"Hey, bro! Nakauwi ka na pala? Bakit hindi mo ako sinabihan?" Nakangiting tanong ni William kay Scion."What are you doing here?" Seryoso nitong tanong kay Eiress."Bro, may pinag-usapan lang kami ni Eiress." Sagot niya ng hindi siya nito pansinin."In your room?"Napakamot naman sa batok si William. Alam na niya ang iniisip nito. Wala siyang dinadalang babae sa kanyang kwarto at hindi rin siya nagsasama ng babae sa kwarto kung mag-uusap lang sila."It's not what you think, Lord Scion." Sansala ni Eiress sa maaaring iniisip nito. "Pinuntahan ko si Sir William para humingi ng tulong. May nararamdaman akong kakaiba sa paligid kaya nagpatulong ako sa kanya para i-check iyon. False alarm lang pala.""T-tama. Iyon ang nangyari." Segunda ni William."William, to my office." Balewala nito sa paliwanag nila. Muli itong naglakad palayo-- patungo sa opisina nito sa mansyon. "Eiress, bakit narito ka?" Bumaling naman si William ng marinig ang tanong ni Marlon. Kunot-noo itong nakatingin kay Eire
"Liam, sino ba 'yan? Bakit hindi mo papasukin?" Tanong ni Eiress sa anak habang naghahanda ng kanilang agahan.Binuksan ni Liam ang pinto nang sabihin nito na may tao sa labas. Hinayaan naman ito ni Eiress pero nanatili lang itong nakatayo sa bungad ng pintuan."Umalis na po, Mama." Sagot nito at muling sinara ang pinto."Kilala mo ba iyon?""Hindi po. Tumakbo po siya nang tanungin ko." Hinila nito ang upuan at umupo. "Mama, bakit po ang weird ng mga tao rito?" Hinila rin ni Eiress ang isang upuan at umupo kaharap ang anak. Pinagmasdan niya ang curious nitong itsura. "Bakit? May ginawa ba sila sa'yo?" Tanong niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Liam."Nagtataka lang po ako, Mama. Noong una si Tito Marlon lang ang weird. Lagi po siyang lumalapit sa akin at kinikilabutan po ako sa mga ngiti niya."Bahagyang tumawa si Eiress sa nanunulis na nguso ni Liam. "Mabait naman si Tito Marlon ah. Bakit ka kikilabutan sa kanya?""Ewan ko po. Iyon po kasi ang naramdaman ko." Kibit bali
Tulad ng sinabi ni Lord Scion, nagsimula ang physical test ni Eiress kinabukasan. Iniwan na niya sa iba ang trabaho sa kwadra. Si Liam naman ay pansamantalang naiwan kay Tatay Norberto hanggat hindi dumadating ang magbabantay rito. Panatag naman siya dahil sinigurado ni Lord Scion na may limang lookout sa bata. Sinubukan na rin niya ang kakayahan ng mga ito. Masasabi niyang magaling ang lima at kayang makipagsabayan sa kanya. Inaamin niyang nagpupuyos ang kanyang damdamin kagabi nang harapin ang lima. Hindi mawala sa kanyang isip ang pagtanggi ni William na alagaan si Liam. Kitang-kita niya ang pag-ayaw nito sa bata. Nang oras na iyon nagdesisyon siya. Hinding-hindi niya ipapakilala kay William si Liam bilang anak nito. Ayaw niyang masaktan ang bata kapag itinanggi ng Ama. "Attention!" Sigaw ng Command leader na si Mr. Chan. Nakapila ang lahat na tila mga sundalo. Nakasuot ng puting damit, camouflage na pants at isang pares ng combat boots. Halos mapuno ang malawak na oval ground s
Sa security room, magkasamang pinapanood ni Lord Scion, William at bagong dating na si Trigger ang nagaganap na examination. Magkakatabi ang tatlo sa harap ng malaking monitor. Dumating ang tatlo bago pa magsimula ang examination. Hindi lang sila nagpakita sa mga examinees. Dumiretso na sila sa underground kung saan ang lokasyon ng kanilang security room. Abala naman si Bingo sa pagmomonitor sa mga kalahok. Ito ang kanilang security expert. "Marami sa kalahok ngayon ang kahina-hinala. Hindi talaga nagpapahinga ang mga kalaban mo Scion. Sinamantala nila ang pangangalap mo ng tao para makapagtanim ng kasapi sa tabi mo." Komento ni William."It's a good thing na pinabalik mo ako. Mas mapapaigting natin ang seguridad mo." Sambit naman ni Trig. Halata ang pagod at puyat nito sa byahe pero hindi nito pinalampas ang panonood sa nagaganap na examination.Ngumiti ng may panunudyo si William kay Trig."Sa pagkakaalam ko, ikaw lang ang pinapabalik ni Scion. Bakit may kasama kang babae? Sino 'yu
Nagpupuyos ang dibdib ni Eiress sa nalaman. Muntik na siyang mapahamak sa pambatang dahilan ni Lorrein. Hindi na niya pinapansin ang mga ginagawa nito pero hindi pa rin ito tumitigil. Gusto pa rin nitong umalis siya sa Hacienda at hindi na magpakita roon. Gumamit pa ito ng ibang tao. Mga lampa naman. Ni hindi siya pinagpawisan sa laban. "Congratulations! Ikaw ang kumukumpleto sa inyong lima." Salubong sa kanya ni William ng bumalik siya sa oval. Malawak ang ngiti nito sa kanya pero matalim lang niya itong tingnan. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang sinabi nito kahapon. Tahimik niyang ibinigay ang badge. Nakaupo roon ang apat na lalaki. Sa tingin niya, ito ang nakakuha sa apat na badge. "First time in history. Ngayon lang may babaeng nakakuha sa badge." Sambit ng lalaking may malaking hikaw sa tainga. Ngumisi ito sa kanya kaya nakita niya ang silver nitong braces. "I wonder who's helping you to get the badge." Pahayag naman ng isa pang lalaki. Wala sa ayos ang pananamit nito. Para
"You are the shadow guard, Lord Scion." Pahayag ni Eiress.Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. "Hindi si Lord Scion ang shadow guard, Miss. Isa sa dalawang ito ang shadow guard." Sansala ng lalaking may inaantok na itsura.Na sa loob na rin ng coffee shop ang apat. Hawak ng mga ito ang dalawang pigura na lumitaw kanina. "Alright. Mukhang tapos na ang physical test nyo." Sambit ni William. Lumabas ito mula sa isang pintuan sa loob ng coffee shop. May bitbit itong kape. Humigop muna ito sa umuusok na kape bago ibaba sa mesa ang tasa. "So? Paano nyo papatunayan ang inyong hinala kung sino si Solid?" Tanong ni William. "It's obvious. Lumitaw agad ang dalawang ito nang manganib si Lord Scion. Sa taglay nilang bilis at lakas, walang duda, isa sa kanila ang shadow guard." Paliwanag ng isa sa apat na lalaki."Okay. How about you?" Tanong ni William sa kanya. "Logic. It's impossible not to see a guard protecting his master. Unless, it's not exist. Shadow can't do
"Alpha!" Tiim-bagang na sabi ni Eiress. Hawak pa rin nito ang leeg niya. Hindi naman iyon mahigpit pero kung magkakamali siya ng kilos, madali siya nitong masasakal.Bahagyang tumawa si Trigger bago siya bitawan. "Nakapasa na ba ako bilang tagapag-alaga ng anak mo?" Tanong nito sa kanya. "Bakit ikaw ang mag-aalaga sa kanya? Ikaw ang dahilan kaya muntik na siyang mapahamak! Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo? Pinadukot mo siya!" "Really? Sinong nagsabi sa'yo na kagagawan ko iyon? Sigurado ka ba na nagsasabi siya ng totoo?"Pumasok sa isip ni Eiress si Red. Ito ang nagsabi sa kanya na may ibang hunter na kumuha kay Liam. Sa pagitan ni Alpha at Red, mas pinaniniwalaan niya si Red. Matagal na niya itong kilala. Kabisado na niya ito. Kung magsisinungaling ito, alam niya. Ramdam niya iyon dahil hindi ito nakakapag-sinungaling sa harap niya. Si Alpha naman, simula pa lang iniiwasan na niya. Hindi niya alam kung kailan ito nagsasabi ng totoo at kung kailan ang kasinungalingan."K
"You can't escape from me."Natauhan si Eiress nang muling nagsalita ang lalaki. Malakas niya itong tinulak. Bahagya itong umatras pero hindi iyon sapat para lumayo ang kanilang distansya. Nahawakan pa rin nito ang kanyang braso. "Get off me!" Sigaw niya sa lalaking nagtatago sa dilim ng paligid. Hindi niya makita ang buo nitong itsura pero ramdam niya ang mabigat nitong presensya. Katulad iyon nang lalaking nakaitim na maskara noon. Ngayon sigurado na siya. Hindi pag-aari ni William ang presensyang ito. Magkaibang tao si William at ang lalaking nakatalik niya. "I said, get off me! Lumayo ka sa'kin!" Muli niyang sabi.Napaigik si Eiress nang muli siyang hapitin palapit ng lalaki. Bumangga ang katawan niya sa matigas nitong katawan. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang baywang at idiniin sa katawan nito. Hindi siya nakagalaw sa ginawa nito. "It's been six years. Don't you try to escape again or you'll regret it." Pagbabanta nito sa kanya. Sinubukan ni Eiress na pakalmahin ang kan