Napilitan akong pumasok sa Mini Function Hall. Maliit lang ang function hall na ito kaya nga mini eh. Kasing laki lang ito ng tatlong office at kadalasan ay mga upuan at table lang ang nandito. May mga aircon din. Madalas gamitin 'to ng mga teachers kapag may meeting sila, minsan dito rin ginaganap ang pagbilang ng balots sa election.
Pero labis ang pagtataka ko kasi Aldrich lang ang mag-isa doon. Nasa isang mahabang table siya at may ginagawa siya sa phone niya. Pagbaling niya sa amin ay ngumiti siya. "You are late, Andrei," sabi niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Claire, what a surprise."
Gusto ko siyang irapan. Halatado sa mukha niya na nagpapanggap lang siyang gulat na makita ko.
"Ah kilala mo na pala itong anak ko, brad," sabi ni kuya Andrei na naka-akbay pa rin sa akin. "Asan na 'yung mga iba?"
"Kanina pa sila umalis," sabi ni Aldrich. "Kung may gusto kayong kainin o inumin, sabihin n'yo lang sa akin."
"Kung gano'n, brad, gusto ko ng beer," sabi ni kuya Andrei habang umuupo kami sa isang table na punong-puno ng mga sweets at baked goods.
"You know well that we are inside the school," sabi ni Aldrich. "Ikaw Claire? May gusto ka bang kainin?"
Umiling ako at hindi sumagot, bagay na napansin si kuya Andrei kaya sinapian na naman siya ng katopakan niya.
"Claire h'wag ka ng mahiya diyan kay Aldrich," sabi sa akin ni kuya Andrei. "Mayaman 'yan kaya kahit anong ipabili mo ibibigay niya sa'yo."
"Okay na po ako rito sa mga sweets at baked goods," sabi ko sa kanilang dalawa. "Bakit po tayong tatlo lang po ang nandito?"
"Iniwan na nila ako eh," sagot naman ni Aldrich. His eyes were staring at me, as if he wants to say something. "Ipapaubos ko na lang itong mga ito sa inyo kasi ito na lang ang natira."
"Mag order ka ng pizza, Pres," sabi ni kuya Andrei. "Samahan mo na rin ng softdrinks."
Inilabas naman ni Aldrich ang kanyang phone at nag-type siya dito. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "Ikaw, Claire? May specific flavor ba ng pizza na gusto mong ipa-order?"
"Bakit naman si Claire lang ang tinatanong mo? Parang hindi mo ako kaibigan ah, brad," sabat ni kuya Andrei.
Hindi siya pinansin ni Aldrich kasi nakatuon lang sa akin ang pansin niya. "I'm waiting, Claire," sabi niya at ngumiti siya sa akin.
"Cheese and Pepperoni," sabi ko, "no bell peppers."
Binigyan niya pa ako ng isang matamis na ngiti pagkatapos ay nag type na siya ulit sa phone niya. Ilang sandali pa ay nag-beep ito.
Ngayon naghihintay na lang kami ng darating na pagkain.
"Anyways," Aldrich started, "I want to take this opportunity by thanking you, Andrei, for the support you've given me during the elections."
"No problemo, brad, mahal kita at mahal ko siya, mahal ko kayong dalawa," sabi ni kuya Andrei na nagpakunot sa noo ko.
Anong pinagsasabi niya?
"I love you too, Andrei," sabi naman ni Aldrich na mukhang sinakyan ang trip ni kuya Andrei.
Nailing na lang ako sa kanilang dalawa. No wonder magkaibigan sila, they're of the same feathers.
"Yucks bro, wag mong sabihin 'yan kapag dumating siya rito," sabi ni kuya Andrei, "baka magselos 'yon. Alam mo naman siya, isang matalim na tingin niya lang patay na ako.
At dahil wala naman akong kinalaman sa usapan nila, itinuon ko na lang ako doon sa mga sweets. May nakita akong brownies na malapit kay Aldrich at sinubukan kong abutin 'yon. Pero sa kamalas-malasan ay biglang natumba yung tower na pinaglalagyan ng mga brownies at nahulog ang mga 'yon sa table.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong tumayo para ayusin 'yung nasira ko. Imbes sanang tulungan ako ni kuya Andrei, tinawanan niya pa talaga ako.
"Di mo na lang kasi pinaabot kay Aldrich eh," sabi ni kuya Andrei. "Kung tratuhin mo si Aldrich, para siyang others," dagdag niya na tumatawa pa.
Sinamaan ko ng tingin si kuya Andrei. Pero nang bumaling ako kay Aldrich ay apologetic ang mukha ko. "Pasensya na po, kuya Aldrich," I intentionally said. Bakit ko siya tatawagin sa pangalan niya? Close ba kami? Boyfriend ko ba siya?
Tumaas ang mga kilay ni Aldrich sa akin. "I told you to drop the kuya, Claire," sabi niya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Ayaw ko nga, makulit ka.
"Drop the kuya? Eh kuya ka naman kasi mas matanda ka kay Claire, Aldrich," sabi ni kuya Andrei. "Bakit ayaw mong tawagin kang 'kuya' ni Claire?"
Saglitan kong nakita ang pagtalim ng mga mata ni Aldrich kay kuya Andrei. But kuya Andrei remained oblivious about the encounter.
Hindi na lang ako umimik kasi natatakot ako kay Aldrich. There's just something in him that I don't really trust. Be it his presence, or just his mere existence, I don't want myself near him. Sana ay ibang tao na lang ang naisama ni kuya Andrei, I still have my missing BOC problem.
Just the thought of it being known to the public makes me want to plan to transfer to another school outside the Region.
"Andrei, nandito na 'yung pizza," sabi ni Aldrich. "Pakikuha mo na lang sa gate."
"Ah, ako na lang po ang kukuha," sabi ko.
Ayaw kong maiwan mag-isa sa lugar na 'to na siya lang ang kasama ko. Anything but that!
"Ano ka ba, Claire, ako na, ako ang kuya," sabi ni kuya Andrei. Tumayo na siya sa kinauupuan niya at mabilis siyang lumabas para kunin ang pagkain.
Wow...what a day.
"I'm happy you came here, Claire" narinig kong sabi ni Aldrich sa akin. "I personally want just the two of us talking in private, but a third party is also okay."
"I have no idea what you're talking about, Mr. President," sabi ko sa kanya na hindi siya binibigyan ng tingin.
"I still want you to be my secretary," sabi niya. "Malaki ang maitutulong mo sa SSG at sa school natin."
Tumingin ako sa kanya para hanapin sa mukha 'yung joke, but his face is serious.
Still, maling tao ang inaalukan niya ng magandang posisyon sa SSG. "I really don't think I fit the criteria of an SSG Secretary. One more of that idea on making me your secretary might make me think you just want me for your personal gain."
"If that would be the idea, Claire," sabi ni Aldrich na ngumingiti sa akin nang matamis. "I would consider it hitting two birds with one stone."
Kunot ang noo ko sa kanya. "You don't really mean to get me for personal gain, do you?" tanong ko sa kanya, pero nginitian niya lang ako.
"You'll be an important asset of the student government," he said firmly as if letting me know that he's not joking. "You know a lot of things. You unintentionally know a lot about this school."
"And what are those things you are saying?" tanong ko sa kanya.
Tinitigan ako ni Aldrich nang matagal pagkatapos ay lumabas sa bibig niya ang salitang di ko inaasahan. "Secrets," he said. "You know a lot of secrets, Claire."
Nakipagtitigan din ako sa kanya. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng sinasabi niya. But recruiting me for secretary is making me think that this job is not just a mere fancy title to hold. Parang sinasabihan ako ni Aldrich na there should be something more that meets the eye.
When he said secrets. What secrets?
I don't know that many secrets in our school. Maybe I just know a few, but those are just mere rumors, like there are cases of criminal acts that happen behind the school. Or the rumors of an underground government.
Lahat 'yon sinulat ko sa Book of Cheating ko. I would usually know those things because of my clients. Aside from asking for their personal information, I would usually ask them for rumors and important information that might help the publication. All the things I usually get are the ones I mentioned. There's also about cheating in a relationship and the likes.
Aldrich wouldn't know that I know those things unless he's got his hands on my Book of Cheating.
Natigilan ako sa naisip ko.
Tinignan ko si Aldrich na nakangiti na ngayon sa akin as if if he knows what's on my mind.
I mean that's impossible right? Imposibleng mapasakamay niya ang BOC ko.
Mahina akong napasinghap sa kinauupuan ko. It will be the death of me if he has my book.
"By the way, Claire, I almost forgot," bigla niyang sabi habang nakangiti pa rin sa akin. "I have something against you."
"At ano naman 'yon?" tanong ko sa kanya. I tried my best to hide my nervousness as much as possible.
Pero hindi na siya nakasagot pa dahil bumukas ang pinto ng Mini Function Hall at dumating si kuya Andrei na may dalang limang malalaking box ng pizza, at dalawang 1.5 liters ng softdrinks.
Nag umpisa kaming tatlo na kumain ng pizza. As usual si kuya Andrei ang maraming nakakain kasi matakaw siya. Parang wala siyang bituka kapag kumakain siya. Siguro kapag naging mukbang vlogger siya sisikat siya, tapos magtataka ang mga tao kasi kahit anong kain niya hindi siya tumataba.
Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Aldrich. He was talking to kuya Andrei so I was minding my own business. "I found something valuable, Andrei," sabi ni Aldrich. "It might help your publication."
"Naks, brader, mahal na mahal mo talaga ako," sabi ni kuya Andrei.
"It holds a lot of secrets you see," sabi ni Aldrich kaya bigla akong napatingin sa kanya. Surprisingly ay nakatitig siya sa akin habang nagsasalita siya. "I call it, the Book of Cheating."
"I call it, the Book of Cheating." Napaubo ako nang mabulunan ako sa iniinom kong soft drink. At dahil na rin kasi 'yon sa narinig kong sinabi ni Aldrich. Nasobrahan ko ata ang biglaang paglunok, kaya hindi ako natigil sa pag-ubo, bagay na ikinabahala ni kuya Andrei. "Claire, okay ka lang ba?" tanong ni kuya Andrei sa akin. Iwinagayway ko ang kamay ko sa kanya ay sabi ko, "Okay lang po ako, kuya, nabulunan lang po." Sinamaan ko ng tingin si Aldrich, pero nakangiti lang siya sa akin. He seems amused about the events that is happening right now. He has it! Nasa kanya ang BOC ko!!
"The rumor about an underground government in Louise Academy is true," sagot niya. "As well as a possible crime organization that has been terrorizing students." Saglit akong natahimik sa kinatatayuan ko, but I am screaming inside. I have to scold my self for being stupid. Sinisisi ko ang sariling katangahan ko for unintentionally putting myself in a serious case like this. Iyong mga ganitong bagay ay hindi naman dapat nasa care list ko, kasi wala naman akong pake sa mga gano'ng bagay. "So you mean to say, may tinutugis kayong secret crime organization na binibiktima ang mga estudyante?" tanong ko sa kanya. "That's the basicality of it," sabi niya. "It started three years ago. May isang estudyante na humingi ng tulong sa SSG about a blackmailing case. The culprit was
"Can I ask you for any information? Let's put her information to test, shall we?" Kumakabog ang dibdib ko sa narinig ko. Tell me I'm dreaming. Andami ng nangyayari sa akin sa linggong 'to. This is not something I asked for! I sighed. "Ano po ang gusto mong malaman?" tanong ko sa kanya. "I want to know about a student named Cassandra Vergarra," sabi ni sir Vergarra. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ba 'yon yung anak niyang namatay last year lang? I really don't know the whole story of what happened that day, pero maraming nakakita sa kanya na tumalon mula sa fourth floor ng John Vianney Building, ang building naming mga senior high school. Suicide daw ang case, at wala namang kahina-hinala sa nangyari.
"Claire!" I was pulled out of my reverie when Irma loudly called my name. Muntik akong mapatalon dahil sa gulat, at napatingin ang mga tao sa amin sa cafeteria. "Bakit?" tanong ko kay Irma pero umiling lang siya sa akin. Inayos niya ang eyeglasses nniya at hinawi niya ang mahaba at kulot niyang buhok. "Kanina ka pa nakatunganga diyan," sabi niya sa akin, "malapit na matapos ang vacant natin at di ka pa tapos sa kinakain mo." Doon ko na-realize na kumakain pala kami ng lunch ngayon sa cafeteria. It has been days already since we've seen the hard drive, at hanggang ngayon ay 'yon pa rin ang nilalaman ng isip ko. We actually found hundreds of videos that can surely ruin someone's image. I recognized some of my classma
Matapos bumili ni Kaizer ng ice cream niya, dumiretso kami kaagad sa kinaroroonan ni Charmaine. Nasa isang arcade siya, at saka lang umalis sina Desiree at Lorraine nung dumating kami. Pinapasok namin si Charmaine sa sasakyan, at nag-uusap kami habang nagmamaneho si Aldrich palibot sa town. Sabi ni Aldrich mas safe na 'yon ang gawin namin kahit gastos sa gas, may pera naman siya kaya hindi na niya problema 'yon. Inalok ko ang iba kong pagkain kay Charmaine, nag alok din ng ice cream si Kaizer sa kanya. Pero sabi niya tapos na silang mag meryenda. "H'wag kang magalit sa tanong ko ha," sabi ko. "May nangyari ba sa inyo ni Drake?" tanong ko. "No way!" sabi ni Charmaine. "Hindi ako pumayag noon kasi sinabihan mo akong huwag magtiwala sa kanya."
Ang sakit ng ulo ko nung bumangon ako sa higaan ko. Nalasing ba ako kagabi? "Claire," napatingin ako kaagad sa may pinto ng kuwarto at nakita ko na nakatayo si Aldrich doon. "Ay Diyos na mahabagin!" bulalas ko. "Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko, President?!" Kumunot naman ang noo niya. "You're in one of our guest rooms, Claire. Natulog ka rito sa bahay namin." Agad na nanlaki ang mga mata ko sa kanya. "ANO?! Bakit? Pano? Impossible!" Bakit wala akong maalala?! Bigla akong kinabahan. May ginawa kaya akong hindi maganda? Lumibot ang mga mata ko sa buong kwarto. Shocks, hindi ko nga kwarto iyon.
"You're kidding, right?" sabi ko sa kanya. Mas lumala ang pagkabog ng d****b ko dahil sa sinabi niya sa akin. Jusko mababaliw na ata ako. Kung sa ibang tao halikan lang 'yon, para sa akin masisira ng video na 'yon ang tahimik kong buhay! Imagine being hated by a lot of girls who are soooo in love with Aldrich, yung tipong may fans club pa siya sa school. Those fangirls are such a pain! Umiling naman si Aldrich akin. "I'm not kidding, Claire," seryosong sabi niya. "This is actually bad, especially that you're supposed to be low profile in the SSG." "This is why I don't want to involve myself with the SSG," sabi ko sa kanya. "Sana binasa ko na lang noon yung sulat ni Cassandra para alam ko na sa ganitong sitwasyon ako mailalagay!" "I'll ask my friend if he can do
"Nag enjoy ba kayo ni SSG President kagabi?" I gritted my teeth at Drake. This guy is really a pain in the neck! I wanted to call him horrible names, or curse at him. But I figured it's not good diplomacy, so I composed myself and tried to be as calm as possible. I smiled at Drake, and told him, "I am not the one to like parties, Drake. If you're going to ask that question, you better ask kuya Andrei or the SSG President himself. But I did enjoy the free orange juice." When Drake's eyes landed on my neck, he smirked. "That's a nice mark, did the SSG President gave you that?" pabulong niyang tanong sa akin. Kaya agad ko namang tinakpan ang leeg ko. "Drake kung wala kang magandang sasabihin sa amin, umalis ka na lang," sabat ni Irma.