Share

CHAPTER 3: ROMANTIC COVER UP

KUNG SANA ay kaya lang nitong sabihin kay Noah ang buong katotohanan ay baka sakaling may magbago pa, baka sakaling magbago pa ang isip nito ngunit hindi pwede.

Tulad nang sinabi nito kanina, ayaw niyang ipagdamot ang kaligayahan nitong alam niyang tanging si Ella lamang ang makakapagpuno.

Mas pipiliin niyang manatiling manhid sa sakit na nararamdaman. Wala man itong ideya kung paano maglalaho ang bigat na namamayani sa kaniyang dibdib pero kailangan niyang kayanin iyon alang-alang sa ikasasaya ni Noah…kahit pa sabihing, hindi na siya ang dahilan ng ngiti sa mga labi nito.

Mauupo na sana si Nicole nang muling magsalita ang asawa, “Kilala ko ba siya?”

Natigilan ito sa kinatatayuan. “A-Akala ko ba gusto mong kalimutan ko na siya? Bakit inulit mo na naman ang tanong?"

Bumuntong-hininga si Noah bago napailing na para bang may na-realize ito sa nasabi.

“Huwag mo na lang isipin ang tanong ko. Ang mahalaga nagkausap na tayo tungkol sa annulment ng kasal natin. Akala ko magiging mahaba ang usapan nating dalawa pero hindi naman pala." Kinuha nito ang bag saka muling humarap sa kaniya. “By the way, I'll be gone for a week or two for an urgent business conference. Hindi ka ba mahihirapan kapag iniwan kitang mag-isa sa mansyon?"

Muntik na nitong abutin ang braso ni Noah ngunit pinigilan nito ang kaniyang sarili.

Wala na siyang natitirang lakas ng loob para hilingin ang presensya ng asawa. Malinaw na sa kaniya ang nangyari at mangyayari sa susunod na mga araw.

He'll just panicked and resist like a bird trapped in a cage if she'll try to stop him.

Nang makasigurado itong nakaalis na ang asawa ay naiwan siyang tulala sa harapan ng dining table. Mayamaya pa ay tahimik niyang binalikan ang trash bin at kinuha ang gusot-gusot na pregnancy test result.

Inilapag niya ang papel sa mesa at maayos na ibinuklat. Muli niyang binasa ang nakasaad doon hanggang sa hindi nito napigilang himasin ang tiyan. Wala pang mahahalatang umbok doon pero alam nito sa puso't isipan niyang hindi lamang siya ang mangungulila sa hiwalayang magaganap.

"Pasensya ka na, baby. Mukhang mabubuhay ka sa mundong hindi buo ang pamilya,” kausap niya sa anak.

Makailang beses din nitong hinimas ang tiyan hanggang sa mapahawak na lamang ito sa kaniyang sintido dahil sa pabugso-bugsong pananakit ng ulo. Kanina niya pa ito nararamdaman at para bang bumibigat na rin ang mga galaw nito, epekto marahil ng kaniyang pagbubuntis.

Walang nagawa si Nicole kung hindi bumalik ng kwarto. Kahit kasi anong gawin nito ay hindi siya komportable sa nararamdamang pagbabago sa kaniyang katawan, kasama na rin doon ang pagiging sensitibo niya sa maraming bagay na mukhang dumagdag pa sa stress na nararamdaman niya sa mga oras na ito.

Sinubukan nitong magpahinga kahit papaano. Ihiniga na rin nito ang sarili sa kama at sinubukang umidlip ngunit mayamaya ay nagising na lamang siya dahil sa malakas na tunog ng kaniyang cellphone.

Maingat na bumangon si Nicole para sagutin ang tawag, “H-Hello?” aniya gamit ang matamlay na boses.

“Are you okay?” si Noah mula sa kabilang linya. “Sorry, nagmadali akong umalis kanina. I wasn't able to join you for breakfast. Kumain ka na ba?”

“I'm fine...tapos na rin akong kumain,” pagsisinungaling niya kahit ang totoo ay hindi man lang nito tinikman ang ginawa niyang baked macaroni dahil agad siyang nawalan ng gana kanina.

Muli na naman itong nakaramdam ng lungkot dahil alam niyang nagpapanggap lamang ang asawa na concern sa kaniya hanggang matapos ang kanilang annulment. Malinaw ditong hindi na dapat siya makaramdam ng kahit konting attachment mula sa pagiging maalalahanin ni Noah.

"Tumawag ako para sabihing may iniwan akong birthday gift sa upper left drawer ng white cabinet natin. Sana magustuhan mo."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. “Nag-abala ka pang bumili ng regalo, Noah. Maghihiwalay rin naman tayo,” aniya saka mariing napapikit nang ma-realize ang nasabi.

“Alam ko naman ‘yon, Nicole. Pero kailangan ko pa ring gampanan ang pagiging asawa mo. Hayaan mo man lang akong makabawi sa biglaan kong desisyon,” saad nito.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang mararamdaman sa tuwing ganito si Noah. Gusto niya mang mas mainis pero wala siyang makitang ibang rason maliban sa pakikipaghiwalay nito.

Dahil kahit noon pa man ay mabait na ito sa kaniya. Kaya nga wala siyang maisumbat na pagkakamali ngayon kahit nagawa siya nitong saktan sa mismong araw ng kaniyang kaarawan.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay saka lang nito pinakawalan ang emosyong kanina pa nito pinipigilan.

Nang may kumatok sa pinto ay saka siya tumigil sa pag-iyak. “Bakit po?” aniya at agad na pinunasan ang luha sa pisngi.

“Ma’am, ano pong gagawin ko sa mga pagkaing pinahanda niyo kanina?” tanong ni Lucia, isa sa matagal ng kasambahay ng pamilya at pinagkakatiwalaan ng matandang Saavedra.

“Kainin niyo na lang, Manang,” aniya na walang balak magpakita dahil sa itsura niya ngayon.

Ilang sandali pa ay lumapit siya sa cabinet para sundin ang sinabi ng asawa. Tumagal ang paghahanap niya ng ilang minuto hanggang sa nahanap nito ang isang kulay itim na box na katamtaman lamang ang laki. Tikom ang bibig niya itong kinuha at binuksan.

May card siyang nakita ngunit wala namang kahit anong nakasulat doon.

Blanko 'yon. Wala man lang nakasulat kahit simpleng 'Happy birthday, Nicole.'

Napasimangot si Nicole at naramdaman na naman ang luhang nangingilid sa kaniyang mga mata. Pinagmasdan niya ang laman ng kahon, isang diamond necklace na may nakakabit pang price tag. Halatang hindi pa nagagalaw magmula noong binili.

Hindi niya inaasahang bibilhan siya ng ganitong birthday gift ni Noah dahil alam naman nitong hindi siya mahilig gumamit ng kahit anong accessories sa katawan. Kontento na nga siya sa simpleng bistida, face powder at lipstick sa tuwing lumalabas sila.

“Ang gandang regalo para sa paghihiwalay nating dalawa,” saad ni Nicole kahit taliwas ito sa totoo niyang nararamdaman.

Pinagmasdan nitong muli ang kwintas at napatanong na lamang kung totoo bang binili ito ng asawa para sa kaniya o baka naman napilitan itong ibigay ang dapat na regalo kay Ella bilang pampalubag-loob.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status