“PLEASE meet Caroline Dizon, my future wife.” Pakilala ni Noah sa lahat. Nagpalakpakan at nagsitayuan ang mga bisita. Halong kuryoso at pagkamangha ang nasa mata ng mga ito habang pinapanood si Eleanor o Caroline na ngayon.She accepted the hand of Noah and stretch her lips for a friendly smile sa mga matang nakatingin. Nawala nga lamang iyon nang madapuan ang table nina Herbert at Clarisse.The two seems shock. Nagulat sila sa narinig na pangalan. They are expecting na siya parin ang dating Eleanor ngunit malaki na ang pinagbago niya at isa na nga doon ang pagpapalit niya ng pangalan. Sinunod niya ang payo ni Noah at ng lola nito na magbago ng pangalan. Upang maging tanda ng kaniyang pagbabagong buhay. Nilapitan siya at pinuri ng mga bisita. That event was just supposed for a welcome party para kay Noah dahil sinamahan siya nitong mamalagi ng ilang taon sa ibang bansa ngunit ikinagulat niya na lamang nang sabihan siya ni Noah bago ang araw na iyon nang, “Ipapakilala kitang fiance ko
DIRE diretsong pumasok si Clarisse sa kanilang bahay pagkababang pagkababa ng sasakyan. Nagpupuyos siya sa galit dahil sa nangyari at namamanaag iyon sa kaniyang mukha at mga nanginginig na mga kamay.Napahiya siya at dahil iyon kay Eleanor. Gustong gusto niyang pisikal na saktan ito kanina upang gantihan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Ngunit dahil naroon ang mga paparazzi at ang mga socialite na mga bisita, hindi niya nagawa.Hindi niya matandaan kung kailan siya nasagot ng ganoon ni Eleanor. Ang tanging alaala niya sa babae ay ang mga pag iyak nito at ang pagiging tanga nito para sa dating asawa. Kaya naman kahit ayaw mang aminin ni Clarisse, totoong nagulat siya sa naging pagbabago ng babae lalo na sa paraan nito nang pagsasalita. Tumigil siya sa may salas at muling humarap sa asawa na papalapit naman habang nag aalis ng suot na neck tie. Gaya niya ay halatang nawala na rin sa mood si Herbert. Nasira na rin ang gabi nito. Ngunit walang pakealam si Clarisse dito at sa kung anum
“I'LL JUST go to the toilet room.” Bulong na paalam ni Caroline kay Noah na abala parin sa pakikipag usap sa mga guest. Bumaling ang ulo nito sa kaniya habang ang kamay ay nakalapat sa bewang niya. Kanina pa siya hinahaplos ni Noah doon at ramdam na ramdam niya ang balat nito sa kaniya dahil backless ang dress niyang suot.“Do you want me to come with you?” alok ni Noah. Gusto ni Caroline na ngumiwi sa sinabi nito ngunit dahil may tao silang mga kaharap, maliit niya na lamang niyang nginitian si Noah.“It's okay. I can manage.” Aniya. Saglit pa silang nagtitigan bago tumango si Noah sa kaniya. “Okay…”Ngumiti na muna at tumango si Caroline sa mga nakikinig, ngunit nagsiiwas lamang ang mga ito ng tingin. Nagbago ang tungo ng mga ito sa kaniya matapos ang nangyaring pagtatalo nila ni Clarisse. Ini-expect niya na naman iyon. Wala din naman siyang balak itago iyon at lalo nang wala siyang pakealam sa kung anumang isipin ng mga ito sa kaniya.Naglakad na lamang siya papalayo at papalabas n
“WHY DID you kissed me like that?” tanong ni Caroline kay Noah. Lumabas siya ng sasakyan at agad namang sumunod si Noah sa kaniya.“What's wrong with that? You even let me kissed you kanina sa harapan ng press. But now after I kissed you in front of your ex-husband, naiinis ka? Don't tell me may feelings ka parin sa kaniya?”Tumigil siya sa mabilis na paglalakad para iritadong harapin si Noah.“Of course not!”“Then why?” mariing tanong ni Noah. Humakbang pa ito sa kaniya ng isang beses. Napansin ni Caroline ang gwardiya sa gilid na agad lumayo at umalis na tila takot na madamay. Napabuntong hininga siya.“Because I just don't like it, okay? I just intended to give you a smack pero…”pinamulahan siya nang maalala ang ginawa nitong paghalik sa kaniya. Iniilag niya ang kaniyang mga mata mula dito. Hindi naman nagbago dilim at inis sa mukha ng isa.Wala naman talaga dapat siyang ikagalit. Lalo na at siya naman ang nag insist sa halik na iyon. Sadyang nahihiya lang talaga siya. Lalo na kap
SINUSUNDAN ng tingin si Caroline habang naglalakad siya papasok ng Madrigal's company na ngayon ay pinamamahalaan na ni Noah.Unang araw niya iyon sa pagtratrabaho sa kumpanya ngunit nagmamadali siya dahil medyo huli na siya sa tamang oras. Sinubukan naman niyang maagang magising ngunit dahil late na rin sila nakauwi kagabi ni Noah mula sa event ay napahimbing ang tulog niya. Nagising na lamang siya ilang minuto na lang bago ang tinakdang oras na sinabi sa kaniya ni Noah.She will join the meeting sa conference room upang mapakilala na rin siya ni Noah bilang bagong engineer. Ngunit dahil late na nga siya ay baka maabutan niya na lamang ang pagtatapos ng pagpupulong na iyon.Hindi niya pa gamay ang building dahil first time niyang pumunta doon kaya naman medyo nalito pa siya. Ang natatandaan niya lang sa paalala ni Noah ay ang floor na kailangan niyang puntahan at sa 12th iyon. At mukhang lalo pa siyang matatagalan dahil crowded ang elevator. Nagulat na nga lamang siya nang lumabas ang
“NOAH, you didn't inform me about this.” Madiing bulong ni Caroline habang papaalis na ang mga nasa loob ng kwarto. Sasagot na sana si Noah nang kapwa silang mapatingin sa papalapit na mga Pascua.Tumikhim si Caroline sa gilid ni Noah. Saglit siyang tinignan ni Noah bago inilipat ang tingin sa mga papalapit.“I didn't really expect that you will accept this project with us. I hope this will end the conflict in between of our family too?” Ani ng matanda na maliit lamang ngumiti at pinatili ang seryosong mukha. Naglahad ito ng kamay kay Noah na sabay naman nila ni Caroline tinignan.Matunog na ngumisi si Noah bago tinanggap iyon. “I'm not a type of person that letting my work and personal matter combined, Mr. Pascua. But let's see…” makahulugang sagot ni Noah sa matanda bago bastos na tinalikuran ito para kay Caroline. Nakangisi ito sa kaniya.“Let's go? You want to talk to me, right?”Sinulyapan ni Caroline ang matabang na mukha ng matanda. Naglapat ang mga mata nila at doon lamang baha
SINULYAPAN ni Herbert si Noah na nasa may desk nito bago tumingin kay Caroline na matuwid namang naupo sa couch.“Why don't you sit, Herbert?” tanong ni Caroline.Imbes na lumabas sila ni Eleanor at doon mag usap ay hindi sila hinayaan ni Noah. Halatang ayaw nitong mapag isa sila. Wala itong tiwala kay Herbert.Muling sumulyap si Herbert kay Noah na nakatutok naman ang mga mata sa laptop. Napasulyap din tuloy si Caroline doon at biglang naalala ang ginawa ng lalaki sa kaniya kanina. Napaiwas siya na mayroong mainit na pisnge, na siya namang pagbaling sa kaniya ni Herbert.“I want to talk to you with privacy.” Madiing sabi ni Herbert.She lingered her eyes a bit on Noah, dahil obvious naman na ito ang pinaparinggan ni Herbert. Wala nga lamang naging reaksiyon ang isa na tila walang narinig kahit na imposible iyon dahil kahit spacious and opisina ni Noah, imposibleng hindi nito karirinig ang sinabi ni Herbert.Naisip ni Caroline na magiging awkward nga ang pag uusap nila kung nandoon si
BAHAGYANG natawa si Noah ngunit halatang asar ito sa narinig. “What did you just say? Naririnig mo ba ang sarili mo, Jimenez? Kinukumbulsyon ka ba? O baka naman nananaginip ka pa?"Umigting ang panga ni Herbert dito. "I'm just saying the truth, Madrigal." bago ibinalik ang mata kay Caroline. "Mashigit ko siyang kilala kaysa sayo."Segundo ang naging tinginan nila ni Caroline. Nagulat na lamang siya nang haklitin ng babae ang kamay nito. Naiwan sa ere ang kamay niya.“You're so full of yourself, Herbert. Matapos ang mga pagtataksil mo ay iniisip mo parin talagang mananatili ang pagmamahal ko sayo? Ang kapal din naman ng mukha mo.”Agad na nakaramdam ng panliliit si Herbert sa narinig mula dito.Ang totoo ay hindi niya balak sabihin ang mga salitang iyon. Nadala lamang siya ng emosyon. Huli niya na nang ma-realize na mali ang sinabi niya. Na masyado iyong kapahangasan sa katulad niyang nagloko noon.“At bakit ganiyan ka kung magsalita ngayon? Hindi ba may asawa kana?” dugtong ni Caroline