Share

Chapter 4: Siya si Black Lady

Kathnisse's POV

Tumambad sa akin ang napakataas na building nang makababa kami ng kotse ni Alejandro.

Nasaan kaya kami?

"Let's go." Aniya at nauna nang maglakad papasok sa building.

Sumunod ako sa kanya at panaka-naka akong napapalingon sa paligid, may ibang nakakunot noong nakatingin sa akin at may iba namang matipid na nakangiti sa akin. Kaya kahit na hindi ko sila kakilala ay ngumiti nalang ako ng pilit.

"Alejandro? Nasaan ba tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang sinasabayan ang malalaking hakbang nito, "at teka lang, pwede bang liitan mo lang ang hakbang mo?"

"Ang liit mo kasi." Bulong nito.

Napanguso ako, "hindi ako maliit, mas matangkad ka lang sa akin." Napairap ako at pinilit nalang na sabayan ang paglakad niya.

Hindi na ito nagsalita kaya tahimik na lamang kaming naglalakad hanggang sa nakapasok na kami sa elevator, nasa lima lang kami ang lulan nito. Sa pinakagilid ako pumwesto, tumabi naman si Alejandro sa akin.

Mabuti naman at hindi na masyadong kumikirot ang t'yan ko at hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon kasama si Alejandro. Hindi dapat ako narito kasama siya. Dapat pagkatapos niya akong ipagtanggol kanina ay nakauwi na ako, ngunit heto ako at kasama siya. Ayaw naman niya kasi akong ihatid sa paradahan ng traysikel kaya paano ako makakauwi? Basta nararamdaman ko lang na mapagkakatiwalaan ko siya kaya hindi na rin ako tumutol pa sa kanya kanina at wala rin naman akong magagawa kahit pa tumutol ako. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin namin dito.

"Come on." Aya nito sa akin.

Napaangat ako ng tingin nang magsalita ito, nakabukas na pala ang pintuan ng elevator at nasa labas na siya kaya dali-dali akong lumabas. Nakakahiya! Nakasunod lang ako ulit sa kanya at maya-maya pa ay huminto ito sa paglalakad, sumilip ako mula sa likuran niya at nakita kong may ni slide siyang parang ATM card. Hindi ko inaasahan ang paglingon niya sa akin kaya napaatras ako.

Napatitig ito sa akin, "para kang bata."

Hindi ko na lamang siya pinansin, pumasok siya sa loob at ini-on ang ilaw. Sumenyas siyang pumasok na ako kaya malugod ko namang sinunod iyon, napatingin ako sa kabuuan ng lugar, ang simple lang pero maganda.

Condo niya ba 'to?

"My condo." Tipid na wika nito.

Napatango-tango naman ko sa kanya, ni lock niya ang pinto.

"Ano bang gagawin ko rito? Pwede na ba akong umuwi?"

Tumalim ang titig niya sa akin, "You can't. Just rest here."

Matutulog lang naman ako rito at wala naman kaming gagawing ibang bagay kaya wala naman sigurong masama doon, hindi ba?

"Maraming salamat ulit sa pagtulong mo sa akin, kung hindi ka dumating baka ano na ang nangyari sa akin. Hindi ko talaga alam ang gaga--"

"Yeah, right." Putol nito sa akin.

Hindi niya man lang ako pinatapos.

"O-okay. S-saan ako matutulog?" Takang tanong ko.

Ang mga mata ko ay hindi napirme sa isang sulok. Ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganito kagarang Condo..mali! Ngayon lang ako nakapasok sa isang Condo.

Lihim akong napangiti, hindi ko lubos maisip na makakapasok ako sa isang Condo. Ang sabi nga ng Nanay ko noon, "walang imposible at kung para sa'yo, ay para sa iyo talaga."

Tumikhim siya, "come in." Aniya at sumunod ako sa kanya.

Pumasok kami sa isang kwarto, agad na pinagmasdan ko ang paligid. Leather na sofa na malaki, may babasaging maliit na mesa, sa harapan nito at may malaking flat screen TV. Ang kama naman ay malaki rin, sa tansya ko ay kasya ang limang tao roon! Itim ang pillow case ng malalaking unan, itim na comforter, may lampshade din sa gilid. Ang mga kurtina ng kwartong ito ay kulay puti naman.

"My condo only have one room, so, we'll share in the bed." Balewalang wika nito.

Nanlaki ang mga mata ko, "d-dito nalang ako sa malaking sofa, kasya naman ako d'yan."

"Left or right?"

"Ha?"

"Which side of the bed do you prefer? Left​ or right?" Tila naiinis na tanong nito.

"S-sa sofa nalang nga ak--" napalunok ako sa talim ng titig niya sa akin, "l-left." Nag-iwas ako ng tingin.

Naglakad ito at may binuksang malapad na sliding door, mga damit niya pala ang laman no'n. May kinuha siyang puting damit at boxer.

"Do you have spare clothes?" Tanong niya habang hinuhubad ang sapatos, napatango ako sa kanya, "that's the bathroom," turo niya sa puting pintu'an, "here, that's new." Inihagis niya sa akin ang puting tuwalya. "Go clean yourself and sleep, I'm fucking tired."

Bakas nga sa mukha niyang pagod na ito kaya tumango na ako at pumasok na sa loob ng banyo dala ang bag ko, mabuti na lamang at palagi akong may dalang isang pares ng damit. Minsan kasi naaaya akong matulog sa bahay ng mga kaibigan ko kapag masyado na akong pagod kaya nakasanayan ko nang magdala ng damit, 'yon nga lang, isang pares ng undergarments na kulay itim, cotton shorts at puting sleeveless ang dala ko.

Mabilis akong naligo at tinuyo ang katawan ko bago magbihis, nang matapos na ako ay lumabas na ako ng banyo bitbit ang suot kong damit kanina. Wala na sa loob ng kwarto si Alejandro nang makalabas ako, baka nasa labas siya? Umupo na lamang ako sa kama niya. Sobrang lambot nito, inilapag ko ang bag ko at itiniklop ang suot kong damit kanina.

"Just put it here."

Napalingon ako kay Alejandro, halatang bagong paligo rin ito dahil sa basa nitong buhok. May dala-dala itong maliit na itim na basket at medicine kit, napatingin naman ito sa kabuuan ko at nag-iwas ng tingin.

Napalunok ako nang makita kong tanging boxer lang ang suot niya. Ang g-ganda ng katawan niya! I bit my lower lip.

"Ganyan lang ang suot mo?" Naiilang na tanong ko.

"Yes, and?" Sagot nito.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Just put your dirty clothes here," turo niya sa itim na basket, "ipapalaundry ko para may suotin ka bukas pag-uwi mo."

Hindi na ako nagprotesta pa at inilagay ko doon ang mga damit ko, umupo naman siya sa tabi ko at kinuha ang bag ko at inilagay sa mesa sa gilid ng kama niya. Napaatras ako kase nakabalandra ang katawan niya sa harap ko at sobrang lapit niya sa akin.

"I will put some ointment on your face." Aniya Kinuha ko ang unan at inilagay sa hita ko bago mag-indian sit, "tie your hair."

Naiilang kong sinunod ang utos niya, binuksan niya ang isang ointment at nag-umpisa nang lagyan ang pisnge ko kung saan ako sinampal kanina. Ang lamig sa balat!

Seryoso lang ang mukha nito habang nilalagyan ng ointment ang pisnge ko, ako naman ay mataman lang na nakatitig sa kanya.

Nakatitig talaga? Nag-iwas na lang ako ng tingin, hindi rin naman nagtagal ay natapos na rin ito sa paglalagay ng ointment sa pisnge ko.

"You can rest now." Aniya at sinalubong ang tingin ko nang napatingin ako sa kanya, "wait! Your tummy." Aniya.

Umiling naman ako, hindi naman na siya ganoon kasakit kaya okay lang kahit huwag nang malagyan ng ointment.

"Salamat, Aled." Ngumiti ako sa kanya.

Ang haba ng pangalan niya kaya Aled nalang ang itatawag ko sa kanya. Hindi naman siguro siya magagalit.

"What did you just called me?" Kunot noong tanong nito.

Gwapo sana bingi naman.

"Walang ulitan sa bingi." Ngumisi ako sa kanya.

Nagsalubong naman ang mga kilay nito. Nakatalikod akong humiga sa kama niya at kinumutan ang sarili ko hanggang leeg.

"Goodnight, Aled."

3rd Person's POV

Mag-aalas singko na ng umaga ngunit hindi pa rin makatulog si Alejandro, paano naman siyang makakatulog kung may maganda at seksing binibini siyang katabi?

Matagal na rin ang huling araw na may nakatabi at may dinala siyang babae sa condo unit niya, at ni minsan hindi pa siya nag-alaga ng ibang babae.

He never imagined his self taking care of someone he barely knew and to think na pinatulog pa niya ito sa condo niya? That's new to him and hindi niya iyon gawain! But why the hell he did that? That's something that he needs to know.

Ilang beses rin pumapasok sa isip niya ang itsura ng babae kapag ngumingiti ito. Pati ang pagtawag nito kanina sa pangalan niya.

"Aled? I'm Aled to her?" Aniya.

Nilingon niya ang babaeng katabi, her name's Kathnisse and she's working in a high end club, 'yon lang ang tanging alam niya sa babaeng katabi, aside from that? Wala na.

Biglang napakunot ang noo niya ng may makita siya sa kanang bahagi ng leeg nito, she has a freaking hickey on her left neck!

Biglang nanumbalik ang nangyari kanina sa Club, that hot dancer!

The way she moves her body...ugh! Fuck!

Hindi na napigilan ni Alejandro ang paghaplos sa kanang leeg ng babaeng katabi, hinaplos niya mismo ang maliit na namumula sa balat niya. He smirked.

Bigla siyang napaatras ng gumalaw si Kathnisse paharap sa kanya at hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ng babae, dumantay ang paa nito sa legs niya, ang isang kamay naman nito ay nakayakap sa hubad niyang katawan and her face, damn it! Her face is just inches away from him, his lips are partly open, too.

Ginawa siya nitong unan!

"Damn, girl!"

Matagal na siyang nakasubaybay sa babae mula sa malayo tuwing nasa club siya, hindi niya alam kung bakit interesado siya sa babae. Ang alam niya lang ay nakuha nito ang atensyon niya. May hinala rin itong siya ang binansagang Black Lady ng club. Hindi pa kumpirmado pero ramdam niyang iisa lang si Kathnisse at si Black Lady. Ngayong nakita niya na ang iniwan niyang ebidensya sa leeg nito kanina nang sumayaw ito, sigurado na siya na iisa lang si Kathnisse at si Black Lady.

Hindi niya inaasahan na lalapitan siya kanina ng babae habang sumasayaw ito. Pinipigilan niya ang sarili na huwag itong hawakan dahil alam niyang bawal ito, pero, hindi na niya napigilan ang sarili. At sa ginawa niya kanina ay sigurado na siyang iisa lang sila ni Kathnisse.

Maingat niyang inangat ang ulo ni Kathnisse para ipaunan sa braso niya. Napatitig ito sa mukha ni Kathnisse. She's beautiful. Really beautiful. Bumaba ang kumot hanggang hita ng babae kaya malaya itong nakatingin sa katawan ni Kathnisse na nakadikit na sa katawan niya. He groaned.

Napamura ito sa isip niya. Mukhang sasakit pa ang puson niya ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status