Hindi pagkabigla ang makikita sa mukha ng headmaster, takot. Tila tattoo ang sunog na parte ng aking braso, isang dragon tail. Kahit ako ay nabigla. Ito ang kanina pang mainit ,mahapdi at kumikirot.
“Mukhang mangyayari na ang kinatatakutan ng karamihan Frea.. Makakaalis ka na, sana ay walang makaalam ng kung ano ang nakita mo rito.”
“Masusunod po headmaster.” Tumayo na si Frea at yumuko bilang paggalang at umalis na ng kwarto
Pagkalabas ni Frea tinabihan ako ng headmaster sa couch, sumeryoso ang itsura ng headmaster, nakikita nya na kahit ako ay naguguluhan na sa mga nangyayari.
“Dane, may alam ka pa bang kakaiba sa kakayahan mong kapangyarihan, bukod sa pagiging invisible?”
“Pwede nyo po bang ipaliwanag lahat ng nangyayari? Kanina pa sinasabi ni Frea ang tungkol sa isang legend. Nauupos na ang pasensya ko.”
Tumayo ang headmaster at ikinumpas ang kamay nya na kanina pa binabalot ng mahaba nyang manggas. Itinaas nya iyon na pantay sa kanyang dibdib at nakatapat sa akin. Kulay dilaw na liwanag ang lumabas doon. Nakakasilaw. Napapikit ako sa tila nakakabulag na liwanag nito.
Nagising ako sa hindi kilalang lugar. Luntian ang buong lugar, malawak iyon. Matatayog ang mga puno, naglakad ako habang nagmamasid sa paligid. Narating ko ang mga puno at may isang tao, nababalot ang buong katawan nya ng isang navy blue na coat, hanggang talampakan nya iyon. May hawak sya na staff at kada kumpas nya ay may kulay berdeng ilaw na lumalabas.
Nagtago ako sa isang katawan ng puno. Isang iglap lang ay may lumitaw na puno, kasing pula ng dugo ang katawan nito, itim at puti ang mga dahon at ang ilan ay nakapalibot sa katawan nito. Natigilan sya at luminga linga, napigil ang paghinga ko, nakita nya ba ako?
“Alleria.” sigaw nya at mula sa lugar ko ay nagbagong anyo ang tinataguan ko. Napaupo ako sa nangyari.
Sya siguro ang forest charmer na tinutukoy ni Chief Pietro. Huminga sya ng bahagya at nagkaroon ng kakaibang barrier ang bawat puno na nilikha nya.
“Esther, magpahinga ka na… Inuubos mo ang lakas mo.”
Isang lalaki ang lumapit sa babae, inalalayan nya ito at ngumiti. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.
“Pietro, ayos lang ako.” sabi niya habang tinutulak ng mahina ang lalaki palayo.
Natigilan ako sa sinabi nya. Iniangat saglit ni Pietro ang manggas ni Esther.
“Lumalala na ang seal. Baka hindi kayanin ng katawan mo ang kapangyarihan na tinatago nito.” Tinabig ni Esther ang kamay ni Pietro.
Tinignan nya ang lalaki at nagsalita ng may mapait na ngiti, “Magpakalayo ka na Pietro, maghanap ka ng lugar na maari mong pamunuan.”
“Bakit? Ayaw mo ba akong kasama dito? Tayo ang mamumuno, Esther”
“Lumayo ka na Pietro, pumunta ka sa norte. Mauulit muli ang nangyayari sa akin, at kapag dumating iyon pipiliin ko ang lahi mo na mangalagaga sa matinding kapangyarihan ko.”
“Esther…”
Pinakita ni Esther ang tattoo nya kay Pietro.
Lumiwanag muli at pagkadilat ko ay nasa ibang lugar ako. Nasa bayan namin ako. Nakikita ko ang mga magulang ko, si mama may kakaibang marka din sya, napapangiwi sya sa itim na iyon na tila nagliliyab.
Papunta sila sa isang bahay na gawa sa kahoy, napapaligiran iyon ng halaman at may dalawang puno na kakaiba. Inaakbayan ni papa si mama palakad sa bahay ni Chief Pietro, inalalayan nya ito papasok. Maya maya ay nagliwanag muli.
“Paano kung isa sa kanila ang magmana ng tattoo ni Esther?” Tinig ng babae ang naririnig ko.
Malumanay ang boses at malambing iyon, mararamdaman na nag aalala sya.
“Kailangan nyong ingatan ang anak nyo, obserbahan nyo silang dalawa ni Faye.” Tinig ng matandang lalaki ang narinig ko, doon ko na nalaman na kami ni Faye ang pinag uusapan, at ako ang nagmana ng tattoo na nagmula kay Esther.
“Hindi titigil ang tattoo na iyan hanggang may buhay na Leviathan. Si Esther ang pumil ng lahi natin, patunayan natin sa kanya na hindi sya nagkamali sa kanyang pagpili.” tugon ni Chief Pietro.
“Hanggang kamatayan ay sasamahan namin sya, Chief.” tugon ni papa.
Nagliwanag muli at pagmulat ko ay nasa isang kwarto na ko. Masakit ang ulo ko. May fairy sa tabi ko at tila sya ang nagbantay sa akin.
Lumipad sya ng bahagya nang makita nya na nagising ako. Tahimik lang sya, ngayon lang ako nakakita ng lalaki na fairy, kulay pula ang mahaba nyang buhok, wala syang saplot pang itaas, at tila paldang bagsak ang kanyang pang ibaba, meron syang loose na pantalon sa loob at sandals ang pangyapak. Tumabi sya sa akin, tinignan nya ako . Dahan dahan akong tumayo, at lumipad sya palayo ng konti.
“Dane isuot mo yung damit na nasa couch.couch” utos nya.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na may isang shirt na puti at pinalalamutian ng berdeng kristal, ang pantalon ay maluwag pero fitted ang bandang sakong.
“Ano ang meron? At paano mo nalaman ang pangalan ko?”
“Si Headmaster Regina ang nagsabi ng pangalan mo, nawalan ka ng malay ng tatlong araw. Pista ngayon sa bayan. Dhirma ang pangalan ko.” Yumuko ito bilang paggalang.
“Ipinakita na sayo ni headmaster ang pinanggalingan ng tattoo. Ikaw ang isa sa napili na magmana ng Esther tattoo.”
“Paniniwala ni headmaster na ikaw ang iniingatan ng lahi mo, dahil ikaw ang nagkaroon ng tattoo. Iyon din siguro ang dahilan kaya nagkaroon ng wipeout.” Sabi ni Dhirma.
“Mag - aasikaso muna ako Dhirma.” ang naging tugon ko sa kanya
Ilang saglit lang ay naglakad na ako palabas sa kwarto, “Dane isuot mo itong crest. Pangangalagaan ka nyan sa kung ano mang kapahamakan.”
Isa iyong rosegold na crest na may silhouette ng dragon, octagon ang sukat nito at hindi na la-laki sa sukat ng kamay ng bagong silang na sanggol.
Pagkasuot ko non ay nanguna si Dhirma sa lugar. May pixie dust na nahuhulog habang lumilipad sya. Tila dahon ang mga pakpak nya na kulay luntian. Pagkadating namin sa hallway ay isa isang nagsiyuko ang mga palace guards. Naroon na rin si Frea at ang lalaki na may fairy din, si Rhei.
Naka ayos rin sila.
“Tayo na Dane, hinihintay ka na nila.” sabi ni Dhirma.
Chapter 4 : The ritualPagkalapit ko ay siya namang paglingon ni Rhei, naka brush up na at mas maayos na ang buhok nito at naka pink itong long sleeves shirt, si Frea naman ay naka-dress na puti at dinisenyohan ng bulaklak na halong puti at asul, naka-bun ng maayos ang buhok n'ya, ang fairy ni Rhei ay masiglang bumati kay Dhirma.Nakasuot si Sheena ng asul na cocktail dress at naka-braid ang mahaba nitong buhok. Ngumiti lamang si Dhirma.Frea’s POVHindi ko lubusang maisip kung paano s'ya naging Leviathan sa kanyang kapangyarihan. Pinaliwanag sa amin ni headmaster na isa s'ya sa mga napili ni Charmer Esther.S'ya ang nagtataglay ngayon ng pinakamalakas na kapangyarihan. Pinakiusapan kami ni headmaster na i-train s'ya mabuti para mahasa ang natatagong ability n'ya, at lumabas ang ilang kapang
“H-headmaster” ang tanging naging tugon ni Grethel. Para syang maamong tupa sa pagdating ng headmaster.Matalim ang tingin nya sa amin, “Inside. NOW!”Lahat kami ay nagulat at mabilis na pumasok papunta sa opisina ng headmaster.Ngayon ko lang sya nakita ng ganon, galit na galit ang boses at itsura nya.Nasa loob na kami ng opisina at nakaharap kay headmaster Regina. Nasa harapan si Miss Grethel na umamin na sya ang nagsimula ng gulo, nasa likuran kaming tatlo nasa balikat ko naman si Dhirma.“Sheena, dalhin mo na si Dane sa kwarto nya. Dane, magpahinga ka na. Mahaba ang araw mo bukas.” utos ni Headmaster Regina.Sheena pala ang pangalan ng fairy ni Rhei bulong ko sa sarili ko. Ti
Rhei’s POVPagkatapos namin sa training room ay ibinalita ko kaagad kay Regina ang mga nangyari.“Hindi na nya kailangan magtraining, nagagawa nya ang naisin nya. Sa lawak ng kaya ni Dane ay hindi nya alam kung paano kontrolin iyon at hindi nya alam alin ang dapat na gamitin.” wika ni Headmaster Regina.Kinuwento ko kay Regina ang nangyari sa training room. Labis na pagkabigla ang naipinta sa kanyang mukha. Hindi nya inaasahang ganon ang mangyayari, sabi nya sa akin magsasanay sya sa ilalim ni Grethel at Timmy.“Sigurado ka, Headmaster Regina?”“Kailangan nyang magsanay sa mga kagaya nya. May 3% ng Esther Tattoo si Timmy, samantalang si Grethel ay ampon ng mga Charmers.”Hindi kagaya ng
I cleared my throat at natigilan silang dalawa. Umupo kami sa damuhan malapit sa entrance ng Valiant Forest.“Okay, Dane makinig kang mabuti.” pagsisimula ni Miss Grethel na inayos ang robe bago umupo ng tuluyan sa damuhan.“Ang crest na ibinigay sayo ni Dhirma ay galing pa kay Esther habang binubuo pa lamang nya ang Charm City. Magkaiba ang crest nyo ni Frenny, although may pagkakahawig ito ay ginawa lang iyon ng ama nya. Masama ang idudulot non pag iba ang nagsuot, sa iyo ito nagreact ng maayos.”Tahimik kami nina Rhei na nakikinig, kahit sya ay interesado sa sinasabi ng tinuring nyang ina.“Ano ang mangyayari pag iba ang nagsuot?” Tanong ko sa kanya.Hindi sya sumagot, she hesitated yet, what she did surprised us. She opened her buttoned robe from her neck down to her upper chest.Isang malaking peklat na kulay pula ang naroon, kahit si Rhei ay nagulat. Ilang segundo lamang nya i
Maraming nagkalat na fairies sa Rimiera, pero bihira ang pinagkakatiwalaan nito.Malaking tulong ang pagkakaroon ng fairies, pero pahirapan ang pagkakaroon.Sa kalagayan ko ay iba, si Dhirma na isang pious fairy ay may kakayahang magpagaling ng mga sugat, ang bilis ng paggaling ay depende sa natamong pinsala.Si Sheena naman ang rarest fairy. Kaya nyang baguhin ang itsura ng isang ordinaryong bagay at lagyan ito ng ability gaya ng ginawa nya sa bulaklak na nakita lang nya sa Valiant Forest , kaya nya ring bawiin ang mahikang iyon kapag hindi nagamit.Si Timber na taga-pangalaga ng mga gubat sa buong Rimiera, si Yajima ang isang fairy na kayang sumuporta tuwing combat, kaya nyang magtransform sa iba't ibang weapons sambitin lang ng summoner.“Dane maaari kang maglabas masok sa Cha
Dane’s PoVBumabalik lahat ng alaala ko nang tumapak muli ako sa Forest of Levi.Mas lamang ang numero ng masasayang bata na naglalaro, mga matatanda na tahimik na namumuhay.Wala silang kaalam alam sa mangyayaring wipeout.“Psst! Dane.”Lumingon lingon ako sa paligid.“Psst! Dane.”“Sino ang nandyan? Ipakita mo ang sarili mo.” hindi ko man lang nadala ang mga dagger ko, patuloy lamang ang pagtawag sa akin ng tinig na iyon.Maingat akong naglakad papasok sa gubat, nang may biglang lumitaw na fairy sa harap ko,“Ano ang pakay mo sa Gubat ni Levi?” alam kong si Timber iyon dahil sa pananamit nya na mukha syang wood cu
Third Person’s POVPagkaalis nina Travis at Dane ay saka bumalot ang kulay lila at pula na barrier. Itinulak nito lahat ng mga kaaway palabas ng Charm City.Kinontrol ni Yui ang panahon at umulan sa lungsod ng mga charmers, binigyan naman ni Frenny ang ilang kalaban ng ilusyon na nakikipaglaban pa rin.Pagkahatid ni Travis kay Dane sa Gubat ni Levi ay tinungo naman nito ang Valiant Forest, bago pa man nya marating ang gubat ay marami syang nakasagupa. Pagkarating nya sa bahay nina Timmy at Esther ay kaagad nya na nilikas sila papunta sa academy.“Ligtas na sa academy, Esther.” sabi ni Travis.Maraming sugatan na charmers ang pinagagaling ng mga healers. Unti unti namang nagising si Regina at nabawi ang kanyang lakas. Mabilis na nakabalik si Travis kasama ang mag ina.“Nasaan si Dane?” Sabay na tanong nina Regina at Esther.Walang may balak
"Hikaru, dito ka lang, babalik agad ako, ikukuha kita ng makakain."Mahinang ungol lamang ang narinig ni Dane dito, nagmamakaawa na isama sya. "Mukhang ayaw nya humiwalay sayo, Dane" sabi ni Frea.Nagpaalam sina Head master Regina at pumunta sa mga kani - kanilang mga kwarto.Umatras ang lahat ng kalaban nila nang napansin nila na wala na si Luna.Natigil na rin ang pag ulan sa syudad. Tinulungan ng mga charmers ang mga sibilyan na sugatan at ang ilang mga dayuhan na nawala na sa kapangyarihan ni Luna.Natagalan pa si Dane bago nya naalala si Zele, baka may sagot ito sa mga katanungan nya. Pumikit sya at binulong ang pangalan ni Zele. Maliit na liwanag ang lumabas mula sa kanyang braso, kung nasaan ang summoning seal para kay Zele.Nakita ni Frea ang maliit na fairy na lumabas malapit sa kanila. "Ano?" Tanong ni ZeleNapakamot na muna ng ulo si Dane bago s'ya nakatugon kay Zel