Pagkatapos niyang sabihin yun ay basta niya na lang ako nilagpasan. Mabilis akong napayuko at hindi ko na tiningnan kung sino ang lalaking yun. Pag-angat ko ng tingin nakita kong nakaangat ang kilay nung mga babae sa ibang section. Nagtataray na naman ang mga pangit sa akin.
"Ano? Ngayon lang kayo nakakita ng artista? Ang aarte kala mo naman ang gaganda, may pa taas-taas pa ng kilay, bunutin ko yan isa-isa e. Mga ulol!" sabi ko sabay irap sa kanila.
Nakataas ang kilay kong tumalikod sa kanila. Mga m*****a, mga pinaglihi sa sama ng loob. Seriously, I really don't know what's wrong with these girls? Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Kung inggit sila sa akin dahil kay LA, kahit i*****k pa nila ang lalaking yun sa bituka nila wala akong pake.
Hindi ba nila nakikita na ayaw ko ngang dumidikit ang lalaking yun sa akin? Tapos jojowain ko pa? Ang liliit talaga ng mga brains nila, palibhasa mga kulang sa pansin.
Imbes na pupunta pa akong washroom pinili ko na lang ang bumalik sa loob ng classroom sakto lang din naman at narinig ko na ang bell. Baka mamaya dumating na yung reliever ni Miss Castro at magpa-quiz agad baka ma-zero pa ako.
"Saan na kaya ang lalaking hambog na yun? Bakit ba ko nagpatalo dun kanina?"
Tiningnan ko pa ang hallway, wala na akong ibang nakitang naglalakad. Saan kaya napunta yung lalaking nanita sa akin kanina? Ah! Bahala siya! Subukan niya lang sitahin ako ulit kundi itatapat ko sa mukha niya ang middle finger ko.
Tahimik ang silid pagdating ko pero yung mga babae kong kaklase nasa isang direksyon ang mga mukha. Lahat nakatingin sa akin na para bang nahipan ng masamang hangin at nakatulala.
Kunot noo akong tumingin sa kanila. "Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Ngayon lang kayo nakakita ng maganda?" tinuro ko pa ang aking sarili sabay hawi sa buhok ko sa magkabilang side, pero parang walang narinig ang mga kaklase ko. Pagtingin ko sa gawi ni LA, nakita ko ang kamay niyang pasimpleng nakaturo sa gilid ng pintuan.
"Ano?!" tanong ko pero hindi paman nakasagot si LA sa akin biglang may nagsalita sa tabi ko.
"Where have you been, Miss Martinez?"
Parang napako ang paa ko sa sahig pagkarinig sa pamilyar na boses na tumawag sa aking apelyedo. At ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ang matandang gorilla na nakatayo doon at masungit na nakatingin sa akin. Siya pa talaga ang may ganang magsungit?
"Anong ginagawa mo dito? May klase pa ako." masungit kong tanong sa kanya pero hindi ito sumagot sa akin. Tumingin pa ako sa mga kaklase ko at mukhang nagulat ang mga ito sa sinabi ko. "Bakit ba sunod ka ng sunod sa akin? Hindi ako tatakas kaya please lang gors, tantanan mo ako."
"My loves, upo ka na dito!" Tawag ni LA sa akin pero masungit akong tumingin sa kanya. Pati si gors magkaslubong ang kilay ng tumingin kay Lewis Alden.
"Isa ka pa! Kanina pa ako banas sayo ha, tumahimik ka kung ayaw mong ikaw ang pagbuntunan ko." m*****a kong sabi sa kanya, hindi ito sumagot sa akin at nagkamot lang ng ulo niya.
Muli kong binalingan si gors na ngayon ay nakatingin na din ulit sa akin. Kapal talaga ng face ng lalaking 'to. Wala sa usapan namin na lapitan niya ako dito sa school. Ang sabi ni Daddy bantayan niya lang kami ni Ariella. Kami ni Ariella pero mukhang ako lang ang binabantayan niya kahit hindi naman ako tatakas sa kaniya.
"Umalis ka nga dito sa room ko gors, maya mo na lang ako ulit bwesitin. O di kaya dun ka sa bestfriend mo, yun ang bantayan at mas pasaway pa yun sa akin." sabi ko saka nilagpasan siya. Narinig ko pa ang singhapan ng mga kaklase ko pero wala akong pakialam. Inis pa rin ako sa matandang unggoy na yan. Dhindi ko pa nakalimutan na napagalitan ako ni Daddy Art dahil muntik kong nilunod sa swimming pool si Ariella dahil ang m*****a bigla na lang akong sinugod.
"Go home gors, balikan mo na lang ako pagkatapos ng klase mamaya."
Naiwan itong nakatayo sa kung saan ko siya iniwan kanina. Hindi man lang gumalaw, pati ang mga kaklase ko mukhang namaligno at tahimik din. Kinuha ko ang ang bag ko sa upuan ko. Lilipat ako sa pinakahuling upuan doon sa likuran.
Wala na ako sa mood makipag-usap kahit kanino. Nakakainis at maaga palang sira na ang araw ko. Tinapon ko ang bag ko sa bakanteng upuan tsaka pabagsak akong umupo. Kukuha sana ako ng headset para ilagay sa tenga ko pero hindi ko paman nagawa biglang may tumayo sa gilid ko at inagaw ito. Pag-angat ko ng tingin ang mukha ng matandang unggoy ang bumungad sa akin.
"Go back to your seat, Miss Martinez."
"Sino ka ba sa akala mo ha?" I rolled my eyes on him, ubos na ang pasenya ko. " Wala tayo sa labas na pwede mo akong diktahan kung anong gagawin ko, nasa klase ako. Umalis ka na nga at baka maabutan ka pa ng teacher ko nakakahiya ka."
"Just go back to your seat little Miss, your classmates are looking at you." nakangiti nitong sabi sa akin, acting like cool pero alam ko deep inside gusto niya ng pilipitin ang leeg ko.
"You don't want your teacher to be mad at you right? Ayaw mo naman sigurong ma-punish?"
Here we ago wgain with this punish-punish thing. Twelve years old palang ako narinig ko na yan sa kanya. Hanggang ngayon wala namang punishment na nangyayari.
I rolled my eyes again. "Punish your face! Takot lang nilang mag-punish sa akin at baka mabawasan ang donation ni Daddy Art sa kanila." mahina kong sabi sabay tulak sa dibdib niya. Apaka papansin talaga ng lalaking 'to.
"Come on, Addy, don't be hard headed. Go back to your seat kung ayaw mong buhatin pa kita dito." mahina lang ang pagkakasabi niya nun pero dama ko ang pagbabanta niya. Ang kapal talaga!
"Leave me alone, mag-aaral pa ako, Sir"
Halos umusok na yung tenga ko sa inis ko sa kanya pero may gana pang ngumiti ang gago sa akin. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Muntanga lang? As if naman na concern siya sa akin, alam ko naman na nagpapasipsip lang siya sa mga Martinez para taasan yung sahod niya.
Kung may pera lang talaga ako, ako na ang magbibigay sa kanya para mawala siya sa landas ko.
"Come on, baby..." magkasalubong ang kilay kong tumingin sa kanya dahil sa pagtawag niya sa akin ng baby. Nababaliw na ba siya? Paano kung marinig siya ng mga kaklase ko? Iisipin pa nilang sugar daddy ko siya. Wow ang kapal niya. Hindi ko type jowain ang mga gurang na gorilla.
"Come here, Addy..." hindi pinansin ang pagmamaldita ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka siya na rin ang nagdala ng gamit ko pabalik sa upuan. "Mr. Serrano, doon ka sa kabilang side." kilala niya si LA? "...and you Miss, you sit here." pinagpalit nya ng pwesto si LA at Donna. Kami na ngayon ang magkatabi ni Donna at si LA ang nasa pinakagilid.
Magtatanong pa sana ako kung bakit niya kilala si LA, pero pagkatapos niyang mailagay ang bag ko sa aking likuran tumalikod na ito saka pumunta sa harapan. Anong ginagawa niya? Ang feeling talaga ng lalaking 'to. Tsaka ano yang suot niya ngayon? Yan ba ang suot niya kanina?
Naka pormal white buttoned down dress shirt ito na nakatupi hanggang siko. Pinaresan ng khaki na pantalon at sapatos na balat. Naka-brush up ang buhok na bumagay sa makinis niyang mukha. Kaya siguro mukhang namaligno ang mga kaklase ko dahil mukhang upgraded ang ayos ni gors ngayon, bumagay ang bagong gupit niya sa makapal niyang kilay, matangos na ilong, nakadepinang mga panga. Mas lalo pang dumagdag sa kagwap--kapangitan niya ang natural na mamula-mula niyang mga labi at ang kulay abo niyang mga mata na parang mata nang pusa.
Hmp! Ang pangit! Umirap ako.
Pagtingin ko sa mukha niya nakangiti ito sa akin. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. I rolled my eyes on him again. Ilang irap na ba ang ginawa ko ngayong umaga.Nagkanda duling-duling na ako ah.
"Good morning class" he greeted gamit ang boses niyang parang palaka. Pero ang mga kaklase ko kahit yun pala ang sinabi niya mukhang naiihi na ang mga ito sa kilig.
Pero wait. anog sabi niya? Class? Does it mean he's our...
"Good morning Sir Pogi." sabay bati ng mga kaklase ko sa kanya, pero imbes na sawayin ang mga 'to tumawa pa ang loko. Pa-cute hindi naman bagay.
"My name is Gaden Lucas Montenegro. I will be your teacher for the whole week."
Laglag ang panga ko. Does it mean? Parang ayaw e-proseso ng utak ko ang sinabi ni gors. Kaya ba andito siya dahil siya ang reliever ni Miss Castro?
Oo Adrianna! Ano paulit-ulit? saway ng m*****a kong utak.
"Ayyy whole week lang? Pwede ba hanggang sa katapusan Sir?" sabayang sabi ng mga kaklase kong babae. Ang lalantod pero ang gurang na gorilla, nagpapa-cute pang ngumiti sa kanila.
"It depends on Miss Castro, kung hindi pa siya babalik next week baka ma-extend ako."
"Yes!" they exclaimed in unison. "Ma'am Castro, bakasyon na lang po muna kayo."
Pero nabura din lahat ng ngiti nila ng biglang nagsalita ang unggoy na reliever ni Miss Castro.
"Okay class, get one whole sheet of paper, we'll have a quiz in Algebra."
Diba pabida lang? Wala pa ngang naituro magpapa-quiz agad?
"Bwesit na X na yan. Bakit ba hanggang ngayon hindi pa rin yan nahahanap? Pati tuloy si Sir Montenegro pinapahanap sa atin."Nakakarindi na ang kadaldalan ni Donna. I don't know if she's joking or what. Natapos na lang ang next subject namin hindi pa rin ito matahimik. Kanina pa ito nagrereklamo dahil hindi niya nasagot ang quiz namin kay gurang na nagpabida. Bida-bida talaga wala pa namang naituro. Ito namang si Donna, muntanga din ang simple lang naman nung question, hindi pa nasagot. Finding X. Walang katapusang paghahanap kay X. Ilang beses na itong ni-review ni Miss Castro sa amin, hindi lang siguro nakikinig ang babaeng 'to. Bakit pa ba kasi hahanapin yang si X? Kung ayaw magpakita e di wag."Stop finding x, Donna kung ayaw magpahanap and don't ask me why! Lintek lang! Kung ayaw magpahanap, wag ng hanapin.""Huh?" naguguluhan niyang tanong sa akin. "Hakdog!" pang-aasar ni LA."Wala!" Sabi ko saka umupo sa bench sa tambayan namin na malapit sa cafeteria. Umupo din si Donna at
Pagkatapos akong halikan ng matandang gorilla lumipat kami sa isa sa mga VIP room sa resto ni Kuya. Ayoko sana pero wala akong nagawa. Hindi ko alam na may ganito pa palang room dito sa resto. Kapag kasi kumakain ako dito doon lang ako sa labas, sa malapit sa may bintana kung saan kita ko ang magandang tanawin sa labas. Sakto lang ang laki ng room, malinis at maganda ang interior tsaka maganda ang lightings. Di na ako magtataka kung bakit maganda, alam ko kasing architect si Kuya Zach, siguradong siya ang nagdesign nito. Nagtataka lang ako kung paano nalaman ni Gors ang room na 'to. Pero sabagay friends naman sila ni Kuya Zach, siguro madalas siya dito, hindi ko lang alam."Stop looking at me." maldita kong saway sa kanya. Kanina pa ito nakatitig sa akin. Muntanga!Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa matandang gorilla na to. Ang kapal pa ng mukha niya, sukat ba namang buhatin ako sa gitna ng karamihan. Hindi man lang nahiya! Paano na lang kung may mga kaklase akong
"River, baby, mommy's here..."As soon as my pet dog heard my voice, he ran to welcome me and move around my feet. I named my dog River since I found him near the river, abandoned and almost drown. He's my white pomeranian dog, my sweet and clingy baby dog."How's my handsome baby? Mommy missed you so much." he barked cutely kaya napangiti ako. "Come here, I have a pasalubong for you, bigay ni daddy pangit mo." Pinakita ko sa kanya ang bagong damit na binigay ni Gors para sa aso ko, na naging aso na namin. " Kumawag ang buntot ni River at tumalon talon pa ito, excited ang aso sa pasalubong ng daddy pangit niya.Binuhat ko si River at hinaplos ang ulo saka hinalikan. "I miss you, baby, miss mo ba si Mommy?"malambing kong tanong sa kanya, tumahol ito kaya napangiti ako at muling humalik sa ulo niya."Good boy, kaya love ni mommy ang River na yan eh. Tara doon tayo sa room natin baby.""Weirdo! Pati aso kinakausap." I stopped on my track when I heard someone talking behind me. Hindi na
At dahil sa kapilyahang ginawa ko kagabi, wala akong mukhang maihaharap kay Gors ngayong umaga. Lintek naman kasi itong malanding utak ko, kung ano-ano ang pumapasok. Pwede ko naman sanang patayin na lang yung tawag niya pero nagpadala pa talaga ako sa kapilyahan nitong utak ko. Yan tuloy hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.What the hell Adrianna? Nakakahiya ka! Ikinahihiya kita. Gusto kong kutusan ang sarili ko. Daig ko pa ang lasing na wala sa tamang pag-iisip sa ginawa ko kagabi. Talagang inakit ko pa si Gors. Ano nalang kaya ang iisipan ng gurang na yun sa akin ngayon? This is so frustrating. Hindi naman ako ganito pero bakit ngayong bumalik siya bigla na lang ding lumabas yung malanding side ko at tinatalo nito ang kainosentihan ko. Omg! I can't! It's so embarrassing. Hindi ko mai-imagine na nagawa ko yun! Ano yun? Live show? I just hope na hindi siya ang maghahatid sa akin sa school ngayon kundi napaka-akward sa aming dalawa.Ugh! I hate you Adrianna. Next time magtand
Warning: abuse_______________________________________________"Did you try loving me?" "No! You're not my type, Adrianna." In my life I never knew I could experience so much pain as much as I do now. Akala ko hindi ko na mararanasan ang ganitong uri ng sakit. Akala ko lahat ng sakit naranasan ko na. The moment I closed the door I break out. I was shaking in pain. I felt my whole world crashed right through my eyes. The world I built around him vanished in just an instant. Pakiramdam ko muli na naman akong mag-isa. Habang buhay na lang ba akong mag-isa? Meron bang mali sa akin? Ano bang kasalanan ko at kailangan kong maranasan ang lahat ng 'to? Pati ang kaisa-isang tao na inaasahan kong sasamahan ako sa hirap at ginahawa ay iniwan na rin ako. Akala ko totoo ang lahat ng mga pangako niya sa akin, but turns out that promises are meant to be broken. Kinuha niya lang ang loob ko saka ako iniwan. Kung hindi niya pala kayang panindigan ang pangako niya sana noon pa lang iniwan niya na
"Lalay hugasan mo muna itong mga gulay bago mo gayatin ha. Itabi mo ang mga bulok na tapos yung may pwede pang pinakinabangan gayatin mo. Walang dapat masayang Lalay, alam mo na kailangan nating makabawi."Tango lang ang sagot ko kay Ate Norma. Sa kanya ako nagtatrabaho simula nung mapadpad ako dito sa lugar nila. Sa isang buwan ko pamamasukan dito sa gulayan niya alam ko na ang mga dapat at di dapat gawin. Simple lang ang trabho ko, maggayat lang ng gulay na pwedeng gawing pinakbet at chopsuey, mga gulay na naisalba sa mga gulay na konti na lang ay mabubulok na.At first nagkasugat sugat pa ako. Seems like I'm not used to this kind of job. Pero wala akong magawa. Wala akong maalala, ni pangalan ko hindi ko maalala. Wala akong ibang choice, mas mabuti na ang ganito kesa mahanap ako ng mga taong humahabol sa akin sa panaginip ko sakaling totoo man ang mga 'yon."May binili akong pancit doon sa karenderia, kumain ka mamaya. Magtira ka para sa pananghalian mo dahil may pupuntuhan ako nga
"I know you.""S-sir?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. Naramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib pero andun ang kagustuhan kong malaman kung totoong kilala nya ako. "Kilala niyo po ako?He didn't say anything but I noticed him heaved a deep sigh. Pinagkatitigan ko ang mukha niya, baka sakaling maalala ko kung dati nagkakilala na ba kami pero wala akong matandaan, wala akong maalala. But there is something in him, by the way he looked at me seems like he really knew me." I want to talk to you and Nana Minda. I want to know what happened." he said in a stern voice.Yun lang ang sinabi niya saka nauna na itong lumabas ng sasakyan. Natulala ako saglit dahil sa sinabi niya kaya hindi ako nakagalaw agad. Huli na nung marealize kung naiwan na pala ako sa loob dahil pinagbukas niya pa ako ng pintuan."Salamat po Sir, pasensya na po..." tango lang ang sagot niya sa akin. Sinalubong ako ni Lola Minda. Umiiyak akong yumakap sa kanya. Ang takot na kanina ko pa pinipigilan ay ngayon ko
I always believed that I was given this life because I was strong enough to live it. I survived that night because I know I still have so many things to do in the future. I may be wounded, but everything heals. My body heals. My heart heals. The mind heals. My wounds heal. And I know one day my memory will comeback. I will remember everything...everything."Addy? M-mine? Oh God..."Hindi ako nakagalaw ng ang lalaking umiiyak kanina ay biglang yumakap sa akin. Sobrang higpit ng yakap niya na tila ba takot itong mawala ako sa kanya. Naguguluhan akong tumingin sa mga kasama niya. Pati sila ay tahimik din. "Uhm..S-Sir, excuse me po..." marahan kong tinapik ang likod niya para kumalas siya sa pagkakayakap sa akin pero lalo niya lang akong niyakap. Mas lumakas pa ang iyak niya at nababasa ang balikat ko ng mga luha niya. He's crying like a lost kid. I can feel the longingness and pain in his cries. I gently tapped his shoulder again. Nahihiya na ako sa mga tingin ng mga kaibigan niya sa