Share

CHAPTER 12

Masayang lumipas ang mga araw at linggo sa buhay ni Athena at Angelo. Patuloy silang gumagawa ng masasaya at 'di malilimutang alaala nang magkasama na wari mo'y wala nang katapusan pa.

"Athena, apo.. may naghahanap sa'yo sa labas.." tawag sa kanya ng kanyang Lola Linda mula sa labas ng kanyang kwarto.

"Sino po 'yon Lola?" Tanong ni Athena at binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto at inayos ang mahaba niyang buhok.

"Anak daw ng Mayor.." sagot ng kanyang Lola Linda.

"Anak ng Mayor? Ano daw pong kailangan n'ya sakin Lola?" Naguguluhan namang tanong ni Athena sa kanyang Lola habang naghahanap ng t-shirt sa kanyang cabinet.

"Hindi ko rin alam apo, bilisan mo na at naghihintay na sa'yo sa sala. Gagawan ko lang kayo ng meryenda." Sambit pa ng kanyang Lola Linda at umalis na sa kwarto ni Athena.

Wala namang ideya si Athena kung ano ang kailangan sa kanya ng anak ng Mayor, lalo pa't 'di rin naman niya ito kilala o na-meet man lang. Dali-dali na siyang nagpalit ng damit dahil kakatapos n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status