am Cathleen.
"You may introduce yourself, miss." Dagdag pa niya. Pumunta naman sa unahan yung babae para mag salita.
"Gaelie Anne Davonica LV. Villamero, 17." Maikli at malamig na pag-papakilala nito.
"That's all miss?"Tanong ni Ma'am Cathleen. She just nods and stares blankly at Ma'am Cathleen.
"A-ahh okay you may sit down." Utal-utal na saad nito kay Gael ba yun? Mukhang naintimida din siya sa malalamig na tingin nito.
Pumunta na yung babae sa bakanteng upuan, at kung sinuswerte ka nga naman sa katabi ko pa. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ko ng walang ibang tinitingnan kundi ang dinadaanan niya.
Nang nasa harap na siya ng upuan na katabi ng upuan ko ay umupo na siya, ibinaba niya sa kanyang upuan ang kanyang bag at tumingin sa labas na walang kahit anong salita ang binitawan.
Bahagya ko siyang natitigan at pinagmasdan ito kahit pa kalahating mukha lang ang aking nakikita dahil bahagya itong nakatagilid sa direksyon ko.
She's so mysterious, I know she hid the deepest secret that only she knew. I want to know her more, I want to know why she wants to study here without knowing that all of the students here are gangsters.
CHAPTER TWO GAEL's POV SINO kaya ang tatlong lalaking yun? Bakit sila hinahangaan ng mga estudyante sa paaralang ito? Ganun ba sila kaimpluwensyang tao para hangaan na parang mga hari sa paaralang kinatatayuan ko? Matapos ang pangyayaring yon ay pupunta na sana ako sa classroom ng biglang may tumawag sa akin sa phone, ang personal bodyguard ko. Nagtataka man kung bakit ito tumawag pero sinagot ko pa 'rin ito. "Hello, Young lady?" "Speak." Malamig kong tugon "May nakita po kaming sumusunod sa inyo, nandito lang po kami sa paligid. Just call us if you need help Young lady." Mahabang litanya niya. Dahil sa sinabi nito ay inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar ngunit wala naman akong makitang nakatingin sa akin at wala rin naman akong maramdaman na kakaiba. "How come? I'm wearing my disguise outfit. Argh okay fine, I'll just ask for help if needed, but please spare me
CONTINUATIONDACE KAIRON's POVLUNCHTIMEay pumunta kami sa headquarters ng DWWG. Ako, si Jayeib at Wexan. Kami ang Deadly Wishful Wing Gang. Kami ang nangunguna sa ganster arena.Balak ko pa sanang asar-asarin si Gael, Gael ba yun? Ayy basta yung babaeng panget kahapon, kaso mabilis itong nawala sa room. Saan kaya yun pumunta?Nandito kami ngayon sa HQ para makibalita sa kung anong meron sa GA. At si Jayeib ang magaling dun kaya siya na ang bahala.Habang nakaupo ay hindi mawala sa isip ko ang malalamig na tingin na laging ipinupukol sa amin nung nerd.I wonder how did she enter this school? Hindi ko pa naman siya nakikita, ni anino niya sa gangster arena. Mayroon ba siyang kapit sa school administration?Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa habang kumakain, habang si Jayeib naman ay abalang nakatitig sa kanyang laptop."Tol, May naghahamon n
CHAPTER THREEDACE KAIRON's POVAFTER class ay dumiretso agad kami sa G.A. para mag handa.Actually, hindi naman na kailangan pero itong dalawang ugok na ito excited, tss...Napakaraming laban na ang pinanalo namin kaya hinding-hindi ako papayag na may makatalo pa sa amin. Isang kahihiyan yun sapagkat ilang taon na 'rin kaming nangunguna sa gangster world bukod kay queen. Madami na ang nagtangkang agawin sa amin ang pagiging rank 1 ngunit kahit isa sa libo-libong ganster ay walang nagtagumpay.Nang makarating kami sa labas ng arena ay binati agad kami ng mga bantay sa labas na agad lang din naming tinanguan."Kai, bakit mo nga pala ginustong makalaban ang rank 7 eh alam mo namang grabe ang galit nun sa atin.""Baka mapatay tayo dun ng wala sa oras." Reklamo ng dalawa. Sino kaya sa ating tatlo ang excited makipaglaban? Eh parang
CONTINUATIONGAEL'S POVPAGKATAPOS ng klase ay pumunta ako sa condo ko kasama ang mga bodyguard na pinapa-bantay sa akin ni Dad . I can handle my self but my Dad is so hard-headed, I'm the Gangster Queen and also the Next Mafia Queen. When I turned 18 this year I'll be officially the Mafia Queen, because Mom died when I was two years old during the battle between the Villamero Mafia organization and the other org.Pagkatapos kong mag bihis ng aking gangster outfit ay dumiretso na ako sa G.A. tumungo ako sa bubong nito at nag masid lamang kung anong nangyayari sa loob. I saw a lot of people down there, they are murmuring a lot of words, some are screaming something, ang iba ay nakikipagyabangan, ang iba naman ay naninigarilyo at karamihan ay may mga hawak na bote ng alak na bahagya kong ikinailing.Ang lakas ng ingay dahil sa pagyayabangan ng mga bawat panig. Ni hindi ko na marinig ang huni ng mga ib
CHAPTER FOURGAEL'S POVSINUNDAN ko ng tingin ang lumilipad na dagger patungo sa direksyon ng rank one. Ngunit ng malapit na ito sa kanila ay mabilis nila itong naiwasan at mabilis itong nadampot ng naka itim na lalaki sa rank one gamit lamang ang isang kamay. Pinakatitigan ko ang mukha nito.I was surprised when I saw the man in black, he's the one whom I bump earlier at school, so he's a gangster huh!? Kaya pala tanyag siya sa school, kasi Rank 1 sila, hmmm... I wonder paano kaya kung malaman niya kung sino ako? He has the ability, no wonder na siya ang leader ng rank one.Back to the battle, he's good on fighting, ni hindi siya matamaan ng kalaban, pati ang dalawang kasama niya ay magaling pero nakikita ko kung ano ang kahinaan nila na hindi nakikita ng iba, tss.Abala ang kalaban nila sa pag atake para matamaan sila ngunit sila ay parang walang pakialam at parang nabobored na s
CONTINUATIONDACE POVNatapos ang laban at kami ang nanalo, kabi-kabilang sigawan ang naririnig ko. Labis na ingay ang namutawi sa arena ngunit ang hinahanap ng mata ko ay ang queen, binalewala ko ang ingay na naririnig, pilit na inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid, ngunit hindi ko na siya muling nakita. I wonder where did she go?I want to know queen more, bihira lang siya kung bumisita sa Gangster Arena. At base sa pinakita niya kanina, she is a short tempered woman. Napakaikli ng kanyang pasensya, na kahit ang mga opisyal sa gangster arena na inatasan niya ay takot sa kanya.Who wouldn't be scared if the queen of all queens in this gangster world showed up? Sino ang hindi matatakot kung ang taong kinakatakutan sa iba't-ibang panig ng mundo ay bigla na lang dadating at e-eksena sa naganap na walang kwentang laban, tsk.Once in a blue moon kung lumabas ang queen, kaya labis ang pagkabigla ng lahat nang
CHAPTER FIVEGAEL'S POVPAGKAGISING ko ay ginawa ko na ang aking morning rituals at inilagay sa mukha ang mga kailangan sa aking pag di-disguise, I put this fake braces, contact lense (brown color) kailangan kong itago ang totoong kulay ng mata ko, I have a purple eye na hindi dapat makita ng iba. I also put on my nerdy glasses, then ta-dah! I'm such an ugly duckling, hyysstt...I put my things in my bag then go to my car and hurriedly go to school mabuti na lamang at hindi pa masyadong traffic kaya mabilis lamang akong nakarating sa university. As I arrived at the school parking lot, I parked my car immediately, agad ko ding kinuha ang mga gamit ko bago bumaba sa sasakyan and walk my way to my room. Argghhhh I'm going to be late. I'm not used to this since I was a kid, I study but not outside our house but only in our house, my dad hired a personal tutor only for me, I just experience this thing yesterday when
CHAPTER SIX DACEPOV HINDIko alam kung bakit kinakain ako ng konsensya ko, gusto kong mag sorry sa Gael na yun dahil sa sakit na naidulot ko, pero paano? Paano ako hihingi ng tawad kung tinuring niya na ang sarili niya bilang kaaway ko? I know, napakatanga ko sa part na gagawa ako ng kalokohan pero pagsisihan ko lang naman, napakatanga ko sa part na umabot ako sa point na'to. I never feel this feeling sa mga past na binully ko, back then, I don't really care how those people feel, pero kay Gael, iba. Para bang iba siya sa lahat. Labis ang pagsisisi ko, I feel guilty and I feel sorry for what I have done to Gael's life. Gael! Why are you doing this to me? Ikaw lang ang nag-iisang inaway ko na pinagsisihan ko! Anong meron ka? Sino ka ba talaga? "Tol, ayos ka lang?" Nabalik ako sa reyalidad dahil sa tanong ni Jayeib. Nandito kami sa room pero parang yung isip