Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya itong sinusundo at binubuhat pauwi..kung minsan ay sinasampasa motor na parang bigas kapag malayo layo ang lugar kung saan ito inabutan ng kalasingan. Pero nitong mga huling buwan ay nagpapakita na ito ng senyales ng depresiyon ayon sa health worker sa baranggay nila .
Dapat daw itong isailalim sa rehabilitaion dahil sa lolong sa alak at mabigyan na din ng pschological treatment.Noon ay hindi makapag desisyun ang binata bukod sa ayaw niyang mawalay ang amain na tangi niyang pamilya hindi niya kaya ang magiging gastos.Pero ang nang yariKanina ay labis na nakapagpabahala sa binata.
Umabot lang sa ikalawang taon si Intoy sa kolehiyo natigil na siya ng mag asawa ng iba ang kanyang ina. Hindi naman na siya maitataguyod ng amain dahil natangal nga ito at hindi naman na nakapagtrabaho pa ulit dahil halos nawalan na ito ng gana at nalulong na sa alak. Napilitng maghanap buhay si Intoy magmula noon. Naranasan niya na ang ibat ibang trabaho.
Sa ngayon ay siya ang sumusuporta sa amain sa araw araw, sarili nila ang bahay kung kayat gastusin na lang sa pagkain , kuyente at tubig ang suliranin niya.Last year ay nakaipon ng malaki ang binata sa pag angkat ng isda sa pantalan ginamit niya iyong puhunan upang makapagtayo ng computer shop sa bayan.
Nagamit niya ang konting natutunan sa kolehiyo sa 2 taon niyang pagaaral ng Computer Enginer at pinalawig niya ang kaalaman sa kakabasa ng libro. Mayroon siyang taong pinagkakatiwalaan mag bantay ng shop, si Pido. Pero siya pa din ang nagmaintain ng mga gamit lalo na sa trouble shoot.Tuloy pa din kase sa pang aangkat ng mga isda ang binata,malaki kase ang kita doon, tiyagaan lang sa puyat at agawan ng magandang klaseng isda .
Madaling isalya sa merkado.Banye banyerang isda ang kinukuha nya tapos ay isasalya niya naman sa mga may puwesto sa palengke .Makakakuha ka ng malaking tubo kapag banye banyera kukinin mo , malakiang puhunan pero doble ang balik.
Pagsapit ng alas 7 ng umaga paldo na ang binata.Mahigit anim na taon na siya sa ganitong gawain at ngayong nga ay nakapag pundar ng ng isa pang negosyo.Hindi maluho si Intoy , bukod sa pminsan minsang pagrerelax at tagayan nila ni Bert at ng ibang kaibigan ay wala na itong bisyo pa hindi ito naninigarilyo.Hindi din maluho sa materyal.Hindi siya maarte at maselan.
May likas na kabaitan ang binata palibhasa parang halos walang magulang.Takbuhan siya ng tulong at utang ng mga kapit bahay tulad na lang ni aling Didith na kalapit bahay niya ,may sakitin itong anak madalas isugod sa hospital.
Bukod sa service na siya at ang motor nya madalas pa ay siya ang nagbabayad sa hospital, tambak na ang utang nito kahit pa nga pa dalawa dalawa o tatlog libo lang iyon at dahil naiipon halos malaki na,Minsan lang ito ngbayad ng cash sa kanya nang manalo sa ending .
Limang libo yun . Kinuha lang ng binata ang tatlong libo at sinabing itabi ang tira for emergency tapos nun ay hindi na yun nasundan pa mag dadalawang taon na. Tanging kunsuwelo na lamang ni Intoy sa mga ito ay naaasaham niya ang asawa ni aling Didith na si Nestor, ito ang taga ayos ng motor niya at hondi siyapinapagbayad ng mga ito. Isa lamang si Aling didith sa kuwentong emergency sa mga kapit bahay niya madami pa sila.Kung iisipin parang palibot na kapit bahay niyamay utang sa kanya .
Ang kapitan naman ng Lugar niya ay nailigtas niya sa sunogang magiina nito kayaganun na lang sin siya nito pagbigyan.Payak lang ang kanilangLugar ngunit masaya ang magkakapit bahay.
Samantala....Galing sa isang bar sa Quezon City si Yvone, mag isang naglalakad ang dalaga.Iniwan na nito ang mga kaibigan dahil ewan ba niya pero kanina pa makirot ang ulo niya at saka hindi niya masyadong kursunada ang ilan sa mga kasama ng kaibigan.
Hindi pa naman siya nakakarami ng inom kaya alam niyang kaya pa niya ang magmaneho at ang sakit ng ulo niya na yun ay hindi dahil sa Tequila na ininom nila ng mga kaibigan. Alas dos na iyon ng madaling araw,medyo sa bandang dulo ng hall way naka park ang kotse ng dalaga kaya medyo malayo ang lanyang lalakarin.Halos toxic kase sa sasakyan ang parking sa lugar na yun lalo na kapag Sabado.
Habang medyo susuray suray sa paglalakad si Yvone at hinihilot hilot pa ang masalit na ulo, pakiramdam ni Yvone ay may sumusunod sa kanya.Inalihan ng takot ang dalaga, madalas na itong mangyari sa kanya ng mga nakaraang buwan.
Pero bumilis din ang mga yabag na nararamdaman niya.Totoong may sumusunod sa kanya. Plinano ng dalagang bigla ang lumingon nang makita at mahuli niya kung sino man ang mga ito.
Kunwari ay umakma siyang tatakbo pero bigla siyang lumingon at yun saktong nakita niyang lumabas at akmang hahabol sa kanya ang tatlong malalaking lalaki mga nakasuot ito ng itim na jacket at may takip ang mga mukha na akala mo eh mga ninja.Hindi nagdalawang isip ang dalaga, tumalikod si Yvone at tumakbo patungo sa kinapaparkingan ng kanyang kotse.
Mabilis na pumasok si Yvone sa sasakyan at inilock lahat lahat ng pinto .Automatic ang sasakyan niya kaya mabilis iyon. Naabutan pa siya ng tatlong lalaki habang nanginginig ang mga kamay na isinusuksok ang susi ng kotse sa sasakyan. Nagpipilit ang mga itong buksan ang pinto niya sa driver set at kinakalampag ang kanyang hood.
binigay lahat ng effort ni Yvone para maisusi ang kotse , di lumaon ay nagtagumpay siya lintek kaseng sakit ng ulo niya ngayon pa sumumpong.Pinaharorot agad ni Yvone ang kotse halos nasagasaan na niya ang lalaki na kumakalampag ng hood ng sasakyan niya. Bahala na sabi niya. Nakita niya sa rear mirror na Dali daling sumakay ng motorsiklo ang mga taong nakamaskara.
Nahintakutan ang dalaga.. malinis ang kalsada dahil alas dos ng madaling araw, Nakakapagmaneho si Yvone ng mabilis , madalas kapag ng ra ride trip silang magtotropa sa sky wag ay pinahaharurot niya ang sasakyan ksya alam niya ang kanyang speed limit.
Inapakan ng dalaga ang silinyador at pinaharurot ang kanyang bagong bagong Vios.Subalit mabilis din ang mga humahabol na motor sa dalaga racer bike ata ang iyon di niya tiyak at uljsng mga expert ang mga ito.
"Oh My, anong gagawin ko , God pls help me help me" muling hinarurut ng dalaga ang kanyang kotse , malayo na ang dalaga. Dahil sa taranta at takot hindi nagawa ni Yvone na mag u turn papunta sana sa subdivision na tinitirhan ng dalaga.
Huli na para bumuwelta pa.Kaya mas lalo niyang pinaharurut ang sasakyan .Habang abala sa manibela ay tumitingin tingin sya ng pwedeng ikutan subalit hindi na niya kabisado ang lugar ang alam lang niya ay lagpas na siya ng Ortigas.
Hindi masyadong kabisado ni Yvone ang mga pasikot sikotng kalsada, nabuhay siyang hatid sundo ng driver, nang mag edad siyang 22 ay saka lamang siya pinayagang magmaneho.Pero dapat ay hindi lañabas ng Metro Manila Halos palabas na ng alabang si Yvone ng may bumanggang kotse sa likoran niya napatili ang dalaga , muntikan na niyang mabitawan ang manibela.
Papasok na sila ng Laguna, ganun na kalayo ang nabiyahe niya kaya mas lalong dumilim ang daan ng dalaga.. dinidikdik siya ng motor siklo at binubunggo naman ng kotse sa likod.. madalang ang sasakyan dahil halos alas 3 na din ng madaling araw kayat hindi makatawag ng tulong ang dalaga..Hindi niya mabitawan ang manibela at nasa bag niya ang kanyang cellphone na nasa backseat naalala niyang doon niya ito hinagis matapos matakot sa sumusunod sa kanya at ngayon ay pinagsisisihan niya iyon. Kinorner na ng mga taong nakamasksra ang dalaga. ginitgit na talaga siya.Nakita ng dalaga na bubunot ng kung ano ang lalaking nakamotor kaya ipinikit na lamang ng dalaga ang mga mata saka buong pwersang pinaandar ng mabilis ang kanyang sasakyan at kinabig pakaliwa. Sapat ang bilis ng sasakyan para mag crash ang sasakyan niya at ang motorsiklo.Tumilapon ang nakasakay dito at nakaladkad naman niya ang motor nito .Inatras ng dalaga ng mabilis ang kotse at nabangga niya ang sasakyang itim kaya lang ay gum
Kahit walang hango ng isda si Intoy sa araw na iyon, nakagawian na ng binata ang gumising ng maaga. 5:30 ng umaga na kaya nagpakulo na ng tubig ang binata at isinalin iyon sa thermos. Sinilip ng binata ang amain at nakita niyang himbing pa ito sa kuwarto. Maaga pa para lumabas at bumili ng pandesal kaya minabuti ng binata na magbukas na lang muna ng tv habang nagkakape.Unang hirit ang palababas naabutan niya ang mainit na balita na isang car accident ang naganap malapit sa lugar nila kaninang alas 3 daw ng ng madaling araw nanyari. Lasing daw ang driver at nahulog sa tulay at sumabog ang sasakyan kasama ang driver nito na nakilala sa pangalang Yvone Margarette Gatchalian.Ayon pa sa balita, lasing ang babaeng driver at nagaway daw ito at ang kanyang fiance kaya nangyari ang aksidente. Si Yvone Margarette Gatchalian ay anak ng may ari ng Sikat na Shipping Company na SnD at isa rin sa mga may ari ng mga sikat na Supermarket branch sa Pilipinas.Eto ang panganay at nagiisang anak sa una
Inayos ni Intoy ang pagkakalatag ng dalaga sa papag.. iniangat niya ang dalaga para pati paa nito ay makarelax na. Iniangat niya ang ulo nito ng malagyan ng isa pa sanang unan. Napamura ang binata ng makapa ang sugat sa likod ng ulo ng dalaga yun ang mas seryoso. Hindi niya iyon nakita kanina.Nagisip ang binata, ano ba ang gagawin niya sa babaeng ito. Kapag dinala niya ito sa hospital madaming tanong at hindi niya alam sagutin kapag nalaman sa labas na sa likod ng bahay niya nakita ang babae malaking scoop ito at pagkakaguluhan siya at baka siya pa ang mapagbintangan.Pero ng maisip naman ng binata na baka sa kuwarto pa mamatay ang dalaga lalong naguluhan ang binata. Nasa moment si Intoy ng pagtatalo ng isip at puso ng umungol muli si Yvone. Dali daling kinuha ni Intoy ang gamot at benda na dala ni Lizel sa kanya noong isang linggo lamang matapos siyang magalusan sa basketball.Tinagilid niya ang dalaga paharap sa kanya para makita niya ang sugat nito sa ulo.. mukhang hindi naman ito
"Binihisan siya? Sinong nagbihis sa kanya?" sinong nangbihis sa kanya.Minasdan niya ang suot , para siyang sasaling muse sa liga. Kung ganun lalaki anfg may ari ng damit at posibleng lalaki ang umasikaso sa kanya."Oh my God " bulalas ni Yvone. Dapat ba siyang matakot. manyak ba ito. Pinakiramdaman ng dalada ang sarili ang kaloob looban walang masakit parang walang nakialam.Nahiya si Yvone sa sarili dahil sa pagiisaip ng masama sa taong nagpala sa kanya.Nakiramdam ang dalaga kung may tao sa labas ngunit tahimik. Iginala niya ang paningin sa loob ng kuwarto baka may larawan doon ng taong pinagkakautangan niya ng kanyng buhay pero wala siyang nakita.Sinubukan ng dalagang bumangon ng tuluyan pero nahilo siya at mas kumirot ang likod na bahagi ng ulo niya.Pinapawisan din siya ng malagkit kahit pa nga bukas ang electric fan. Hindi muna kumilos ng ilang sandali ang dalaga inadjust ang sarili,dapat ay dahan dahan ang kilos niya para di maalog ang ulo niya.Nakatayo na ng kama ang dalaga
Malaking tao pala ito marahil ay mga 5'10 ito at malapag ang balikat. Mukhang batak sa trabaho ang lalaki dahil mamasel ang braso nito bakat sa tshirt nitong kulay black nakashort lang ang binata. nakita pa niya ang tattoo nito sa malapit sa ibabang binti bago ito tuluyang lumabas ng pinto."Sino ang kanyang super hero?"Tuluyan ng dumilat ang dalaga ng makalabas na ang lalaki. Kinuha ang baso ng tubig at inubos ang natitira pa doon.Malaki ang pasasalamat niya sa lalaking kalalabas lamang ng silid. Tinulungan siya nito kahit hindi siya kilala alam niyang madami itong itatanong kapag nagising siya kaya matamang nagiisip ang dalaga. Mabuti na lamang at hindi naisipan ng binata na dalhin siya sa hospital o sa pulis bukod sa maraming tanong at imberstigasyun makakaladkad pa ang pangalan niya sa diyaryo.Malamang sa sandaling ito ay sigurado siya na nagpa press release na ang tita niya ukol sa kanya at parang nakikinita kinita na niya ang buod ng mga kuwento sa nangyaring ito sa kanya. Ka
Tinitigan ng binata ang dalaga mula ulo hangganng paa pakatapos ay inalis sa isip ang posibilidad na biglang pumasok sa isip niya Malabo kase atang mangyari iyon. Maganda ang dalaga , makinis at petit malabong maging kriminal ito.Sa hitsura nito ay para pa ngang takot ito sa ipis at daga. Kung meron man itong nasaktang tao malamang ay may ginawang hindi maganda sa dalaga ang mga iyon. So, kung sakali ay baka tama lang na hindi niya dinala sa pulis at sa hospital ang dalaga dahil baka masundan pa ito at lalong manganib ang buhay."Miss sigurado ka wala kang natatandaan sa lahat ng nangyari sayo. Kahit kapiraso? Baka kase may trauma ka pa o masakit pa ang ulo mo kaya wala kang maalala " tanong ni Intoy na bakas sa boses ang pagaalala."Wala akong maalala..Bakit? bakit wala akong maalala bakit? Anong nangyari sa akin ?" sinabayan pa ng hikbi ng dalaga. Lalo naming ikinabahala ito ni Intoy."Teka lang miss, miss wag kang umiyak wait!" At automatikong hinagod ni Intoy ang likod ng dalaga
Nakaramdam ng habag ang binata para sa dalaga. Hindi niya malaman pero naroon sa puso niya ang kagustuhan malaman ang lahat ukol dito. Nais niyang alamin kung nasa panganib ang buhay nito. At ano ito ano itong nakakapa niya sa isang sulok na bahagi ng puso niya. May pagnanais na alagaan ang dalaga."Siraulo ka Intoy, lupet mo din noh, sa tingin mo hihingiin ng dalagang yun ang tulong mo? Eh sino ka naman ano naman magagawa mo? anu aalukin mo ng isda?" kantiyaw ni Intoy sa sarili."Sa hitsura nun mukhang mayaman eh baka nga hinahanap na yun at kapag nagbalik ang alaala nun bye ka na lang tsong" sulsol ng isang bahagi ng isip ni Intoy.Nalungkot ang puso ng binata sa isiping iyon palaging sumasagi ang mga ganung tanong sa isip niya matapos nga na maka alala ang dalaga ay mawawala na ito sa pangangalaga niya. Pero nang maisip na posibleng mayaman ang dalaga ay kinabahan siya baka masama ang ugali ng dalaga at ang angkan nito baka siya pa ang madamay sa gusot nito baka magkanda leche lech
Masaya na sana ang dalaga ng sabihin nitong wala siyang asawa pero biglang kambiyo si ligaya dahil may gf na pala ang poging mamang ito. Matapos iabot ang damit sa dalaga, ay inabutan niya ng palanggana may malinis na tubig si Yvone at isang towel.Inilagay naman niya ang isang kulay asul na tuwalya sa tabi ng higaan nito. Pagkatapos ay nagpaalam na lalabas lang sa sala at sinabing tawagin siya kapag tapos ng maglinis ng katawan at makapsgbihis na.Lumipas ang halos trenta minutos ay nainip na nag binata, inisip na baka kung napano na ang dalaga o kailangan ng tulong at hindi lamang makapagsabi. Tumayo ang binata sa sofa at tumalikod patungo sa silid. Ngunit laking gulat nito ng makitang nakatayo sa likuran niya ang dalaga."Miss" kanda bunggo bunggo pa sa lamesita si Intoy sa pagtayo at pag dulog sa dalaga."Okay ka na ba? Bakit ka tumayo? baka kung mapano ka? nag aalalang tanong ni Intoy.Napangiti ang dalaga sa nakitang pagkataranta ng lalaki. Malaking tao ito pero nag mumukhang cu