Chapter Four
Nang matapos ang meeting ay dumiretso agad ako sa coffee station para magtimpla ng kape. Kailangan ko nito ngayon dahil bukod sa malalang hangover ay gusto ko rin gisingin ang sarili ko. Baka sakaling masamang panaginip lang itong lahat.“Seriously?” hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili habang pinoproseso sa isip ko ang naganap kanina.No romantic relationship. Bawal ang pakikipagrelasyon sa pagitan ng mga empleyado sa kompanya.Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, pero mas nangingibabaw ang gulat at takot. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ’to pagkatapos ng pinakamagandang pangyayari sa buhay ko kagabi. Ang tagal kong hinintay si Alas, at sa wakas naging kami na. This is our first day as a couple, pero masisira lang ito dahil sa kakambal niya na kararating lang dito.Paano na ang love story namin ni Alas? Hindi pa nagsisimula, meron na agad kontrabida, at kakambal niya pa talaga. Higit sa lahat, Boss pa namin.Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. Napatakip ako ng mukha nang maalala ang kagagahan ko.Jusko! Dahil sa kalasingan ko, imbis na si Alas, si Apollo pa ang unang nakakita ng katawan ko.“Ano ba ’yan, Tamara? Nakakahiya ka,” mahinang d***g ko at hinilot ang aking sentido.Kapag iniisip ko ’yon, lalong sumasakit ang ulo ko.Gusto kong sumigaw sa sobrang inis, pero kailangan kong pilitin na kumalma dahil nasa oras ako ng trabaho. Medyo malayo rin dito ang scream room kaya ang hassle.Napasilip ako ng tingin sa direksyon ng pintuan nang maramdaman na may parating. Natanaw ko sina Chino at Enzo na nag-uusap habang naglalakad.“Mukhang hindi liyon ang bago nating Boss, kundi d*monyo. First day pa lang pinakita agad ang sungay,” sabi ni Chino. Idinikit niya pa ang dalawang hintuturo sa magkabilang sentibo at inakto ito na parang sungay.“Hays! Sina Jom at Kayla ang inaalala ko. Wala man lang awa sa bagong kasal,” umiiling na sambit naman ni Enzo.Napunta ang atensyon nila sa akin.“Oh, Tamara. Ang saya-saya mo kagabi, pero parang bigla kang pinagsakluban ng langit at lupa,” pagpuna ni Enzo.“Dapat ba akong matuwa ngayon?” matamlay na tanong ko.“Sabagay,” pagsang-ayon niya. Napatingin siya sa water heater na hawak ko.“Hindi ka na dapat nagpapainit ng tubig, sayang,” nanghihinayang na sabi niya.Naguguluhan ko naman siyang tiningnan. “Bakit?”“Dahil mukhang nasa impyerno na tayo. Easy heater,” biro niya sabay taas-baba ng kilay.Natatawa akong napailing. “Baliw.”“Parang makakatipid din tayo sa kape,” pagsingit ni Chino.Napakunot naman kami ng noo. “Bakit naman?”“Hindi na natin kailangan, kasi palagi na tayong nenerbyusin kay Sir Apollo,” biro niya.Napasapo na lang ako ng noo at natatawang umiling. “Mga kalokohan n’yo talagang dalawa.”“Nga pala, kumusta sina Kayla at Jom?” pagbabago ko ng usapan.“I saw them on the stairs earlier. Feeling ko, hindi maganda ang pag-uusap nila,” sagot ni Chino.Natahimik si Enzo at napabuntong-hininga na lang ako. Siguradong may malaking pagdedesisyon na magaganap sa kanila. Dahil sa rule ni Sir Apollo, isa lang sa kanila ang puwedeng manatili rito.“Hindi ko maintindihan ang bagong CEO. Alam naman niyang humihina na ang kompanya, magtatanggal pa siya ng empleyado,” inis na sabi ni Enzo. “How cute na aalisin din niya ang malalaking asset dahil lang sa walang kwentang batas niya.”Tama siya. Parehong magaling at competitive sina Jom at Kayla. Sa ginagawa ni Sir Apollo, mas lalo niya pang binabagsak ang Likha Studios.“Kung ako lang si Mr. Imperial, si Sir Alas ang pipiliin ko na maging tagapamahala,” saad naman ni Chino.Tinanaw ko si Alas sa office niya na ilang metro mula rito. Seryoso lang siyang nakatutok sa laptop habang nagtitipa.Sana siya na lang talaga pinili ni Mr. Imperial. Magaling din naman siya, lalo na sa paghawak ng mga empleyado.Natapos ang nakakapagod na araw. Napaunat ako ng braso at bahagyang inangat ang balakang ko. Napatingin ako sa paligid, halos kaunti na lang pala ang tao.“Tammy, tama na ’yan. May bukas pa,” sabi ni Chanti at niyugyog ang balikat ko.“Sige, save ko lang ’to,” sagot ko.“Sure. Anyway, mauuna na ako. Kailangan ko pang mag-grocery,” paalam niya at b****o sa akin.“Sige, ingat,” tugon ko habang nakatutok pa rin sa screen.Nang matapos ay nag-ayos na ako ng gamit. Napatingin ako sa office ni Alas. Hindi ko maiwasang malungkot nang makitang walang tao sa loob.“Mukhang umuwi na siya,” matamlay na sabi ko sa sarili.Buong araw kaming hindi nakapag-usap dahil pareho kaming naging busy, tapos hindi ko pa siya makikita ngayon.Napabuntong-hininga na lang ako. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad palabas.Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ako sa baba ng condo. Matamlay akong pumasok sa loob.Pagod at stressed ako sa work tapos wala pang bebetime.Kawawa naman ako.Naagaw ang atensyon ko nang mag-vibrate ang aking phone. Nanlalata ko itong kinuha sa bag at tiningnan. Agad na gumihit ang ngiti sa labi ko nang makita ang pangalan ni Alas na tumatawag. Mabilis ko itong sinagot.“Tammy?” tawag niya mula sa kabilang linya.“Alas,” natutuwang sambit ko.“Sorry dahil hindi kita nakausap kanina. By the way, where are you?” tanong niya.“Ahm, papunta na sa condo ko. Bakit?” nagtatakang tanong ko.“Tara. Let’s have a dinner date. Babawi ako,” pag-aaya niya.Napangiti ako nang malapad dahil sa hindi mapigilang kilig.“Oh, wait. Do you have anything else to do? Or are you going to rest? We can move it, if you're tired,” sabi niya sa nag-aalalang tono.“Ay, hindi! Okay lang. At saka kung pagod ako, mas magandang makasama kita, kasi ikaw ang pahinga ko,” banat ko at nagpigil ng ngiti.Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa. “Okay, Tammy. See you later.”Nakangiti akong napakagat-labi habang pinakikinggan ang boses niya.“Sure. Sige na, uuwi muna ako at magpapalit ng damit,” paalam ko.Nang ibaba na ang tawag ay dali-dali akong naglakad papuntang elevator.Napahinto ako at agad na napaatras nang makita si Sir Apollo na papunta rin sa direksyon nito.Mukhang sinuswerte ka nga naman, Tamara. Ang ganda pa ng timing.Pagdating sa tapat ay pinindot niya ang button at sabay kaming naghintay na magbukas ito.“Good evening, Sir,” nahihiya at hindi makatingin na bati ko.Walang emosyon lang siyang tumango. Nabalik ang atensyon namin sa pinto nang magbukas na ito. Pumasok na siya sa loob. May pagdadalawang-isip sa akin kung sasabay ba ako sa kanya o pauunahin na lang siya para hindi nakakailang. Biglang sumagi sa isip ko si Alas, naghihintay siya sa akin.Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nagbigay na lang ako ng malaking distasya at nakayukong humarap sa pinto ng elevator.Ang tahimik at ang awkward ng paligid para sa akin. Hindi rin ako maapakali. Itinutok ko na lang ang atensyon sa mga number button at hinintay na makarating sa floor ko.Grabe naman talaga ang kamalasan na ’to. Magkatabi nga pala ang unit namin. Mauuna na lang ako para hindi na siya makasabay. Kailangan ko rin magmadali, may date pa kami ni Alas.Halos nakahinga na ako nang maluwag nang huminto ito at magbukas ang pinto.Finally, maiiwasan ko na siya. Magmamadali na ako na lumabas.“Hey!” rinig kong tawag niya.Napahinto ako at dahan-dahang napalingon sa kanya. Lumingon-lingon muna ako sa paligid dahil baka iba pala ang tinatawag niya. Mukhang ako nga ito dahil wala nang ibang tao rito bukod sa akin.“Y-yes po, Sir?” kinakabahang tanong ko.“What’s your name?” walang emosyon na tanong niya.“N-name? T-Tamara Fernandez po, Sir,” medyo nauutal na sagot ko.“Tamara,” pag-ulit niya. “You forgot something in my condo.”Tila sumakit na namang ang ulo ko nang maalala ang kagagahan na ginawa ko sa condo niya.Pero sandali? May nakalimutan ako?Puno ng pagtataka ko siyang tiningnan. Inisip ko kung ano ito pero walang ideya na pumapasok.“A-ano po ’yon, Sir?” nahihiyang tanong ko.Bahagya siyang napaiwas ng tingin at napalunok. “I don’t know what that thing is. Just take it when we get to my condo.”“O-opo, Sir,” sagot ko at bahagyang tumango.Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa unit niya. Pumasok na siya sa loob. Sumandal ako at naghintay sa tapat ng pinto niya.Napaayos ako ng tayo nang makita ko na siyang palabas. Lumapit siya sa akin.“Here,” naiilang na sabi niya at nilahad ito.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang br*ast pads ko. Mabilis ko itong kinuha sa kanya at sinuksok sa aking bag. Napayuko ako sa sobrang hiya. Pakiramdam ko, namumula ang buong mukha ko dahil nag-iinit ito.“T-thank you, Sir Apollo. P-pasensya na rin po sa nangyari,” hindi makatingin na sabi ko.Hindi ko na alam kung may mukha pa akong maiiharap sa Boss ko. Nag-trespass ako sa condo niya, naghubad at inaya siya ng s*x sa pag-aakalang siya si Alas. Akala ko tapos na, pero hindi pa pala dahil nakapag-iwan pa ako ng br*ast pad. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.Jusko, Tamara! Ang gaga mo talaga!Chapter Five“Ay! Kainis!” iritableng sambit ko kasabay ng mariing paghilamos ng dalawang kamay sa aking mukha. “D*mn, Tamara! D*mn! D*mn! D*mn! Isa kang kahihiyan!” Pumadyak-padyak ako para ilabas lahat ng inis. Binagsak ko ang sarili sa kama padapa at napasabunot ng buhok. Gusto ko nang kalimutan ang kahihiyan na ’to pero paano ko magagawa kung nasa tabi lang ng unit ko ang place niya at siya pa ang Boss ko? Siguradong paulit-ulit ko lang maaalala ’yon sa tuwing makikita ko siya.Nakakahiya! Nagkakalat ako sa kakambal ni Alas!Naagaw ang atensyon ko nang mag-vibrate na naman ang phone.Oo nga pala! Nawala sa isip ko si Alas.Mabilis akong bumangon at kinuha ang phone ko. Sinagot ko ang tawag at itinapat ito sa aking tainga.“Hello, Alas?”“I’m here in the lobby of Ali Residences. Hintayin na lang kita rito sa baba. Thank your time, Tamara,” aniya mula sa linya.“Ay, sorry! Wait, magpapalit na ako,” sagot ko. “No need to say sorry, Tamara. Just take your time. Maghihintay ako kahi
Chapter Six“Come in,” malamig na saad ni Sir Apollo na nagpabilis ng kabog ng dibdib ko.Tila ang bigat ng mga paa ko na humahakbang palapit sa kanila. Nanghihina ang mga tuhod ko at parang naririnig ko rin ang malakas na tibok ng puso ko. Napatingin ako kay Alas. Nginitian niya ako at bahagyang tumango na parang sinasabi niya na huwag akong kabahan. Medyo nabawasan ang nerbiyos ko pero hindi pa rin nawawala.“Good morning, Sir Apollo,” kinakabahang bati ko. Halos nanginginig pa ang kamay ko na tinukod sa upuan para makaupo.Kalma, Tamara. Nang makaayos na ako ng pag-upo, napatikhim si Apollo at tumingin sa aming dalawa. “Do you have any idea why I called you?” tanong niya. Sinilip ko ng tingin si Alas. Tipid siyang umiling bilang sagot, ginaya ko naman siya. “W-wala po,” medyo nautal na sagot ko.“Really? I see,” aniya at bahagyang tumango kasabay ng paghimas ng baba niya.Ang totoo, may ideya na talaga ako, lalo na’t bago pa lang siya ipinakilala ay nakita na niya kami ni Alas
Chapter Seven“What if, isa sa atin ang mang-akit sa kanya hanggang sa ma-in love siya. Baka sakaling ’pag nakahanap na si Sir Apollo ng love sa office, matanggal na ang Love Ban?”Natahimik kami at nanatiling nakatingin sa kanya. Lumingon-lingon ako sa mga kasama ko para tingnan kung sinong tututol, pero hindi pa rin sila nagsalita at nakiramdam lang din. “Kapapanood mo ’yan ng drama, Ate Sam. Sa tingin mo ba ma-i-inlove ang d*monyo na ’yon?” natatawang komento ni Enzo. “Why not? Kahit si Hades nga na God ng Underworld ay na-inlove kay Persephone. Right, guys? Puwede naman ’yon?” tanong niya. “Yes. Magandang ideya ’yan,” pagsang-ayon ni Arya.“Pero, hindi ba delikado ’yan?” nag-aalangang tanong ni Chino.“Hindi magiging delikado kung hindi niya malalaman,” nakangisi at puno ng kumpiyansang sagot ni Ate Sam. “She’s right. Pero sino naman ang aakit sa kanya? Dapat mukhang anghel kasi nga d*monyo siya,” may gigil na tanong ko at napaisip. “Well, sino pa ba?” pagsingit ni Arya. “It
Chapter Eight“What the— fuck,” hindi makapaniwalang sabi ko at bakas pa rin sa mukha ang pagkabigla.“F*ck!” malutong na mura niya. Agad siyang bumangon at tumingin sa akin. Kitang-kita sa mukha niya ang gigil.“What the f*ck is your problem?!” galit na sita niya, pagkatapos ay mariing pinunasan ang kanyang labi na tila ba diring-diri. Nanatili naman akong nakahiga habang nagpoproseso pa rin sa isip ko ang nangyari. “N-nahalikan niya ako…” tulalang sambit ko. Wala sa huwisyo akong napatingin sa kisame. Tila umiikot ito sa paningin ko, nakakahilo. Naririnig ko na nagsasalita si Sir Apollo pero hindi ko ito maintindihan at parang nagiging ugong lang.Nanghihina akong napatingin sa kanya nang hinawakan niya ang dalawang kamay ko at itinukod ito sa sahig. Pumaibabaw siya sa akin. Napalunok ako nang makita ang mga mata niya na matalim na nakatingin.“Tell me! Ano ba’ng gusto mong mangyari?” singhal niya Binigyan ko siya ng mapang-inis na ngiti. “F*ck you, Apollo.”Unti-unting bumigat
Chapter NineTulala akong nakatitig sa aking repleksyon sa salamin habang sinusuklay ang basang buhok ko. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Sir Apollo at patuloy akong naguguluhan dito.‘My brother is not a he.’Napakunot ako ng noo habang iniisip ito. Ibig niyang sabihin, bakla si Alas?Paano nangyari ’yon? Saka kung bakla siya, paano magiging kami? Bakit siya umamin na may gusto siya sa akin?Ano ’yon? Pinaglaruan niya lang ako?Kaya ba ang bilis lang para sa kanya na itanggi ako? Sandali? Dapat ba akong maniwala?Malalim akong napabuntong-hininga. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. “Jusko! Mukhang hindi na dahil sa hangover kaya sumasakit ang ulo ko, kundi sa gender revelation ni Sir Apollo tungkol kay Alas,” daing ko. Ang hirap isipin na gano’n siya. Kung titingnan kasi si Alas, matikas siya at gentleman. Wala man lang akong nakita na kalambutan sa katawan niya kahit noong highschool pa kami. Baka naman sinisiraan lang siya ni Sir Apollo? Pero sarili niyang kakamb
Chapter TenPara akong naging tuod sa bawat dampi ng labi niya, pero ilang sandali lang ay nadala na rin ako at tumugon sa kanyang halik. Nagpatuloy ang aming paghahalikan hanggang sa maging agresibo na ito. Nag-aalab ang halik na binibigay namin sa isa’t isa habang naglalaro ang aming mga dila. Nararamdaman ko rin ang kamay niya na lumilibot na sa katawan ko.Hindi ako nagpatalo. Hinawakan ko ang mukha niya at mas idiniin pa ang aking halik. Sinabayan ko rin ang paglilibot ng kamay niya sa pamamagitan ng paghimas sa kanyang gitna.Napahinto siya sa paghalik at bahagya niya akong tinulak. Muntik pa akong matumba, buti na lang ay nakapagbalanse ako agad.Hinihingal kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Inaamin ko, ang intense ng halik na ’yon.Napansin ko na napahawak siya sa kanyang pag-aari na tila kinakapa ito. “F*ck, I came,” hindi makapaniwalang sambit niya. Napangiti siya nang malapad na tila ba’y tuwang-tuwa.Napataas ang isang kilay ko at naguguluhan siyang tiningnan. Natigil a
Chapter ElevenTULALA akong nakatitig sa kape na nasa harapan ko habang gumuguhit ng kung ano-anong linya sa papel. Hindi ako makapag-focus sa dino-drawing ko. Paulit-ulit kasing bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Nalaman ko na bading si Alas tapos muntik nang may mangyari sa amin ng kapatid niya na Boss pa namin. Grabe! Nakakaloka!“Ano ba’ng nangyayari sa ’kin?” dismayadong tanong ko sa sarili. Napasapo ako ng noo at umiling-iling. Napayuko ako at mahinang tinutuktok sa ulo ko ang ballpen. “Jusko! Hindi na talaga ako iinom.”Sumandal ako sa swivel chair at nakapikit na tumingala. Tinakpan ng dalawang kamay ko ang aking mukha at huminga nang malalim. Nang tuluyan nang kumalma ay dumilat ako at tumingin sa papel na ginuguhitan ko.Nabaling ang atensyon ko sa aisle nang makarinig ng yapak. Napaayos ako ng pag-upo nang dumaan si Alas sa pwesto ko.Gusto ko siyang batiin, pero tila may pumipigil sa akin na gawin ito. Siguro dahil hindi kami okay, nakadagdag pa ang nakita k
Chapter Twelve“Make me hard.”Namilog ang mga mata ko at bahagyang napanganga. Natigil ako at nagproseso pa sa isip ko ang mga salita na sinabi niya. “A-ano po?” pag-ulit ko ng tanong.Gusto kong iklaro, baka mali lang ang pagkakarinig ko. “F*ck. How can I explain this sh*t?” namomroblemang tanong niya sa sarili at napahawak sa kanyang noo.Napalunok ako nang tumingin siya sa katawan ko pagkatapos ay inangat niya ulit ang matalim na mga mata sa akin.“Do something to make me hard,” dugtong niya sa nag-uutos na tono.Make him hard?“W-what do you mean, Sir?” naguguluhang tanong ko. Binaba ko ang tingin sa gitna niya. Gulat akong napatikhim at ibinalik agad ang atensyon sa kanya. Huwag niyang sabihin na ’yon ang tinutukoy niya?Napansin ko ang pamumula ng mukha niya. Napalingon siya sa ibang direksyon kasabay ng pag-igting ng kanyang panga. Huminga siya nang malalim pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa akin. “Tamara, listen… I have something to discuss with you,” mahinahong s