Share

Chapter 2

FAST FORWARD..... after one year

Excited nang umuwi ng Pilipinas si Joon after almost 5 yrs of working his ass sa mga kano. He is finally coming home. Miss na niya ang luto ng yaya Metot niya, dalagita pa lang ito ng maging yaya niya at ngayon na 28 na siya nanatili itong kasama niya sa bahay, hindi na nga yaya parang overall maid pa din.

Naaalala pa niya ng magtanan ito dahil natakot na baka hindi daw niya payagang mag asawa.

Sa ngayon ay nasa lanya pa rin ito, doon na jiya pinatira sa likod ang mag asawa. Pati ang napangasawa nito ay kinuha na lang din niyang personal driver para naman magkasama ang mga ito sa trabaho. Si Meyot ang mayordoma ng bahay niya at si Bert na asawa nito ang personal driver niya nung nasa bansa siya. Pero bukod sa dalawang ito at sa mga alaga niyang aso may isang taong mas miss na miss niya.

SI KATE...

Si Kate na naging kasintahan niya dahil sa aksidenteng nitong masagot ang tawag niya. Galit siya ng araw na iyon kahit pa nga dalawang araw na ang lumipas mula ng mahuli niya ang kasintahan si Amery sa mismong condo niya na may kasamang ibang lalaki sa kama. Nahuli niya ito on the Act kaya ganun na lang ang glit niya. Hindi niya matanggpa na ganito ang mangyayari pero kasalanan niya dahil sobra siyang nagtiwala sa babae.

Halos tumubo ang mga sungay niya sa galit sa mga palpak na kausap samahan pa ng walang tigil na kakatawag at kaka Text sa kanya ng kanyang ex girlfriend kaya si Kate ang nakatanggap ng lahat ng mura at galit niya sa telepono.Ewan ba naman niya kung paanong nakapasok sa international call ang tawag niya.

Nang malaman niya na wrong number ay hindi na niya ito tinigilan tawagan hanggang sa mapatawad siya. Natatawa na lang si Joon kapag binabalikan ang naging simula ng kanilang "LDR" long distance love affair nila ng dalaga. He fell hard for her, napakalambing kase nito sa telepono. Wala itong cellphone na may camera kaya hindi niya ito nakita habang kausap.Makaluma daw ang cellphone nito. Lumang model pa at wala itong pambili.

Inalok niya ito na padadalhan ng cellphone pero hindi iyun tinanggap ng babae. Hindi na daw nito siya kakusapin kapag ginawa iyon. Kaya lalo itong hinangaan ni Joon.ISang katanginan ng babae na lalong nangpahumaing sa kanya. Nagpadala naman ito ng litrato  sa pamamagitan ng sulat. Ibinigay niya ng address niya sa London.

Sa malayong probinsya ito nakatira. Naging balewala sa kanya kahit sa larawan lang niya kilala at nakikita ang babae. Araw araw niya itong tinatawagan kahit gumastos pa siya ng long distance. Nang magkabagyo daw sa probinsiya nila Kate ay naging mahirap daw ang signal kaya ang binata ang nag adjust pati pag gawa ng love letter ay nagawa niya para dito. Back to the old times un na lang ang  sabi niya sa nangyayari.

Sumasagot naman ito. Sinabi niya kay Kate ang balak na umuwi na pero komontra ito sayang daw ang career niya doon malaki na daw ang ininvest niya sa trabaho. Sabi niya okay lang mayaman naman sila at may naiwang negosyo ang pamilya niya. Excited siyang sinabi dito na uuwi siya baka next month at yayayain na siyang magpakasal ang dalaga.

Natahimik ito sa kabilang linya.Naiitindihan iyon ni Joon. Malamang nagulat ito bilang laking probinsiya malaking issue ito sa kanila. Hindi bale pagdating naman niya sa Pilipinas ay pormal naman niya itong ipapaalam sa magulang.

Sa Maynila sila titira dahil nandun ang mga negosyo nila pero madalas din naman niya itong ipapasyal sa dating tirahan. Matapos ang paguusap nilang iyon ni Kate ay naging abala na si Joon.Madami siyang inasikaso sa kompanya at ang paglilipat ng ilang mga mga dukomento para sa pilipinans na lang niya ipagpapatuloy.

Nang araw na nakatakda na ang flight ni Joon ay balak sana niyang tawagan si Kate pero pinigilan ng binata ang sarili. Mas gusto niyang sorpresahin ito kaya mas pinili niyang bumiyahe ng wala itong alam na parating siya. Pagdating ng Maynila ay dumeretso muna siya sa bahay nila sa Green Leaf sa Pasig at doon nagpahinga.

 Kinahapunan ay saka niya inilipat sa maayos na lalagyan mula sa kanyang maletaang mga pasalubong niya sa katipan. Bumili na rin siya ng bagong cellpone na malamang kapag nandun na siya at hind siguro ito tatangi. Nagpunta siya ng alabang at dinalaw ang jewerly shop ng kanyang kababatang si Jim, naghanap ng simple pero eleganteng singsing.

Tulad ng kanyang balak sa London pa lamang magpo propose na siya kay Kate sa oras na umuwi siya sa pilipinas.Katakot takot na kantiyaw ang inabot niya sa kababata at kaklase sa high school over dinner hindi na kase siya pinakawalan ni Jim ng makita siya matagal din siyang nawala kaya nauwi sa dinner at unwinds ang plano niya.

Sky is the limit ung ang trip ng mga mga tropa niya palibhasa mga anak mayaman at mga may ari ng kanikanilang negosyo. Isarin siyang tagapagmana. milyunaryo kung tutuusin pero hind niya yun ginagawang big deal, up until now mas pinipili niyang ituloy ang trabahong gusto niya kahit pa nga hindi na niya kailangan pang magtrabaho.

Sa share pa lamang niya sa mga kumpanya sa buong pilipinas ay maaari na siyang magliwaliw na lang buong buhay niya.Kahit masakit ang ulo dahil sa hangover, maagang pa ring gumayak si Joon at nagtungo sa CamSur.Nagbook siya ng eroplano for early flight. Taga Daet, Camarines Sur si Kate, sabi niya ay may malapit sila sa surfing area nakatira.4 hours din ang naging biyahe niya. Nagbook muna siya ng room sa isang resort sa Daet na mismo pagkatapos hanapin ang lugar na papular na surfing area.

Ipinasya ni Joon na hanapin na lang ang bahay nito ayun sa Address na ginamit nito sa sulat habang patuloy paring idina dial ang numero ng kasintahan. Matapos ang mahabang lakad at nakakapagod na pagtatanong tanong may nakapagturo sa bahay ng kasintahan.Pagdating doon ay agad nag tanong si Joon kung nasaan si Kate.

Pero ang sabi ng mga nakatira roon ay walang Kate na nakatira sa bahay na iyon.Ipinakita ng binata ang address sa sulat ni Kate pati ang litrato ng dalaga. Pero talagang itinatangi ng lalaking naroon sa bahay na walang Kate na nakatira doon.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
m_🏹
"baka hindi talaga kate yong name..
goodnovel comment avatar
m_🏹
"baka mali ang address na binigay.."?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status