Share

Chapter Twelve

Monica

Lumipas ang buong araw at parang aso't pusa si Geca at Kiel. Panay ang asar ni Kiel kay Geca at pikon na pikon naman si Geca. Pauwi na kami at inabot na kami ng hapon dahil nag-ayos na kami ng parterings para sa performance sa PE.

"Bakit ba kasi napaka malas ko at siya panaging partner ko." inis na sabi ni Geca at sinipa ang maliit na bato na nadaanan namin.

"Alam mo bes, kumalma ka lang. Wala ka naman na magagawa." Sinulyapan ko siya at nakita na aasar na asar pa rin siya. "Saka 'di ba, ilang minutes lang kayong magka-partner. Wala pa nga atang one and half minute dahil sa rotations."

"Kahit na. Naiinis pa rin ako."

"Bakit ka ba naiinis sa kaniya? Ano mo ba siya at gaano mo na siya katagal kakilala?"

Napatigil siya at napatigil din ako.

"Well, I think I met him several years ago, I guess we were in Grade 10 that time. Remember the time that Kuya and I went to Baguio for a couple of weeks? Unfortunately, he is our neighbor. He keeps on pestering me during our visit. And I can't believe that he really transferred here after knowing that I'm studying here."

Tumuloy na kami sa paglalakad at patuloy na nagkuwentuhan. "You mean, you already had an idea that he might transfer?"

"Yeah. Noong bago kasi kami umalis, niloloko niya ako at nagsabi na lilipat sya lalo na pag na-bored siya sa pinapasukan niyang school."

"Wait, do you have a relationship with him?"

"What?"

Napa-irap ako at tumingin sa kaniya. "Naging kayo ba?"

"Hindi!"

Napangisi ako nang makita na bahagyang namumula siya.

"But do you like him?"

"Lalong hindi!"

"Weh?"

"Oo nga! Bakit ayaw mo maniwala?"

"Promise? Hindi mo talaga siya gusto?"

"Yup! I swear! Bakit naman ako magkakagusto sa kaniya? Ano bang kagusto- gusto sa lalaking iyon? Wala naman."

"Masyado kang in denial, bes. Pwede naman 'oo' o 'hindi' ang sagot."

"Hay nako, Monica Dee Saavedra. Pwede ba? Magtigil ka sa pang-aasar."

Nakarating na kami ng bahay at napatigil kami nang makita na malawak na nakaukas ang pinto. Slit kaming nagkatinginan ni Geca.

"Sila tita na kaya iyan?"

"I don't think so. Hindi iiwanan ni Mama na bukas ang pinto. Unless namili siya. Eh, wala namang grocery sa tapat ng pinto at kapamimili lang."

"Umalis na kaya tayo? Baka mamaya ay masamang tao sila."

"Saan naman tayo pupunta?"

Hinawakan na ni Geca ang kamay ko at matalimang tingin niya sa loob ng bahay. Para bang alam niya kung sino o ano ang nasa loob ng bahay.

"Basta, sa lugar na malayo rito."

Saktong pagtalikod namin ay may sumalubong na kamao sa sikmura namin. Nandilim ang paningin ko at ang huli kong nakita ay ang mga kakaibang nilalang na ngayon ko pa lang nakita.

*****

Napamulat ako ng mata nang maramdaman ang masakit na sampal na dumapo sa pisngi ko. Tila namanhid ang mukha ko dahil sa sampal na iyon. Nakatali ako sa isang upuan at hindi halos makagalaw. Pinagmasdan ko ang paligid at napansin na tila nasa isang maliit na cabin kami. Hindi ko alam pero bahagyang mahapdi sa balat ang kadena na nakabalot sa akin, at alam kong hindi basta-bastang kadena iyon. Inangat ko ang paningin ko at bumungad sa akin ang isang lalaki na may malaking katawan at mahahabang sungay sa ulo.

"Wake up, half breed."

"Who are you?" iyon ang unang tanong na lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa kaniya.

"It doesn't matter. Ilabas mo ang libro. " Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"Libro? Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Kung hindi mo ilalabas ay mapipilitan akong saktan ang kasama mo."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Geca na walang malay na nakagapos din sa harap ko. Halos dalawang dipa lang ang layo namin sa isa't -isa. Kagaya ko, nakagapos din siya sa isang kadena at walang malay. Sa isang iglap lang ay nasa tabi na ni Geca ang nilalang. May hawak siyang maliit na dagger at nakatutok iyon sa leeg ni Geca.

“Sigurado ka bang wala sa iyo ang libro?”

“Wala akong alam sa sinasabi mo! Kaya please,” tumulo ang mga luha ko at nakaramdam ako ng panghihina. “wag mong saktan ang bestfriend ko.”

Sa halip na pakinggan ako ay ngumisi lang siya at idiniin ang dulo ng dagger sa leeg ni Geca. Kitang-kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa sugat mula sa dagger.

“Sigurado ka ba talaga sa mga sinasabi mo, half-breed?”

“Sinabi na niya, hind iba? Hindi mo ba siya narinig?”

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko na naka-mulat na ang mga mata ni Geca. Hindi pa rin inaalis ang dagger sa kaniyang leeg at patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula roon.

“The little liar is finally awake!” Inalis niya ang dagger at nang ihagis niya iyon sa ere ay nabalot iyon ng itim na usok bago mawala. Ibinaling niya ang atensyon niya sa akin at ngumisi. “Alam mo ba ang sikreto ng bestfriend mo?”

Hindi ako makasagot dahil gulong-gulo na isip ko. Anong libro ba ang sinasabi niya? Bakit niya Kailangang idamay ang best friend ko? At anong sikreto ang sinasabi niya?

“Well. I guess you don’t.”

Lumapit sya sa akin at pumunta sa likod ko. “The secret is, your best friend is a liar. You could say that she’s a really fake friend”

“Don’t play with me. You can’t deceive me. You’re a demon am I right?”

“Did you just realized that?”

“Do you really think my best friend is dumb?” Napatingin ako kay Geca at nagulat ako nang makawala siya kadena. Tumayo siya at lumitaw ang isang baril sa kanang kamay niya. “And don’t you ever try me, bastard.” Itinutok niya ang baril sa demon na nasa likod ko.

“Sigurado ka bang gagawain mo iyan?”

“Yeah, I’m pretty sure.” Nakita ko na kumindat sa akin si Geca at nakuha ko na agad ang gusto niya sa bihin. “In fact, I’m very sure.”

Matapos niyang sabihin iyon ay mabilis akong yumuko at saktong sunod-sunod niyang binaril ang demon na nasa likod ko. Natumba ito at napalayo pa nang bahagyan kaya nagkaroon ng oras si Geca para hablutin ang kadena na nakabalot sa akin at hilahin ako palayo.

“You know that you have to explain later, right?”

“Of course I do! Mamaya na ang chika, bes. We really need to get out of here right now.”

Paglabas naming ng cabin ay bumungad sa amin ang malawak na kakahuyan. Saglit na itinapat ni Geca ang kamay niya sa cabin. “Demarcation!” Lumitaw ang isang kakaibang asul na symbol bago magkaroon ng isang malaking pader ngunit nawala rin iyon agad na tila ba naging invisible. Muli akong hinila ni Geca palayo sa cabin hindi pa kami nakalalayo ay narinig na naming ang isang malakas na pagsabog mula sa pinanggalingan namin.

“Shit. I didn’t expect that he will wake up that fast.”

“Ano ba ang ginawa mo sa kaniya?”

“The bullet is made of special materials that is enough to knock out a high ranking demon. But it will only last for a minute or so. Depende sa lakas ng demon na pinaggamitan mo. Yung spell naman kanina ay isang boundary spell. Hindi ganoon kalakas iyon pero sapat na para makalayo tayo kahit papaano.”

“Is there anything I can do?”

“Just run and hide once I told you. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari at ang kaya niyang gawain.”

“Sinasabi mo bang iwanan kita?”

“Yes.”

“No!”

“You have to! Wala kang choice.”

Sinugatan niya ang sarili niya at ipinatak iyon sa lupa.

Guide me in this endless nowhere,

Give me your directions

Show the right and path

Go and take us somewhere

Nabuo muli ang isang kakaibang asul na simbolo sa lupa at sa pagkakataong iyon, mas maliwanag ito.

Walang pasabi na hinila niya ako at pagmulat ng mata ko ay nasa tapat na ulit kami ng bahay. Madilim na ang langit at tila nagbabadya pa ng pag-ulan. Agad na pinulot ni Geca ang bag ko at ibinigay iyon sa akin.

“Huwag mong hayaan na makuha nila sa iyo ang libro. Iyan ang pajkay nila ngayon.”

Akmang hihilahin niya ulit ako nang siya naman ang hilahin ko.

“Teka nga muna, Bes. Hindi ba dapat ay magpaliwanag ka muna?”

“Wala akong oras para makapagpaliwanag ngayon. Kailangan muna natin makapagtago o kaya ay mahanap si Kuya para matulngan niya tayo.”

“Bes.” Nagmama-kaawa ko siyang tinignan. “Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam ang nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawain ko.”

“I promise, ipapaliwanag ko ang lahat sa oras na makarating tayo sa bahay.”

Hindi na lang ako tumutol at hinayaan siyang hilahin ako. Nakarating kami sa bahay nila at agad na kaming pumasok pero walang tao. Madilim ang paligid at napakatahimik.

“Shit. Bakit ngayon ka pa wala kuya.”

Inilapag naming ang gamit naming at sinigurong walang bukas na pinto o bintana.

“Sa ngayon ay ligtas tayo dahil may mga seal na nilagay si Kuya sa buong bahay. Ang kailangan kong gawain ay doblehin iyon. Dito ka lang at huwag kang aalis.”

“Sa tingin ko ay wala ring silbi kung dodoblehin mo iyon, nakita mo ba yung nangyari sa bahay? Napakarami ng sira. Para kaming dinaanan ng bagyo kahit pa puno ng seal na gawa ni Mama at ni Papa ang buong bahay.” natatakot na sabi ko.

“Bes, look. Alam kong natatakot ka, pero kailangan kong gawain ito para kahit papaano ay ligtas tayo.”

Wala na akong nagawa nang umalis siya at naiwan akong mag-isa. Ilang sandali lang ay bumalik na siya at naupo sa tabi ko.

“Siguro naman ay alam mo na ngayon na hindi ako tao, but trust me, I didn’t mean to lie to you.” Humarap siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. “I am your best friend and you could say that I am also your guardian angel since it’s my mission to protect you.”

“Kasama ba sa mission na itagao ang totoo mong pagkatao?”

Natahimik siya bago marahang tumango.

“So you knew all along that I’m not a human? You know that I am a half angel and half demon?”

Isang tango lang ulit ang nakuha ko sa kaniya. Ni hindi niya maangat ang pangin niya para tumingin sa akin. Bumuntong hininga ako bago hilahin ang kamay ko na hawak-hawak niya.

“I also know that once you lose your control over your powers, you could be a full demon.” Narinig ko ang marahang paghikbi niya. “And I can’t let that happen. That’s why I’m doing my best to protect you. Ginawa ko ang lahat para sa iyo dahil best friend kita.”

Hindi ko akalain na pati sarili kong best friend ay magagawang magtago ng malaking bagay sa akin. Isang bagay na tungkol pa sa akin.

“I don’t have a choice but to forgive you right? Wala na akong magagawa dahil nakalipas na at alam ko na ang totoo. Now tell me, what’s that thing chasing us?

“That is a demon. At hinahanap niya ang libro, hindi ba? That book that you found in your attic, is a special book made by the archangel Michael himself. It contains crucial informations about angels and demons. But most of it were about angels dahil nga isang anghel ang may akda nito.”

“Alam niya rin kung sino ako, tama ba?”

“Yes. You could say that you are pretty popular in hell and in heaven right from the moment that you were born. Tulad ng sinabi ko kanina, malakas ka. At gusto kang gamitin ng mga taga-hell”

"I don’t even know a single thing about my ability.”

“That’s why they want you. They can easily control you to use your ability and power to the fullest. You will be their puppet.”

“Pero-“

Napatigil ang pagsasalita ko nang nabasag ang lahat ng bintana sa bahay nila Geca.

“He found us, We need to get out of here.” Muli akong hinila ni Geca at napatigil kami sa may garden nila dahil may sumalubong sa aming maliliit na nilalang. Mapupula ang mata nila at may matatalas na ngipin at kuko.

“Goblins?”

“Yeah. Freaking glblins.”  Isa-isang binaril ni Geca ang mga goblins kaya naman sabay-sabay itong sumugot sa amin. Wala akong magawa kung hindi ang sipain ang ano mang makalapit sa akin o kaya ay ibalibag iyon. Mabuti na lang kahit papaano ay naturuan ako ni papa ng self-defese, tho hindi ko inaakalang sa mga demons ko pala magagamit iyon.

Isang demon ang lumapit at tumalon sa akin at hinablot ang kuwintas ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina kaya napaluhod ako.

“Monica!”

Hindi ko na alam ang sumunod na nagyari dahil pakiramdam ko ay kakaibang pwersa sa katawan ko na gusting kumawala. Hindi ko na halos maramdaman ang mga binti ko at braso ko dahil sa sakit. Maski ang ulo ko ay parang pinipiga dahil sa ingay na naririnig ko. Ang tanging nagawa ko lang ay takpan ang tainga ko at sumigaw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status