hi guys please follow me kung nagustuhan niyo po ang story ko salamat.
Rafael’s POVNang makarating ako sa condo ni Lalaine matapos kong umalis sa reception ng kasal namin ni Angela. Ay nadatnan kong nakaupo si Fernan sa sofa. Balisa siya at bakas ang pagkalugmok niya. Napansin ko kaagad ang video ni Lalaine sa flat screen TV at duon natuon ang attensyon ko.“Hi Love! Nandito ulit ako sa hospital. Alam mo magiging proud ka sa akin. Nakaya ko yung masasakit na medical exams…”Garalgal ang boses niya nakita ko ang pangingilid ng luha niya. Kuha ‘yon two years ago dahil sa date na nakalagay sa video. “Kaya lang ang sakit pala. Hindi ko ma-imagine ang pinagdadaanan ng mga batang nagkaroon ng brain tumor na gaya ko. Gusto ko sana hawak ko ang kamay ko habang kinukuhanan ako ng sample para mabawasan ang sakit. Pero don’t worry kapag na-operahan na ako pwede na akong bumalik diyan. I missed you. I’m sorry kung hindi ko sinabi sayo ang totoo. Alam ko kung gaano mo ako kamahal kaya natakot ako na baka masaktan ka ng dahil sa akin. Kapag gumaling na ako sasabihin
Rafael POV Papasok na ako sa hospital kung saan dinala si Lalaine. Naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kwarto niya. Habang papalapit ako ay mas lalong bumibigat ang paghakbang ko. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at kung ano ang magiging reaction ko kapag nakita ko na siya. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero handa kong tangapin ang hinanakit niya, mapatawad niya lang ako at mabawasan ang nararamdaman niyang sakit. Nasa tapat na ako ng pintuan ni Lalaine nang biglang magbukas ang pinto. “T-tita.” “Rafael? Anong ginagawa mo dito?” Kunot noo na tanong ni Tita. Hindi niya kasi alam na susunod ako dito. “I want to see Lalaine.” “Hindi ka na dapat nagpunta dito. Ayaw niyang makita mo ang kalagayan niya.” Hinila niya ako malayo sa kwarto ni Lalaine. “Rafael mas makakabuti kung hindi mo na siya makita sa ganung kalagayan. Dahil yun ang gusto niya at hiling niya.” Nag-umpisang mamula ang mga mat
Angela’s POVDalawang linggo na mula nang umalis si Rafael. Niyaya ako ni Lola na sundan si Rafael sa Canada pero hindi ako pumayag. Gusto kong bigyan siya ng oras para sa babaeng mahal niya at hinanda ko na rin ang sarili ko sa magiging desisyon niya pagbalik. Palagi na lamang akong sinasamahan ni Lola sa mall or kahit saan para siguro maaliw ako paminsan-minsan. Tinuturuan din niya ako sa pagbuburda kaya minsan hindi ko namamalayan na nakakatapos na pala ako kahit isang maliit na bulaklak. Kahit abala pa siya sa maraming negosyo, maraming mapagkakatiwalaan si Lola na tumutulong sa kanya habang wala pa si Rafael.Matiyaga parin akong naghihintay sa kanya kahit walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik. Hindi ko alam kong bakit ko rin natitiis ang ganito na maghintay na lamang kahit may karapatan na naman ako sa kanya. Alam ko kasi ang katotohanan na sa papel lang ang kasal naming dalawa at kahit kailan hindi niya ako magagawang mahalin. Masakit, akala ko okay lang sa akin ang nan
Angela’s POVMaaga akong gumising upang paghandaan ang pag-alis namin mamaya. Kailangan din kasi ni Lola umalis patungong Macau, dahil nagkaroon daw ng emergency meeting doon kasama ang ibang shareholders ng kanilang negosyo. Nag-aalala na rin ako dahil baka bumagsak ang kalusugan ni Lola. Pero sinigurado niyang magiging okay siya at babalik din agad siya. Pag natapos na ang problema doon.“Lola, sigurado po ba kayong kaya niyo na?” Nag-aalalang tanong ko.“Oo apo, ako na ang bahala. Alam ko naman na miss na miss mo na ang mga tao sa ampunan pero umuwi ka din dito dahil baka umuwi si Rafael.” Paalam niya sa akin. Niyakap ko siya at pagkatapos ay sumakay na siya sa kotse. Inihabilin ko din siya sa private nurse na wag na wag siyang pabayaan. Nangingilid ang luhang kumaway ako sa kanya habang papalayo ang sinasakyan niya. Napakabait ni Lola, hindi siya kagaya ng ibang mayayaman na mataas ang tingin sa sarili. Kahit hindi ko hinihingi ay binibigay niya. Binigyan niya rin ako ng black car
Angela’s POVKasabay ng pagbagsak ng hawak ‘kong bote ng tubig sa lupa ay ang paglambot ng binti ko. Napahawak ako sa katawan ng puno. Napapikit ako, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko naman siya kaano-ano pero bakit malaki ang epekto ng masamang balitang yun sa akin. Naging maagap silang daluhan ako na makatayo.“Are you okay?” Nag-aalalang tanong nila. Tango lang ang naging sagot ko.“Kailangan na nating umalis.” Seryosong saad ni Bernard ngayon ko lang sila nakitang sumeryoso ang mukha. Kahit hindi nila sabihin alam ‘kong apektado din sila sa pagkawala ni Lalaine dahil na rin siguro kay Rafael. Nagpaalam agad kaming umalis at babalik na lamang sa ibang araw. Tahimik kaming nakasakay sa helicopter. Narinig kong kausap ni Bernard si Xandro tungkol sa nangyari. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil wala akong lakas ng loob. Nang makalapag na kami sa mansyon ay nagpaalam na agad sila sa akin. Nagmamadali silang umalis pagkatapos nilang magbilin na magpahinga ako
Rafael’s POVSunod-sunod na katok ang nagpagising sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa headboard ng kama at sumandal. Napahilot ako sa aking sintido kasabay ng pagpintig sa sakit ng ulo ko. Nasa kama na ako. Napakunot ako ng noo dahil wala akong saplot sa katawan kahit isa. Anong nangyari? Bakit ako naririto? Bakit ako walang damit? Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi pero lalo lang sumasakit ang ulo ko.“Rafael! Rafael!” Sigaw sa labas ng kwarto ko. Isang malakas na lagabog ang nagbukas ng pinto. Kaya doon natuon ang atensyon ko.“What the f*uck!” Gulat na sigaw ni Xandro. Sigurado akong siya din ang may pakana kaya nabuksan ang pinto. Nasa likuran niya si Bernard at Iñigo na pinasadahan ako ng masamang tingin.“Kaya pala hindi ka magising kahit anong tawag namin dahil siguradong inumaga ka na ng bunot. Akala namin ay kung ano na ang ginawa mo at sinabi ng manager sa bar ko na nagkagulo daw kagabi dahil sayo. Kasama mo pa si Maymay!” Singhal niya sa akin.“What happen? Nasaan si
Angela’s POV Mabigat ang aking katawan nang umalis ako sa mansyon. Matapos ng nangyari sa amin ni Rafael. Nang pigilan niya akong umalis at sinabi niyang mahal niya ako ay naging marupok akong tugunin ang biglang pagkabig niya sa akin at paghalik. Matagal bago nagproseso sa utak ko ang mga nangyari nagtagpuan ko na lang ang aking sarili sa ilalim niya at pareho kaming walang saplot sa katawan. Matinding sakit ang naramdaman ko nang tuluyan niya akong maangkin. Pagkatapos ng nangyari sa amin ay tinuloy ko pa rin ang pag-alis dahil alam kong nagawa lang niya yun dahil sa kalasingan niya. Gaya nga ng sinabi niya, kahit kailan hindi ko mapapalitan si Lalaine. Wala akong pinagsisihan dahil ginusto ko ang nangyari sa amin. Dala na rin siguro ng pangungulila ko sa kanya at sa nararamdaman ko kaya hinayaan ko siyang may mangyari sa amin. Umaasa akong matagpuan rin niya ang sarili niya sa pag-alis ko. Umaasa akong makabalik siya sa dating sarili at malagpasan ang sakit na dinulot
Rafael's POVPagkatapos nilang umalis ay tumayo na ako at nagbabad sa ilalim ng malamig na tubig sa shower. Tumitibok pa rin sa sakit ang ulo ko kaya uminom ako na rin ako ng pain killer. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng damit. Lalabas na sana ako ng pinto nang pagbukas ko ay bumungad sa akin ang galit na mukha ni Lola. Napansin ko ang kapirasong papel na hawak niya.“Where’s Angela?” Sigaw niya sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit sa akin.“Pina-alis ko na siya grand—“Naputol ang pagsasalita ko nang bigla niya akong sampalin. Napahawak ako sa aking pisngi.“Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo sa kanya hindi ko na sana siya ipinakasal sa’yo!” Galit na singhal niya sa akin.“Grandma, ano ba nakita mo sa babaeng yun at gustong-gusto mo siya? Hindi mo nga alam kung sino ang mga magulang niya diba? Bakit parang mas mahal mo pa siya kaysa sa akin?”Nangilid ang mga luha niya habang nakatingin sa akin.“Mahal? Kung hindi ko iniisip ang nararamdaman mo pinakaladkad na