Sophia
Isinama ako ni Ma’am Andrada sa isang opisina pagdating ko ng umaga na iyon. I tried to be normal kahit pa hindi ganun ang nararamdaman ko dahil na rin sa sobrang pagkalito ko sa mga ikinikilos ni Sir Hendrix.“From now on, dito ka mag- oopisina. May pupunta dito na magt train sayo para lalong maging malawak ang kaalaman mo.” Ma’am Andrada explained. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko dahil sa totoo lang nabibigla pa rin ako.“Ma’am?” sabi ko dito na may bahid ng pagtataka“Yes, Ms. Angeles? May problema ba?” “Wala po bang sakit si Sir?” nilakasan ko na ang loob ko dahil kailangan kong makahanp ng kasagutan sa mga tanong ko“Sakit? Ano naman ang magiging sakit ni Sir eh ang lakas lakas nga nun?” nagtatakang tanong din ni Ma’am.“Kasi Ma’am, para po siyang may tililing? Hindi po kasi normal yung mga kinikilos niya, lalo na po sa akin!” paliwanag ko dito at medyo hininaan ko pa ang boses ko dahil baka mamaya sumulpot na naman si kabute at mayari ako.Kabute! Tama! Yan ang itatawag ko sa kanya simula ngayon dahil paramg ganun siya.“Bakit ano ba ang kinikilos niya sayo?” Napahinga ako ng malalim at saka ko sinabi lahat kay Ma’am ang nangyari kahapon hanggang kanina.Nagulat ako at natawa pa siya kaya napailing ako. Diyos ko lahat ba ng mga tao dito may sayad?“Mabait si Sir Hendrix. At sa tingin ko, may nakikita siyang espesyal sayo kaya ganun ang ginagawa niya.” paliwanag ni Ma’am pero hindi naman ako naniwala“Ma’ am sa totoo lang po, sinabi niya na gusto niya ako! Hindi po normal yun dahil kahapon lang naman po kami nagkakilala!” kontra ko sa kanya“E kung sinabi niya na gusto ka niya, gusto ka niya. Alam mo kasi yang si Sir, hindi yan mahilig sa pasakalye! Pwes, nasa sayo naman na din yun iha kung gugustuhin mo din siya o hindi!” sagot ni Ma’amNawalan na ako ng pag-asa. Wala na ata akong makakausap na matino sa kumpanyang ito. At mali pa ata ako ng taong nilapitan dahil mukhang kampi naman ito kay Sir.Nagulat kami ng out of the blue ay sumulpot si kabute. Nakangiti pa ito sa akin kaya para talaga akong kinilabutan.“Is everything okay, mi amor?” tanong nito kaya nasapo ko na lang ang noo ko.Diyos ko ano ba talaga ang gustong palabasin ng tao na ito.“Sir magre resign na po ako!” bigla akong napatayo sabay kuha ng mga gamit ko. Hindi ko na talaga kaya. Baka magaya ako sa kabuteng ito na masiraan din ng ulo pag di ako umalis ngayon din“Okay sure!” sagot nito kaya naman napatunayan ko na may sabak talaga ito sa ulo“Aalis na po ako Ma’am.” sabi ko pero hindi naman ito sumagotMagaaply na lang ako sa ibang kumpanya. Hindi ko tatagalan ang ganitong klase ng working environment.“The moment you step out of my company, sisiguraduhin ko na walang kahit anong kumpanya ang tatanggap sayo, mi amor.” Nilingon ko si Kabute saka ko siya tinignan ng masama. “Ano ba talaga ang gusto mo Sir? Sinabi ko naman sa inyo na gusto ko lang mag trabaho. Na may pamilya akong binubuhay! Bakit niyo po gagawin sa akin yun?!” inis kong tanong sa kanya pero nanatili lang itong composed na para bang walang ginagawang malim“ Leave us, Mrs. Andrada!” utos nito at agad namang sumunod si Ma’am. Ni hindi nga ako tinignan“You are now working here! I am giving you the opportunity! And yet you dare to resign?” galit na sabi nito kaya naman nakaramdam ako ng bahagyang takot. Pero hindi naman ako nagpatinag sa kanya“Kaya nga po Sir. Kung gusto niyo po na manatili ako dito, pabayaan niyo po akong magtrabaho ng maayos.” medyo bumaba na ang boses ko kasi kung aalis ako dito wala naman pala akong mapapasukang iba dahil sa banta niya“Wala akong ginagawa mi amor. I’ m just making sure na okay ka dito.” katwiran niya“Isa pa yan sir, utang na loob naman, tigilan niyo po ako sa kaka mi amor niyo!” nakaramdam nanaman ako ng inis kaya hindi ko mapigilang sumigaw.“Ang dami namang bawal sayo! Baka naman pati yakapin at halikan ka, bawal din!” nakangisi niyang sabi kaya naman napaatras ako“ Bakit mo naman gagawin yun?” tanong ko Napaatras uli ako ng unti unting lumapit sa akin ang guwapong kabute! Ay pucha! Saan naman galing yung gwapo?Dead end! Naramdaman ko na ang pader sa likod ko kaya naman wala na akong mapuntahan. Inilagay ni kabute ang dalawang kamay niya sa gilid ng mukha ko kaya para niya akong kinulong.“Hindi ba sinabi ko na sayo, na gusto kita. No! I have been loving you for so long! Hinayaan kitang maabot mo muna ang pangarap mo at ngayong narating mo na ang gusto mo, pwede mo na siguro akong isali sa buhay mo?”Ewan ko ba at bakit pakiramdam ko nangangatog ang tuhod ko sa ganitong ayos namin pati narin sa pinagsasasabi niya. Napaisip tuloy ako. Matagal na ba niya akong kilala? “Hindi kita maintindihan?” nag angat ako ng paningin at nakita ko ang magagandang mata niya na nakatitig sa akin.Our gazes locked. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kumakabog ang dibdib ko. Kanina naiinis ako pero bakit ngayon, kinakabahan ako.Hinaplos niya ang pisngi ko pero hindi ko magawang kumurap. Hanggang sa unti unting bumaba ang mukha niya sa akin. Hahalikan niya ako. Kailangan kong tumanggi. Kailangan kong umiwas. Pero bakit nanigas ata ang katawan ko.Tok! Tok! Tok!“S**t!” pagmumura ni Hendrix. Tumingin uli siya sa akin at akmang hahalikan ako pero bahagya ko na siyang tinulak.“ Kabute may tao!” sa sobrang lito ng isip ko at idagdag pang may katok ng katok sa labas kaya yun ang nasabi ko. Napapikit nalang ako sa katangahan ko.“Kabute?” takang tanong ni Sir pero tinulak ko na siya. “ May tao nga!” pinandilatan ko ito ng mata kaya naman natawa lang siya.Umupo ako sa upuan ko saka inayos ang sarili habang binuksan naman ni Kabute ang pinto.“ Ano bang meron at ang tagal buksan ang pinto?” nakataas ang kilay na sabi ng babaeng pumasok.Matangkad ito, morena at may maiksing buhok. Naka bodycon dress ito na hapit sa katawan at masasabi ko na bagay sa kanya iyon. Maganda siya pero mukhang m*****a.Nagpalipat lipat pa ang tingin niya sa amin kaya pinamulahan tuloy ako ng mukha. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa isip niya kaya mas pinili ko na lang yumuko.“Coleen, this is Sophia. Turuan mo siya sa mga dapat niyang malaman. Train her to be the best!” utos ni kabute sa tinawag niyang Coleen“Oh!! So she is the Sophia!” nakangiting sabi ni Coleen kaya napa angat ang ulo ko mula sa pagkakayuko.“Aalis na ako. Take care of her!” bilin pa nito“Bye!” sabi naman nito pagkatapos ay tumingin sa akin“ You really are damn beautiful!” sabi ni Coleen kaya agad akong napatayo“Ms. Coleen, sorry po. Pero po baka matulungan niyo po akong maka alis dito! Tinatakot po kasi ako ni Sir!” sumbong ko ditoNgumiti lang naman siya saka naupo sa upuang nasa harap ng mesa ko.“ Natatakot ka ba sa pinsan ko?” tanong niyaDiyos ko! Talaga ba? Mag pinsan pala sila? Nanghihina akong napaupo sa upuan dahil mukhang lahat ng tao sa paligid ko ay kabilang sa Team Kabute. May aasahan pa ba ako? Nakalimutan kong pag aari nga pala niya ang kumpanyang ito so malamang lahat dito, under niya.“Di naman na po kasi normal ang ginagawa niya, Ms. Coleen.” napilitan na akong magsabi dahil nasimulan ko na“ Well, ganyan talaga si Hendrix. I mean, sa pagiging negosyante niya, hindi uso sa kanya ang mabagal. Hindi pwede sa kanya ang mahina. He is not into beating around the bush.” paliwanag niyaNanatili lang naman akong nakayuko at nakikinig sa kanya.“Kapag sinabi niyang he is into you, totoo yun. Dahil si Hendrix, hindi ko pa yan nakikitang mag-effort sa babae. Kadalasan babae ang lumalapit sa kanya!” kwento nito“ Dapat ko bang ikatuwa yun?” napailing ako sa sinabi ni Coleen“Nasa sayo naman yan. I advice you Sophia, kilalanin mo si Hendrix, malay mo magustuhan mo din siya! Kung hindi naman, I think matatanggap naman niya iyon. But for now, why don’t you give him a chance! Pwede ba?” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Ms. Coleen. “Okay! Enough of Hendrix. Let’s go. May pupuntahan tayo!” aya niya sa akin“Saan po?” tanong ko habang inaayos ang gamit ko sa bag“Hey! Hindi pa ako matanda para mag po ka okay! I’m only 28. Just call me Coleen.” sabi niya in a friendly voiceTumango naman ako! Mukha namang mabait si Coleen. Kahit papano may makakausap akong matino at sa tingin ko naman makakasundo ko siya.Sumakay kami ng executive elevator pababa sa basement. Sumakay kami ng kotse niya at saka umalis sa kumpanya.SophiaIsinama ako ni Coleen sa isang showroom na panay designs ng Bella ang nakadisplay.Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng mga damit. Umasa ako na sana isang araw makasama dito ang mga desgns ko.“Ang gaganda nila Coleen!” masayang sabi ko habang isa isang hinihipo ang mga damit. Pati ang mga tela nila ay hindi basta basta kaya naman hindi din basta basta ang presyo ng mga ito.“Draw your inspiration from this, Sophia. By the looks of it alam mo na kung anong klaseng mga damit ang nasa production ng Bella.” sabi nito Hinayaan ako ni Coleen na maglibot. Panay naman ang kuha ko ng mga detalye ng damit para kahit papano magkaroon ako ng idea. Isang oras ang ginugol ko doon para mapagaralan ang mga damit. “Okay ka na?” tanong nito ng lumapit ako sa kanya“Oo Coleen, maraming salamat!” sabi ko ditoBumalik na kami sa kotse at pinaandar niya ulit yon. “I saw your designs and I’m impressed! Tama si Hendrix, magaling ka at malaki ang potential mo.” masayang sabi sa akin ni Colee
SophiaUmuwi ako bandang alas-singko ng hapon pagkatapos ng office hours. Nagulat pa ako dahil may ibinigay sa akin si Ma’am Andrada na damit at sapatos. Ang bilin daw ng Kabute ay hintayin ko siya at susunduin niya ako. Naligo na ako pagdating ko sa apartment. I blow dried my hair at saka naglagay ng konting make up. Nasanay na ako maglagay ng ganito since nagtrabaho ako bilang waitress at required kasi iyon. Maganda ang kulay itim na gown na pinapasuot sa akin ni Kabute. Bagay na bagay din dito ang sapatos na 3 inches ang takong. Kulay pula iyon at sobrang kumportable sa paa.Itinaas ko ang buhok ko at hinayaang nakalugay ang ilang hibla. Nagwisik ako ng konting pabango. Regalo ito sa akin ni Trevor nung nakaraang Pasko. Nang makuntento na ako ay naghintay na ako sa sala sa pagsulpot ni Kabute. May purse na kasama ang gown. Sakto lang para sa lipstick at powder ko pati na ang phone. Kinuha ko na ito at sakto paglabas ko ng kwarto sy tumatawag na si Kabute.Hindi ko na iyon sinagot
SophiaNakatambay kami ni Kabute sa harap ng bay area pagkatapos naming umalis sa venue ng Fashion Show. Nadaanan namin ito at hiniling niya na huminto muna kami para makapag usap. Hindi naman kami bumaba ng kotse at hinayaan niya lang na bukas aircon at makina ng sasakyan.Nakatingin lang kami sa kawalan. Hindi naman siya nagsasalita kaya nanatili na lang din na tikom ang bibig ko. Kung may gusto siyang sabihin mauna na siya.“Seloso ako pagdating sayo, and I admit that!” napatingin naman ako sa mukha niya dahil sa biglaang pagsasalita niya“Pwede bang ipaliwanag mo sa akin ang nangyayari? Kasi hindi ko talaga maintindihan at para sa akin hindi normal.” tanong ko sa kanya dahil talagang gulong gulo na din ako“Matagal na kitang kilala, mi amor. Yun ang dahilan kung bakit palagi kong sinasabi na I am longing for you. I just want you to know that I exist.” umpisa niya“ Paano? Bakit ako hindi kita kilala?” usisa ko“ Nakita kita sa club ni Jakson Hernandez. Business partner ko siya sa
SophiaWala akong nagawa sa pagbuntot sa akin ni Hendrix mula sa simbahan hanggang sa palengke. Hindi ko naman magawang itaboy siya dahil nga sa pakiusap niya noong nagdaang gabi.Buhat ng malaman ko ang nangyari noong nakaraan ay nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Kung tutuusin, wala ka ng hahanapin kay Hendrix. Nasa kanya na ang lahat ng pangarap ng babae sa isang lalake. Naisip ko na bakit nga hindi ko hayaaang magkakilala kami ng lubos. Mukha naman siyang mabait. May mga ugali lang talaga siyang hindi ko gusto pero siguro naman, kung talagang sersyoso siya, mababago niya iyon.Isa pa, hindi pa ako pwedeng magmalaki ngayon. Kailangan ko ang trabaho ko at hanggang nagkakasundo kami, safe ang posisyon ko. Bonus nalang siguro kung magugustuhan ko din siya.‘choosy ka pa girl?’ sabi ng isip ko pero hindi ko na lang iyon pinansin“Mi amor, next time, sa grocery tayo mamili. Ang hirap dito sa palengke. Ang baho na tapos ang putik pa!” raklamo niya sa akin“Hindi ako mayaman para sa gr
SophiaNagpaalam naman na si Hendrix matapos ang tanghalian namin. Sumabay na din sa paglabas nito si Trevor kaya kahit papano ay nakahinga na ako ng maluwag.Pagtapos kong magligpit ay pumasok na ako sa kwarto para maidlip sandali. Wala naman akong gagawin ngayon at parang masarap matulog muna.Alas singko na ako nagising. Bale naka tatlong oras naman ako ng tulog kaya ang gaan ng pakiramdam ko. Naligo muna ako at nagsepilyo dahil balak kong puntahan ang Mama ni Trevor sa kabilang bahay. Matagal tagal na din kaming hindi nakakapag kwentuhan.Paglabas ko ng pinto ay nagtaka ako dahil nasa labas pa rin ang kotse ni Hendrix. Nakaramdam ako ng kaba kaya lumabas ako at sinilip ang loob. Wala namang tao kaya agad kong kinuha ang phone ko. I dialled his number pero ring lang ito ng ring. Nakarinig ako ng tawanan sa tapat ng bahay nila Trevor at ng makalapit ako ay nakita ko si Hendrix na nakyukyok sa lamesa. May mga tumbang alak sa harap nila. Kasama niya sa lamesa si Trevor na lasing na
Sophia“Ma’am nandito na po tayo!” sabi ni Mang Fidel. “Nasa parking lang po ako Ma’am. Aantayin ko po kayo!”Sinilip ko ang lugar kung saan kami huminto. Isa itong salon kaya hindi ko naman maintindihan kung ano ang gagawin ko dito.Bumaba ako ng kotse at naglakad patungo sa entrance. Agad naman akong binati ng babae na sumalubong sa akin sa reception.“Good afternoon po, ipinadala po ako ni Ma’am Andrada. I’m Sophia Angeles po.” pagpapakilala ko sa sarili ko.“Ah yes po Ma’am. Antay lang po tatawagin ko po ang magaassist sa iyo.Inangat niya ang telepono at may kinausap. Hindi naman nagtagal ay lumabas ang isang beki na mas sexy pa atang lumakad sa akin.“Halika ka, ganda! Lalo pa kitang papagandahin!” sabi nito sabay hila sa pulsuhan ko. Kamag-anak kaya ni Hendrix ito at panay ang hila?Dinala niya ako sa isang kwarto saka binigyan ng robe, underwear at twalya.“Mag shower ka muna para makapagsimula na tayo!” Utos nito sa akin kaya naguluhan ako“Teka muna! Bakit ako magsh shower?
HendrixI caressed Sophia’s face while looking at her intently. She is so beautiful and innocent and that is enough to make me crazy for her for years. Never did I imagine that I will feel this towards a woman. Bata pa siya noon when I first saw her. My friends keep on teasing me dahil sa dinami dami daw ng babae ko bakit sa isang bata pa ako nagkagusto.Well age is just a number. Hindi naman halata na 10 years ang gap namin. Kayang kaya ko pang makipagsabayan sa mga manliligaw niya na kaedaran niya.And it made me happy ng malaman ko na ni isa sa mga ito ay wala siyang nagustuhan. According to Jackson, he is a man hater. But I didn’t mind! Sa iba, she can hate them all she wants but with me, hindi pwede. She is mine! Mine alone!I can see that she is scared sa pwedeng mangyari sa amin this night. I have been holding myself back since last night when I got drunk dahil ayaw ko siyang pwersahin. Kissing and hugging her will be enough for me, for now!Ni hindi na nga ako tumikim ng ibang
SophiaMabigat ang katawan ko ng magising ako ng umaga. Nandito pa rin kami sa yate ni Hendrix at naalala ko na may pasok pala ako ngayon. Pinilit kong bumangon pero nakaramdam ako ng hilo at sakit ng ulo. Masakit din ang katawan ko pati na ang gitna ko.Tinakpan ko ang mukha ko ng maalala ang nangyari kagabi. Hendrix took my virginity at wala akong pinagsisisihan dahil ginusto ko naman ito. Hindi niya ako pinilit kaya kung ano man ang mangyari at kalabasan noon ay tatanggapin ko.Naalala ko na nakatulog ako ng ilang oras pero naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang mabining halik ni Hendrix sa balikat ko.Hindi pa daw siya natutulog at binantayan ako. Natawa pa nga ako dahil halata namang inaantok na ito.“Bakit mo naman ako kailangan bantayan?” tanong ko pa sa kanya “I’m scared that if I close my eyes, you will leave.” Grabe lang sa pagka OA itong tao na ito.“Matulog ka na.” sabi ko dito saka ako yumakap sa kanya. Nagtama ang paningin namin and he kissed me. Hanggang sa may maga