Share

Chapter 3

POV: Harvy

Pag uwi niya sa bahay, doon pa lang niya naisipang buklatin ang last will and testament ni Lolo A. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa kondisyones ng matanda. Pinanindigan talaga nito ang kagustuhang makasal sila ni Dahlia. Binasa niya ito ng buo.

NILALAMAN:

Ako, si Antonio Austria, nasa hustong edad, ay nag iiwan ng habilin sa aking mga maiiwan kung sakaling ako ay kuhanin na ng Panginoon.

Para sa aking nag iisang anak na si John Austria at sa kanyang mabuting may bahay na si Alma Austria, iniiwan ko ang aking bahay, kung saan siya lumaki at bumuo ng pamilya. Iniiwanan ko rin siya ng isang daang million at inuutusang enjoyin ang buhay nila habang bata pa sila. Magtravel at magliwaliw. Kung sakaling kulangin pa ang perang aking iniwan, my time deposit na nakalaan sa kanila at susuportahan sila ng kanilang anak na si Harvy.

Walang aalising empleyado maliban sa kung sila ay nagkasala sa kumpanya. Ang mga kasambahay ay may dagdag na sahod every six months.

Sa aking assistant, kanang kamay at driver na si Manuel Vega, iniiwan ko sa kanya ang aking taxi business, sampung milyong piso, at ang mga paupahang apartment sa Baguio dahil sa kanyang katapatan at hindi pag iwan sa akin sa panahong ako ay nangangailangan.

Inilalagay ko sa pangalan ng aking apong si Harvy Austria ang lahat ng aking ari arian, kasama na ang aking bahay sa Amerika, ang vacation house sa Japan at apartment sa London. Ang aking kumpanyang Builders Empire, mga subdivisions at buildings ng mga condominium. Ang aking pera sa banko na nagkakahalaga ng sampung milyong dolyar. Ang kanyang trustfund na patuloy na nalalamanan at nagkakahalaga ng dalawang daang milyong piso, at ang dalawang bilyong piso na nasa time deposit.

Subalit may kundisyon ang mga bagay na ito, si Harvy Austria ay kailangang pakasalan ang anak ng aking assistant na si Dahlia Vega. Kung hindi ito gagawin ng aking apo, ang kalahati ng kayamanang maiiwan ko, ay ipapamana ko kay Dahlia, at ang kalahati naman ay idodonate sa charity.

Kung magkagayon man, na hindi magkasundo ang dalawa sa loob ng tatlong taon, itong huling kasunduan ay bubuwagin, at ibibigay sa aking apo ang lahat ng ari ariang nabanggit, at ibibigay kay Dahlia ang dalawang daang milyong piso na nakadeposito sa aking isang bank account. Itoy patutunayan ng aking lagda at thumb mark.

"Impossible!" Halos mabingi siya sa boses niya. "Si lolo talaga, magpapamana na lang, pahihirapan pa ako!"

Naupo siya sa kama saka humiga na nakalagay ang mga braso sa likuran ng ulo.

"Napag usapan na namin ni Dahlia ito. Bakit kasi yung salitang tatlong taon lang ang nakita ko. Sana napag usapan namin agad ito. Ano ba kasing nagustuhan ni Lolo sa babaeng yun. Napaka ordinary lang naman ng hitsura. Ganoon ba kagusto ni Lolo ang mag amang yun para gawin ito sakin! Hay naku lolo talaga" nagmamaktol siya sa pagkakahiga.

Kinatok siya ng ina sa kanyang kwarto.

"Anak, dito ka ba matutulog?" Tanong nito sa kanya.

"Ma.. baka naman pwede nyo pang kausapin si Lolo. May girlfriend na ako ma." Reklamo niya.

"Alam ng lolo mo kung anong ginagawa niya." Sagot ng kanyang ina.

"Ma naman.. papayag ba kayo sa ganun? Arrange marriage?" Nakakunot ang noo niya.

"Anak.. dyan din naman kami nanggaling ng daddy mo" sagot ng ina.

"Pero ma, iba yung panahon nyo noon. Unlike ngayon" sagot niya.

"May mga disisyon ang lolo mo na pinag iisipan niya talaga. Matagal na niyang plano yan. Natakot lang siya ngayon kasi may inuuwi ka ng babae."

"Mahal ko si Audrey ma"

"Sa palagay mo, ano kaya ang ayaw ng lolo mo sa kanya?"

"Mabait siya mama"

"Sayo, sa lolo mo, sa akin, sa papa mo.. siguro yun lang ang nakikita mo."

"Matalas lang talaga ang dila niya ma kasi honest siya."

"Makikita mo naman yan in time kung bakit ganyan ang naging plano ng lolo mo. Nanaisin mo bang mawala siya sa daigdig na masama ang loob sayo? Ang kumpanya mo, maaatim mo bang mawala pati ang iyong mga mana?"

"So, nabasa niyo na to?"

"Pumayag kami sa kasunduang yan."

"Pero bakit ma? Bakit niyo nagawa sa akin to?"

"Anak, Harvy, makinig ka, maging mapanuri ka. Hindi yung kung ano lang ang nakikita ng iyong mga mata siya ang paniniwalaan mo. Binasa mi naman yan hindi ba? May chance na kung hindi kayo okay ni Dahlia, pwede kayong maghiwalay."

"Alam kaya ito ni Dahlia?"

"Katulad mo, pinadalhan din siya ng ganyan ng lolo mo."

"Pumayag siya?"

"Ewan ko sa usapan nila. Pero nag usap na kayo di ba?"

"Pero hindi ko alam na ganito ang kontratang ito."

"Bakit hindi mo binasa agad? Mas inuna mo pa ata ang magmaktol eh."

"Wala po ba akong choice? Aside sa pagpapakasal?"

"Meron naman"

"Sige, ano po yun?"

"Mawalan ka ng mana."

"Maaaaaa!!!"

Ganito na talaga ang mangyayari sa buhay niya. Magiging asawa niya si Dahlia. Kailangan niyang kausapin si Audrey. Hindi siya papayag na maghiwalay sila. Kapag hindi ito pumayag, hahayaan na niya ang kanyang mana. Kaya niya namang magtrabaho at magtayo ng sariling negosyo. Tama, yun ang gagawin niya.

Kaagad niyang tinawagan ang nobya. Subalit hindi ito sumasagot. Nasa Paris pa ito. Si Dahlia na lang ang kakausapin niya. Para mabuo nilang dalawa ng maayos ang plano nila. Baka mamaya may boyfriend pala ito. Tinaeagan niya ang dalaga.

"Asan ka?" Tanong niya pagkasagot ng babae ng cellphone.

"Nasa hospital ako, bakit?" Sagot nito.

"Maaari ba tayong magkita para makapag usap?"

"Sige, magpapaalam lang ako kay papa. Saan tayo magkikita?"

"Sa condo ko. Kahit bukas na lang ng umaga, gabi na. Nasa ancestral house ako ngayon. Kumusta na si lolo?"

"Okay naman siya, natutulog. Hinahanap ka niya kanina. Bukas magpapalit naman kami ni tita Alma dito. Pero si papa, hindi na muna uuwi. Madalas kasi nagigising si Lolo A."

"Oh, sige, yun lang naman ang sasabihin ko. Iupdate mo ako sa lagay ni Lolo. Magkita na lang tayo bukas."

"Sige, bye.."

"Bye" inoff na niya ang phone.

Gumawa siya ng to do list niya para wala siyang makalimutan sa arrangement na gusto niyang mangyari. Tutal naman, gusto ng lolo niya ng arrange marriage, kaya iaarrange niya talaga.

Pagkatapos niyang magsulat, nahiga na siya para magpahinga. Wala siyang ganang kumain, at pakiramdam niya ay isusuka niya lang. Nakatulugan na niya ang pag iisip.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Manuel Matalog
hanggang anu page to kya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status