***
“Is this poisoned?” tanong ni Adam habang nakatingin sa iniluto ni Erin. Nakapatong ang salaming kaserola ng pagkain sa gitna ng mesang kainan. Nakapagitan sa kanilang dalawa.
Nasa condo sila na pagmamay-ari ng lalaki. Studio-type iyon. Minimalist ang interior at ang mga kasangkapan. Gray, white, at blue ang dominanteng mga kulay. Nakahiwalay sa isang loft ang bedroom. Nakadibisyon sa living room at kusina ang glass cases ng iba’t ibang uri ng camera.
Pagbungad pa lang nila roon kanina, puwedeng namutiktik na sa papuri ang labi ni Erin. Kaya nga lang, nakatuon sa iisang bagay ang isip niya—ang kalbuhin si Felicia. May bago siyang dahilan para lalong magngitngit.
“Hey. Are you still looking at your phone?” sabi uli ni Adam sa kanya. Umiinom ito ng red wine at sumusubo ng cheesecake na dessert sana nila.
Matalim na tingin ang ibinato niya rito. Maingay na lalaki. Nag-iisip kaya siya! Sana. Kaso ay tumigil ang tuktok niya sa pagproseso nang i-send ni Aly sa kanya ang isang screenshot ng f******k post ni Felicia tungkol sa muli nilang pagkikita.
The post said: Saw Erin earlier at the mall today. She looked healthy and happy. I’m envious. ^_^
Kasama sa status ang selfie ng Outfit of the Day ni Felicia kung saan bakas ang skeletal system nito.
“Gusto ko talaga siyang kalbuhin!” nagngingitngit na sabi niya kay Adam.
Inagaw nito ang hawak niyang cell phone at tiningnan din ang screenshot. “Sounds harmless to me. Why are you so mad?”
Inagaw niya pabalik ang gadget at umangil. “Everybody who knows us are aware that I’m the girl na mabilis lumobo. She’s the girl na laging petite. Kahit na ano’ng ipalamon ko ro’n, hindi ’yon tataba. Ako, I only need two carrot cakes and I would have inches of fats in my belly. Instant!”
Nangiti lang si Adam. Like always. “I still don’t see your point.”
“Nag-post siya ng selfie ng kapayatan niya.”
“So what?”
“Pagkatapos, tinawag niya akong healthy.”
He chuckled a little. “And?”
“Ipinangangalandakan niyang payatot siya at mataba ako!”
Umiling si Adam. “You’re overreacting.”
“I’m not. This is war, Adam. She posted something like that samantalang puwede naman niyang sabihin simply na nagkita kami uli. That I looked well. Bakit kailangang naka-point out na healthy ako? Healthy is what modests or hypocrites use to mean ugly fat. Healthy is synonymous with the hypocritical chubby. Felicia’s not modest so I know that she used that word like the hypocrite that she already is! Healthy? Kailangang idikdik?”
“At least hindi ka naka-tag,” simpleng sabi ng lalaki at nagkibit-balikat.
“Of course. Wala na akong f******k account.”
Kumunot ang noo ni Adam. “But you used to have one before?”
Nagtaas siya ng isang kilay. “You didn’t know? Nalaman mo ang address ko but not the fact that I’m not in any social networking sites? Hindi mo ba ako sinubukang hanapin sa F******k?”
“I browsed but accounts with the name Erin De Guia are endless. I don’t have the patience to stalk each. Since you gave me your number and your full name, I had people looked you up in telecommunications and the NBI. That’s easier.”
Napanganga si Erin sa katwiran nito. Ipinahanap siya nito sa telecommunications companies at sa mga kakilala nito sa NBI? And that’s easier for him?
“Tell me why,” sabi ni Adam.
“Why what?” Nawawala na ang isip niya sa pagkalbo kay Felicia dahil dito.
“Why you’re not in any social networking sites.”
“Of course, dahil kay Adrian!” napataas ang boses na sabi niya.
Natahimik si Adam.
Nag-iwas naman siya ng tingin bago nagpatuloy, “The night that he left, I looked for him immediately. I asked our common friends about him. Pero alam mo ’yong feeling na nagmumukha na ’kong tanga? ’Yong feeling na alam kong itinatago ng mga kakilala namin ’yong taong hinahanap ko pero nagtatanong pa rin ako? Kasi. . . kasi. . .” Lalong lumiit ang boses niya. “Kasi baka maawa sila sa ’kin. Then they might tell me where to look for him.”
Hindi agad nagsalita si Adam. When he did, he asked, “Then why did you deactivate?”
“I did not. I deleted my accounts.”
“Why? You should have unfriended those people.”
Kinagat niya ang labi. “I could not. I know that they know he’s getting married. I couldn’t stand them knowing habang ako. . . nagtatanong at hindi nakakakuha ng matinong sagot.”
“Why didn’t you press them? Or wreck their car?” tanong pa rin ng lalaki.
“Because that time, I believe that I’m not petty. Or that desperate. May kaunti pa ’kong pride na akala ko, naiiwan pa.”
Nag-iwas ng tingin si Adam habang parang nag-iisip. Pagkatapos ay nagbuntonghininga ito. Nakangiti na uli ito nang humarap sa kanya.
“I thought you can handle all kinds of crazy. I guess it really did hurt you when that guy left.”
Umirap siya. “Of course! Five years ang naging relationship namin. Mahabang panahon ’yon! Maraming effort. Maraming araw. Maraming pangyayari. Masakit na bigla na lang maiwang luhaan.”
“At hubad?”
Umangil siya. “Right! At hubad!”
“But didn’t you see that coming? That the relationship will come to an end? Is it always good when you were together?”
Ayaw nang sumagot ni Erin pero nakatitig si Adam at hindi pinakakawalan ang mga mata niya. Sumasakit ang dibdib niya sa itinatanong nito. Nahihirapan niyang nilunok ang bara sa lalamunan.
Of course, she saw it coming. Hindi puro magagandang alaala ang mayroon sila ni Adrian. Sa loob ng limang taong relasyon nila, alam niyang maraming pagkakataon na ipinilit lang niya kung anumang progress mayroon sila.
Pahirapan bago siya ipinakilala sa ilang mga kaibigan nito. Pahirapan, pakiusapan, at ilang pag-aaway bago siya iharap sa sariling pamilya. Sa video call na nga lang siya kailangang ipakilala sa pamilya nito sa Canada, natagalan pa. Lagi itong late bumati ng monthsaries at anniversaries. Laging late magregalo. Lagi siyang sinasaway dahil sa bad temper niya. Iniisip niyang bahagi lang iyon ng bad times. Because every couple has bad times, right? But there are good times too. Kahit kakaunti lang ang naaalala niya.
And on the last six months that they were together, Adrian promised her he would change. He did change. He treated her nicely, he made her matter, he made her feel loved. Para iwan isang gabi.
Kaya niya bang isagot iyon kay Adam? Hindi kumikilos ang labi niya habang naiipon ang luha sa mga mata niya.
Ngayon lang niya naisip: Did she just push through an already doomed relationship? Kaya siya nasaktan? Kaya siya iniwan? But what about those last six months? Nagbago lang ba si Adrian para iwan siya sa dulo? Hugas-kamay para kapag naiwan na siya, hindi naman niya masabing walang effort na ginawa ang lalaki sa relasyon nila?
“That’s a yes,” sabi ni Adam, matter-of-factly.
Lumunok siya uli. Tumakas ang ilang butil ng luha sa mga mata niya. Mabilis. Hindi niya nahabol. Hindi niya naikurap ni napalis.
Dumukwang si Adam at pinahid ng hinlalaki nito ang naglandas na luha sa mata niya.
“I can’t eat dinner,” kaswal na sabi nito.
“Me too,” sabi niyang nahihirapan.
“I mean. . . ano’ng pagkain ba ’to?” anito na nakatingin sa kaserola ng iniluto niya.
Binitiwan niya ang hiningang hinihigit pala niya. Nakahinga siya uli nang maayos. Yet she couldn’t even thank him for changing the topic.
Napatingin siya sa iniluto. Kaldereta iyon nang nagsisimula siya. ’Tapos, nilagyan niya ng gulay na pang-kare-kare. Kaso, nang dagdagan niya ng bagoong, naglasang binagoongan. At ngayon, hindi na niya alam.
“I was. . . distracted,” aniya at umirap. Saka pasimpleng pinahid uli ang luha sa pisngi.
Nakangiti ito na napapailing. “Let’s dine out. What do you want to eat?”
“Something Mexican?”
“I’ll treat you to Mexican, then,” sabi nitong tumayo at bumaling sa kanya. “And Erin. . .”
Hinintay niya ang kasunod nitong sasabihin. Bakit parang seryoso ang mga mata nito kahit nakangiti naman ang labi?
Umiling ito na tila nagbago ang iniisip. “Doesn’t matter but. . .” Nagbuntonghininga uli ito bago, “Just eat with me and stop thinking about everything else, okay?”
Napalunok siya. The intensity in his brown eyes and the gentleness in his voice got through her skin. It made her feel warm.
“Or else”—his brown eyes turned chocolate dark as he looked at her—“I’ll make you pay.”
Nag-init ang pisngi niya. She knew he was talking about paying for the food. Pero ang ka-cheap-an niya ay iba ang pakahulugan sa sinasabi nito.
“Do you get me?” anito.
Napalunok uli siya. Natutuyo ang lalamunan. “Yes.”
“That’s good,” sabi ni Adam at kaswal na ngumiti. Saka tumalikod at nagpatiunang lumakad.
Nanghihina ang tuhod na sumunod siya rito. #
***Bago pa magsungit sa gutom si Erin ay nakarating sila ni Adam sa isang Mexican restaurant. Naupo sila sa isang mesa na paharap sa entrada ng kainan at tahimik na um-order. Kahit nangangalabit ang asar niya sa picture na in-upload ni Felicia at nangangati ang dila niya para ireklamo ang mga mapapait na alaala ni Adrian, itinikom niya ang bibig. Wala kasi siyang pambayad sa pagkain sakaling totohanin nga ni Adam na pagbayarin siya kapag inuna niya ang topak niya.“I’m getting scared by your silence,” sabi ni Adam nang magsimulang isilbi sa mesa nila ang hapunan.They ordered pork carnitas (braised pork), baja fingers (breaded chicken strips), salad, and stuffed jalapeño. “Nagpapraktis ako ng vow of silence,” mataray na sagot niya. Heto na nga at iniiwasan na niyang ikomento ang anumang may kinalaman sa kapaitan niya sa buhay, pupunahin pa ng lalaking ito ang paghihirap niya.“You don’t know how scary you look when you’re trying to control your temper,” anitong natatawa. Nagsu
***May tatlong dahilan si Erin nang lumabas ng bahay—bored siya, nangangalabit ang curiosity niya, at masokista siguro siya. Tiyempo pa na ang nasa schedule ni Ms. Shan (nickname ng bride ayon sa notes ng wedding coordinator) sa araw na ito ay ang pagkuha sa measurements para sa bridal gown. Tiyempo rin na ang designer na magdidisenyo ng damit ay mula sa bridal shop na paborito niya at ilang ulit nang nabisita. That should be enough coincidence for her to back-out. Pero gusto niyang makita nang malapitan ang babaeng ipinalit sa kanya.Nakatalikod ang babae nang una niyang masulyapang kasama ni Adrian. Alam niyang payat. Isang bagay na nakao-offend sa bilbil na iniipit niya. Kaya gusto niyang makita kung maganda rin ito. Sana mas maganda siya. Hindi scientifically proven na gagaan ang pakiramdam niya at mababawasan ang sakit ng loob niya kung mas maganda siya sa pakakasalan ng ex-boyfriend. But she knows that it counts. Mababawasan nang kaunting-kaunti ang pagngingitngit niya.Napasul
*** Madaling-araw na nang mapagod sa pag-iyak si Erin. Nang humarap siya sa salamin sa banyo at makita ang mukha ay mapakla siyang napangiti. Mukha siyang emoterang rockstar. Puwedeng pamugaran ng uwak ang gulo ng buhok niya. Hulas ang mascarra. Sabog ang eyeliner. Maga ang mga mata. Namumula ang matangos niyang ilong habang nangingitim nang bahagya ang tagiliran ng labi niya mula sa wrestling kay Felicia.Ilang ulit niyang hinilamusan ang mukha kahit wala namang naitulong. Pagkatapos ay uminom siya ng tubig mula sa ref bago lulugo-lugong nahiga sa kama.‘Narinig kaya ako ni Adam? Sana nakaalis na siya bago ako ngumawa,’ naisip niya pa habang napipikit. ‘Nakauwi kaya siya nang maayos?’ Napahikab siya. ‘I need to sleep. I have to cook. . .’ —naglapat ang mga mata niya at—‘tomorrow.’Nanaginip si Erin. A blurred and forgettable dream. Isang panaginip na kung maaalala niya ay magpapaiyak sa kanya.Ilang oras lang, naalimpungatan siya sa mainit na katawang yakap-yakap. Napangiti siya hab
***Humihingal si Erin nang sumalampak sa sahig. Nakadikit ang basa sa pawis na damit sa katawan niya at ang ilang hibla ng naka-ponytail na buhok sa mukha. Masikip ang paghinga niya sa pagod, sa init, at sa tuyot na tuyot na lalamunan. Anumang oras ay siguradong mamamatay na siya kung hindi lang—“You look like you’re dying, sleepyhead,” komento ni Adam na sumalampak sa tabi niya at idinikit sa pisngi niya ang hawak na bote ng malamig na tubig.Nilingon niya ito habang nakabuka ang bibig sa paghahabol ng hininga. Kinuha niya ang bote sa kamay nito, mabilis na binuksan, at uminom. Gumuhit ang malamig na tubig sa lalamunan at sikmura niya.“How. . . could water. . . taste. . . so sweet?” putol-putol na sabi niya at tuluyan nang humiga sa malamig na sahig ng condo. “I’m dying. Mapuputol na ang. . . mga kamay ko. Oh my God.”Malutong na humalakhak ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya habang nakaupo at umiinom din ng tubig.“I told you not to overdo it. You’re the one throwing a storm of t
*** Iniisip ni Erin kung panahon na ba para sumandal siya sa malapit na pader at dahan-dahang dumausdos habang nagdadrama. Kitang-kita niya kasi ang mahigpit na yakapan ng babaeng bagong dating at ng talanding si Adam. May nalalaman pa itong speech sa kanya pagkatapos ay bigay-todo namang makikipagyapusan sa iba! Wala pa man silang relasyon ay nagtataksil na ito!“Oh, you have company,” tila nahihiyang sabi ng babae nang mapansin siyang nakatayo malapit sa punching bag.‘Hindi. Extra lang ako rito. Taga-score at tamang timer lang sa higpit ng yakapan n’yo. Mamaya siguro puwede na ring killer,’ sagot niya sa isip. Sa halip na isatinig ang lahat ng iyon, kumurba sa nakatatakot na ngiti ang labi niya. Iyon ang ngiting nagsasabing dapat nang magtago ang babaeng nakadikit kay Adam ngayon kung ayaw nitong maospital.Nakipagngitian sa kanya ang babaeng walang pakiramdam sa madugo niyang balak. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at hinatulan. Kulot: salot. Maputi: glutathione. Singkit
*** “What do you mean they’re still in my apartment? Anong oras na! Wala bang ibang mauusyoso si Tita Mildred at nakaabang pa rin siya sa apartment ko?” mataas ang boses ni Erin sa pagtatanong kay Aly na kausap sa cell phone .“Tito Ernie told her to wait for you. And they’ve been pressing me kung nasa’n ka raw. Nasa’n ka ba?” tanong ni Aly.Umirap siya at naiinis na pumalatak. May lahi talagang Paparazzi ang angkan nila.“At a friend’s house,” sagot niya sa pinsan. Nungka niyang sasabihin na nasa condo siya ni Adam. Kung malalaman nito at maidadaldal sa mga kamag-anak niya, baka tuluyang mapikot ang lalaki. Hindi naman sa hindi siya pabor kung mangyari iyon. But Adam makes her feel good about herself. Ayaw niyang maipit sa power-tripping at eksaherasyon ng pamilya niya ang bibihirang tao na nakapagpapagaan ng loob niya.“Sino’ng friend? The last time I checked, kaya ka nagtago rito sa condo ko ay dahil wala kang kaibigan,” sabi ni Aly. “Don’t tell me—”“Alyson, ’wag mong ipagdikdika
*** ‘Will I see you this time? Maaabutan ba kita? Maipapaliwanag mo ba nang maayos sa akin kung bakit ka umalis?’Panay ang tulo ng luha ni Erin habang ipit sa traffic ang taxi na sinasakyan niya. Napatingin siya sa tagiliran. Napasulyap sa unahan. Bumper to bumper ang mga sasakyan papunta sa Ninoy Aquino International Airport.‘Shit. Pang-teleserye talaga? Dapat siksik na siksik ng traffic ang sasakyan ko para may thrill ang habulan sa airport?’ asar na naisip niya habang maingay ang kalabog sa dibdib.Pakiramdam niya ay nasa eksena siya ng isang teleserye. Ito ang ending scene. Nawala nang matagal ang bidang lalaki pero tumawag sa bidang babae. Nagsabi ng maraming kalokohan para mawala ang sama ng loob ng ka-love team. Nag-I love you. ’Tapos, paalis na pala ’yong lalaki kaya naisipang tumawag. Nasa airport na para dramatic. Mag-iisip ang bidang babae kung susundan niya ang bidang lalaki—kung worth it ba’ng humabol at magbigay ng second chance. Malilito at magpapalit ng isip mula is
***“The number you have dialled is out of coverage area. Please try your call later.”Halos ibato ni Erin ang cell phone sa paulit-ulit na mensaheng iyon. Napapikit siya nang mariin, nalulunod sa sariling pag-iyak. Sinisinghot niya ang sipon na makulit na bumababa. Kagat-labi siyang lumabas ng NAIA at tumayo sa tagiliran ng isang coffee shop.Hindi niya magawang masalubong ang mata ng mga taong sigurado siyang nakatuon sa kanya. Takaw-tingin ang bagong biling dress niya na nagtutulo sa tubig-ulan. Pudpod ang takong ng sapatos na sumadsad sa kalsada sa paghahabol. Magulo ang buhok niya. Kalat ang make-up. Namumula ang mata. At kipit niya nang mahigpit ang basa ring shoulder bag.Hindi niya inabutan si Adrian. Ayon sa departure ay napaaga ang alis ng eroplanong bound to Madrid. Ampalaya ang ngiti niya. Nasaan ang Filipino time kung kailan kinakailangan? Bakit maagang umalis ang eroplano? It could have been delayed!Pinagmasdan niya ang langit na nagbubuhos ng sama ng loob. Brokenhearte