MULA sa pagkakayukyok sa kaniyang mesa, marahang iniangat ni Sam ang ulo nang marinig si Martina sa Intercom. Nakaidlip siya dahil na rin siguro sa pagod these past few days. Bigla tuloy siyang nahiya sa kaniyang sarili, dahil wala sa karakter niya ang mag-idlip idlip sa oras ng trabaho.
"Yes, Martina?"
"A certain Mr. Sebastian is looking for you, Ms. Walton."
Nangunot ang noo ni Sam. He is not familiar, sa pagkakaalam niya ay wala siyang appointment sa Mr. Sebastian na sinasabi nito.
"Sebastian? Sebastian who?"
"Gareth Sebastian."
Biglang tila may lumagabog sa dibdib ni Sam nang marinig ang buong pangalan na iyon. Naroon na naman ang pamilyar na kabang nararamdaman niya sa tuwing maririnig o mababasa ang pangalan na iyon. Anong ginagawa ni Gareth Sebastian sa kaniyang opisina? Napalunok muna nang sunod-sunod si Samantha. She cleared her throat before talking again.
"Kindly ask him to set an appointment first, Martina. I am busy right now." Kahit pa na curious na curious siya na makaharap ang lalaki, tila bigla naman siyang naduwag na makita ito.
"Yes, Ms. Walton."
Ilang saglit lang ay hindi na sa intercom niya nadidinig ang boses ni Martina. Nasa bukana na ito ng pinto ng kaniyang opisina.
"Sir, hindi ho kayo maaring pumasok ng walang pahintulot," tarantang turan ni Martina.
Naningkit ang mga mata ni Samantha nang mapagtantong nagpumilit ang lalaki na makaharap siya. At hindi nga siya nagkamali, bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at ang tanging nagawa na lamang ni Sam ay mapanganga nang makita ang lalaki.
"I-ikaw?!" Bulalas niya nang mapagsino ito.
"Surprised?" Tanong ni Gareth, giving her a smirk.
"S-sorry Ms. Walton, he insisted." Habang nakayukong sabi ni Martina.
"It's okay. You can leave us now, Martina." Aniya sa sekretarya.
Agad namang sumunod ang babae. Pagkasara ng pintuan ay muling nagtama ang mga mata nila ni Gareth. Ang lalaking nakabangga niya at si Gareth ay iisa. At hayun na naman ang pamilyar na kaba sa puso ni Sam. Kaba na may halong saya at excitement? Weird, pero iyon ang nararamdaman niya.
"It's nice to see you again, Ms. Walton." He walks towards her.
Nakapamulsa ito, habang nakatingin ng matiim sa kaniya. Hindi malaman ni Sam kung galit ba ito o ano. Pero isa lang ang sigurado si Sam, napaka-cold ng mga ibinibigay nitong titig sa kaniya.
Napatayo si Sam mula sa pagkakaupo. Pinilit niyang pinatatag ang hitsura upang hindi mahalata ng kaharap niya ang tunay na nararamdaman niya.
"Anong kailangan mo sa akin? Bakit ka narito? Sino ka ba talaga?" Magkakasunod niyang tanong sa unexpected visitor niya.
Tumigil sa paghakbang ang lalaki at tumawa ng pagak.
"Don't pretend, Ms. Walton. You knew me."
Huminga ng malalim si Samantha at pinagkrus ang mga braso sa kaniyang dibdib. Paano ba niya ipapaalam sa lalaki na marami siyang hindi naaalala dahil sa amnesia.
"Look, Mr. Sebastian. I don't know how to say this, but, I don't remember you, even a bit. Your face wasn't familiar either."
Hindi alam ni Samantha kung dinadaya lamang ba siya ng kaniyang paningin, pero tila may kudlit ng sakit ang nakita niyang dumaan sa mukha ng kaharap.
"You're lying. How can you forget me that easy?"
Muling huminga ng malalim si Samantha. She's dying in curiousity pero hindi niya ipinapahalata.
"I'm dead serious. May amnesia ako, cause by an accident, that's why I don't remember almost about in my past. So, please Mr. Sebastian. Introduce yourself because I am dying to know more about you."
Mula sa nandidilim at seryosong mukha ay tila napanganga si Gareth sa nalaman nito mula sa kaniya. Marahan itong napailing.
"Are you fuckin' playin'?"
Ngumiti si Sam nang marahan. "No."
Nakita niya ang muling pagseryoso ng mukha ni Gareth. Pagkaraan ay tinalikuran siya nito.
"What now? Aalis ka na lamang ba? Why don't you introduce yourself?"
"I will. 9pm at Cafe Adriatico. I will see you there." Atsaka walang lingon na lumabas ito sa kaniyang opisina.
Naiwang nanlalambot si Sam at napaupo na lamang muli. Tila nanginginig ang kaniyang mga kalamnan at mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod at hindi na nga mawari ang kaniyang nararamdaman. Bakit ba ganoon na lamang ang epekto ng lalaking iyon sa kaniyang sistema.
His eyes...
Hindi siya maaring magkamali sa nakita niya sa mga mata nito. Bakit tila punong-puno ng galit ang mga iyon patungkol sa kaniya? Bakit tila ang lamig ng bawat titig nito sa kaniya na wari'y pinaparusahan siya. Parang gusto niyang matakot tuloy, kaya ba ganoon si Gareth sa kaniya ay dahil ba nagawan niya ito ng malaking kasalanan noon at nakalimutan na lamang niya ngayon?
9pm at Café Adriatico. I will see you there.
Bigla niyang naalala ang sinabi ng lalaki, makikipagkita ba siya rito? Damn! Nahilot niya ang noo at napapikit, bigla ay tila dumagdag ang problema niya sa buhay.
"ARE you okay, Ms. Walton?"
Napatingin siya sa papasok na si Martina na may pag aalala sa mukha.
Binigyan niya ito ng ngiti at marahang tango, one thing she loves about Martina is that she's always checking her.
Tila nakahinga naman ito ng maluwag.
"Natakot ako sa Mr. Sebastian na iyon. Sino ba siya? Manliligaw mo?"
Bigla siyang natawa sa tinuran ng babae.
"Hindi, ano ka ba? Hindi ko nga siya kilala or maybe kilala ko siya before the accident, base on his action mukhang nagawan ko siya ng hindi maganda. Maybe nautangan ko?" Tsaka sinundan niya iyon ng isang tawa.
Nakitawa na rin lang si Martina.
"Mag-iingat ka roon, Ms. Walton, baka e stalker mo noon iyon at nalamang nagka-amnesia ka, baka i take advantage ka."
Bigla siyang natigilan. Paano nga kung ganoon? Maganda ba ang idea na sinabi niya sa lalaki na may amnesia siya? Baka nga gamitin nito iyon upang i-take advantage siya.
On a second thought, baka hindi naman. Mukha lang cold at masungit ang lalaki pero hindi naman mukhang masamang tao ito.
"Salamat sa paalala, Mart. Pero, since tapos na ako sa mga papeles na ito, uuwi na ako, para naman maabutan ko ng gising si Graciella at makalaro ko pa siya," aniya sa sekretarya niya, habang nakangiti.
"Ohh, that cutie, Graciella. I miss her Ms. Walton, pakisabi na lang sa kaniya," ani Martina, sabay hagikhik.
"Sure," tugon naman niya at sabay kuha sa kaniyang hand bag, at lumabas na ng opisina. Naiwan si Martina na alam niyang magliligpit na sa kaniyang opisina. This day was so exhausting and tiring, idagdag pa ang biglang pagsulpot ni Gareth Sebastian. Hangang sa byahe pauwi ay iniisip niya kung makikipagkita ba siya rito o hindi.
But hell! She's dying in curiousity. Gusto niyang tanungin ang lalaki kung gaano siya nito kakilala, kung may maisasagot ba ito sa maraming katanungan sa buhay niya. Oo tama, nagdesisyon na siya, makikipagkita siya kay Gareth Sebastian.
At sana ay maging tama ang desisyon kong ito. Bulong niya sa kaniyang sarili.
"OPEN naman," naisabulong ni Sam sa sarili nang makapasok sa cafe adriatico. Sino naman kasing mag-aakala na open ito e walang katao-tao at sobrang tahimik ng lugar, mula sa labas hangang sa loob. Iginala pa niya ang paningin at naghahanap ng mapagtatanungan, nang may isang unipormadong lalaki ang lumapit sa kaniya, tila isa itong crew doon, malawak itong ngiti sa mga labi habang papalapit sa kaniya. "Miss Samantha Walton, right?" Tanong nito. Medyo natigilan siya dahil hindi niya expect na alam nito ang pangalan niya. Pero sa huli ay marahan tumango na lamang siya. "Sumunod ho kayo sa akin," anito at nagpatiuna nang maglakad. Tahimik lamang siyang sumunod, habang pasimpleng iginagala ang paningin sa paligid. Wala talagang ibang tao maliban sa kaniya at mangilan-ngilang mga crew na may kanya-kanyang ginagawa. Is it possible that Gareth rented the whole place? Ang tanong ni Sam sa kaniyang isipan. "This is your
"MOMMY!" Kasabay nun ay ang pagsalubong ng yakap ni Graciella sa kaniya. Tila isang mahika ang yakap ng anak, nawala bigla ang bigat at lungkot na dala-dala niya kanina lamang. "It's already 11pm, sweetie. Bakit hindi ka pa natutulog?" Napanguso ang anak. "Hinihintay kita, Mom. I can't sleep e," anito. Napangiti si Sam, naglalambing lamang ang anak kapag ganoon, kaya hindi na niya ito pinagsabihan. Madalang lang naman itong matulog ng late, usually 8pm ay tulog na ito talaga. "Okay, wait mo ako sa room mo. Kakain lang ang mommy at maglilinis ng katawan at tatabihan na kita, okay ba iyon?" Sunod-sunod na tango ang natanggap niya mula kay Gracie at nagtatakbo na ito patungo sa silid nito, sinenyasan naman niya si Tonet upang sundan ito para may kasama ang anak habang wala pa siya. Mukhang wala pa ang stepmother niya at si Carmela, dahil tahimik pa ang mansion. Tila naenjoy ng mga ito ang bakasyon, ah. Nan
SI GARETH ang bisitang hindi niya inaasahan. Guguluhin na naman ba siya nito? "What are you doing here?" Kinabahang tanong ni Sam sa lalaki at wala sa loob na napatingin sa anak na abala sa pagkain. "Let's talk, Samantha." -Gareth Bakit pakiramdam ni Sam ay isang utos iyon at hindi pakiusap? Napaka-arogante talaga ng lalaking ito. "Sa labas tayo mag-usap. Huwag dito," matigas niyang sabi kay Gareth. Ayaw niya kasing marinig ni Graciella ang kung ano mang pag-uusapan nila ng lalaki. Tiyak kasi na hindi maganda sa pandinig na naman ang idudulog nito. "Let's talk here." Matigas ring pahayag ni Gareth na ikinairita ni Sam. Bahagya pa itong lumapit sa table niya habang nakapamulsa. Napapikit nang mariin si Sam upang pigilin ang inis na nais nang umalagpos. "Who is she?" Biglang napatingin si Sam kay Gareth na ngayon ay malayang pinagmamasdan si Graciella na inosente namang nakatingin dito. Si Marti
"NASAAN tayo?" Medyo kinabahang tanong ni Sam kay Gareth nang pumasok ang sinasakyan nila sa isang napakalawak na solar. Sa hindi kalayuan ay tanaw ni Samantha ang malaking mansion- hindi lang basta malaki iyon, kung hindi sobrang laki. May creamy off-white exterior colors iyon na napakagaan sa paningin. Kung sino man ang nakaisip ng kulay nito ay sadyang napakaganda ng taste. Malapit sa mansion ay isang malawak na hardin na may malaking gazebo na octagonal shape. Mayroon silang gazebo pero hindi ganoon kalaki. Nagliliwag ang buong mansion dahil sa mga ilaw at mas lalong nagdagdag iyon sa ganda nito. "Gareth, dito ka ba nakatira? Bakit dinala mo ako rito?" Usisang muli ni Sam kay Gareth na hindi pa rin kumikibo at tahimik lamang nakatanaw sa labas ng bintana habang palapit ang sasakyan nila sa harap mismo ng mansion. "You'll going to meet your future in laws," kapagdaka ay sagot nito sa seryosong tinig. Napanganga na lamang si Sam sa narinig.
"COME ON." Matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nila, iyon ang sinabi ni Gareth at tumayo. Naglakad palabas ng mansion. Sumunod na lamang siya sa lalaki. Dumiretso sila sa sasakyan na nakaabang na roon si Butler Andy at agad silang pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Gaya kanina, tahimik lamang sila sa loob hangang makaandar iyon. Lumunok muna si Sam nang makailang ulit bago nagsalita. "P-pasensya ka na, dahil sa akin ay nagkasagutan pa kayo ng kapatid mo," aniya nang hindi na matiis ang katamikan. Mula sa pagkakatingin sa labas ay lumipat ang tingin ni Gareth sa babae. Pinagmasdan siya nito. Hindi maarok ni Sam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki nang mga sandaling iyon. Wala kasing bahid ng kahit anong emosyon ang mukha nito. Napakagaling nitong mag blank face, hindi gaya niya, masyadong transparent. "Wala silang magagawa kung gusto kong pakasalan ka," marahan nitong bigkas. Hindi agad nakatugon si Sam, n
"ANAK..." Natigil sa paglalakad si Gareth nang tawagin siya ng kaniyang ina na nakaupo sa sala. Kasama nito ang ama niya at si Gail na nakasimangot pa rin hangang ngayon. Bukas na sana siya babalik sa mansion nila at sa kaniyang pad niya siya matutulog- well, lagi naman siya doon natutulog, dahil mas gusto niyang mag-isa. Bumalik lang siya sa mansion to get some things. "Mag-usap tayo, Gareth," muling sabi ng kaniyang ina. Kalmado naman ang mukha nito, ganoon din ang kaniyang ama. Napabuntong hininga si Gareth, parang alam na niya kung ano ang pag uusapan nila. It's about Samantha. Naglakad siya palapit sa mga ito at umupo sa single sofa na naroon. "Sigurado ka na ba sa desiyon mo na, pakasalan si Sam? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya noon sa'yo?" Panimula ng kaniyang ina. Alam niyang tutol ang mga ito, sapagkat gaya niya, dala-dala niya ang sakit ng nakaraan na si Sam ang dahilan. Isa-isa niyang tinignan ang mga ito
"MOMMY, wake up. Mommy..." Marahang iminulat ni Sam ang mga mata nang marinig ang munting tinig ng kaniyang anak. Nabungaran niya itong nakatunghay sa kaniya, habang nakangiti ng malambing. Awtomatikong napangiti si Sam at niyakap ang paslit. "Good Morning, my princess..." bulong niya rito. Kumalas sa kaniya ang anak at pagkatapos ay ginawaran siya nito ng halik sa pisngi. "Mmy, it's sunday, can you take me out?" Paglalambing nito. Oo nga pala, linggo ngayon at karaniwang tuwing linggo ay ipinapasyal niya ang anak. Tho, marami sana siyang gagawin ngayo kahit linggo, pagbibigyan na lang muna niya ang kaniyang anak. "Sure. But first, let's have some breakfast." Tumayo siya at nagtungo sa kaniyang banyo upang maghilamos ng mukha. Nakasunod lamang si Graciella na sadyang pinapanood ang bawat kilos niya. Palihim na lamang na napapangiti si Sam. "Mommy, Can I have a dad?" Halos malunok ni Sam ang kasa
NANG makababa si Gareth sa kaniyang sasakyan, tahimik na pinagmasdan niya ang kabuuang hitsura ng mansion ni Don Celso. Walang gaanong nagbago doon gaya noong una siyang mapadpad sa nasabing mansion. Last na pagbisita niya yata rito ay buwan since busy siya sa kaniyang kompanya. Gusto niya tuloy mahiya kay Don Celso na kung hindi siya inimbita ay hindi niya ito mapuntahan. Malaki ang pasasalamat niya sa matandang lalaki na kumupkop sa kanila at siyang nagpaaral sa kaniya sa mamahaling unibersidad. Ang matandang lalaki ang unang naniwala sa kakayahan niya simula mapadpad sila sa maynila noon kasama ang pamilya. Tila nagbalik pansamantala sa nakaraan ang utak ni Gareth, habang pinagmamasdan ang mansion at ang paligid nito. "Walang silbi! Idiot!" Sigaw ng may-ari ng isang restaurant sa binatilyong si Gareth nang makabasag siya ng ilang pirasong plato na kaniyang hinuhugasan. Pumasok siyang isang dishwasher sa nasabing restaurant. Ito ang unang tra