Kinakabahan pa din ako nang magsimulang buksan ni Damien ang Paper bag kung saan nando'n ang binili kung remembrance para sa kanya. Napakunot ang noo nito nang tuluyan niya nang mahawakan ang key chain na binili ko para sa kanya.
Napatungo na lamang ako dahil sa magkahalong kaba at excitement. Kinakabahan ako na baka hindi niya ito magustuhan at excited din siyempre.
"This is a key chain," aniya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "I love how your name being put in here." Tuluyan na nga akong napakagat sa ibabang parte ng labi ko dahil sa sinabi niya. Kanina kasi napagdesisyonan ko na ilagay ang pangalan ko sa key chain. Ewan ko din ba kung bakit ginawa ko 'yon. Buti na lang at mabilis nila itong nailagay.
"Sorry Damien, kung bakit inilagay ko ang pangalan ko diyan. Kung ayaw mo puwede mo naman 'yang tanggalin." Sabi ko na ngayon a
(Sabrina's POV)Umaga na din nang makauwi kami dito pabalik sa lugar namin. Hindi na ako kumain at nagpahinga sa kuwarto. Si Damien naman ay dahil hindi nakaramdam nang pagod ay Business meetings naman ang inatupag. Nagpaalam na lang ako sa kanya na hindi muna ako sasama at magpapahinga na lamang.Mabuti na lang at pumayag. May jetlagged pa din kaya ako. Kailangan kung ipahinga ang katawan ko. Ilang oras din kaming bumiyahe dahil sobrang layo ng London.Na sa kalagitnaan na ako nang pagtulog nang bigla namang tumunog ang telepono ko. Napabuntong na lang ako sa hininga ko at pinilit buksan ang mata para sagutin ang tumatawag."Hello," ani ko sa napapagod na boses. Bigla naman akong napatuwid nang upo ng si Damien ang na sa kabilang linya. Iyong tipo na kanina ay sobrang napagod ako pero no'ng marinig ko ang boses niya ay bigla akong nabuhayan.
(Sabrina's POV)Iisang lugar lang ang alam ko na maaari kung puntahan ngayon. Iyon ay ang dati kung tinitirhan. Agad-agad ko namang ipinaalam sa Taxi driver ang daan patungo sa Condo ko.Ilang minuto lang ang biyahe at agad akong nakarating doon. Agad akong nagbayad sa driver at pumasok sa loob ng Condo. Sakay ang elevator ay narating ko kaagad ang kuwarto. Gamit ang susi ko ay agad ko itong binuksan at bagsak ang balikat na umupo sa sofa. Sobrang sakit pa din ng puso ko hanggang ngayon.Sariwa pa rin sa isipan ko ang tagpong nakita ko kanina. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Damien sa akin. Hindi ko aakalain na magagawa niyang makipaghalikan sa ibang babae mismo pa sa harapan ko.Bigla niya namang nakalimutan na kasama niya ako. Sabagay, hindi naman niya ako Girlfriend at isa pa parang wala lang naman sa kanya 'yong nangyayari sa amin.
(Sabrina's POV)Nanatili akong nakatunganga at hindi malaman kung anong sasabihin. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin tanggapin ng isip ko ang sinabi niya. Parang hindi ako makapaniwala. Parang mali lang ako nang dinig.Bigla ko naman na iniling ang ulo ko dahil ayaw ko talaga maniwala sa sinabi niya. Baka nga binibiro niya lang ako. Paano niya naman mapapatunayan sa 'kin na mahal niya ako kung kanina ay hinalikan niya ang babae."Hindi ako naniniwala sa 'yo, Damien. Umalis ka na at kailangan ko nang magpahinga." Sabi ko at paika-ikang pumunta sa kama. Akala ko aalis na siya pero bigla niya namang hinawakan ang kamay ko dahilan para tignan ko siya nang masama.Sobrang sakit na nga ng puso ko tapos gusto pa niyang dagdagan ang sakit. Ang sama niya kung gano'n."Ano bang puwede kong gawin para maniwala ka?" Tanong niya dahilan para matawa ako
(Sabrina's POV) Pagkababa namin ni Damien sa kotse ay agad kaming naglakad papasok sa loob ng bahay. Medyo masama pa din ang pakiramdam ko dahil sa alak. Mukha atang nasobrahan ako nang inom. Siyempre sino ba namang hindi maglalasing dahil sa nangyari kanina. Pero ayos na kami. Katunayan nga nito ay nakahawak pa si Damien sa kamay ko at kagat-kagat ko pa ang ibabang parte ng labi para pigilan ang sarili na mapangiti. Sobrang kinikilig ako kay Damien. Ganoon na lang ang pagtataka ko nang may mapansin ako na nakaparadang kotse. Madami namang kotse si Damien pero halos lahat ay kilala ko na. Ngayon ko lang ata napansin ang bagong kotse na ito. "Do we expect a visitor?" Biglang tanong ko dahilan para pisilin niya ang kamay ko. Nagtaka naman ako nang biglang huminto si Damien sa paglalakad at hinarap ako. "Whatever happen Sabrina, please
(Sabrina's POV)Bigla akong napatalikod nang makita ko ang tatlong rosas na hawak ni Damien. Iyon ang kanyang sinasabi na gusto niyang ibigay sa akin at gano'n na lang ang pagkabog ng puso ko dahil pinapakilig niya na naman ako.Napapakagat na nga lang ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili na mapangiti. Kinukurot ko nga din ang mukha ko na baka nananaginip lang ako pero nakaramdam ako nang sakit."Hey, is there something wrong?" Tanong ni Damien. Hindi pa din ako humaharap dahil nahihiya akong makita ni Damien ang pamumula ng mukha ko."Wala," ani ko na hindi makasagot nang diretso. Ang lakas talaga nang kabog ng puso ko."So, why can't you face me. Turn around, Sabrina." Utos ni Damien kaya napahinga ako nang malalim. Bakit ba ako mahihiya? Ewan ko din ba, talagang hanggang ngayon ay nahihiya pa din ako kay Damien.
(Sabrina's POV)Kasalukuyan pa din akong nakatunganga sa harapan ng mga hindi ko kilalang bisita ni Damien pero may namumuo ng ideya sa utak ko kung sino at ano sila sa buhay ni Damien.I am a keen observer too and based from my observation, they must be his friends. Kung paano siya tratuhin ng kanyang mga bisita ay alam kung matagal na silang magkakilala."Gusto niyo bang ipatikim ko ang bala ng baril ko sa bibig niyo?" Kalmadong tanong ni Damien habang pinaiikot ang baril niya sa kamay kaya't ako man ay hindi din maiwasang kabahan.Nakakatakot tignan ni Damien kapag may hawak na baril. Nananayo ang balahibo ko sa buong katawan ko."Masyado namang mainit ang ulo mo bossing. Tinatanong lang naman namin kung namiss mo ba kami." Napanganga ako nang marinig ko iyon mula sa tatlong lalaki sa harapan ko.Pero ang mas napansin ko, bakit tinawag nila
(Sabrina's POV)Nanatili pa din akong nakatayo at nakaharap kay Damien. Siya naman ay ganoon pa din ang reaskiyon na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kanina lang."Gusto pa kitang ligawan Sabrina kahit na nagkaaminan na tayo. Kahit sinabi mo na hindi na kailangan pang ligawan kita ay kailangan ko pa ding gawin iyon. Kahit na tayo na, hindi ako magsasawang sabihin sa iyo na mahal kita at ikaw lang ang babaeng nagparamdam sa akin nang ganito. Pinukaw mo ang nagtatago kung kasiyahan, Sabrina." Biglang hinawakan ni Damien ang kamay ko kaya't sobrang lakas nang pagkabog ng puso ko.Iyong tipo na, gusto na nitong lumabas sa dibdib ko sa sobrang lakas nang kabog. Nakakatuwa lang isipin na iyong Damien na kilala sa nakakatakot na presensiya niya ay biglang naging maamo sa akin.Kaya't ramdam ng puso ko na mahal niya nga talaga ako. Hindi ako nag
(Sabrina's POV)Isang araw din ang lumipas at wala kaming ibang ginawa kung hindi magsaya sa mansion ni Damien. Nagdesisyon kasi siya na hindi muna papasok kaya napagpasyahan niya na manatili sa bahay at siyempre ano pa bang ginawa namin.Imbis na sa kaniyang kuwarto siya tumambay ay sa kuwarto ko na siya nanatili buong araw. Hindi ko naman siya matanggihan siyempre, ano pa bang dapat naming gawin?Manood ng telebisyon, humalakhak, kumain at nagkuwentuhan. Pero siyempre may nangyari din sa amin. Nahihiya nga ako pero kailangan ko na yatang masanay lalo na at girlfriend niya na ako at boyfriend ko siya.Ilang minuto akong nanatiling nakapikit at walang balak na imulat ang mga mata ko. Actually, kanina pa talaga ako gising at medyo ayaw pa bumangon ng katawan ko. Pero dahil umaga na at sigurado akong gising na si Damien ay bumangon na ako.Una kung ginawa ay pumuntang ban