CHAPTER SIXTEEN:
“I love you.”
Hindi nila alam kung sino ang unang nagtapat ng pag-ibig. Marahil ay sabay sila sa pagsambit sa matatamis na kataga.
Inulit ni Natasha. Walang pag-aalinlangan.
“Mahal kita, Jake.”
“Oh, Natasha! Mahal na mahal din kita!”
Nang yakapin siya ng lalaki, yumapos din siya nang mahigpit. Nasa gayong ayos lang sila nang maraming sandali.
Kaipala’y kapwa nabasa ng luha ang kanilang mga mata…
“Nagpunta ako ngayon dahil natanggap ko na ang sagot—hindi ako kasal kay Celia.”
“Peke rin ang kasal ninyo?”
“Ikinasal kami sa huwes. Baka hindi lang nairehistro o baka ginawa ng mga magulang niya ang lahat para mapawalang-bisa ang kasal namin.”
“K-kumusta si Celia…?”
Matagal bago nakasagot si Jake. “Hindi naging maganda ang kapalaran niya, Natasha.” Isinalay
The Wily Husband SYNOPSIS Kolektor ng mga alahas na bihira at mamahalin si Ysrael. Ang pinakamimithi niyang hiyas sa lahat ay nasa pag-aari ni Lorelei. Sa malas, ninasa ni Ysrael na angkinin ang dalaga at ang pambihirang hiyas. Ngunit hindi basta-bastang babae si Lorelei. Namumuhi siya sa mga lalaki. Wala siyang interes sa atensiyon na iniuukol ni Ysrael. Sa unang pagkakataon, hindi umepekto ang karisma ng binata... * * * CHAPTER ONE: Puno ng mga panauhin ang malawak na bulwagan ng Ravago Castle, ang pamosong kastilyo na pag-aari ni Ysrael Ravago. Na isa namang plamboyante at kilalang kulektor ng mga rare art items. Ng mga mamahaling antigo at sikat na alahas. At ng mga babaeng magaganda at sosyal... "Pare ko! Kumusta ka na?" ang eksaheradong bati ni Billie sabay tapik sa likod ng binata. Abot-teynga ang pekeng ngiti nito, habang kinakarkula sa tingin ang presyo ng
CHAPTER TWO:Inilapag ni Lorelei ang dalang basket na puno ng mga puting rosas sa ibabaw ng lamesang mahaba ng kusina."Nana Desta, nandito na po ako," wika niya sa malakas na boses, habang palinga-linga sa maluwang na palibot. "Nana? Nasaan kayo?" ulit niya.Lalabas na sana siya sa pinto na patungo sa kabahayan nang maulinigan ang tinig ng matandang yaya mula sa laundry room."Nandito ako, Lei," anang pagaw na boses. "Bakit?" tanong nito nang makalabas na."Pupunta na po ako sa planta, Nana. Magpapaalam lang po ako.""Tamang-tama, naihanda ko na ang baon mo. Heto'ng basket.""Ang Nana talaga. Inunahan n'yo na naman po pala ako." Hinagkan niya sa pisngi ang matandang malakas pa kahit na edad sitenta y singko na. "Huwag naman kayong masyadong magpapagod dito. Baka sumpungin na naman kayo ng rayuma kapag nababad kayo nang husto sa tubig.""Oo, sabi. Tapos na nga ako sa ginagawa ko. Kinusot ko lang ang kaunting basahan para hindi
CHAPTER THREE:NAMUMUTLA si Dionisio.Kaya naningkit ang mga mata ni Ysrael. "Ano'ng problema, Dionisio?""W-walang nakalistang 'Lorelei Cortez' sa guests' book, senyorito," anito.Sumulak ang pagkayamot niya. Ngunit nagpakalumanay pa rin siya. "Ano'ng ibig mong sabihin, Dionisio?" umpisa niya. "May nakapasok na tao sa kastilyo nang hindi nalalaman ng mga guwardiya?"Tumango ang head butler. Nakayuko ito. Sising-sisi ang hitsura."Paano nangyari 'yon?" aniya, medyo pasinghal na."K-kasama siguro siya ng isa sa mga imbitadong panauhin, senyorito. Kaya hindi na napa-pirma sa guests' book."Sumingasing si Ysrael. Gusto na niyang magwala, pero kailangan niyang magpigil. "Dalhan mo ako ng kape, Dionisio," utos na lang niya.Nang mapag-isa, minasahe niya ang magkabilang sentido."You're an elusive woman, Lorelei!" bulong niya sa sarili.Nakatitig ang mga mata niya sa kisame, ngunit hindi ang mga kupidong na
CHAPTER FOUR: "AALIS ako, Dionisio," pahayag niya sa butler, matapos ibagsak ang receiver nang padaskol. Sinuklay ng mga daliri niya ang maikli at medyo kulot na buhok. "Pupunta ka sa Ifugao Province, senyorito?" Tumango siya. "Pupuntahan ko na lang siya." "Ano'ng sasakyan ang ipapahanda ko, senyorito?" "Ang helikopter." Yumukod ang butler upang sundin ang ibig niya. "Ipa-impake mo na rin ang mga dadalhin ko," pahabol niya. "Masusunod, senyorito." Napatitig si Ysrael sa telepono nang mapag-isa na siya. Ilang araw siyang nagmatigas. O natotorpe na siya? pambubuska ng isang sarili niya. "I'm too conceited," pag-amin niya. "That's the problem with me!" Pabagsak siyang naupo. Hindi pa niya naranasang magpakahirap para makuha ang isang babae. Ang mga panliligaw niya ay pulos pahapyaw lang. Pakunwari. Para lang maisalba ang feminine ego. Ayaw din naman niya ng babaeng easy-to-get. Maingat siyang pumili
CHAPTER FIVE:HINDI mapakali si Lorelei. Palakad-lakad siya.God! Nandito na siya! bulalas niya sa sarili habang palakad-lakad sa loob ng opisina. Kabababa lang niya sa receiver ng telepono. Tumawag sa kanya ang head mechanic, para ibalita ang pagdating ng isang helikopter."Senyorita Lei, ikaw ang sadya ng lalaking kasama ni Manong Udong. Ipapahatid ko ba sila diyan?""S-sige," tugon niya kahit na nag-aalinlangan.Nasukol na siya ni Ysrael Ravago. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang magpakatapang. At magpakatatag.Inayos niya ang long coat na kulay puti. Kinapa ng mga daliri ang mga butones na isinara, pati ang nakapusod na buhok. Kahapon, hindi niya itinuloy ang pagtatrabaho sa laboratoryo. Alam niyang masisira lamang ang pormula na balak niyang gawin. Kaya nga tuwang-tuwa si Nanang Desta nang umuwi siya nang maaga."Kuu, mabuti naman at pinakinggan mo ako, Lei.""Parang inantok ako sa paglalakad, Nana. Magpapah
CHAPTER SIX:PINANOOD ni Ysrael ang kaakit-akit na tanawin. Ang dahan-dahang pamumula ng mga pisnging makikinis matapos niyang ipahayag ang kanyang sagot."I won't take 'no' from you, Lorelei," ulit niya. Para mas klaro. "Hindi ako tatanggap ng kabiguan mula sa iyo. Lalo na sa 'yo.""B-bakit?" tanong ng dalaga, paanas. "I don't really want you."Pinigil niya ang mapangiwi. "Let me be the judge of that, Lorelei," pakli niya. "Whenever I kiss you, I always feel your passionate response.""Hindi tutoo 'yan!" Pumiksi ang dalaga habang itinatanggi ang sinabi niya."Tutoo ang sinasabi ko, Lorelei. Hindi mo maitatangging gusto mo rin ang mga halik ko," panunudyo niya."Y-you're--you're despicable!" bulalas nito. "An atrocious swine!"Tumawa lang siya. "I've been called by worser name, my dear. Yours is too tame--and very old-fashioned. I just hope your not like that in bed," dagdag pa niya.Napahumindig ang dalaga sa huling sin
CHAPTER SEVEN:LALONG lumala ang mga pangyayari!"Y-you're impossible!" Wala na siyang ibang maisip sabihin sa lalaking nasa harapan niya. "Kung nagpunta ka rito para maghanap ng magiging laruan, nagkakamali ka ng pinuntahan. You can go now, Mr. Ravago. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko. Remember, teritoryo ko ito. Puwede kitang ipabugbog at ipatapon," pananakot niya.Ngunit halatang walang epekto sa lalaki ang mga banta niya."Kung makukumbinsi kang tapat ako sa hangarin ko, papayag akong magpabugbog, Lorelei."Pumiksi ang dalaga. Nayayamot na siya. Nais na niyang matapos ang paghaharap na iyon."Ano ba talaga ang ipinunta mo rito?" Minabuti niyang magpaka-prangka na. "Hindi ba business ang ipinunta mo rito?" tanong pa niya gayong alam na niya ang sagot."Tsk! You already know the answer to that," panunudyo ng lalaki. "I came here to seduce you. But now that I decided to make you my wife instead--liligawan na lang muna
CHAPTER EIGHT:"MANONG Udong, saan kaya ako puwedeng tumira habang nandirito ako?" tanong niya sa matandang lalaki.Ang matabil na drayber ang sumagot sa kanya. "May mga pinapaupahang bahay dito sa farm, Mr. Ravago," pahayag nito. "Ang namamahala ay si Nana Desta.""Sino 'yon?""'Yung katiwala ni Senyorita Lei," sabad naman ni Manong Udong. "Dating yaya at ngayon ay tanging kasama sa malaking bahay.""Tanggapin kaya niya ako bilang tenant?""Kung ipapakilala n'yo nang maayos ang sarili n'yo, oo." Ang drayber na naman."Mahigpit pala siya.""Hindi naman. Kaya lang, ang kalimitang nagbabakasyon sa ganitong lugar ay matatanda na o kaya'y galing sa sakit. O di kaya'y isang buong pamilya na mahilig sa nature," ang mahabang paliwanag ng nagmamaneho. "Maninibago sa inyo si Nana Desta dahil binatang-binata kayo at tila hindi sanay sa ganitong lugar.""Ganoon ba?" singit ni Manong Udong. "Puwede kaya akong mag-apply na kasama mo