I don't know what happened pero sana bukas maayos na ang lahat sa atin. Please kung may problema ka man sa akin sana sabihin mo. I miss you so bad Baby. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. I love you so much Roe. Please come home...My tears kept falling while I was remembering the last message I sent to him before that night happened. I felt it already. I knew there' s something wrong between us. I am just in denial.Hindi naman siya ganun sa akin. Siya pa ang palaging nauunang bumati sa akin ng good morning at kahit sa gabi hinihintay niya pa ako kahit late na akong umuuwi galing sa trabaho.Muli na namang nag-uunahan ang mga luha sa pagtakas sa aking mga mata. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito? Sa tuwing nag-iisa ako at naaalala ko ang mga nangyari sa amin nasasakta pa rin ako.Kahit na sobrang sakit ang pinagsasabi niya nung gabing yon sa akin umaasa pa rin ako hahabulin niya ako. Gusto kong marinig sa kanya na babalikan niya ako gaya ng pangako niya pero wala.
"Thank you for flying with us." nakangiting bati ko sa mga pasaherong palabas ng eroplano. Sa di kalayuan nakikita ko na ang seryosong mukha ng anak ko kasama ang Papa Gaston niya. Laking pasalamat ko na sa buong byahe ay hindi tinupak si Dalton. Palibhasa kasama niya si Gaston at alam nito paano utuin ang suplado kong anak. It's the first time after ten long years na makakatuntong si Dalton dito sa Pilipinas kaya din siguro tahimik ito. Sa flight kanina, kung hindi sila nanood ng movie ni Papa Gaston niya ay naglalaro lang ito sa ipad niya. Sabagay, hindi naman talaga pasaway na bata si Dalton. He's a quiet type of kid, he prefer sitting alone and playing by himself kesa sa makipag kaibigan at makipaglaro sa ibang bata.At his age I can say that his more mature than the other kids. Siguro dahil madalas niyang nakakausap ay mas nakakatanda sa kanya kaya ganun siya.Kapag may flight ako sila lang ni Gaston ang naiiwan sa bahay kaya kabisadong kabisado na nito ang ugali ni Dalton. Ma
"Nice to finally see you again, Zia."I smiled softly at him.Pinili ko mang lumayo noon at manirahan sa amerika pero may mga taong kailanman ay hindi ko malilimutan at isa na doon ang taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko man siya kaano ano pero naging malapit ako sa kanya noon at tin-rato niya akong parang isang anak. Bakas ko ang kasiyahan sa mukha niya. Ilang taon man ang lumipas nararamdaman ko pa rin na walang nagbago sa kanya. I can still feel the sincerity in him. That genuine friendship that I found in him."I'm happy that you are back, anak." My tears teared up from what I heard. He still hadn't changed. Anak pa rin pala ang turing niya sa akin hanggang ngayon. I could still remember how he helped me that day I fainted. Nung gabing pinilit ko ang aking sariling makipag dinner sa kanya kahit masama ang pakiramdam ko.I could still remember how he listened to me when I cried pouring my heart out to him about what happened to me and my boyfriend back then. Ang masaya sana n
"Do you wanna go home Babe or do you wanna eat first?Natigilan ako sa tanong ni Kuya Gustavo at hindi ko alam kung alin ang una kong gawin. Ang punain siya sa kaka-babe niya sa akin o ang sagutin ang tanong niya?Feels weird hearing Kuya Gustavo calling me babe. Ano jowa lang ang peg?Gusto kong isiping nagbibiro lang si kuya pero seryoso naman yong mukha niya ng nagtanong siya sa akin. Dati kasi 'pag tinatawag niya akong baby binubuntutan niya ito ng tawa o di kaya binabawi kaya alam kong binibiro niya lang ako pero pakiramdam ko iba ata ngayon."Why are you not talking, baby?" Tanong niya ulit.Ano to, bakit parang hindi na siya nagbibiro? Hala wag naman sana, ayokong isipin na may gusto si Kuya sa akin. Tiningnan ko si Kuya diritso ang tingin niya sa kalsada pero ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin.Anong meron? Bakit pati ang ngiti niya iba? Is he doing it on purpose to annoy his brother again ba?Baka nga, kasi nung tiningnan ko si Gaston ay magkas
ETHAN ROE'S POV"We are now inviting those passengers with small children and any passengers requiring special assistance to begin boarding at this moment. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximate ten minutes."We just had our business conference in Singapore and my dad came with me. I was sitting silently beside my father waiting for our flight to be called when I heard the pre-boarding announcement."Are you okay son?" My dad asked and I nodded, pained. "We'll find her soon." He said and slightly tap my shoulder.It's been ten years and I'm still hoping that one day I would see...my baby. Ilang taon na din akong nagbabakasali na sana mahanap ko na siya. I'm tired, pagod na pagod na ako pero hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan ko pa siyang makita, kailangan ko pang humingi ng tawad sa kanya. Kung saan-saang paliparan na ako nakakarating pero hindi ko pa rin siya mahanap-hanap. Ilan private investigators na rin ang kinuha ko
Not all scars show and not all wounds heal."He's outside." I clearly heard someone said from the other table. Hindi man klaro sa akin kung sino ang taong nasa labas pero bigla akong binundol ng kaba. Umayos ako ng upo at agad pinakalma ang aking sarili."Villegas, e-video mo ang reaksyon niya, para makaganti tayo.""Tang-ina mo Valderama, di na kayo naawa dun sa tao.""Wow Montengro may sinabi ka? Kasalanan niya naman ah.""Kung maka-kasalanan ka naman , parang ang bait-bait lang ah."I can't focus anymore. Kahit hindi ko man sadyang pakinggan ang pinagsasabi nila naririnig ko pa rin sa lakas ng mga boses nila. Kahit si Kuya Gustavo alam kung nakikinig na din sa usapan nila. Para silang mga batang nagbabangayan kung sino ang pinaka mabait sa kanila." Bakit ikaw ba Sarmiento hindi? Banal ka ba?""Ang iingay niya papalabasin ko kayo dito sa eh.""Yabang mo naman Villegas, porke ba sayo to?""Shut up, will you? Any minute he'll come""Huy! Tahimik daw, gago!"Wala sa sarilig napaling
"Zia please, I'm begging you baby..." Malakas niyang tawag sa akin pero hindi ko siya nilingaon. Nagmamadali akong pumasok sa sasakyan ni Kuya Gustavo para hindi niya ako maabutan. I heard his friends trying to stop him pero hindi nila nagawa. "Baby please." kinalampag niya ang pintuan ng sasakyan ni Kuya. " Zia! Zia please open this! Wag mo akong iwan!" Parang nakidalamhati ang langit sa kanya dahil kasabay ng pagbabagsakan ng mga luha sa kanyang mga mata ay siya ring pagbagsak ng mga ulan. He's crying and weeping under the rain waiting for me to give him mercy but I felt nothing. Nawala ang lahat ng lambot ng puso ko dahil sa sakit na iniwan niya sa akin. Naging bato ako dahil sa kanya. Pati ang mga kaibigan niya ay nakiramay din sa kanya. Kahit nababasa na ang mga ito sa ulan ay hindi pa rin siya iniwan. Lumapit si Calyx at Gaden sa kanya para ilayo siya sa sasakyan namin pero nagpupumiglas siya. "Zia please...maawa ka sa akin. B-baby maawa ka." he keeps banging the door.
"Dalton, come here." Tawag ko sa anak ko pero sa unang pagkakataon parang wala itong narinig.Nanatili itong nakatayo kaharap ng lalaking kagabi pa namin iniiwasan at nakaipag sukatan ng tingin. Agad akong lumapit sa anak ko para itago siya sa aking likuran. I know it's too late, he already had seen him. The pain and regret in his midnight black eyes says it all as he stares back at me."Z?" his voice broke, pained. His eyes watered when he tried shifting his gaze to the little man behind me but I move to cover him from him.Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko lalabas na ito sa aking dibdib. I know this day will come but I didn't expect it to be this fast. Ethan's eyes are now full of tears. He was clearly in pain. Nanginginig ang labi niya da pagpipigil na may lumabas na ingay mula sa bibig niya.Gusto kong maiyak, bigla akong nakadama ng awa para sa kanya pero hindi ko ito dapat na maramdaman. Ginusto niya ang lahat ng ito kaya dapat lang na harapin niya ang result