ABBY POV"Huwag!!! Lutherrrr!!!!! Umiiyak kong wika habang takot na takot akong nagtatakbo sa kasukalan. Hinahabol ako ni Luther. Gusto niya akong patayin. Ayaw nitong maniwala na magkakaanak na kami." Tulong!!! Tulong!!! Paulit ulit kong sigaw ng maramdaman ko na may mahinang tumatapik sa aking mukha. Agad akong napadilat. Tumampad sa paningin ko ang nakangiting mukha ng isang matandang babae. Yayakap sana ako dito pero agad akong napangiwi. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Wala din akong lakas para bumangon. "Salamat sa Diyos at gumising ka Iha. Lagi ka na lang kasing binabangungot." nag-aalalang wika ng matanda. Hindi ko ito sinagot bagkos ay takot kong iginala ang aking paningin sa paligid. "Nasaan po ako? Si Luther!!! Si Luther! Itago niyo po ako sa kanya.. Maawa kayo papatayin niya ako.. Papatayin niya ang anak namin!" umiiyak kong wika dito. Naramdaman ko naman ang paghaplos nito sa buhok ko. "Abby.. Abby.. Tumingin ka sa akin...wala si Luther.. Hindi ka na niya mahahanap
Abby"Lets go na Abby.. Kahit sandali lang. Maarawan ka man lang sana sa labas." pagyayaya sa akin ni Erika. Nakaupo ako dito sa aking higaan. Medyo maayos na ang aking pakiramdam maliban lang sa aking kaliwang binti. Sumasakit pa rin kasi kapag pinililit kong tumayo. Sabi ni Mama Charito ito daw ang napuruhan noong bugbugin ako. Pwede naman akong makalakad pero kailangan ko ng saklay. Pero hindi ito inirerekomenda ni Mama sa akin kasi buntis ako. Baka daw madulas ako.Mahigit tatlong buwan na din ang nakalipas simula ng mangyari sa akin ang muntik ng pagkitil sa buhay ko. Pero hangang ngayun hindi ko pa rin alam kong ano ang hitsura ng labas ng kwarto ko. Hindi na kasi ako nagtangka pang lumabas. Natatakot ako sa isiping baka nasa labas lang ang mga tauhan ni Luther.Tanging sila Erika at Mama Charito lang din ang nakakausap ko araw-araw. Ayos na din yun kasi ayaw ko din makita ako ng ibang tao. Natatakot ako na baka may magsumbong kay Luther kong nasaan ako.Alam kong masyado na ako
Luther POVIlang buwan na din ang nakalipas ng mawala sa akin si Abby. Pero kapag tinitingnan ko ang mga larawan nito parang buhay ba buhay itoHindi ko alam kung hangang kailan ako sisingilin ng aking konsensiya pero alam kong habang buhay ko itong pagdurusahan.Walang kapatawaran ang ginawa kong kasalanan dito kaya wala akong dapat na sisihin kundi ang sarili ko lamang.Buong ingat kong inilapag ang dala kong bulaklak sa harap ng picture frame nito. Nandito ako sa isang kilalang columbarium. Dito ko napiling ilagay ang Urn ni Abby. At least dito hindi siya nag-iisa. At alam kong ito ang tama. Kailangan ko na siyang ihatid sa huli niyang hantungan at sana sa susunod na buhay namin kami pa rin ang nakatakda para sa isat-isa. Hinipo ko pa ang mukha nito sa picture frame bago ako tuluyang lumabas. Agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. Ipinagbukas pa ako nito ng pintuan ng kotse upang makapasok sa loob."Saan tayo Boss?" tanong sa akin ni Nestor. Isa ito sa pinakamatagal at tapat kong
ABBY POVHalos maluha ako ng makita ko ang hitsura ng kambal kong anak. Sa wakas nairaos ko sila ng maayos sa tulong ni Mama Charito at Erika. Ganito pala ang pakiramdam. Sulit lahat ang hirap na pinagdaanan ko. Sa wakas nailuwal ko sila sa mundong ito ng ligtas. Akala ko talaga wala na akong pag-asa pang masilayan ang mukha ng magiging anak ko. Pero mabait ang Diyos. Hindi niya ako pinabayaan. Napakaganda nila. Lalaki at babae. Pinapangako ko na bubusugin ko sila sa pagmamahal. Hindi man nila makikilala ang ama nila pero pipilitin ko ibigay sa kanila ang isang masayang pamilya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, ako ang pinakamasayang tao sa mundo. Kahit na palaging sumasagi sa isipan ko na palalakihin kong mag-isa ang mga anak ayos lang. Basta ang importante buhay kami at ligtas sa mga kamay ng malupit na si Luther. "Grabe Abby manang-mana sa iyo ang mga anak mo. Kahit babies pa lang kitang kita na kung gaano katangos ang kanilang mga ilong. Hayss mapapa-sana all na lang talaga a
ABBYMANILAKanina pa ako hindi mapakali. Nandito kami ngayun sa isang Hotel. Ngayun namin kakausapin ang buyer ng mga painting's ko.Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin. Itinali ko ang mahaba kong buhok at naglagay ng medyo makapal na make - up. Si Erika ang nag-ayos sa akin at infrairness naman medyo nag-iba ang hitsura ko dahil sa kakaiba kong ayos ngayun. Nakamaong na pantalon ako at maluwang na t-shirt. Isa lang ang ipinagpasalamat ko dahil bago ako nanagank sa kambal ay gumaling ang binti ko na napuruhan sa bugbog ni Luther. Maayos na akong maglakad ngayun. "Abby, relax ka lang diyan. Huwag kang mag-alala.. Pagkatapos nito uuwi agad tayo ng Visayas." wika ni Erika. Napansin marahil nito ang pag-urong sulong ko."Hindi ko alam Erika. Natatakot ako." sagot ko dito."Huwag kang mag-alala.Sandali lang ito... Heto, isuot mo ito para naman huwag kang mag-isip ng kung ano diyan." wika nito sa akin sabay abot ng facemask.Sakto naman na naisuot ko ang facemask ng may kumatok sa ho
ABBYNakapagcheck -in na kami ni Erika at nandito kami sa isang restaurant habang hinihintay ang oras ng aming flight pabalik ng Visayas. Kahit papaano ay naging panatag ang loob ko dahil ilang oras na lang ay makakapiling ko na ulit ang aking mga anak."OH my Gosh!" narinig kong wika ni Erika habang nakatingin sa aking likuran. Takang-taka naman ako habang nakatingin dito. Para kasi itong nakakita ng anghel sa klase ng ekpresyon ng mukha nito."Ang pogi!!!!!" bulong pa nitong wika sa akin at inginuso ang kung sino man ang nasa likuran ko. Kaya naman dahan-dahan akong lumingon. Para naman akong panawan ng ulirat ng makita ko kung sino ang nasa likuran ko. Si Lester! Ang matalik na kaibigan ni Luther. Gulat din itong nakatitig sa akin. Kitang-kita sa mga mata nito ang hindi makapaniwala habang mataman akong tinitigan...agad naman akong tumayo at mabilis na naglakad palayo."Abby! Abby! Wait!!!" narinig kong tawag nito sa akin..hindi ko ito pinansin at binilisan ko ang aking hakbang...
Luther POVHalos isang linggo na din ang nakalipas simula ng inutusan ko ang aking mga tauhan at si Lester para hanapin si AB Tevez. Maaaring nababaliw na nga ako pero hangang ngayun hindi pa rin ako mapakali. Kailangan ko itong makita ng personal upang matapos na ang hinala na bumubuo sa aking isipan.Sa tuwing tinititigan ko kasi ang larawan ni AB Tevez hindi talaga ito lumalayo sa hitsura ni Abby. Hindi ko alam pero sa kaloob-looban ng isip at puso ko may isang hinala na nabuo. Kaya naman sa ayaw at gusto ng AB Tevez na iyun, kailangan niyang makipagkita sa akin at ipakita ang kanyang tunay na hitsura.Tiningnan ko na din lahat ng CCTV dito sa Site kung saan dumaan si AB Tevez. Kahit saang angulong tingnan...kuhang kuha talaga nito ang akad at mannerism ng namayapa ko ng asawa. Alam ko sa akin sarili na posibleng may magkakamukhang tao sa mundo pero imposible naman kung pati kilos at mannersm ng isang tao ay kaya din nitong kopyahin.Agad akong napukaw mula sa malalim na pag-iisip
ABBY POVFIVE YEARS LATERTahimik akong nakaupo sa loob ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Parang kailan lang pero ang bilis lumipas ng panahon. Nakalimang taon na pala kami sa Amerika pero ngayun pabalik na kami sa Pilipinas para doon ituloy ang buhay. Nagdesisyon kaming umuwi na lang ng bansa dahil gusto kong sa Pilipinas pa rin lumaki at mag-aral ang aking mga anak. At isa pa may magandang negosyo kaming naitayo sa Pilipinas. Actually, fully operation na ang negosyo at malakas kung kumita kaya wala ng dahilan para magpatumpik-tumpik pa kami na bumalik ng bansa. Meron kaming itinayong restaurant sa Quezon City at Bake shop naman sa isang kilalang mall sa Pasay. Sobrang trending daw ang aming mga produkto kaya naman malaki ang kinikita araw-araw. Balak namin magtayo ng iba pang mga branches o di kaya ay mag-open ng mga franchise kaya lang sabi ni Mama Charito kailangan personal kong asikasuhin ang lahat ng iyun. Mahirap naman kasi kung ipagkatiwala ko sa iba. Hindi na din daw kasi k