Share

Chapter 5

Lexi's PoV

"Hay, ang aking asawa galit na naman sa akin," mahinang bulong ko habang malungkot na bumaba ng hagdan.

Hindi ko gusto na mapuyat ako kakaisip sa iyo mahal ko.

Hindi ko rin naman gusto na maputukan ng gulong si Manong Fernan. At hindi ko rin gusto na ako ang maging manager ng Boyfie Fans Club mo Ally ko.

Hay, nakakainis. Paano na ako magiging asawa ni Ally? Kung ngayon pa lang bad shot na ako.

Malungkot akong umupo sa labas ng company building ni Ally. Hinihintay ko pa ngayon ang sundo kong si Kiko na papunta pa lang para sunduin ako.

Nangalumbaba ako habang nakaupo sa may hagdan.

"He loves me... he love me not. I love you, Ally!" sigaw ng aking isip.

"Hey, Miss," sabi ng lalaking nakatayo sa aking harapan.

Tiningala ko siya ngunit hindi ko siya makilala. Nakasuot ang lalaki ng black shades at naka-face mask pa.

"Miss, okay ka lang ba? Kung hindi ka mahal ng taong mahal mo huwag kang magpakamartir. Hindi kasi maganda sa paningin ko na may nakikita akong babae na nakatulala sa harapan isang building. Ingat ka, maraming mga manloloko diyan sa paligid," anito sa akin na nagtungo sa loob ng company building namin.

Tumayo ako para sundan ang lalaki ngunit bumusina ang sasakyan ni Kiko. Nawala sa mga mata ko ang lalaki na hindi ko nakilala kung sino.

Hindi naman ako nagpapakamartir pagdating sa pag-ibig dahil hindi ko pa ipinaparamdam kay Ally ang pagmamahal ko. Hindi ko susukuan hanggang sa mahalin niya ako.

"Hoy, Lexi!" untag sa akin ni Kiko na pinitik pa ang ilong ko.

"Aray ko naman!" Hinawakan ko ang ilong kong pinitik nito.

"Kanina ko pa kasi tinatanong kung kanina ka pa doon? Para kasing ang layo nang iniisip mo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kiko.

"Okay lang ako. Hindi lang maganda ang araw ko ngayon kaya ako ganito katamlay."

"Tungkol na naman ba ito sa boss mo? Lexi, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na tigilan mo na si Ally. Hindi mo p'wedeng pilitin ang isang tao na mahalin ka."

Tumingin ako sa mga mata ni Kiko. "Iyon din sana ang sinasabi mo sa sarili mo, Kiko."

Binatukan niya ako ng mahina. "Loka!"

"Aray ko a. Ilibre mo na lang ako dahil pinaghintay mo ako ng matagal."

"Sorry, marami kasing customer sa fast food at absent iyong kapalit ko kaya napilitan akong mag-overtime."

Masipag si Kiko at humahanga ako sa kaniya. Panganay si Kiko at dalawa lamang sila ng kapatid nito. Ang bunso nitong kapatid na si Krisna ay kasing edad lang ng bunso kong kapatid. Ulila na sa ama si Kiko kaya ito na ang tumutulong sa nanay nito.

Kahit na ganoon ang katangian ni Kiko hindi ko mapilit ang sarili ko na mahalin siya. Si Ally lang ang laman ng puso ko at si Ally lang ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa Sandoval Wirings.

"In love ka sa akin no?" nakangiting tanong sa akin ni Kiko dahil nakatitig ako sa kaniya.

"Hindi. Iniisip ko lang kung saan mo ako ililibre."

Kinuha ko ang isang helmet nito na hawak. Isinuot ko iyon at saka sumakay sa motor nito.

"Sa kainan ni Aling Bakekang mo na lang ako ilibre. Miss ko na kasi ang mami at goto na tinda niya. Iyong huli natin na kain doon noong college pa ako e."

"Doon mo na rin ba ako sasagutin?"

Pinalo ko ang balikat ni Kiko. "Sira! Halika na nga dahil gutom lang iyan."

"Hindi mo ako sineryosp kahit minsan, Lexi," sabi ko Kiko na malungkot ang boses.

Mahal ko si Kiko pero bilang isang kaibigan lang. Ayokong masita ang aming pagkakaibigan dahil lang sa pagmamahal. Ayoko ring masaktan ko ang damdamin ni Kiko kapag pinilit ko ang sarili ko na magustuhan ko siya. Ayokong maging unfair sa kaniya dahil mabait siya sa akin at maasahan siyang kaibigan.

Niyakap ko ang bewang ni Kiko at isinandal ang aking pisngi sa likod niya.

"Halika na, tama na ang drama."

Pinaandar ni Kiko ang kaniyang motor na walang imik hanggang sa makarating kami sa kainan ni Aling Bakekang na nasa tabi lamnag ng daan. May apay na lamesa na tag-aanim ang upuan at ang tanging kasama ni Aling Bakekang sa kaniyang kainan ang ang asawa nitong si Manong Berto.

Masaya ang matanda nang makita kami ni Kiko.

"Aba'y ilang taon na rin ang lumipas, Kiko. Dinala mo na ba si Lexi ngayon dito bilang nobya mo?" pang-aasar na tanong ng matanda kay Kiko.

"Hindi po ako ang nobya ni Kiko. Magkaibigan pa rin po kami hanggang ngayon at mas naging close pa po kami." Siniko ko si Kiko na nasa sa aking tabi.

Nagkibit-balikat si Kiko na para bang hindi sumang-ayon sa sinabi ko. Nakasimagot na lamang akong umupo habang hinihintay ang pagbibigay ng mainit na goto sa amin ni Aling Bakekang.

"Akala ko magnobya na kayo, mabait kasi si Kiko at hindi naman siya mahirap na mahalin. Kung may anak pa sana akong dalaga ay irereto ko kay Kiko."

"Manang, hindi naman kasi ako gusto ni Lexi kaya hindi ko siya p'wedeng ligawan. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin kaya iyon ang tatanggapin ko."

Sa tono ni Kiko nararamdaman ko ang sakit.

Bumuga na lamang ako nang malalim. Nasasaktan din naman ako sa sinasabi ni Kiko.

Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. "Huwag ka nang malungkot. Okay lang naman sa akin."

"Pero kasi kinokonsensya mo naman ako e."

"Ipinaparamdam ko lang na nandito ako sa tabi mo. Kumain na lang tayo para maaga kitanh maihatid sa inyo. Bukas hindi kita masusundo kaya arkilahin mo na si Manong Fernan para may magsundo sa iyo bukas. Kailangan ko kasing magpunta sa isang branch namin sa---"

"Huwag mong sabihin na!" Nanlaki ang aking nga mata at tumingin sa aking kaibigan. "Ikaw na ang bagong branch manager ng Frutas?"

Tumango si Kiko sa sinabi ko at inayos ang suot na white t-shirt.

"Boss na rin ako Lexi kaya umayos ka. Kaharap mo ang bagong branch manager ng Frutas Food chain." Nagtaas pa ito ng kilay pagkatapos magmayabang sa akin.

"Ibang klase ka, Kiko! Hanep!"

Masayang-masaya ako para sa aking kaibigan. Ibig sabihin lang niyon na tataas ang sahod nito at napatunayan lamang ni Kiko na kahit hindi siya nakatapos ng kolehiyo ay nagkaroon siya ng trabaho at may mataas na ngayong posisyon.

"Kaya kita nilibre dito dahil sa susunod na sahod ko baka madala na kita sa restaurant."

Namilog ang aking mga mata. "Proud ako sa iyo Kiko."

"Naman. Kailangan kong magpasikat sa iyo para naman mahabol ko si Ally."

"Kiko!"

"Oo na. Sige na kumain na tayo baka magbago ang isip ko."

Sana magtagumpay si Kiko sa kaniyang trabaho at matupad niya ang kaniyang mga pangarap.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status