Share

Chapter 4

Marissa

"Thanks, Marissa for your help. Kung hindi dahil sayo, hindi ko matatagpuan ang lalaking para sakin," sabi ng isang babaeng klienyente ko. Napangiti ako at umiling. Hindi naman ako ang may dahilan kung bakit sila nagkatuluyan. I just simply arrange a meeting for them at sila na ang gumawa ng sarili nilang hakbang.

"Wala naman akong ginawa para bigyan mo ako ng pasasalamat. Ginagawa ko lang ang trabaho ko," sabi ko sa kaniya. Natawa na lang siya sa sinabi ko.

"Pero mukhang stress ka kasi may isa ka pang hindi nahahanapan ng kapareha," sabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa sinabi niya pero hindi siya nagkakamali. Once na kasi niyang pinagpareha ang dalawa pero dahil pihikan ang kaniyang isang kliyente ay hindi nag-work ang meeting ng dalawa. Napabuntong hininga siya.

"Sana nga ay makahanap na siya para naman matahimik na ako at maka pag-move on sa buhay. Alam mo bang siya na lang ang walang kapareha sa mga kliyente ko?" Natawa na lang ang babae sa sinabi ko.

"Are you talking about me, Marissa?" Napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses ng isa kong kliyente. Nakangisi ito habang nakatingin sakin. Napabuntong hininga ako ng makita si Sir Ethan.

"No, sir," agad na sagot ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng nasa likod ko.

"It's been a while, Mr. Joaquin," pagbati ng babae. Nakita kong tumango si Sir Ethan. Napabuntong hininga ako, eto na naman kaming dalawa.

"Aalis na ako, Marissa. Salamat ulit. Also, I hope you can come to our wedding." Ngumiti ako at tumango.

"Thanks for inviting me, Ms. Domingo. Happy marriage para sa inyong dalawa ni Mr. Pajeros." Umalis na rin ang babae pagkatapos ay hinarap ko si Sir Ethan at nakita niyang nakatingin ito sa babae kaya napatingin ako sa babaeng paalis.

"I didn't know Carl Pajeros will get married to a woman like her," sabi ni Sir Ethan. Napatingin ako sa kaniya at napakunot noo.

"At bakit naman hindi siya magpapakasal kay Ms. Domingo? She's a gem, you know?" Napatingin na lang siya sakin at napabuntong hininga.

"She's a boring woman for my taste. When it comes to gem, you might suit the title-"

"I've arrange 3 women for you to meet today," masayang sabi ko at hindi ko pinansin ang sasabihin niya. I heard him clicked his tongue pero hindi ko pinansin. Bahala siya diyan.

"Ms Alvarez, are you suggesting that I need to do a Fours**?" Napanganga akong napatingin sa kaniya.

"What? What are you talking about?" Tila sasabog ang bunbunan ko sa kaniya. Nakita ko na ngumisi siya.

"Of course, I need to know if we're compatible in bed but to meet three women..." Minsan, ang sarap manabunot ng kliyente kung ganito ang kliyente mo!

"Of course, you're going to meet them one at a time! I don't care if you make your relationship with them furthur but please, spare me with that kind of talk, Mr. Joaquin," sabi ko na may kasamang peke na ngiti. Nakita ko ang amusement sa mukha niya. Napatalikod na lang ako napabuntong hininga. Ako na naman ang trip ng hudyo!

"Well, ano pa nga bang aasahin ko sa isang virgin na katulad mo." Napakuyom ang palad ko. Tinignan ko siya ng seryoso binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"I don't want to hear that coming from you!" Tumalikod na ako at huminga ako ng malalim at nagbilang ako ng one to ten. Para pakalmahin ang sarili ko sa sobrang inis. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hinila at isinandal sa pader at ikinulong ako gamit ang dalawang braso niya para pigilin akong makaalis sa position namin. Napatingi ako sa mukha niya at naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Oo na! Kasalanan ko bang attracted din ako sa mga gwapo and he is exceptional when it comes to looks! He's very handsome and I'm weak when it comes to handsome people!

"A-anong gi-ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang seryoso niyang mukha na napalitan ng ngisi.

"Well, wanna experience bedding me? Malay mo compatible pala tayo?" Tinulak ko siya palayo sakin at napayakap ako sa katawan ko.

"Y-Y-YOU!" Kung hindi lang breach of contract ang manapak ng kliyente ay sinapak ko na 'tong lalaking 'to kahit na siya pa ang pinaka mayamang kliyente namin. Tumawa naman ang hudyo at napahakbang ng isang baitang palayo sakin. Agad din naman akong lumayo sa kaniya at inayos ang sarili ko. Hinarap ko siya ng seryoso kahit na mainit pa rin ang pisngi ko ay pinaglabanan ko ang mabilis na tibok ng puso ko at pinilit na pinakalma ang sarili. "A-anyways, Mr. Joaquin. You'll be meeting Ms. Alexandria first."

Natapos ang pagtawa niya at tumingin siya sakin pero may ngisi sa labi. "You're really fun to tease, Marissa." Pero hindi ko pinansin ang sinabi ni Sir Ethan at pinagtuunan ang pansin ang dala kong mga papel.

"You'll meet Ms. Alexandria in 30 minutes, Mr. Joaquin. Please be prepared," pagpapaalala ko sa kaniya at umupo na ako sa isang malapit na upuan mula sakin. Pumasok ang assistant ko na si Charles at nag-serve ng inumin para samin. "Thanks, Charles!" Nakangiting sabi ko. Ngumiti ang lalaki.

"Wala po 'yun, Ms. Alvarez." Narinig ko ang pagubo ni Sir Ethan kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko na seryoso ang mukha niya at mukhang irita. Napakunot noo ako dahil hindi ko alam kung bakit irita siya.

"Is there any problem, Sir Ethan?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot kaya napakunot noo lang ako. "Sir?"

"I think I don't feel good," sabi ni Sir Ethan. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya at hinipo ang noo niya.

"Anong masakit sayo? Are you okay?" Nakatingin lang siya sakin. Tumingin ako kay Charles. "Get the first aid kit or mas maganda papuntahin mo ang nurse dito, Quick!"

"Ah! Yes, Ms. Alvarez!" Agad na tumalima si Charles sa sinabi ko. Pinaupo ko si Sir Ethan sa upuan.

"Anong nararamdaman mo? masakit ba and ulo mo? masakit ba ang lalamunan mo?" Napakurap siya habang nakatingin sakin at nagulat ako ng bigla siyang ngumiti.

"Is this how you look like when you're worried." Napakunot noo ako. Nahihibang na siguro ang lalaking 'to?

"Bakit hindi mo ako sagutin ng matino? Are you okay or not? Ginogoyo mo lang ba ako?" inis na tanong ko sa kaniya. Genuine ang worry ko para sa kaniya baka sabihin ng boss ko ay hindi ko inaalagaan ang kliyente ko.

"No, I am not really okay," he said. Doon na ako naalarma.

"Tell me, what is hurting?"

"Stop smiling to other people other than me," nakangising sabi niya sakin habang hawak ang kamay ko at inilapat ang palad ko sa kaniyang pisngi. It caught me off guard! Nag-init ang pisngi ko sa sinabi at ginawa niya kaya agad kong binawi ang kamay ko. Anong trip ng lalaking 'to?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status