Share

Kabanata 15

Pagdating sa pagkakakilanlan, background, o family business, si Graham ay mababa kumpara sa kilalang pamilya na tulad ng mga Young. Ngunit, pagdating sa reputasyon at katayuan, siya ay maikukumpara kay Elder Young.

Tutal, ang kahit sinong nagkasakit ay kilala siya bilang mahusay na doctor sa Springfield City. Maraming mayaman at makapangyarihang indibidwal ang lumapit sa kanya para magpagamot.

“Sana ay pagpasensyahan mo ako sa biglang pag dating, Elder Young. Gusto kong ireassess ang kondisyon mo…”

Pinagdikit ni Graham ang mga kamay niya at ngumiti siya.

Biglang nagkasakit si Elder Young nitong nakaraang kalahating buwan, kung saan ang dibdib niya ay sumikip at hirap siyang huminga.

Si Graham ang gumamot sa sakit ni Elder Young noon.

Sa mga oras na ‘yun, dalawa silang pumayag na magkaroon ng isa pang checkup pagkalipas ng kalahating buwan, at kung walang problema na dumating sa sumunod na checkup, ang kondisyon niya ay masasabing magaling na.

“Salamat sa abala, Graham.”

“Walang anuman, Elder Young. Ito ay nararapat lang.”

Pagkatapos bumati, sumenyas si Graham na umupo si Elder Young. Pagkatapos ay kumuha siya ng pulso ni Elder Young habang sinuri niya ng paminsan minsan ang kondisyon nito.

Naging seryoso ang mukha ni Graham.

Bumilis ang tibok ng puso ni Gilbert, at hindi niya mapigilan na itanong, “Kamusta ang kondisyon ng tatay ko, Graham?”

“Hindi mukhang maganda ang kondisyon ni Elder Young. Ang noo niya ay may gray na aura, at ang sulok ng mga labi niya ay green-purple. Mukhang masamang senyales ito…” Kumunot ang noo ni Graham.

“Gray na aura sa noo?”

“Green-purple sa sulok ng mga labi?”

Ang lahat, pati na rin si Gilbert, ay nagulat nang marinig nila ito. Agad silang tumingin sa direksyon ni Leon.

Naalala nila na ito rin ang sinabi ni Leon kanina!

“Pero, wala kayong dapat ipag alala. Normal ang pulso ni Elder Young, kaya magiging ayos lang ang lahat…” Ang sabi ni Graham.

“Mabuti naman.”

Nakahinga ng maluwag sina Gilbert at ang iba.

Kahit na ang konklusyon ni Leon kanina ay magkaiba kay Graham, halos sigurado sila na maniniwala kay Graham dahil isa itong master ng medisina.

“Bakit hindi muna ako gumamit ng equipment para macheckup ulit ng mabuti si Elder Young upang masigurado na ayos lang ang lahat?”

Nag isip ng ilang sandali si Graham.

Tumango si Gilbert. “Sige. Meron kami sa itaas. Ang ilan sa mga ito ay latest advancements sa teknolohiya.”

Sina Graham, Gilbert, at ang iba ay umakyat ng hagdan. Sumunod rin si Iris dahil nag aalala siya sa kalusugan ng lolo niya.

Samantala, si Leon lang ang naiwang nakatayo ng awkward sa hall, dahil hindi tama na sumama siya sa kanila o kapag umalis siya.

Hindi nagtagal, sina Graham, Gilbert, at ang iba ay bumaba.

“Normal ang lahat noong sinuri ko siya kanina. Baka marami lang akong iniisip. Ang kondisyon mo siguro ay dahil kulang ka sa sigla at dugo, kaya bibigyan kita ng gamot para bumalik ang mga ito. Inumin mo ito ng ilang araw at obserbahan mo kung ano ang problema.”

Pagkatapos ibigay ni Graham ang prescription kay Elder Young, nagpaalam siya at naghanda na siyang umalis.

Bumukas ang bibig ni Elder Yong at magsasalita sana siya, ngunit kumirot ang puso niya at umubo siya ng malakas. Sa loob ng ilang sandali, ang paningin niya ay dumilim at bumagsak siya sa sahig.

“Dad! Ayos ka lang ba?”

Nabigla si Gilbert sa nangyari at agad niyang sinuportahan si Elder Young. Doon niya lang napagtanto na nakapikit si Elder Young, halata na ito ay dahil nawalan siya ng malay.

“Graham, ano ang nangyayari?! Bakit biglang nahimatay ang lolo ko…” Ang balisang tanong ni Iris.

“Hindi… Hindi maaari! ‘Wag kayong mag alala, titingnan ko ang pulso niya.”

Nabigla rin si Graham, at agad siyang umupo para suriin ang pulso ni Elder Young.

May malakas at normal na pulso si Elder Young kanina, ngunit ito ay naging mahina at wala sa ritmo. Kahit ang tibok ng puso niya ay humina ng sobra, at nasa panganib ang buhay niya.

“Masama ang sitwasyon niya. Kailangan ko siyang bigyan ng pressure point treatment!”

Talaga ngang isa siyang master ng alternative medicine at nanatili siyang kalmado sa isang krisis. Pinagdikit niya ang mga kamay niya at nagsimula siya sa pressure point treatment sa matandang lalaki.

Ang kahusayan ng mga kamay niya ay pambihira, at naglagay siya ng pressure sa Inner Channel Point bago siya tumuloy sa Divine Entrance Point...

“Sandali lang! Hindi niyo ito pwede gawin ng ganyan! Mamamatay lang siya!”

Nang maglalagay na ng pressure si Graham, agad siyang pinigilan ni Leo.

“At ikaw ay?”

Tumingin si Graham kay Leon at hindi siya natura na kinekwestyon siya ng isang hindi kilalang tao.

“Sa tingin ko ay ang unang point na dapat niyong lagyan ng pressure ay ang Middle Chest Point, kasunod ang Soul Palace Point…”

May imahe ng pressure point treatment points ng katawan ng tao na lumabas sa isip ni Leon at inulit niya ito.

“Sa Middle Chest Point at Soul Palace Point? Nababaliw ka ba?”

Ang dalawang pressure point na ito ay nakakamatay na pressure point sa pressure point treatment. Kahit ang mga diyos ay hindi maliligtas ang isang tao na nilagyan ng pressure sa mga point na ito.

Nagtaka si Graham kung gusto ni Leon na iligtas o patayin ang matandang lalaki!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status