Share

Chapter 14

Blanca

Inisa-isa ko ang mga kuha ni Trish sa phone niya pag-uwi namin sa unit. Hindi ako makapaniwala! Ang mga nakuhanan ni Trish ay mga kopya ng titulo ng lupa ng aking ama. 

“Original copies ang mga iyan Blanca, may deed of sale din na naka-attach, pirmado ng tatay mo at ni Simon. At higit sa lahat notaryado .” paliwanag ni Trish.

“So ibig sabihin nabili na pala ni Simon ang lupa niyo? I mean, in a legal way dahil may pirma niya ito. “ Ava concluded pero napailing ako

“Hinding-hindi ibebenta ng tatay ko ang lupa sa kanila. Nasisiguro ko na may ginawa ang matandang iyon para mapapirma ang tatay ko.” alam ko sa puso ko na hinding-hindi ibebenta ni tatay ang lupa na minahal niya at pinagyaman buong buhay niya.

Sinuri ko uli ang mga pictures hanggang sa may napansin ako. I zoomed the photo para lalo akong makasiguro.

“Pinirmahan ito ng tatay ko sa mismong araw na pinaslang sila.” lumapit din si Trish saka tinignan ang bahagi ng picture na itinuro ko.

“So?” tanong niya sa akin na wari naguguluhan

“Wala akong natatandaan na may nakausap ang tatay ng araw na iyon. Abala kami sa paghahanda dahil ang araw na iyon ang bisperas ng kaarawan ni Kuya Ramil.” naramdaman ko ang luhang pumatak sa mga mata ko. 

“Kinagabihan, doon na kami pinasok ng mga tauhan ni Simon. Walang awa nilang pinaslang ang nanay ko kaya nang manlalaban ang Kuya ay binaril din nila ito. Tapos ay ako.”

“After nun, anong nangyari?” tanong ni KC. Ito ang unang beses na detalyado kong kinwento sa kanila ang nangyari ng gabing ‘yon. Tanging si Mama Sandra lang ang nakakalam ng buong kwento at pagkatapos noon ay hindi na yun pinag-usapan pa.

“I woke up. Tinatawag ko si nanay at tatay pati si kuya pero hindi sila sumasagot. Naamoy ko ang gasolina at right there and then nagsisimula ng masunog ang bahay. “

Napasinghot ako at tuluyang napaiyak ng maalala ko ang nangyari. Niyakap ako ni KC habang hinahagod ang likod ko.

“Nagawa kong makatakas at makalabas sa likod-bahay. Hindi ko alam kung paano ko nakayang tumayo at tumakbo kahit na sugatan ako at nanghihina. Nagdilim ang lahat, at ng magising ako, nasa poder na ako ni mama.” pinunasan ko ang luha ko. I thought for years ay natuyo na ito. Na hindi na ako marunong umiyak, but I guess I was wrong.

“Posible kaya na bago nila pinatay ang tatay mo ay nagawa nilang papirmahan ang mga papeles?” tanong ni Ava habang pinag-aaralan muli ang mga kuha sa phone ni Trish

“There’s a possibility Ava. Pero kung ako ang nasa katayuan ng tatay ni Blanca, hinding-hindi ko pipirmahan ‘yan knowing na inubos nila ang mag-iina ko. Hahayaan ko nalang na patayin din ako.” komento ni KC.

“Or maybe, pineke nila ang pirma, posible din ‘yan.”  Trish added. “Anyways nag-send na ako ng kopya nito sa kakilala ko para ma-check kung legal ba. Antayin natin ang resulta.” 

“Salamat sa inyo.” pinilit kong kumalma pero hindi ko sigurado sa mga darating na araw.

“We’re all in this together, sis.” KC assured me. “Hindi ka namin iiwan sa laban mo.”

Bigla ay naalala ko si Tito Alfredo kaya binalingan ko si Ava.

“Ava, try to search info about Alfredo Romano. Baka sakaling may makalkal ka na makakatulong sa misyon.”

“Bagong character?” she asked saka nagsimulang magtipa sa laptop niya.

“Kaibigan siya ni tatay, siya ang pilit kumukumbinsi kay tatay na ibenta ang lupa sa mga Thompson. Hindi pumayag ang tatay ko kaya nagkaroon sila ng alitan.”

kwento ko sa kanila. Huminga ako ng malalim.

“Nakita ko siya sa party kanina. May koneksyon siya sa mga Thompson lalo pa at tinawag siyang uncle ni Marcus.”

“Oh!”  tango ni Ava na nakatutok padin ang mata sa laptop niya. “Bingo!”

Tumayo si Ava at nilapag sa harap ko ang laptop.

“Siya ba ‘yan?” tanong niya kaya sinuri kong mabuti ang larawan na nahanap ni Ava sa system namin. Napatango ako kaya kinuha na ni Ava ang laptop at nag type saka inisa-isa ang mga importanteng detalye tungkol kay Tito Alfredo.

“Half brother siya ni Simon Jones Thompson. Anak ng tatay niya sa labandera nila. Lumaki sa poder ng mga Thompson matapos iwan ng nanay niya. Apat na taon ang tanda ni Simon sa kanya at tinanggap siya ng nanay ni Simon pero hindi pinagamit sa kanya ang apelyidong Thompson ayon sa kundisyon ng babaeng Thompson.

Pakiramdam ko sasabog ang utak ko sa mga impormasyong narinig ko. All the while pinapaikot lang pala niya kami at nagpanggap pa na isang kaibigan.

“Hear this out.” dagdag pa ni Ava. “Nalulong sa bisyo at sugal. Maraming pinagkakautangan hanggng sa nakulong sa kasong murder. Nang makalaya ay napabilang at naging isa sa mga lider ng malaking sindikato sa Maynila kaya hindi siya magalaw. “

“Posible kayang member din ng sindikato si Simon kaya walang mahanap na info si Mama Sandra noon pa?” there is really a possibility since wala talagang makalap na info noon.

“Pasusundan ko ang tao na ‘yan para mas may malaman tayo.” ani Trish hanggang sa mag ring ang phone niya.

“Damian? “ nakakunot noo ito habang kausap ang nasa kabilang linya. “Cge, pupunta kami diyan. “ 

Pagkababa ng phone ay inutusan niya kaming magbihis dahil may lakad kami ngayong gabi. Hindi na kami nagtanong at sumunod nalang sa aming lider.

Nagsuot lang ako ng skinny jeans at shirt na hapit sa aking katawan. Leather boots at jacket ang karaniwang suot ko sa mga lakad na ganito. I checked my gun para siguruhing loaded ito bago ko isukbit sa likuran ko. 

Isang oras din ang biyahe hanggang sa marating namin ang isang gusali na pag-aari ng organisasyon. Nasa tagong bahagi ito sa dulo ng  Maynila at walang nakakapasok na kahit sino dito maliban sa mga miyembro.

Pagbaba ng kotse ay dumeretso na kami sa loob. Nakakalat ang mga tauhan ni Mama Sandra. Siguro ay importanteng tao ang nasa loob. Natitiyak ko na may bihag ang grupo kaya kami nandito ngayon dahil ito ang purpose ng lugar na ito.

‘Kumanta na ba?” tanong ni Trish pero umiling lang si Damian.

“Masyadong matigas, hinahanap ata ang expertise mo.” dagdag pa nito kaya napangisi si Trish.

Hindi lamang lider ng Amor Quatro si Trish dahil magaling din ito sa larangan ng torture. Siya ang lubos na sinanay ni Mama Sandra sa ganitong larangan dahil may mahabang pasensya daw ito. Magaling din si Trish sa long range shooting kaya isa din siya sa best sniper ng grupo kasama ni KC. Ako naman ay sinanay mang-akit ng mga target namin dahil kakaiba daw ang ganda ko ayon kay Mama. Mas gamay ko din ang short range shooting at mahusay din ako sa martial arts.

Mga ungol ang tanging maririnig  pagpasok namin sa building. Palibhasa tahimik sa lugar na ito kaya dinig na dinig kahit konting kaluskos. Mangingilabot ka lalo pag hindi ka sanay pero para sa amin, normal na iyon.

Agad na nilapitan ni Trish ang isang bihag. Nakatali pataas ang mga kamay nila, walang damit pang-itaas at puno ng latay ang mga katawan. Base sa obserbasyon ko matagal nang pinapahirapan ang mga ito dahil sa tuyong dugo na nakakapit sa katawan nila.

“Ano? Ayaw nyo pa din magsalita?” galit na sabi ni Trish saka ibinaba ang telang nagsilbing busal sa mga bibig nila.

“Wala talaga kaming alam, maniwala ka! Hindi namin kilala ang taong kumontak sa amin. Basta ginawa lang namin ang inutos nila!” pagmamakaawa ng isang lalake habang ang isa naman ay nakayuko lang at tila hinang- hina.

“Okay sige, ayaw mo magsalita.” iling ni Trish saka inilabas ang phone niya. May hinahanap siya doon pagkatapos ay iniharap niya sa lalake. Napailing ang lalake at nanlaki ang mga mata.

“Maganda ‘tong anak mo ah. Ipatikim ko kaya sa mga bata ko? Tapos para mas masaya, manonood ka? Okay ba sa’yo yun?” 

“Hayop ka!” sigaw ng lalake “‘wag mong idamay ang anak ko, hayop ka!” malakas na banta nito at sinabayan ng pagwawala pero ang nakakatakot na tawa lang ni Trish ang nangibabaw sa silid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status